Archived

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

               Naiinis na ako.

               Ano bang meron sa kanila ni Minju? Bakit parang sobrang close nila?

               Yung closeness nila, parang ganon din kami ni Winter. Nahahagip din minsan ng mata ko na nakahawak si Winter sa braso niya. Minsan kinukurot-kurot pa niya yung tagiliran ni Minju.

               Kanina paggising ko, naabutan ko silang kumakain sa labas.

               Nung nag snorkeling naman kami, hindi ko rin nakasama si Winter. Laging nakabuntot sa kanya si Minju.

               Gusto ko na rin tuloy makibuntot.

               Si Giselle tuloy yung kasama ko ngayon. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi... ang ingay at ang gulo ni Giselle. Gusto ko na lang siyang ipatapon sa kadagat-dagatan dito sa resort.

               Tuwing mapapadaan sila Minju sa harap namin, ngingitian lang ako ni Winter.

               Paglingon ko sa gilid, nginingitian din ako ni Giselle.

               “Awww, Karkar it’s okay. Sharing is caring, you know.”

               Ito pa, si Winter. Ano ba?

               We’re friends… for now.

               May nalalaman pa siyang ganyan kagabi tapos ngingitian niya lang ako buong araw?

               Syempre wala akong magawa…

               Nginitian ko lang din siya pabalik.

               “Karina, ano gusto niyong inumin mamaya? Pumayag kasi si ninong na bumili tayo ng drinks sa bayan.” Ang y ni Yeji sa suot niyang black fitted crop top and white shorts. Pinagtitinginan siya ng mga ibang tao kanina sa resort nung makapagpalit kami ng damit pagkatapos namin mag-snorkeling. Natatawa pa kami ni Giselle kasi parang walang pakielam si Ryujin sa mga tumitingin sa jowa-jowaan niya. “Si Minju na raw bibili.”

               “Sino kasama niya? Samahan ko na siya.“

               “Silang dalawa na ra-”

               “Rina!” Nakakagulat naman ‘tong si Giselle. Bigla-bigla siyang pumapasok sa kwarto, wala man lang katok o kahit ano. “Yej, si Karina? Ayon, halika dali!”

               Shala.

               Nagpahatak naman ako kaagad kay Giselle.

               Naiwan ko yung sweatshirt at phone ko sa kwarto nila Yeji.

               Naka-sleeveless lang tuloy ako.

               “Ano ba ‘yon? Bakit ka ba nagmamadali?”

               “Dalian mo na lang, baka hindi natin sila maabutan.”

               “Sinong sila? Ano bang mer-”

               “Wintot! Sama kami, may bibilhin kami ni Karina.” Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Giselle. Naabutan namin na pasakay si Minju sa driver’s seat at si Winter naman na halatang nagulat sa sigaw ng kaibigan. Hawak niya yung phone niya. “Oh, hi Minj. Pwede ba ako yung umupo sa front seat?”

               “Ayos lang naman, alam mo ba yung papuntang bayan? Wala kasi akong data eh, nalimutan kong magpaload.”

               “Meron akong load, ako na bahala.” Sabi ni Giselle bago tuluyang sumakay sa unahan.

               Binuksan ko na yung pinto sa likod.

               Nakita ko si Winter na tulala na naman sa… sa… ano ko… sa dibdib ko.

               Dapat ba akong kabahan?

               “Winter, tara na.” Inalis niya agad yung tingin sa… sa ano… doon at nagsimula na siyang maglakad.

               Nang makalapit na siya sa akin at akmang papasok na sa sasakyan, sinara ko ulit yung pinto tapos sumandal ako. Nginitian ko siya. “Saan ka nakatingin kanina?”

               “Ha? Anong nakatingin?”

               “Nakatingin ka na naman kanina eh.”

               “Saan nga ako nakatingin?”

               I lowered my gaze sa dibdib ko and looked back at her. “Dito.”

               “Hindi ah! Napakafeelingera mo naman, bakit ko naman titignan ‘yan eh meron din naman ako?”

               “Weh? Saan?”

               “Ewan ko sa’yo, buksan mo na yung pinto.”

               “Ayoko.”

               “Edi sa kabila ako papasok.” Naglakad na siya papunta sa kabila. Nagmamadali akong pumasok sa loob tapos ni-lock ko yung pinto sa side niya. Maya-maya ay narinig namin siyang kumakatok.

               Inunlock naman agad ni Minju yung pinto at tinatawanan lang din si Winter na nakasimangot na pumasok sa loob ng sasakyan.

               “Ang sama talaga ng ugali mo, susuntukin na kita.” Sabi ni Winter pagkapasok niya sa sasakyan.

               “What? Wala naman akong ginagawa.”

               “Ano, tara na?” Sabi ni Minju after niyang paandarin yung sasakyan. “Wala na kayong nakalimutan?”

               Sasabihin ko sana na naiwan ko yung sweatshirt at phone ko sa kwarto nila Yeji kaso huwag na lang. Nakakatamad na rin bumalik.

               Ito na naman si Winter.

               Nakatingin na naman siya sa akin.

               Nakikita ko siya sa peripheral vision ko.

               Hindi ko na napigilan at lumingon na rin ako sa kanya. “Why?”

               Umiling lang siya. “Ano nga pala yung bibilhin niyo ni Giselle?”

               Napahinto ako sa tanong niya.

               Giselle, it’s your time to shine. Sagipin mo ako dito sa back seat.

               Giselle?

               Giselle?!

               Tumingin ako sa harap at nakita kong sumasabay yung ulo niya sa beat ng kanta.

 

I saw you dancing in a crowded room

You look so happy when I'm not with you

But then you saw me, caught you by surprise

A single teardrop falling from your eye

 

I don't know why I run away

I'll make you cry when I run away

 

               Gusto kong sakalin si Giselle.

               “Huy, ano kako bibilhin niyo?”

               “Ah, bibili lang si Giselle ng… fresh milk.” Really Rina? Fresh milk?

               “Fresh milk? Ayun lang?”

               “Oo, ano k-kasi… nag-crave raw siya sa gatas. Yung fresh na gat- ah yung fresh milk nga. Fresh na milk, m-milk na f-fresh… mananahimik na ako.”

               Narinig ko yung malutong na pagtawa ni Giselle sa unahan.

               Giselle, mamaya ka sa akin.

               “Nag-text pala ako sa’yo kanina, nagtanong ako kung may ipapabili ka. Sakto naman sumama kayo ni Giselle.”

               “Ah… naiwan ko yung phone ko sa kwarto nila Yeji eh.” Nagkatinginan kami ni Minju nang mapalingon ako sa rear-view mirror ng sasakyan.

               “Bakit mo naiwan? Ang boploks mo naman.”

               “Maka-boploks ka naman, si Giselle nga kasi ‘di ba… inaya akong bumili ng fresh milk,” I cleared my throat. Narinig ko na naman yung tawa ni Giselle sa unahan. “…anyway, ayon nga kaya naiwan ko yung phone ko and yung sweatshirt ko.”

               “Ah, kaya pala nakaganyan ka lang…” Tumatango lang si Winter sa pwesto niya.

 

You could've asked me why I broke your heart

You could've told me that you fell apart

But you walked past me like I wasn't there

And just pretended like you didn't care

 

I don't know why I run away

I'll make you cry when I run away

 

Take me back 'cause I wanna stay

Save your tears for another

Save your tears for another day

Save your tears for another day

 

               Parang tanga ‘to si Winter.

               Kasi naman kanina, pagbaba namin ng sasakyan.

 

               “Karina.”

               Bababa na sana ako ng sasakyan kaso pinigilan ako ni Pojo.

               Kakarating lang namin. Natatanaw ko yung convenience store sa harap pero parang hindi siya convenience store kasi ang laki masyado. Grabe ka na Batangas.

               Pero kailangan pa naming tumawid kasi dito lang pwedeng mag-park. Naunang bumaba ng sasakyan sila Minju.

               “Bakit?”

               “Ganyan ka lang lalabas?”

               Uhm…

               “Oo?”

               “Ganyan lang?”

               “Oo nga, bakit?”

               “Baka malamig sa loob.”

               “Winter, the cold never bothered me anyway.”

               “Kailan ba kita makakausap nang matino?” Tumawa muna siya bago bumaba ng sasakyan.

               Syempre bumaba na rin ako.

               Nauna na sila Giselle at Minju. Ang bilis naman nilang tumawid, naabutan tuloy kami ng stoplight. Hindi ba il-lock ni Minju ‘tong sasakyan niya? Kay tita pa naman ‘to.

               Inantay ko si Winter na makalapit sa akin para sabay na kaming tatawid.

               Good citizen.

               “Ang tagal naman ng stoplight nila dito.” Sabi ni Winter habang nagtatali ng sintas niya.

               Maya-maya may tumabi sa akin na dalawang foreigner. Nginitian nila ako kaya ngumiti rin ako pabalik.

               Good citizen talaga ulit.

               Nakita ko rin na sinisilip ni Winter yung tumabi sa kaliwang side ko. Halos ma-out of balance na siya sa pwesto niya.

               Ang tagal niya naman yatang magtali ng sintas.

               “Karina, itayo mo ako.”

               Dali-dali ko namang hinawakan yung mga kamay niya at akala ko… akala ko bibitaw rin siya agad pagkatayo niya.

               Kaso hindi na siya bumitaw kasi sumakto rin na nag-green yung stoplight.

               Kaya ito kami ngayon HHWW, charot.

               Hindi naman siguro counted ‘to as HHWW kasi hawak-nanay yung ginagawa ni Winter ngayon.

               Nagmamadali ba siya?

               Nang makatawid na kami, sinusundan niya ng tingin yung dalawang foreigner na katabi ko kanina.

               “Winter…”

               Tinignan niya ako, nagtataka yata siya kung bakit ko siya tinawag. Malapit na kami sa entrance ng convenience store.

               Winter yung kamay ko kasi, hawak mo pa rin. Ayan yung gusto kong sabihin pero walang lumalabas sa aking mouth.

               Tumingin siya sa magkahawak naming kamay tapos bumitaw siya agad. Nag-iwas din siya ng tingin.

               Aw… charot ulit.

               Bago pa kami makapasok sa convenience store na mukhang mall, tinawag niya ako. Medyo nauna na kasi akong maglakad nung binitawan niya ako.

               Nilingon ko siya tapos nagulat ako nang ihagis niya sa akin yung sweater niya.

               Tatanungin ko pa sana siya kung bakit at kung para saan pero tuloy-tuloy lang siyang naglakad papasok ng store.

               Sinuot ko na lang tuloy kaagad yung sweater.

               Ang bango, amoy future jowa.

               Hay.

               Grabe ka na talaga Batangas.

 

 

               “So, sinong mag-iihaw?” Tanong ni Yeji habang winawagayway yung tong na hawak niya.

               “What if yung mga lalaki na lang?” Suggest ni Ningning. “Andyan naman si Jeno, Renjun, Chenle and Jisung. Right boys?”

               “So sinama niyo kami dito para utusang mag-ihaw?” Sabi ni Jeno habang nagkakamot ng ulo niya. Uso kasi maligo, Jenono. “What if majority? Since madami kayong girls, bakit hindi kayo yung mag-grill? Oh sakto, Grill parang Girl.”

               Inapiran pa ni Chenle si Jeno, mukhang proud na proud din yung isa sa sinabi ng kaibigan niya.

               “Fine, kami magg-grill but kayo yung maghuhugas ng dishes after kumain. Game?” Nice Yeji, mas okay magluto kesa maghugas ng dishes.

               “Game.” Sagot ni Jeno. “Pero may iba pa bang kailangang gawin?”

               “Mag-prepare lang ng ihawan.”

               “Sige kami na ‘don.” Buti na lang maganda ‘tong resort ng ninong ni Yeji. Para siyang bahay tapos may mga rooms sa taas. Hindi namin solo yung kitchen, para siya sa lahat ng mga nakastay-in sa resort. Pero ngayong gabi, kami lang yung gumagamit ng kitchen. Mas gusto yata ng mga iba na kumain na lang sa mga diner dito sa loob ng resort. Mas convenient nga naman ‘yon.

               “Huwag niyong kalimutan na kayo maghuhugas mamaya ah.” Pahabol na sigaw pa ni Yeji bago tuluyang makalayo yung mga lalaki.

               “Whatever Yej, whatever.” May regla ba si Jeno?

               “Ako lang ba or parang may nagbago kay Jeno?” Sabi ni Yeji habang nag-aayos ng mga pinamili nila kanina. “May girlfriend na ba si Jeno?”

               “Malabong magkaroon ng girlfriend si Jeno.” Sabi ko sa kanila.

               .

               “Wala ba siyang nababanggit sa’yo?” Tanong ni Yeji. Nakita kong sabay na tumingin sila Winter at Giselle sa akin.

               “Wala naman.”

               “Baka crush ka ni Jeno kaya hindi pa rin nagkakagirlfriend hanggang ngayon.” Lahat kami napatingin kay Minju maliban kay Winter. Nakatingin pa rin siya sa akin. “What? I’m just saying, tingin niyo bakit walang sinasabi si Jeno sa atin na nagugustuhan niya? Baka hindi niya masabi sa atin kasi si Rina yung gusto niya. You know, hirap siyang sabihin sa kahit sino sa atin kasi matagal na tayong magkakaibigan.”

               “That actually makes sense, walang kinikwento sa atin si Jeno about sa girls. Lagi siyang nakabuntot kay Karina kahit nung lumipat na kami sa Manila. Hindi naman siya ganon ka-close sa amin ni Minju. Partida kambal ko ‘yon ah.” Lia naman, bakit ka pa dumagdag?

               “Narinig ko pangalan ko sa malayo, binabackstab niyo ba ako?” Napatingin kaming lahat sa pinto nang biglang pumasok si Jeno at Jisung. “Naka-ready na yung grill sa labas, ano mga dadalhin ‘don?”

               “Lahat ng nakalagay sa kitchen, yung nakapatong sa countertable.” Sabi ni Ningning habang nagl-lipstick. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at agad na hinanap ng mata ko si Winter. She smiled at me, coldly sabay akbay kay Giselle papuntang kitchen.

               Pojo ko huhu give me a chance.

               It’s not what you think, char.

               Baka wala lang siya sa mood.

 

 

 

               Kakatapos lang namin kumain.

               Nagliligpit na yung mga lalaki.

               Parang bula na naglaho si Winter kanina after namin kumain. Magkatabi kami kanina, inaalok ko rin siya ng kung ano-ano pero tahimik lang siya kumpara sa typical Winter.

               Pumunta ako saglit sa room nila Yeji para kunin yung phone and sweatshirt ko. Nakita ko yung notif ng text message ni Pojo kanina.

 

               Ang gulo ng room nila, naisipan kong pulutan yung mga nakakalat na balat ng chips na kinain nila. Kung nandito si Ate Irene, baka bumalik na siya sa Manila kapag nadatnan niyang ganito kakalat yung paligid.

               Okay next, sa kwarto namin.

               Iniisip ko kung maliligo na ba ako o hindi na muna. Iinom pa raw kasi mamaya, after na lang siguro ‘non. Wala naman talaga akong balak uminom and bawal din talaga akong uminom nang sobra. Regular na rin kasi yung training namin sa Taekwondo, baka mapagalitan ako ni coach.

               Pagpasok ko ng room, bumungad sa akin si Winter na nakatayo sa veranda.

               Lalapitan ko ba siya?

               Maligo ba muna ako o lalapitan ko na siya? Nakakahiya naman, amoy inihaw ako eh.

               Pero syempre, priorities.

               Lalapitan ko na siya.

               Dahan-dahan kong binuksan yung sliding door. “Hey…”

               “Uy, nagliligpit na sila?” Tanong sa akin ni Winter.

               “Oo, tumulong na rin sila Yeji tsaka Ryujin na maghugas ng plates.” Tumango-tango lang si Winter bago niya binalik yung tingin sa malayo. “Bakit mag-isa ka lang dito?”

               “Hindi ah…”

               “Ha?”

               “Andito ka naman ah…”

               Parang tanga.

               “I mean, kanina kasi. Bakit umakyat ka agad?”

               “Ah, wala lang. Ang ingay sa baba eh saka wala naman ng gagawin. Mamaya pa naman iinom, ‘di ba?”

               “Bakit parang ang tahimik mo kanina?”

               “May tanong ako…”

               Omg.

               Kinakabahan ako ah.

               “Hmmm?”

               “Kunwari ano uhm…”

               “What?”

               “Hindi wala pala.”

               “Sure?”

               “May tumawag kasi sa akin kanina sa phone, unknown number siya.”

               “Then? Sinagot mo ba?”

               “Oo.”

               “Oh… sino raw?”

               “Si Isa.”

               Oh.

               “Your ex? Bakit siya tumawag?”

               “I don’t know, nung nagpakilala siya binaba ko agad yung call. Hindi ko rin alam kung paano niya nakuha yung number ko eh nagpalit ako ng sim card nung naghiwalay kami.”

               “Ahhh, baka naman may kukuhanin lang.”

               Gamit yung tinutukoy kong kukuhanin ah, hindi si Winter.

               “Binalik ko na yung mga gamit niya na nasa akin dati, wala naman na ibang reason para tumawag pa siya sa akin.”

               “Oh, wala naman pala eh. Huwag mo na isipin ‘yon. Hindi ka pa bababa?”

               “Maya-maya siguro, papahangin lang ako dito.”

               “Samahan na kita.”

               “Hindi na, susunod din naman ako maya-maya.”

               Ayaw ko sana siyang iwanan dito kaso mukhang gusto talaga niyang maiwan muna mag-isa.

               Kinakabahan ako.

               Bakit kaya tumawag yung ex niya?

              

 

 

               “Chenle, ayusin mo yung tagay! Bakit sa akin halos mapuno yung shot glass tapos kila Giselle mababa lang?” Pagrereklamo ni Ningning. Kanina pa siya maingay kahit hindi pa nila nakakalahati yung binili nila. Nag-settle sila sa Alfonso kasi maraming may ayaw sa gin. Mas okay pa nga sa akin kung nag-Bacardi sila or The Bar.

               “Anong puno? Lasing ka na siguro, naduduling ka na eh.”

               Nandito kasi kami sa clubhouse ng resort. Nilipat nila Jeno yung ibang mga tables at chairs na nasa loob kanina. Pumayag naman agad yung ninong ni Yeji na dito na lang kami uminom.

               Maganda yung lugar na ‘to. Hindi siya saradong-sarado kaya ramdam na ramdam pa rin yung hangin na galing sa labas.

               Tahimik lang na nakikitawa si Winter sa tabi ko. Nasa kabilang gilid niya naman si Giselle.

               “Giselle, samahan mo ako sa room. Magc-cr lang ako.” Sabi ni Ningning na parang halos nakapikit na yung mata.

               That’s enough alcohol for you Ning. Nasaan na ba si Renjun?!

               Tumango lang naman si Winter nung tinignan siya ng bestfriend niya.

               Biglang umakbay si Ning kay Giselle at sabay turo sa amin ni Winter. “Alam niyo kayong dalawa, mag-aminan na kasi kayo.”

               Ramdam na ramdam ko yung pagtingin nilang lahat sa amin. Suddenly, parang mga spotlight yung mata nila.

               “Ning, mag-cr ka na ‘don.” Ayan na lang nasabi ko. Feel ko namumula yung tenga ko ngayon. Kasalanan mo ‘to, Ning. Nakatingin pa rin silang lahat sa amin. “Stop staring at us.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po