Kabanata 1 — K.T

Balisong

Kim Taeyeon.

Pintor

 

 

Mula pagkabata ay bitbit niya na ang talento sa pagpipinta. Naging parte na ng pagkatao niya ang mga Lapis, Krayola, Brush, Pintura at Canvas. Kapag lumihis ang daloy ng buhay, binibigyan ng pagpipinta si Kim Taeyeon ng bagong pag-asa.

 

"Papa, paglaki ko po gusto kong maging painter. Ang saya saya po kasing tingnan yung pintura, tapos po ang lambot po ng brush kapag napapadampi po siya sa canvas."

 

"Talaga?"

 

"Opo, papa"

 

"Alam mo kasi anak, karamihan sa mga ka-edad mo gusto maging doctor, pulis, sundalo, teacher, abogado. Pero ikaw? kakaiba ka talaga. Kahit anong pangarap mo, kahit anong gusto mo, nandito lang si papa para gabayan at suportahan ka ha?"

 

Pa, eto na po yun. Yung pangarap nating dalawa.

 

 

Hindi niya inasahan na isang araw, kikilalanin siya ng maraming tao dahil ginagawa niya ang mga bagay na nakakapagpasaya rin sa kaniya.

 

"Congratulations sa upcoming arts mo sa Art Gallery Tae! grabe ang concept mo ngayon! sobrang maraming maiinspire sayo."

 

"Nako, Prof. kayo po ang nagturo sa akin para maging ganito ako ngayon. Yung concept ko po, matagal ko talaga siyang pinag-isipan kasi gusto kong malaman ng mga taong nakakaranas nito na hindi sila nag-iisa."

 

Tumingin siya sa imbitasyong inihanda nila para sa mga pangunahing bisita sa Art Gallery kung saan makikita ang mga gawa niya.

 

'Join us as we witness Kim Taeyeon's works in DS Art Gallery.

 

Theme: Mental Health Awareness

 

"You are not alone in your path, let's walk together and figure everything out" '

 

Ngumiti si Taeyeon.

 

'Hindi ka nag-iisa, sasamahan kita.'

 

May mga boses na bumubulong sa kanya nitong mga nakaraang araw, kaya nagpursigi siyang gawin ang bagay na ito, ang manghikayat sa tao na hindi sila nag-iisa sa laban ng buhay. 

 

Minsan, hindi man kita sa itsura nila ang tunay nilang nararamdaman, pero alam at ramdam ni Kim Taeyeon na nung araw na yon, maraming tao ang nangangailangan ng tulong.

 

Habang nakatingin sila sa mga iginuhit at ipininta niya, nakikita niya sa mga mata nila ang sakit at poot na matagal nilang gustong itago. 

 

Bakit ba maraming tao ang napapagod pero pilit nilang sinasabi na 'okay lang sila'?

Okay lang ako. Masaya ako.

Ngumit siya.

 

Pagkatapos niyang batiin ang mga pangunahin niyang bisita, Tumingin siya muli sa mga taong nasa harapan niya. Ang iba namamangha, ang iba naninibago, at yung iba walang ekspesyon sa mukha, katulad ng isang babaeng nakatayo sa harap ng isa niyang gawa, kanina pa niya ito pinagmamasdan.

 

Hindi alam ni Taeyeon kung sadya ba talagang nagagandahan ang babae sa gawa niya, o nagkaroon din ba siya ng koneksyon sa painting na iyon? hindi niya alam, basta sa kanya, halos magkakalahating oras nang nakatingin ang babae sa painting. Minsan uupo siya, minsan nakatayo, pero hindi niya inaalis ang tingin niya sa nasabing painting.

 

Maya maya pa ay may dumating rin na isang matangkad na babae, maganda ito at may magagaan na ngiti. May dala siyang kape at binigay niya ito sa babaeng kanina pang nakatingin sa painting.

 

Ngumiti pabalik ang babae at kinuha ang kape. 'Thank you', nakita niyang lumabas ang mga salitang yon sa bibig niya.

 

Hindi namamalayan ni Taeyeon na nakangiti narin siya habang pinagmamasdan ang babae.

 

Anong pangalan mo?

Tanong kung saan nagsisimula ang mga ugnayan.

 

Sino ka?

Tanong kung saan mas nakakapagpalalim pa ng ugnayan sa isa't-isa.

 

Tanong na gustong itanong ni Kim Taeyeon sa babaeng, mukhang interesadong interesado sa kanyang painting.

 

Tumingin sa direksyon niya ang babae, at doon nagtagpo ang kanilang mga mata. Tinaas ni Taeyeon ang kanan niyang kamay.

 

'Hi?'

 

Ngumiti ang babae at dahan dahan itong lumapit sa kanya. Napansin din ni Taeyeon na wala na pala ang babaeng nag-abot sa kanya kape.

 

Palapit ng palapit ang babae.

 

Habang lumalakad ito sa direksyon niya, namangha siya, ngayon lang siya nakakita ng ganitong kagandang babae.

 

Kaunti nalang.

 

Kaunti pa.

 

Kaunti.

 

Nang babae nang magkalapit sila.

 

"Salamat nga pala sa pagiging artist. Ang gaganda ng gawa mo, maraming natuwa at nagkaroon ng realization sa mga paintings mo."

 

Kahit nakangiti, blanko ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

 

"Wala yon, 'wag kang magpasalamat sa akin, yun lang naman maitutulong ko eh, yung maramdaman ng iba na hindi sila nag-iisa."

 

"Hindi, salamat parin. Tama ka, ngayong araw na ito, naramdaman kong hindi ako nag-iisa."

 

Ngumiti muli ang babae at tuluyan itong umalis.

 

Successful ang naging event ngayon.

 

May isa siyang natulungan, at tama na iyon sa kanya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
locksmith_ishasha
hello filo sones/locksmiths hehe la lanb bumati lang................

Comments

You must be logged in to comment
soltaeng #1
Chapter 2: lodicakes gandaaa