Chapter 1
UnrequitedCHAPTER 1
Naka-abot naman tayo sa exhibit. Buti nalang late din nag start yung guide na nag tour satin sa loob. Filipino time at it's finest ika nga at ngayong araw, pumabor sa'akin ang mga katagang ito. Nagka plus 25 points din ako salamat naman. Hindi dapat kita talaga isasama dito eh, kaso bilang best friend mo, alam kong mababagot ka lang sa dorm mo pag weekend at baka kung saan ka nanaman lumayag bilang makati 'yang mga paa mo.
I was in 6th grade when we first met. Transferee student ka. Naalala ko naka cast pa nga ang mga kamay mo. Ang press release mo samin noon eh, Nanapak ka ng estudyante kaya walang naglakas ng loob mambully sayo noong mga bata pa tayo. Pero ang totoo talagang nangyari niyan, Tumungtong ka sa monoblock at sinubukan mag transform bilang si Power Ranger Pink at nahulog ka sa upuan nang magkamali ka ng talon at pinag tungkod mo ang mga kamay mo. Kaya ayun, bali. Baliw ka kasi.
Umupo ka sa aking tabi. Sabi mo kasi sa'akin noon, mukha akong maton pero mukha ka namang beast fighter sa sungit mo. Napaka gandang beast fighter hehe. Hindi naman din nag tagal, eh naging mag best of friends tayo. Bukod sa lagi mo akong hinahatian ng baon mo, lagi mo pa akong nililibre pag labas natin ng school. At ako ang dakilang leecher dahil masarap ang libre. Lagi ka naman kumokopya ng assignment sakin dahil lagi kang absent noon kaya sa isip ko, bayad mo na sakin yun.
Hanggang nung mag highschool tayo, sa'ting dalawa, Ikaw talaga ang nagkaroon ng ultimate transformation nung nag dalaga ka. Ang dami mong naging manliligaw. Sa araw araw na ginawa ng diyos, hindi lumampas ang araw na hindi ka naka receive ng love letter mula sa mga hampas lupa nating school-mates. Umasa silang bibigyan mo sila ng chance kahit malabo pa sa mga ulap ang pag asa nila sayo.
Nang mag college naman tayo, marami ka ring pinaiyak na lalaki sa campus galing sa iba't ibang department. Serial heartbreaker ka kasi. Pero hindi ko maintindihan kung bakit puro manloloko ang mga nagiging boyfriend mo. Ang lala. Naalala ko si Bobby na GGSS. nalaman mong apat pala kayong girlfriend niya.
Ang masama don, ikaw ang pinakamaganda sakanila kaya pakiramdam mo ang pangit mo nung mga panahon na 'yon kahit hindi naman. Ang ganda mo. Ikaw ang pinakamaganda sa lahat.
Iyak ka ng iyak noon. Tinanong mo ako kung anong kulang sayo. Syempre, sabi ko kulang ka sa utak. Kasi hindi ka marunong kumilatis ng mamahalin mo. Pero may part na gusto ko din sana sabihin sayo na baka pwedeng ako naman ang tignan mo para hindi ka na nasasaktan. Kaso naman straight ka at alam mong straight din ako. Akala ko din eh. Pero hindi pala.
Ngayon, may bago ka nanaman. Si Mino at mukhang nararamdaman kong Bobby all over again nanaman to. Wala lang, feel ko lang. Kasi mahilig ka sa bad boy. Tapos sa ending, manloloko pala. Hindi ka talaga nadadala. Inaya mo pa ko sa fair ngayon. Alam kong hindi dahil ayaw mong kasama ang boyfriend mo. Malamang siguro may excuse nanaman si Mino para hindi kayo magkita.
Pagbalik natin sa school, nagkalat ang mga booth mula sa iba't ibang courses. Dapat actually may participation ako dito bilang part ng Flickers Society. Buti nalang at may mga bagong members na inassign para kumuha ng pictures this year. Dito nakasalalay ang membership status nila. Kung pangit ang kalalabasan, tapon na sila. Thank you, next kumbaga.
Dumaan tayo ng Great Wall para bumili ng favorite mong strawberry milk tea with tapioca pearls. Syempre a
Comments