Chapter 5
UnrequitedChapter 5
The following morning, maaga akong nagising. 6am palang naligo na ako para maka-alis ng maaga sa dorm at hindi na tayo magsabay pa. Buti nalang din at heavy sleeper ka. Hindi mo na napansing pumasok ako sa kwarto ko para kumuha ng damit pamasok. Dumaan muna ako sa shell para bumili ng Coffee Slushee dahil sila lang ang bukas ng ganitong oras. Dumiretso narin ako sa parking lot as usual. Sakto naman papasok din ng maaga si Seulgi. Hindi dahil para sakin, early riser lang talaga ang gaga at talagang pumapasok ng maaga para tumambay.
"Aga mo dito ah, nagusap na kayo ni Jennie?" Tanong niya sakin.
"Oo, andun pa siya sa dorm. nauna nakong pumasok para hindi na kami magkasabay." Sabi ko naman.
"Bakit, anong nangyari?" Tanong niya.
"Nag usap kami kagabi sabi niya naguguluhan siya sa nafeefeel niya at gusto niya ko. Eh may boyfriend naman sya anong gusto niya mangyari sabay?" Naiinis kong sinabi.
"Oh, eh anong sinabi mo sakanya?" Tanong ni Seulgi.
"Tinanong niya ko kung gusto ko siya eh. hindi ko sinagot nung una kasi wala naman difference pero eventually sinabi ko din oo. tapos tinanong niya kung kelan pa edi sabi ko matagal na. Bakit di ko daw sinabi. gusto ko sanang tumawa. Para bang andali lang umamin no? Eh busy siya sa mga lalaki niya all these time." Sabi ko.
"Alam mo, kayo parehong kayong parang ewan eh. Timing lang din siguro. Ano na balak mo ngayon?" Tanong sakin ni Seulgi.
"Eh, wala ewan ko. Distract ko nalang muna sarili ko. Feeling ko yun lang naman yung dapat gawin saka mag mimidterms na rin naman kaylangan ko rin mag review."
"Wuuuuhh, Mag rereview ba talaga o gusto mo lang kasama si Rosé?"
"Gago, friends lang kamin non."
"Pero type mo no?"
"Cute siya."
"Oh Boom! Edi siya nalang muna"
"Ano yun substitute ganon? Baliw ka."
"Malay mo naman, mukhang type ka rin nun eh."
"Bahala na."
"So ano ng ibig sabihin nito, nag ka-alaman na kayo ni Jennie, out kana ba?"
"Alam na rin ni Jisoo eh. Bago ako dumating sa dorm kagabi, nag shot sila ni Jennie. tapos after, dun nako sa room niya natulog. nagtanong siya kung anon nangyari edi sinabi ko na din."
"Odi out ka na nga. Si Hyun nalang saka si Wendy walang alam pero di na naman din surprise yun sakanila. Matagal kana nilang na sixth sense"
"Sixth Sense amputa. Ano multo?"
"Oo, nagmumulto mong kasarian."
"Gago. pasok na nga muna ko. punta ko library, matutulog ako. aga ko nagising eh."
And with that, pumasok narin ako ng school para magpunta sa 7th at matulog. Malaki ang library namin. May iba ibang divisions. Merong long tables for group studies, cubicles para sa mga gustong mapag isa at mga computer para sa gustong mag research. Students din ang assigned librarians dito. Usually, sila yung mga scholars ng school. Isa ito sa mga duties nila to give back ika-nga. Buti nalang kasundo ko ang mga naka assign dun at hinahayaan nila akong tumambay dun para matulog.
Usually, pumupwesto ako sa dulo para walang istorbo pero since maaga pa naman, wala pang masyado tao sa loob. Umupo na ako sa pwesto ko at sumandal saglit. inisip ko ang mga nangyari kagabi. Tama ba talaga ang narinig ng mga tenga ko? Gusto niya rin ako? Pero bakit parang hindi ako masaya? Diba dapat masaya ako kasi finally, hindi naman pala one sided?
Hindi eh. Kasi nga may boyfriend. Nag ooverthink ba ako? Ang hirap naman kasi nito. Pag nagkamali ka ng move, sira na lahat sama mo na yung ilang taon naming pinagsamahan. Masisira lang dahil dito. Sana din kasi hindi nalang din ako nagkagusto sayo. Minsan iniisip ko, madali nalang sana kung walang ganitong feelings na involved. Same everyday. Ako ang takbuhan mo at tagapayo. parang dati lang. Kaso narealize kong gusto kita nung hindi ko matiis na nasasaktan ka palagi. Tanga ka. Tanga rin ako. Tanga tayong dalawa. Anong future natin?
"Lord give me a sign." Sabi ko.
"Uy okay ka lang?" May nagtanong sakin. tang ina nagulat naman ako. Mukha kong tanga nagsasalita mag isa dito. May nakakarinig pala sakin.
"Ay. may tao pala hehe." Nahihiya kong sinabi. Tumawa naman siya pag lingon ko puta parang napalunok naman ako. ka-gandang babae naman nito. di makatotohanan.
"Mukhang problemado ka eh. sure ka ok ka lang?" Tanong niya sakin.
"Ah, oo don't mind me here. nagdadasal lang ako." Sabi ko nalang ng natatawa. Yung hiya ko naman kasi abot ng kalawakan.
"Oo nga eh, narinig ko nanghihingi ka ng sign kay lord. Baka ako na yun." Sabi mo naman sakin. Hindi tayo magkakilala pero mukhang basag trip ka din. Tawang tawa ako sayo.
"Ay, baka ikaw na nga." Pag banat ko naman. sabay tawa.
"May kasama kaba dito?" Tanong mo sakin.
"Ah, wala. napa aga lang pasok ko kaya tumambay lang ako dito." Sabi ko nalang.
"Ok lang? Dito nalang din ako uupo sa tabi mo." Sabi mo naman. nakakatawa lang din kasi nagpaalam kapa mukhang tayo palang naman ata ang students na nandito sa area na to.
"Oo naman. kahit san mo gustong umupo dito wala naman pangalan e." Sabi ko.
"Ang cute mo kasi. Ngayon lang ako nakakita ng taong mag isa nagdadasal sa lib."
Comments