Alam mo ba 'yon?

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

               “Alam mo ba ‘yon?”

               “Ano na naman, Giselle Uchinaga?” tanong ko kay Giselle na parang hindi na naman mapakali sa kinauupuan niya. Mahigit dalawang oras na kaming nakatambay dito.

               Si Karina? Uhm… umuwi siya after ng class namin kasi kukunin niya raw yung notes niya sa apartment. Gusto ko nga sana siyang samahan kaso sabi niya ‘wag na raw, babalik din naman daw siya kaagad.

               Pero hanggang ngayon, wala pa rin siya.

               Bago pa siya makaalis kanina, panay yung sabi niya sa akin na mag-behave raw ako. Behave naman ako, si Giselle lang yung hindi.

               Ito pa, hindi na raw tutuloy si Isa sa apartment namin. May nabakante raw kasing unit sa likod ng school. Medyo malayo raw iikutin niya pero pwede na raw ‘yon kaysa makigulo pa siya sa amin ni Giselle.

               Buti alam niyang makikigulo lang siya sa amin.

               “May tea raw sa tropa nila Karina.”

               “Anong tea?”

               “Kaya nga kita tinatanong kung alam mo ba kasi hindi ko rin alam kung ano ‘yon. Wala bang nababanggit sa’yo si Karina?” Kumaway ulit siya kay Ate Seul. Ang hyper lang ni Giselle ngayon. Kada-daan ng pinsan ko sa gilid namin, todo kaway siya. Biniro pa siya kanina ni Ate Seul na baka raw in love siya kasi sobrang blooming niya ngayon. Nakakapanibago.

               “Wala naman siyang nababanggit sa akin,” sagot ko. “Ano bang tea sinasabi mo? Tea as in chismis? Ganon?”

               “Nasaan na si Karina? Akala ko ba kukuhanin niya lang yung notes niya? Bakit ang tagal niya?”

               “Hindi ko alam,” baka hinahanap pa niya yung binder niya. Baka naharang pa siya ni Ate Irene. Ang alam ko walang pasok si Ate Irene this week eh. Baka nakatulog. Ewan! “Text mo nga, Gi.”

               “Huh? Bakit ako? Ikaw yung jowa-jowaan eh.”

               “Anong jowa-jowaan?!”

               “Tsaka gaga ka, bakit ako pa uutusan mo na tanungin kung nasaan na siya eh pwede namang ikaw na lang yung gumawa?”

               Sinimangutan ko na lang yung bestfriend ko. Kukunin ko na dapat yung cellphone sa bag nang biglang magsalita ulit si Giselle.

               “Kamusta kayo ni Karina?”

               “Chismosa ka, alam mo naman kung anong status namin ngayon…” uminom ako sa frappe na inorder ko. Yung Chocolate Mint ni Karina, baka tuluyan nang mawalan ng lasa kasi ang tagal niyang sumunod dito.

               “Ano? Jowa-jowaan phase? Kapag hindi ka kumain magagalit ako phase?”

               “Tigilan mo nga ‘yan, Giselle…” tawa lang naman siya nang tawa. Tinatawanan niya siguro yung itsura ko ngayon. Alam ko na kung bakit sila close ni Karina, parehas silang natutuwa kapag napipikon ako. “Kapag si Karina jinowa ko na talaga…”

               “Oh, ano?” naiirita ako sa mukha ni Giselle ngayon. Para siyang nanghahamon na ewan. Narinig ko ulit yung tawa niya nung sinimot ko na lang yung frappe na inorder ko. Ang lakas lang ng loob ko na sabihin yung mga ganong bagay kapag si Giselle yung nasa harap ko, pero kapag nandyan si Karina natatameme lang naman ako. “Wintot, seryoso nga. Kamusta kayo ni Karina? I mean, alam kong okay kayo kaya huwag mo akong sasagutin na ‘okay lang naman’. What I mean is, anong balak niyo? Or, ikaw na lang. Anong balak mo?”

               “S-saan? Kay Karina?!”

               “Sa akin, Winter. Anong balak mo sa akin?” biglang naging seryoso yung mukha niya. Parang nawalan na siya ng gana na magtanong sa akin. “Malamang kay Karina, emerut ka.”

               “Hindi ko alam,” napaisip ako. Ano nga ba? Hindi ko naman iniisip nang sobra yung sa amin ni Karina. Tuwing nag-uusap nga kami lagi lang naming sinasabi sa isa’t isa na hindi namin kailangang magmadali. “Tsaka hindi pa nga ganon katagal simula nung nagkaaminan kami…”

               “Wala kang plans like… uhm…” mukhang nag-iisip pa siya sa sasabihin niya.

               “What plans?”

               “Like to take her out on a date,” nanlaki yung mata niya. “You remember last time na supposedly first date niyo but kasama niyo si ex and her great great mother?”

               “Ah, hindi raw counted ‘yon.”

               “Sinabi niya?” tumango lang ako at nakita ko kaagad yung biglang pagngiti ng bestfriend ko. “Ayun naman pala eh. Since siya yung nag-plan ng food bazaar date niyo last time, what if ikaw naman yung mag-plan ng magiging date niyo?”

               “Papayag ba siya?” hindi makapaniwalang tinignan ako ng bestfriend ko. “Tingin mo?”

               “Seriously… tingin mo ba hindi siya papayag? The way she looks at you, the way she adores you so much, the way she always messages me if anong ginagawa mo even though magkausap naman kayo, seriously Winter? What’s wrong with you?!”

               “B-baka lang naman kasi may training or busy siya ‘non… ayoko namang kunin yung supposed-to-be rest day niya kung sakali…”

               “My god… then ask her! She’ll find her ways naman para makasama ka even if busy siya, unless kung talagang hindi kaya ng schedule niya. But for you to find that out, you need to ask her. Seriously Wintot, parang hindi ka nagkajowa dati…”

               “Eh iba naman kasi yung sa amin ni Karina… nahihiya pa nga rin ako minsan sa kanya kahit na ilang beses na kaming nagkasama.”

               “Halikan mo ba naman sa Batangas, ang kapal naman ng libag mo kung hindi ka mahihiya ‘non…”

               “Giselle?!” napalakas ata yung boses ko. Ang daming tumingin sa table namin. “Hindi lang naman ‘don, I mean, part na ‘yon pero kasi, yung sa amin, I mean, yung sa akin, hindi nam- basta nahihiya pa rin ako kay Karina! Yung tipong hindi ko alam minsan kung ano yung dapat kong gawin o kaya isagot sa mga sinasabi niya.”

               “Like yung spontaneous banats niya? Yung pagiging rekta niya? Yung parang alam niya yung dapat sabihin sa’yo? Ano pa ba…”

               “O-oo, ganyan... ang dami mo namang sinabi.”

               “Honestly, I like her…” napatingin ako bigla sa sinabi ni Giselle. “I mean, Winter naman… not in that way! But I like how honest she can be sa nararamdaman niya. Yung pagiging rekta niya. Like, hindi siya nagh-hold back na sabihin sa’yo yung mga bagay-bagay, like that… And I like her for you, of course… mas gusto ko siya kumpara kay Isa. Hindi lang dahil sa ginawa ni Isa sa’yo ha, sobrang nanggagalaiti pa rin ako sa galit kapag naaalala ko yung ginawa niya, pero you know what I mean…”

               “Ano? Eh kung ituloy mo kaya.”

               “Hindi pa kayo official ni Karina pero close siya sa akin and pansin kong nagiging close na rin siya sa ibang kaibigan natin,” gets ko na yung sasabihin ni Giselle. “Which is hindi nagawa ni Isa dati. Parang hangin nga lang kami sa kanya nung naging kayo, ni hindi man lang nga gumawa ng effort para maging ka-close kami. It’s not like ano eh, hindi lang dahil sa kaklase rin namin si Karina ngayon since hindi naman natin kaklase dati si Isa, pero what I’m saying is konting pakikisama naman sa friends ng jowa ‘di ba?”

               Gusto kong kiligin sa sinasabi ni Giselle about kay Karina pero iba yung naiisip ko this time.

               Yung utak ko nasa pagiging rekta pa rin ni Karina. Rekta ba talaga si Karina?

               I mean, yeah, may point si Giselle. May point naman lahat ng sinabi ni Giselle about kay Karina, and speaking of her, nakita ko na siya sa labas ng cafe.

               “Karkar!” tumayo agad si Giselle sa upuan para lumapit sa kanya. May matching pagyakap pa siya kay Karina. “Para sa taong sobrang lapit lang ng apartment dito sa café, ang tagal mong kumuha ng notes ha.”

               “Why? Na-miss ba ako ni Winter? Si Ate Irene kasi ang tagal mamili ng order eh, nagpapatakeout siya ng cake tsaka frappe.” lumipat ng upuan si Giselle sa tapat ko. Umupo naman si Karina sa pwesto ni Giselle kanina which is sa tabi ko. “Na-miss mo ako?”

               “O-oo naman,” nahihiya akong tumingin sa Pesto na kinakain ko. Tinusok niya yung tagiliran ko. Naisip ko bigla yung pinag-usapan namin ni Giselle about sa pagiging rekta niya.

               “You’re not gonna ask me if na-miss kita?” sabi niya ba naman bigla.

               Si Karina naman… kakarating lang ganito na agad yung linyahan.

               “Ask her daw,” sabat ni Giselle sa tapat ko. Sumandal na siya sa upuan habang inuubos yung Iced Americano niya. “I’m curious kung paano magpabebe ang isang Winter…”

               Napansin ata ni Karina na hindi ako makakapagsalita at the given moment kaya nagsalita na siya.

               “Kahit hindi mo tinatanong, na-miss kita kahit magkasama naman tayo sa lahat ng classes natin.” napasimangot siya bigla nung tinignan ko siya. “I kept on texting you but hindi ka nagrereply…”

               “Weh ba?” kinuha ko agad yung phone ko sa bag. “Nagkwekwentuhan kasi kami ni Gis-”

               14 new messages from her.

               Sorry na Karina huhu.

               “See?” sabi niya habang umiiling sa kinauupuan niya. “Nagtatanong ako if may ipapadala ka ba or kung may naiwan ka sa apartment niyo para isasabay ko na lang.”

               “Pesto?” nakita ko naman yung mabilis na pagtango niya. Inalok ko sa kanya kasi baka gutom siya and, masyadong marami yung serving nila dito sa café.

               “Where’s my chocolate mint?” Inabot ko naman agad sa kanya yung chocolate mint niya na feel ko wala ng lasa. “Thanks…”

               “How is it? Masarap ba?” tanong ni Giselle. Parang gustong-gusto niya talagang malaman kung masarap ba yung chocolate mint kasi grabe lang siya makatitig kay Karina. Talagang inaabangan niya yung sagot ng isa.

               “Sakto lang yung tamis niya kaya mas okay siya sa akin, masarap siya. Pero, I think mas masarap pa siya kung nainom ko agad.”

               “That’s a relief…”

               “Bakit?” tanong naman ni Karina. Nakwento pala ni Giselle kanina sa akin na nakita niya si Minju sa café and pati yung order ni Minmin na hindi ko naman kailangang malaman, sinabi niya. Chocolate mint daw yung inorder, ni-recommend niya raw ‘to kay Minmin nung nakaraan. Favorite ni Giselle yung chocolate mint, and natuwa raw siya na tinry ni Minju yung sinabi niya. Yung totoo Giselle… crush mo na ‘no?!

               “Nothing… I j-just want to know if masarap ba para masabi ko kila Mommy if may hindi magandang feedback galing sa customers.”

               Tumaas yung kilay ni Karina. “Really? Winter, is she telling the truth?”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po