Kaya pa ba?

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

 

               "Kaya pa ba?" Tanong sa akin ni Giselle.

               Tumango lang ako. Andito kami sa bahay at halos kakarating lang din ni Giselle. Dala-dala niya na yung mga damit niya at drafting table niya. Tutulungan niya raw ako na mag-impake.

               Napansin niya atang kanina pa ako nakatayo dito sa gilid ng kama ko. Iniisip ko kasi yung mga dapat kong dalhin. 

               "Akala ko kung napaano ka na dyan." Wait lang bff G. Nagcoconcentrate ako.

 

 

               "Sure kang wala ka ng nakalimutan?" Paniniguradong tanong sa akin ni ate Seulgi. Siya kasi maghahatid sa amin ngayon pabalik sa Manila. Dahil sa pangungulit ni ate, napilitan akong i-check ulit ang mga gamit ko.

               Snacks, damit, undergarments, towel, snacks, books, snacks, drafting table at yung fresh from the Puregold na dalawang pack ng lemon square cheesecake. Mukhang okay naman na.

               Ready na ako sa buhay Manila.

 

 

               Andito na kami sa tapat ng gate ng apartment namin. Maya-maya ay bumukas ang gate.

               Isang naka-pajamas na Katrina ang bumungad sa amin. 

               "Good morning." Sabi niya habang naghihikab. Hindi man lang ba muna siya maliligo bago kami batiin? "Binilin sa akin ni ate Irene kagabi na tulungan ko raw kayo and na maaga daw kayong maglilipat."

               "Good morning din, andito sa compartment yung mga bags." Pumunta na si Giselle sa compartment at naglakad na rin si Katrina papunta sa direksyon ni Giselle at akala ko lang pala 'yon.

               Huminto siya sa tapat ko. Ano na namang iniisip nito? 

               "Wala ba akong morning twerk dyan?" Putangina. 

               Sinamaan ko lang siya ng tingin at akmang hahampasin ko sana siya kaso agad-agad siyang tumakbo sa compartment para tulungan si Giselle. Ang aga-aga lang, lakas na agad mang-urat. 

               "Giselle, sama ka raw muna sa akin sa cafe sabi ng mommy mo. Dadating daw kasi daddy mo, gusto ka raw makita." Sabi ni ate Seul habang papalapit kay Giselle para ipakita ang text message na galing sa mommy niya. Paano 'yon? Ako lang mag-isang maghahakot dito? Ay, tutulungan nga pala ako ni baby sister ni ate Irene pero ang alam ko sa paghahakot lang siya tutulong eh.

               "Hala eh sino kasama ni Winter na mag-unpack ng mga gamit?" 

               "Me." Napatingin ako sa nagsalitang babae. Si baby sister, nagprisinta. "Wala naman akong pasok today eh."

               Agad akong tumingin kay Giselle at nagbabakasakali akong mag-iinsist siya na magpaiwan muna.

               "Hala talaga ba? Thank you, babalik na lang ako agad mamaya." 

               Giselle.

               No.

               "Winter, mauuna na kami kasi shift ko na rin. Kailangan ko na pumasok. Mag-iingat ka at mag-chat ka sa kuya mo." Pagpapaalam sa akin ni ate Seul.

               Kinindatan din ako ni Giselle.

 

 

               Halos kakatapos lang naming iakyat lahat ng gamit. Wala si Katrina dito kasi bababa raw muna siya para maligo. Tahimik ko lang na inaayos yung gamit ko sa cabinet. Iniisip ko kung saan ko ipwepwesto yung study table at lamp ko. 

               Nag-text sa akin si Giselle na kahit iwanan ko na lang daw yung mga gamit niya sa sala at siya na raw ang mag-aayos mamaya pagbalik niya. 

               "You should put those sa sulok para mas maluwag yung working area mo." Sabi ni Katrina habang nakasandal sa frame ng pinto ng room ko. Tapos na ata siyang maligo, ang bilis naman. 

 

 

               Nasa sala ako ngayon habang si Katrina naman ay nag-uunpack ng mga boxes ni Giselle para raw madali na lang ilagay sa cabinet. Naisip kong buksan yung bintana kasi medyo umiinit na dito sa loob. Sinubukan kong buksan yung bintana gamit ang aking taglay na lakas kaso ang tigas talaga. 

               "Katrina." Tawag ko sa kanya.

               "Uy Katrina." Tawag ko ulit sa kanya habang tinitignan nang maigi yung lock ng bintana. Nakaunlock naman ah.

               "Katrina!" Nakakatatlong tawag na ako pero hindi pa rin siya sumasagot kaya nilapitan ko na siya. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot. Kanina pa ako 'Katrina' ng 'Katrina' dito."

               Tinignan na niya ako. "Who's Katrina?"

               Hindi ako makapaniwala sa babaeng 'to. "Sino pa bang Katrina dito sa atin? Ikaw lang naman."

               Mukhang napaisip pa siya sa sinabi ko. "Uhm sure, what's up?"

               "Yung bintana kasi ayaw bumukas."

               "Twerk ka muna." Napipikon na ako, pasalamat siya maganda siya.

               "Dali na." Tinulak ko na siya papunta sa bintana.

 

 

               Winawalisan ko yung sala nang may bigla akong narinig na boses ng lalaki sa may pintuan kaya sinilip ko agad kung sino. Chinito yung lalaki tapos may bitbit siyang dalawang supot.

               "Karin- uy, andyan ba si Karina?" Tanong nung lalaki sa akin. 

               "Karina? o Katrina?" Tanong ko pabalik.

               "Si Karina." Sagot niya agad sa akin. Sino ba kasi si Karina?

               "Karina? Hindi ba si Katrina?" Tanong ko ulit sa kanya.

               "Si Karina ba kako andyan?" Ramdam ko na naguguluhan na rin siya sa usapan namin o ako lang yung magulo?

               "Jeno? Andyan ka na?" Jeno? Sino 'yon?

               Mabilis na tumakbo si Katrina papunta doon sa lalaki kaya hinayaan ko lang silang mag-usap. Napapansin ko rin na panay ang tingin sa akin nung Jeno. Maya-maya ay narinig ko na nagpaalam na sila sa isa't isa. 

               "Ingat ka ah. Thank you."

               "Sige text kita kapag nasa bahay na ako."

                Ayan yung huling narinig ko bago tuluyang umalis yung Jeno. Boyfriend niya ba 'yon?

               "Uy tara kain. Nagpabili akong pares." Eh? 

               "Nakakahiya naman inabala mo pa boyfriend mo." Sabi ko sa kanya tapos tumawa lang siya.

               So boyfriend niya nga? Hindi niya tinanggi eh.

               Nagsimula na kaming kumain. Walang nagsasalita, katakot. Hindi naman kasi kami close nito. 

               Ah! May naalala ako.

               "Bakit Karina yung hinahanap nung lalaki kanina?" Tanong ko habang nilalagyan ko ng sabaw yung kanin ko. "Katrina naman pangalan mo."

               "Tingin mo? Bakit kaya?"

               "Tingin ko hindi ko alam kung bakit?" Natawa siya. Tumayo siya para kuhanin yung tubig na dala niya. 

               Pagkabalik niya sa upuan niya, "Stupid, Karina talaga name ko. Hindi ko alam kung saan mo n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po