Chapter 24 | Evocation 2

Bawal Mahulog, Kaibigan Kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Magpapangalawang pasko na nang wala si mommy, kaya inaasahan ko sanang makasama ko man lang si dad ngunit sa itsura pa lang ni Lola Lulu ay mukhang hindi matutupad ang pangako niya. 

 

Siguro busy sa trabaho...pero sana naman, okay siya. Last Christmas kasi, bago niya pa ako paluwasin ng Maynila para pag-aralin dito, ayun 'yung unang pasko namin simula nung aksidente. Kaming dalawa lang ni dad. Jollibee lang ang handa namin at tahimik lang ako noon na nanonood ng The Polar Express sa TV habang umiinom siya sa tabi ko.

 

Nabitawan niya ang kaniyang baso. Basag. Walang kamalay-malay na natutulog sa sofa, amoy alak...lasing.

 

Inintindi ko na lang siya noon. Maingat ko pang niligpit ang mga bubog. At dahil masyadong mabigat si dad para buhatin siya sa kama niya, kinumutan ko na lang siya sa sofa at hinalikan sa noo.

 

"Merry Christmas, dad." pagbulong ko. "Alam kong miss mo lang si mommy...miss ko na din siya."

 

 

 

 

 

Kinaumagahan ng pasko. Ginising ako ni Lola Lulu. Akala ko mag aaya siyang magsimba. Ayun pala, tumatawag si dad sa selpon niya.

 

Agad ko siyang binati at tinanong kung on the way na siya rito, "Anak, sorry...bawi si dad next Christmas, okay?"

 

"Basta okay ka na, dad. No more drinking na, promise?" malambing kong tanong. Hindi agad nakasagot si dad. Rinig ko na para bang umiiyak siya, "Dad? Daddy?" pagtawag ko ulit sa kaniya. Malungkot ako, oo. Wala na nga si mommy, tapos wala din siya.

 

Okay lang naman ako kay Lola Lulu. Naa-appreciate ko mga ginagawa niya para sa akin. Ang pag-aalaga, pagpapakain...but it's not the same without dad around. Kahit busy siya, siya ang naging clown sa bahay. Nakakamiss 'yung mapipikon si mommy sa kaniya. Tapos isasali ako lagi sa pranks ni dad para hindi magalit si mommy masyado. 

 

Nakakamiss maging kumpleto.

 

"Sisiguraduhin ko, anak." nagsalita na si dad, "Promise, no more drinking na."

 

 

 

 

 

Simula nung tumawag si dad kaninang umaga, gumaan ang pakiramdam ko. Ang importante, nakausap ko siya at nabati namin ang isa't isa. Bumangon naman ako agad para maghilamos at sabayan si Lola sa pag kain ng almusal. Naligo na din ako kasi grabe 'yung init dito sa Maynila! Naninibago pa rin ako at patuloy na naga-adjust. Kung sa Baguio, bihira akong pagpawisan, dito araw-araw! Lagi akong nilalagyan ng bimpo ni Lola sa likod tapos wagas din akong lagyan ng pulbos. 

 

Hindi ba dapat malamig tuwing December? Hay, speaking of the month...pati birthday ko malapit na. Kung ngayong araw, hindi ko nakasama si dad, sa bagong taon pa kaya? 

 

Anyway, ayaw ko na masyadong isipin. Baka manlumo lang ako sa lungkot. Buti na lang, may pinlanong gala si Lola today, "'La, saan punta natin? Sisimba na ba tayo? Pwede doon tayo sa simbahan na may aircon?" pa-cute kong pagtanong. Si Lola kasi mahilig sumiksik sa Quiapo. Meron naman palang mga simbahan tulad ng Manila Cathedral!

 

Naalala ko tuloy ang kaibigan ko... 

 

Si Jimin Yu.

 

My first ever official friend.

 

Bago kasi mag Christmas break, andoon kami sa pwesto namin sa school park. Naglalaro kami ng chess. Siyempre, patuloy akong nagpapatalo.

 

Habang naglalaro, kinwento niya sa akin ang mga plano nila ng pamilya niya ngayong bakasyon. Mag swimming daw sila at bakasyon sa Jeju. Tamang sakto lang daw kasi 'yung lamig doon ngayon. Tapos tinanong niya naman ako tungkol sa mga plano ko. Sabi ko sa kaniya, wala. Hintayin kong makasama ko ulit si dad (na hindi naman nangyari). Na baka mag simba lang kami ni Lola sa Quiapo at kumain sa Jollibee. 

 

Nagtaka pa siya bakit sa Quiapo daw kami magsisimba eh siksikan doon at hindi pa safe.

 

See? She gets it.

 

One time daw, nahipuan siya. 'Yung mga lalake raw wagas makatitig...she felt uncomfortable kaya simula no'n, sa ibang simbahan na sila. Bigla niya naman akong binigyan ng listahan ng mga paborito niyang simbahan. Ayain ko daw si Lola magsimba sa Intramuros. Doon ko daw matatagpuan ang Manila Cathedral at marami pang lumang simbahan. Kinwento niya pa na pangarap niyang magpakasal sa Manila Cathedral. Romantic daw kasi doon. Ang kaso, mahal! Natawa pa ako nung sinabi niyang magpapakasal daw siya sa mayaman para ma-afford ang kaniyang dream wedding. Hay nako Jimin ang dami mong alam...

 

Namimiss tuloy kita.

 

"Mayang hapon na lang tayo magsimba," sagot ni Lola sa tanong ko. Maligalig din ang kaniyang boses, "Iga-gala muna kita!"

 

Lumaki ang mga mata ko, napapangiti at na-eexcite lalo. "Saan niyo naman po ako iga-gala?"

 

"Sa sementeryo!" agad nawala ang mga ngiti ko, nagtataka. "Pakilala ko sa'yo tatay ng papa mo. Maaga din siyang nawala sa akin..."

 

"Pero Lola," pagmukmok ko sa kaniya, "Happy lang dapat tayo."

 

"Kaya nga," mata niya naman ang lumaki. "Happy lang dapat tayo. Eh sino ba sa atin ang mukhang malungkot? Basta ako, masaya ako."

 

"Lola naman eh..." napaupo ako sa sala. Agad niya akong nilapitan, kneeling down to level with me. Hawak niya ako sa balikat at mariin akong tinitignan, "Anak, magiging okay din ang lahat. Promise ko sa'yo 'yan"

 

Ayoko na sanang magpadala sa mga promise promise na 'yan...ang bigat sa pakiramdam lalo na't hindi tinupad ni dad ang pangako niya sa akin. Pero ako? Magiging okay? Balang araw magiging okay din daw ang lahat? Paano kaya maipapangako ni Lola 'yan sa akin?

 

"Sige po, Lola." I said anyway, "Bihis na tayo...dalawin natin si Lolo."

 

 

 

 

 

Apat na oras kaming nagtagal ni Lola sa sementeryo. Tamang tambay, dasal, at Christmas picnic lang kami sa puntod ni Lolo habang kinekwento niya sa akin ang love story nila. Ang alam ko lang kasi kay Lolo ay 'yung mga nakwento ni dad sa akin. Sobrang pogi daw ni Lolo tulad niya. Inirapan ko lang si dad noon pero holy moly! Ang gwapo nga ni Lolo! Nagdala kasi si Lola ng mga photo albums para masabayan sa pagkekwento. Kaya eto, pinapakita niya sa akin.

 

Si Lola lang din ang kumuha ng mga litrato na ito. Naging hobby niya daw kasi ang photography. Niregaluhan siya ng film camera at doon nagsimula. Saka niya naman nakilala si Lolo. Nagkatagpuan sila sa isang photo studio. Si Lolo may ari nito. Dahil pangit pa mga kuha ni Lola sa unang pinadevelop-an niya, tinuruan siya ni Lolo kung paano makakuha ng magagandang litrato. 

 

At saka naman sila nagkadevelop-an...

 

Marami daw ang naging hadlang bago pa man sila nagkatuluyan. Nagsimula lahat sa pagkakaibigan, kahit nung una pa lang, alam na nilang magugustuhan nila ang isa't isa. Hindi sila nagmadali. Ang mga bagay daw, hindi dapat minamadali.

 

Ang sweet! Kinikilig ako...

 

At alam kong bata pa ako at hindi muna dapat iniintindi ang pag-ibig, pero mararanasan ko rin kaya 'yon? Parang hindi ko kasi kayang magkagusto sa isang tao. Ipinalaki ako ni mommy na dapat daw akong matakot sa mundo kasi maraming mapagsamantala, maraming sinungaling at nananakit.

 

But the more Lola speaks, the more I'd like to reconsider.

 

Hanggang sa naging sila ni Lolo at ikinasal, lahat ito ay ikinwento ni Lola sa akin. Sa aming paglakad papalabas ng sementeryo, sa paghintay ng jeep at pagsakay papunta ng simbahan...tamang kinig lang ako kay Lola at hindi ko na namalayan na nakarating na kami ng Espanya.

 

De jk...Intramuros lang.

 

Pero wow! Sa pagkakaalam ko, first time kong makapunta rito. Tama nga si Jimin, ang ganda! Parang nasa ibang bansa kami! Kung hindi ako nagkakamali, andito kami sa Manila Cathedral. Ang laki laki!

 

"Lola? Bakit hindi po tayo sa Quiapo nagsimba?" Pa-inosente kong tanong.

 

"Hindi ba sabi ko iga-gala kita?" simple niyang sagot.

 

Hehehe...lakas ko kay Lola! 

 

"Tsaka kung hindi ko pa nakekwento sa'yo, dito kami kinasal ng Lolo mo." dagdag niya na ikinatuwa ko. "Totoo? Hindi po ba mahal dito?" tanong ko.

 

"Noon mura pa. Eh pinasikat ng mga artista, edi nag mahal!" masigla niyang binulong sa akin habang papasok kami ng simbahan. Tinawanan ko na lang si Lola at agad na kaming tumahimik nung may lumapit sa aming usherette. Sinundan lang namin siya ni Lola, pagturo nito sa bakanteng space na meron sa gitnang pew. Fifteen minutes daw at magsisimula na ang misa. Saka ko lang napansin ang pagtitig ng mga nakakasalubong namin na nakaupo. Ang dami nila! Hindi ba nila alam na masamang tumitig? Napalunok ako...nahihiya.

 

Tatago at sisiksik sana ako sa likod ni Lola when I felt a hand on my wrist. A familiar voice calling for my name, "Kim Minjeong?"

 

I turned around to see who it was, "Y- Yu Jimin?"

 

Nginitian niya lang ako, hindi pa rin ako binibitawan. 

 

"Anong ginagawa mo dito? Hindi po ba dapat nasa Jeju ka?" tanong ko.

 

Sasagot na sana siya pero biglang dumating si Lola, "Minjeong?" rinig ang alala sa boses niya. "Sino 'to? Kilala mo?" 

 

Tumango ako agad, "Kaibigan ko po Lola. Siya po 'yung nakekwento ni Miss Reyes sa'yo na mabait sa akin." si Lola naman ang nginitian ni Jimin sabay mano at pagpapakilala.

 

"'Nay, kung maaari na po kayong maupo para hindi po maharangan ang daan..." mahinhin na sabi sa amin nung usherette.

 

Nanghingi naman ng pasensya ang Lola ko bago kami sabihan ni Jimin na magpaalam muna. Pagkatapos na lang daw ng misa, saka kami magkita ulit sa labas ng simbahan, "Miss?" pagtawag ni Jimin sa usherette. "Pwede sa amin na lang po sila tumabi? I think kasya pa po dalawa sa amin." sabay turo sa upuan nila bandang likod. Tumango naman ang usherette at inasikaso pa rin kami papunta doon.

 

 

 

 

 

"Minjeong," bulong bigla ng kaibigan ko sa tabi ko, agad naman akong napaayos ng upo. "Just sleep on my shoulder kung hindi mo na kaya. Si daddy nga nakatulog na din." umiling ako at pinigilan 'yung antok ko.

 

Napatingin ako kay Tito Tony, mahimbing na natutulog at nakasandal sa balikat ni Tita Michelle. Nginitian ko si Titong natutulog, mahina na natatawa. Si Jimin naman ay umiling lang at tumingin na sa harap. Bigla naman akong siniko ni Lola, pinagsasabihan akong makinig kay father...eh paano? Parang walang katapusan ang kaniyang homily. Ito ata ang pinakamatagal na homily na naupuan ko. Gets ko namang pasko at dapat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
271 streak #1
Chapter 25: churchmate pala ang labanan dito 🤧 hahaha haynako ang cuties lang 🥹🥰
asdfghjklmaeee
157 streak #2
Chapter 25: Awww cuties na noon pa 😣
shoheii #3
Chapter 20: mahal?! papatayin nyo po ba ako sa kilig 😣
shoheii #4
Chapter 17: napa kagat ako sa cp ko pls ang gandaaa
bigboy123
147 streak #5
reread~ 🤭
xiaosythe #6
kilig😞
wnddmks_ 674 streak #7
Sisimulan ko na talaga to after finals😭
karwinjeongz
#8
Chapter 25: HOY ANG KILIG KO 😭😭😭 ANG CUTE CUTE NILAAAA hAyy EVERY CHAP NAMAN HUHUHU "ang mahabang panahon kasama siya" WHAT IF MAGDABOG AKO DITO?? High school palang nagtatampuhan na sila, probably unaware of their feelings yet which is rly nice to see 🥹 neeways, thank you sa ud tor!!! looking forward sa next (
6789gu8 #9
Chapter 15: 😭😭😭 dami nangyari jfjfkdkdjf
karwinjeongz
#10
shet may update