Kabanata 5 — Hawak

Balisong

"Alam mo Picasso, crush kita dati pa. Ngayon ko lang 'to sayo aaminin.... matagal na akong may pagtingin..."

 

Kinakausap ni Taeyeon ang litrato ni Picasso sa cellphone niya at zino-zoom niya pa ito, nasa labas siya ng kwartong inuupahan nila ng roommate niyang si Tiffany.

 

"Taeyeon?"

 

Nagmula ang boses sa banyo, naglalagay si Taeyeon ng pabango, maaga siyang naligo dahil excited siyang pumunta sa Museum kasama si Tiffany.

 

"Bakit?"

 

"Uhm.."

 

"Uhm..?"

 

"Pwedeng lumabas ka muna ng kwarto? K-kasi magbibihis ako... Nasa kama kasi yung damit ko..."

 

Nanlaki ang mata ni Taeyeon at tumingin sa kama na ginagamit ni Tiffany. Nandoon nga ang mga damit. Nakita niya ang sarili sa salamin na namumula.

 

Gago Kim Taeyeon, bakit ka namumula?

 

"O-okay... lalabas na ako... e-enjoy sa pagbibihis..."

 

Enjoy? Gago?

 

"Sige, palabas narin ako ng banyo."

 

"Pa-kiss naman ako sa lips, Picasso. Ang tagal ko nang nagtitimpi say—"

 

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Ibinulgar nito si Tiffany. 

 

Tiningnan niya ang babae mula ulo hanggang paa. Ang ganda. Ang bango. Ang perfect.

 

Naramdaman niyang umangat ang mga labi niya.

 

Lumalakas ang tibok ng puso niya.

 

Anong nangyayari?

 

"Ah Taeyeon? naririnig mo ba ako?"

 

"H-ha? S-sorry, ano ulit?"

 

"Sabi ko, pwede ka nang pumasok sa loob. Salamat at pasensya sa abala."

 

"N-nako! wala yon! yun lang pala, kahit araw-araw mo akong palabasin tuwing maliligo ka, okay lang."

 

Maganda ka naman eh hehe

 

"Gusto mo ba ng salad?"

 

"Sure."

 

"Ready ka na? Tara na sa kotse?"

 

"Ready na."

 

"Okay"

 

Bumaba sila ng hagdan ang nagtungo sa kotse ni Taeyeon.

 

"Naka-seatbelt ka na ba?"

 

"Oo."

 

Hindi nanaman mapalagay si Tiffany, nararamdaman niyang unti-unti nanamang nanginginig ang kamay niya, pero pilit niya itong pinipigil. Nangiginig din ang labi niya, hindi dahil sa lamig na nararamdaman niya sa loob ng kotse, pero dahil sa kaba.

 

Baka mamamatay tao si Taeyeon, na isa sa tauhan ng papa niya na kasabwat rin yung may-ari ng guesthouse, at may planong patahimikin na siya habangbuhay.

 

May iba pang tumatakbo sa utak ni Tiffany, Paano niya haharapin ang mga tao? Paano kung iba makitungo ang mga tao dito sa Busan? Paano kung mas ayaw nila sa kanya dito kaysa sa pamilya niya?

 

"Mukha lang daw akong manyakis pero maniwala ka sa akin, wala akong gagawing masama sayo."

 

Nakangiti si Taeyeon habang nag-ddrive.

 

"Paano mo naman nasabing iniisip ko na mamamatay tao ka?"

 

"Syempre... hindi pa kita kilala masyado tapos niyaya na kita sa ganito. Malamang kung ako rin yung nasa pwesto mo, mag-iisip din ako ng ganon."

 

Tumigil ang kotse dahil sa stop light, agad na binuhay ni Taeyeon ang radio. 

 

'All I know is (ooh ooh ooh)
We could go anywhere, we could do
Anything, girl, whatever the mood we're in'

 

"Anong gusto mong genre ng music?"

 

'Yeah all I know is (ooh ooh ooh)
Getting lost late at night, under stars
Finding love standing right where we are, your lips'

 

"Wala akong gustong genre ng music, kaibigan ko ang laging nagdedecide kung anong ipapakinig niya sa akin."

 

'They pull me in the moment
You and I alone and
People may be watching, I don't mind'

 

"Kaibigan mo? kahit anong music wala kang alam?"

 

'Cause anywhere with you feels right
Anywhere with you feels like
Paris in the rain
Paris in the rain'

 

"Meron naman, kaso hindi ko lang talaga ugaling makinig sa mga music."

 

"Maganda ang music, parte siya ng art."

 

'We don't need a fancy town
Or bottles that we can't pronounce
'Cause anywhere, babe
Is like Paris in the rain'

 

"Katulad ngayon, kahit hindi ako marunong makinig ng music, nagagandahan parin ako sa beat at lyrics ng kantang 'yan."

 

"Paris in the rain by Lauv. Favorite song ko din yan, by the way."

 

'When I'm with you ooh ooh ooh
When I'm with you ooh ooh ooh
Paris in the rain
Paris in the rain'

 

"It's so nice to have you here, Artist Kim Taeyeon! Ang tagal na nating hindi nagkita!"

 

"Hello po teacher, dito parin po kayo sa museum?"

 

"Ah hindi, ginala ko lang yung mga apo ko na galing Jeonju. Ipapakilala ko na agad sa kanila ang Art, para maging painter din sila like you!"

 

"Nako teacher, pasabi po sa nga apo ninyo kailangan nilang hindi maligo ng halos limang araw para makatapos ng dalawang artwork lang."

 

"Sino 'yang kasama mo?"

 

Lumingon si Taeyeon sa likod at nakita niyang nakatungo si Tiffany, ngumiti siya.

 

"Ah teacher, ito pala si Tiffany, roommate at kaibigan ko dito sa Busan"

 

"Hello, Tiffany! I'm glad na nandito ka rin!" Inabot ng teacher niya ang kamay kay Tiffany, aktong makikipag-shake hands.

 

Tumingin si Tiffany sa teacher ni Taeyeon at pati narin sa kamay nito. Gusto nanaman niyang tumakbo, bumalik sa guesthouse, at tawagan si Yuri.

 

Naghihintay ang teacher pero hindi parin sinipot ni Tiffany ang kilos niya, napansin ni Taeyeon ang mga reaksyon ni Tiffany.

 

"Teacher.. ano eh.. medyo mahiyain itong kaibigan ko, ganon po siya sa mga bago niyang nakikilala."

 

"Ah okay, akala ko naman kung anong nangyari. Sige artist, puntahan ko muna yung mga apo ko! at Tiffany, mag-enjoy ka sa museum!"

 

Tuluyang umalis ang teacher ni Taeyeon at ipinikit sandali ni Tiffany ang mga mata niya, gusto niya nanamang umiyak, nahihiya siya sa ginawa niya.

 

"S-sorry Taeyeon... hindi ko naman sinasadya na gawin 'yon... hindi lang a-ako sanay.."

 

Iniiwasan ni Tiffany ang mga mata ni Taeyeon, gusto niyang magpalamon sa lupa.

 

"Tiffany, tumingin ka sakin"

 

Tumingin nga ang babae at pinilit na 'wag patuluin ang mga luhang namumuo sa mga mata niya.

 

"Okay lang 'yon, naiintindihan mo? okay lang, hindi lang naman ikaw ang ganiyan eh. Mabait yung teacher ko na 'yon, hindi siya magtatanim ng sama ng loob sayo sa ginawa mo sa kanya."

 

"P-pero kasi... simpleng pakikipag-kamay lang hindi ko pa nagawa... sorry.."

 

"Halika na nga, sundan mo ako. Ipapakita ko sayo yung ibang paintings dito, 'wag mo na 'yon isipin. Basta kasama mo ako, walang mangyayari sayo."

 

Basta kasama mo ako, walang mangyayari sayo.

 

— 

'The subscriber cannot be reached, please call again later'

 

Pang sampung beses na niyang tinatawagan si Tiffany, pero hindi parin niya ito ma-contact.

 

"Tiffany, sagutin mo please."

 

Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip tungkol sa kaibigan niya. Baka kasi kung ano nang nangyari doon.

 

Susubukan niya sanang tawagan pang muli si Tiffany pero biglang pumasok ang secretary niya, "Doc, may pasyente po kayo."

 

"Okay, papasukin mo siya"

 

'Hold me tight

Artwork by: Ju Eun Hwan'

 

"Alam mo ba yung story behind that painting? May asawa si Painter Eun Hwan, pero hindi sila magkaanak dahil may sakit sa matres yung asawa niya. Dumating yung araw na humihina na yung katawan ng asawa niya, pabalik balik na sila sa ospital. Tapos sabi niya don sa babae, "Hindi kita bibitawan" nakita niya yung magkahawak nilang kamay at nag-decide siya na ipinta yon, pinursigi niyang matapos, dahil ireregalo niya yun sa asawa niya para sa anniversary nila. Pero nung araw ng anniversary nila, doon din namatay ang asawa niya."

 

"Kamusta siya ngayon?"

 

"Si Painter Eun Hwan?"

 

"Oo."

 

"Namatay narin siya dahil sa katandaan, nabasa ko yung story ng painting sa isang interview."

 

"Nakakalungkot naman, minsan pag nasa ganiyan kang sitwasyon, gusto mong pahabain ang oras."

 

"Pero alam mo, alam ni Painter na mula pagkadalaga may sakit yung asawa niya, pinalayo siya ng asawa niya sa kanya, kasi wala daw siyang maibibigay na magandang buhay kay Painter. Kaso mahal ni Painter yung babae, kaya sabi niya hindi siya susuko sa kaniya. Kahit alam niyang isang araw maiiwan siyang mag-isa, pinili niya parin ang asawa niya."

 

"Hindi pa ako nagmahal ng katulad nung sa Painter, at hindi ko alam kung magmamahal ako. Pero, humahanga ako sa tapang niya. Ako kasi hindi ko kayang maiwan mag-isa kahit madalas pinaparamdam sa akin na mag-isa ako."

 

Wala namang masamang magmahal, inisip ni Taeyeon. Gusto niya yong sabihin sa babae pero, nirerespeto niya ito.

 

"Huwag mo na 'yan isipin! may malapit ditong Ice Cream Parlor, tara punta tayo!"

 

Sa sobrang excited ni Taeyeon, hindi niya namalayang hinawakan niya na pala ang wrist ni Tiffany.

 

"Ah.. S-sorry.." Dahan dahang bumitaw si Taeyeon.

 

"Okay lang."

 

Hindi nanaman maipaliwanag ni Tiffany ang nararamdaman niya pero, ang sarap sa pakiramdam nang hindi inaasahang nahawakan siya ni Taeyeon.

 

 

Hold me tight.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
locksmith_ishasha
hello filo sones/locksmiths hehe la lanb bumati lang................

Comments

You must be logged in to comment
soltaeng #1
Chapter 2: lodicakes gandaaa