06.

Between the Lines
Please Subscribe to read the full chapter

I couldn't process everything that just happened. 

 

Few minutes ago, I almost got . 

 

then Karina came to save me. 

 

Karina..

 

Where is she..? 

 

 

"Winter, stay here." pigil sa akin ni Giselle nang tumayo ako mula sa pagkakaupo ko likod ng ambulansya, hindi ko na alam ang mga nangyari pagtingin ko sa sarili ko ay nakabalot na ako ng kumot and that's when I noticed I am wearing Karina's longsleeves. 

 

 

"Si Karina..? Nasaan si Karina?" tanong ko kay Giselle kahit na wala pa rin ako sa sarili. 

 

 

She was shot. 

 

 

I saw her, she was bleeding so much. 

 

 

"Giselle, nasaan si Karina?!" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko dahil wala ni isa sa kanila ang sumasagot sa akin. 

 

 

"S-she'll be fine, dinala na si Karina sa hospital." Ryujin was the one who answered. 

 

 

"I need to see her, please." I begged, I want to make sure na ayos siya. 

 

 

 

Napatingin ako sa likuran nila Giselle nang makita ko ang mga kaibigan ni Soobin na dala ng mga pulis. Hindi napigilan ni Ryujin ang sarili niya at sinugod niya yung tatlo. "Mga putangina niyo!" agad siyang pinigilan ng mga pulis at inilayo sa kanila. "Mabubulok kayo sa kulungan mga putangina niyo!" gusto ko ring magalit but si Karina ang pinakainiisip ko right now. I swear to God, kapag may nangyaring masama sa kanya..ako mismo papatay sa hayop na Soobin na yon. 

 

 

 

Hindi rin nagtagal ay nagpunta na rin kami ni Giselle sa Ospital kung saan dinala si Karina nauna na pala si Minju at Ningning doon samantalang si Ryujin naman ay nagpa-iwan sa mga pulis para sa statement niya, they wanted to keep me but Giselle asked them if pwede na magpunta muna kami sa Ospital dahil wala rin ako sa wisyo para magsalita tungkol sa nangyari. 

 

 

 

Pagdating sa ospital ay naabutan namin si Ningning at Minju sa hallway, nakaupo at nagdadasal. Para akong dinudurog ng libo libong beses nang makita ko si Ningning na umiiyak. "Ning.." tumabi sa kanya si Giselle at niyakap ito. "Your ate will be fine, she will be fine." sinubukan niyang palakasin ang loob ni Ningning pero mas lalo lang itong humagulgol. "S-si ate na lang ang meron ako..s-siya na lang.." hindi ko na napigilan umiyak dahil unti unti ng nagsi-sink in sa akin lahat ng nangyayari. 

 

 

 

Nag-aagaw buhay si Karina ngayon dahil sa pagligtas niya sa akin. 

 

 

 

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. 

 

 

 

God please. I know wala akong karapatan humiling sa inyo ngayon dahil hindi ko nga kayo kinikilala, ni hindi ako nagdadasal palagi pero..nakikiusap ako sa inyo wag si Karina please. 

 

 

Save her. 

 

 

Please, just this once hear me out.

 

 

"Ma'am ic-check na rin po muna namin kayo." may lumapit sa aming nurse but I refused their offer, hindi ako aalis dito hangga't hindi ko naririnig na ayos lang si Karina. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bakit ba ang tagal nila sa loob..? 

 

 

 

It's been hours. 

 

 

 

Nakarating na rin si Ryujin sa hospital pero wala pa ring Doctor ang nagbabalita sa amin sa kung anong lagay ni Karina pero may mga nurse na kanina pa labas pasok at may dalang mga dugo. Halos wala ng maiyak si Ningning pero hindi pa rin siya tumitigil, naiintindihan ko siya. I know kung gaano niya kamahal ang ate niya, alam ko kung gaano kasakit sa kanya na nag-aagaw buhay ang kapatid niya ngayon. 

 

 

Lumapit sa akin si Minju at niyakap ako dahil kanina pa rin ako umiiyak at tulala. "Winter.." niyakap ko na rin siya dahil hindi ko na rin talaga kaya tuluyan na nag-sink in sa akin lahat hindi ko na alam ano bang dapat kong maramdaman ngayon, ang daming nangyari and it's too much for me to handle. 

 

 

Matapos ang ilang minuto ay may lumabas ng doctor kaya agad kaming napatayo lahat. 

 

 

"K-kumusta po ang ate ko?" kaagad na tanong ni Ningning sa doctor. 

 

 

"Don't worry, she's safe." napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ng Doctor, I cried again but this time in joy. 

 

 

"Thank God.." I murmured. 

 

 

She is safe. 

 

 

 

Karina is alive. 

 

 

"Well, lucky na walang vital organs ang tinamaan though she lost so much blood so she might need to stay for few days para ma-check namin ang lagay niya. By the way, kasama niyo ba ang parents niya we need to talk to the guardian?" 

 

 

"Ako po yung kapatid niya." 

 

 

"I'll go with Ningning na lang." pagpresenta ni Giselle.

 

 


Pagkatapos mailipat ni Karina sa kwarto niya ay agad ko siyang pinuntahan I don't care if I look like I mess right now. I just really want to see her. Minju and Ryujin said na babalik muna sila sa Villa para ikuha kami ng gamit para makapagpalit ako ng damit, si Ningning at Giselle naman ay susunod din dito pagkatapos nila kausapin ang doctor. 

 

"Karina.." I saw her lying on the bed hinila ko yung stool sa gilid atsaka umupo doon habang tinitingnan siya. Hindi ko mapigilan umiyak ulit habang tinitingnan siya I am so glad she's safe. I remember her face as soon as she entered the cabin kanina, she was so furious, she was mad MAD. Yung mga mata niya para niyang papatayin si Soobin, Karina felt like a different person. 

 

 

"I told you..no one can ing hurt Winter hangga't buhay ako!"

 

 

"I'm here..I'm here..you're safe."

 

 

Her words feels like she's willing to do anything just to keep me safe. 

 

 

"Karina, wake up please." hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito ng dahan dahan. "I'm gonna tell you something." I looked at her again alam ko naman na natutulog lang siya but I prefer seeing her awake, I prefer seeing her looking at me blankly or whatever you call it. 

 

 

"Remember, you asked me. Bakit ayoko ng bodyguard?" para akong baliw na nakikipag-usap sa tulog pero bahala na baka rin naman di ko masabi sa kanya to ng harapan kapag gising na siya. I couldn't  tell her before kasi di naman ako ready pero nangyari na naman kasi and alam ko naman na maiintindihan ni Karina yung side ko. 

 

 

"It was not just because annoying ng may sumusunod sa kin." dahil ang babaw ko naman kung ayun lang ang dahilan ko. "Diba..I told you na ang tagal na naming bodyguard ang papa ni Yeji?" napayuko ako habang nilalaro ang kamay niya hindi niya naman ako naririnig pero bakit ba feeling ko ito yung right time  to tell her siguro dahil ayoko rin talaga na marinig niya but gusto ko pa rin sabihin.  "He died because of me. He died saving me." 

 

 

"The reason..kung bakit ayoko ng bodyguards kasi ayokong may mamatay na naman dahil sa akin. Nakaka-trauma kasi.." I cried. Until now it still haunts me kahit na ilang beses sinabi ni Yeji sa akin na masaya ang papa niya sa ginawa niya na hindi nagre-regret ang papa niya sa pagliligtas sa akin. 

 

 

"Why do..someone need to die just because of me?" hindi ko naman pinili ang ganitong buhay, I know it's fun to have everything I want but..pakiramdam ko kalahati ng katawan ko nasa hukay na. I know my dad is just doing his job but I don't want this. 

 

 

"When you got shot kanina..bumalik sa akin lahat that night when Yeji's dad died." huminga ako ng malalim. "Yeji volunteered din na maging bodyguard ko but I refused, I took her dad's life away and i'm not gonna do the same with her." 

 

 

"Karina..I never been this scared again." 

 

 

I never cared about people too much bukod sa mga kaibigan ko pero iba yung pag-aalala ko kay Karina. 

 

 

 

"So..please wake up and quit your job being my bodyguard. Hindi ko na kaya kapag nangyari pa sayo ulit to please." hindi ko rin alam bakit pero hindi ko na talaga kaya ayoko na siyang masaktan, ilang beses niya na akong niligtas at ngayon yung pinakamalala hindi ko na hihintayin pa na may mas malala pang mangyari. 

 

 

 

Hindi ko na ulit hahayaan na may mag-sacrifice na naman ng buhay nila para sa akin. 

 

 

Bibitawan ko na sana ang kamay ni Karina para sana punasan ang mga luha ko dahil I'm a big mess right now pero naramdaman ko na hinawakan niya rin ito. "Karina..?" I looked at her again, she just moved her hand. 

 

 

 

"I'm not quitting.." Karina said almost like a whisper, pagkatapos ay idinilat niya ang mga mata niya. 

 

 

 

 

 

"Karina..g-gising ka na!" hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko pa siya. 

 

 

 

"AHH--" napaatras ako dahil nadaganan ko ata yung sugat niya. "Ouch.." she chuckled pero halata na nasaktan siya. 

 

 

 

"S-sorry.. I'm sorry." 

 

 

 

"Soft hours mo ba ngayon?" 

 

 

 

Seriously? Pagkagising na pagkagising niya tatarantadahin niya ako? 

 

 

 

"Anong pake mo?" 

 

"Tingnan mo to kanina lang umiiyak ka ngayon magsusungit ka na naman." 

 

"Bwisit ka." she smiled, parang walang nangyari sa kanya kapal ng mukha.  

 

"I get it, Winter." she looked at me. "I get it why you don't want a bodyguard but don't blame yourself, alam ko at for sure alam ng papa ni yeji ang pinasok niya bago niya tinanggap ang trabaho na ganito." 

 

"Ewan ko sayo wag ka na lang magchika dyan, magpahinga ka lang." 

 

 

"Don't worry too much, swinerte lang naman yung soobin na yon kanina and isa pa hindi ko hahayaan mangyari ulit yon baka isipin mo pa ng ang hina hina ko." napailing si Karina, she still look so weak pero ang dami dami ng sinasabi pwede bang matulog ka na lang ulit muna ha? 

 

 

"Also, this is my job. So if I die doing my job wala ka naman magiging kasalanan doon." 

 

 

"Manahimik ka na nga muna." saway ko sa kanya, wag niya ngang mabanggit banggit yang die na yan. "Alam kong trabaho mo pero ang dedicated mo naman masyado willing ka talaga mamatay for me?" hindi ko alam bakit ko sinabi yon parang tanga lang like muntik na nga siya madedz tapos sinabi ko pa yon?! Ang stupid lang winter pero di ko inexpect ang reaction niya kasi tumawa lang siya. 

 

 

"Oo, willing ako." naging seryoso bigla ang tono niya. 

 

"Baliw ka ba? or epekto pa rin ba ng anesthesia yan?"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
tapos na siya! thank you everyone ☝️

Comments

You must be logged in to comment
RookieToki #1
Chapter 4: Nadistract sa biceps HWHSHAHAHA MINJEONG ANYWAY YEHEEYY ANJAN NA SI NING
RookieToki #2
Chapter 3: HAHSHSSHSH KULIT NG BANGAYAN NILA PERO WAAAHHH ANGAS NI JIMIN
lilili_oli #3
Chapter 23: Thank you, author for sharing this nice story of yours. I enjoyed reading it. It’s been a while since I’ve read something like this, y’know action stories, last read ko pang action ay jenlisa lmao. So it’s really good, felt like it brought me back to 2018. It’s really good and beautifully written. Looking forward for more!
LacusClyne1124 #4
Chapter 24: Salamat tooor
howdoyouknowmee
555 streak #5
Chapter 24: Sobrnag cutie talaga netooo
emotaeyeon #6
Chapter 23: ang ganda po nitong story! thank you sa pag write at share 👏🏻😩
yuji954 #7
Chapter 23: grabe kinilig ako dun kahit na rollercoaster malala tong story na to ☝🏻😩
snowychacco
#8
Chapter 12: calix huang 😃 di na ko magtataka if pinadala niya si chaehyun para madistract niya si karina from her job 😃 ohhhh when i catch u both i swear!
Young_DP
#9
Chapter 2: Ang maldita ni winter hahaha. May aff ka po pala author ngayon lang ako na inform
bigboy123
148 streak #10
📖📖👀👀