Chapter 17
UnrequitedChapter 17
Mag iisang buwan narin pala tayo. Ang bilis no? Alam ko, ilang beses kang nagparamdam sakin na malapit na yung monthsary natin. Sa totoo lang, hindi talaga ako fan ng mga ganito. Kasi naman sa panahon ngayon, buwan nalang ang binibilang sa relasyon.
Kadalasan, hindi na umaabot ng taon. Minsan nga, lingo lang ang tinatagal, hindi pa umaabot ng monthsary kaya para sa maraming tao, isang milestone ang umabot kayo ng higit pa sa isang buwan.
One things for sure though, sa lahat ng nagging jowa ni Jennie, wala ni isa sakanila ang umabot ng isang buwan. Hindi ko rin alam kung bakit somehow, puro manloloko at babaero ang mga jinowa ng babaeng ito pero para sakanya, malaking puntos talaga ang face value at iness ng isang tao. May pagka shallow, pero karapatan nia naman yun.
Maiimagine niyo ba na ang isang Jennie Kim ay magkakaroon ng pangit na partner? Kahit naman si Hanbin na pinaglihi sa plato at suka ay may hitsura parin kahit papano. Ako naman, naniniwala akong hindi ako pangit. Tang ina, ang cute ko kaya? Hello, have you seen me? Hehehe
Joke lang siyempre. But enough about that. The thing is, hindi pa siya nakaka experience mag celebrate ng monthsary at ako naman, walang alam at walang interest sa mga gantong celebration. Para sakin kasi, yung araw araw na kasama ko siya, yung araw araw na pag lambing niya sakin, kung gano niya iparamdam na mahalaga ako at kung gano niya ko ipagdamot sa iba eh more than enough na.
Kung extra akong tao, siguro, I-cecelebrate ko ang bawat araw na kasama siya. “Seul,anong ginawa niyo ni Joohyun nung 1st monthsary niyo?” Tanong ko habang tumawa naman si Seulgi. “Gusto mo talaga malaman?” Patawa-tawa niya naming sabi sabay tinging kay Joohyun. “Cheap si Kang, wag ka na magtanong jan.” Humagalpak sa tawa si Joohyun. “Hyunnniiiiee! Kala ko naman kasi yun gusto mo nung sinabi mong simple lang” Pag depensa naman ni Seulgi.
“Bakit, ano bang ginawa mo?” Tanong ko kay Seulgi pero si Joohyun muli ang sumagot. “Dinala niya ko sa Sogo! Meron daw kasing rewards card na offer!” Natatawang sabi ni Joohyun sabay takip ng mukha ni Seulgi.
Halos sumakit ang tiyan ko kakatawa. Akala ko naman may ginawa siyang secret at napaka special. Yun naman pala eh nag sogo lang sila ni Joohyun. Tang ina, wala akong mapapala sa osong to. Sino pa nga bang nakakakilala sa mga gusto ni Jennie kung hindi ang sarili niyang bestfriend, ako.
“I’m sure whatever you do, magugustuhan naman ni Jen yun.” Sabi naman ni Joohyun. “Diba hindi natuloy yung date nyo? Mag date nalang kayo.” Suggestion naman ni Jisoo. May point naman siya. Sige, mag date nalang tayo pero siyempre it isn’t supposed to look like a regular date from what I’ve seen sa mga mushy youtube videos.
Saktong sakto, 23 ang monthsary natin. Next day, uuwi tayo pareho sa families natin para mag celebrate ng Christmas. Buti nalang din at hindi nagkakalayo ang mga bahay natin, ibig sabihin non, hindi tayo magiging malayo sa isa’t isa this coming Christmas break. Yun nga lang, siyempre, since hindi pa tayo pareho out sa parents natin, kailangan nating mag lay low pagdating sa PDA.
Balik tayo sa incoming monthsary natin. Sobrang dami nating pwede puntahan on the way home actually. Lumaki tayo parehong nalalapit sa nightlife sa lugar natin. Kaya nung mga highschool pa tayo, madalas tayong tumatakas sa gabi para pumunta ng Aguirre.
Naalala ko tuloy nung nasira yung karaoke niyo, niyaya mo akong mag turtles at 2am. Antok na antok ako pero dahil hindi mo natapos ang rap parts ng lotus flower bomb, sabi mo sakin hindi ka makatulog. Siyempre ako naman bilang isang napaka loyal na bestfriend mo noon, nagbihis narin at sin
Comments