Nasaan ka, Payong?
UlanP. S. Continuation lang to ng kahapon, same na araw padin to sila nangyari.
Paano Ko hindi napansin na andun pala siya? Nangyari yun? Na yung ipon ko? Yung payong ko?
Bakit Ko binigay yung payong? Ako sumakay dito? Ko ginawa yun? Pa ko humugot?
Dalawang tanong nga ang lumitaw sa isip ni Seulgi pero syempre may mga follow-up questions pa ito. Malamang hindi niya alam yung mga kasagutan dun kaya magpapababa na sana siya sa malapit na unloading station nang mapagtanto niya..
"Sayang naman yung 12 pesos kung magpapababa na ko. Parang ilang hakbang palang nakakalayo yung bus." hindi na niya sinabi to ng malakas, kundi sinabi nalang niya sa isip niya.
"Hindi, mas maganda kung maglakad ka nalang. May shortcut naman, nakapag ipon ka na, naexcercise ka pa." sabi naman ng maliit na demonyitang Seulgi sa kaliwa niya.
"Umuulan sa labas Seulgi, wag kang nakikinig dyan, kaya ka nagiging bobo dahil sa pakikinig dyan. Wala ka na ngang payong kasi binigay mo sa anghel kan-" di na natuloy ng anghel na Seulgi yung sasabihin nang magsalita si Seulgi.
"Anghel? Lul. Aaminin ko may itsura naman pero nah, lam mo namang 'di ako pumapatol sa 'di ko talo."
Nakuha ni Seulgi ang mga mata ng mga kasama niya sa bus. Nasabi ko pala yun ng malakas.
"Ahihihihi" pabebeng tawa ng demonyong maliit na Seulgi sa kaliwang balikat niya.
Laking pasasalamat niya ng maramdaman niyang hawak lang pala niya ang kaniyang cellphone kaya itinutok niya ito sa kaniyang tenga.
"Ah kasi basta, yun na yun! Bye na." pagkikipag-usap kuno ni Seulgi sa cellphone niya, pakunwaring may kausap lang siya.
Medyo naniwala naman yung mga ibang pasahero kaya naginhawaan na din si Seulgi.
"Kailangan kong makausap si Joy." sabi niya bago tuluyang magmuni-muni habang nakatitig sa labas ng bintana ng bus.
-
"Oh ano nanaman yan, Ate Joohyun? Wag mong sabihing dinekwat mo nanaman yan. Ano ba yan ate, 'di ka pa ba nakukuntento sa plantsahan na hiningi mo kila Aling Yoon-"
"Wag mo kong hinuhusgasan, Yerim. Pinahiram lang 'to sakin." pagsasalita nung Joohyun habang pinapatong ang payong na natanggap niya, ilang minuto lang makalipas.
"Susko, nag jogging ka lang ate, may lovelife ka na. Turuan mo naman ak-" nakikita ni Yerim ang tinging mabalasik ni Joohyun kaya dinadagdagan niya ito kaagad ng "Biro lang, ate."
"Walang lovelife, lovelife, staka babae yun, wala namang masama dun."
"Kaya nga, wala namang masama dun." panggagaya ni Yerim.
"May gusto ka 'bang ipahiwatig, Yerim? " mapaghinalang pagtatanong ni Joohyun. Alam niya na alam ni Yerim na mahina siya sa mga ganiyan kaya alam niya na may pinapaalam 'to.
"Wala naman, ate. Ah siya nga pala, aalis muna ako, pupunta ako sa kaklase ko."
"Aalis?! Alam mo bang anong oras na? Alas-singko na ng hapon, aber!" biglaang pagkagulat ni Joohyun sa paghingi ng permiso ng nakababatang kapatid.
"Ateee! Nakalimutan mo na ba? 'Diba nag paalam akong magsle-sleepover, oo ka nga ng oo nun eh!" pagngiyaw ni Yerim.
"Oh? Sinabi ko pala yun." saad ni Irene habang kamot-kamot ang noo niya.
"'Pag ulyanin nga naman." sinigurado ni Yerim na hindi ito narinig ng kaniyang ate.
Sa kabutihang palad, walang masamang reaksyon naman ang naipinta sa mukha ni Joohyun kundi pagkunot na kilay, hanggang ngayon iniisip niya kung kailan siya "um-oo"
"Sige, paalam ate!" masayang pagkaway paalis ni Yerim.
"Sandali, sino ulit yung kaklase mong yun?"
"Si Sooyoung po."
"Ah oo, naalala ko na, sige mag enjoy kayo. Tambalang kapre't tiyanak. Hahahahaha! "
Nakakalungkot namang isipin pero tumawa si Joohyun sa sarili niyang joke.
"Ha ha ha! Nakakatawa ate!" tumawa nalang ng peke si Yerim at umalis na.
"Sandali. Pano ko pala mababalik 'to sakaniya?" isa din si Joohyun na kumakausap ng hangin, palibhasa yung mga ibang kapatid niya, nasa probinsiya't ibang bansa pa.
Inalala ni Joohyun ang nangyari, nakakasukot man pakinggan pero yung nangyari ay parang yung mga tipikal na nakikita mo sa teleserye, lalo na sa kdrama.
Flashback ni Joohyun~
"Ang galing naman, ngayon magpapakita ka, kanina hinahanap kita, kinakailangan kita, wala ka."
Uy, okay lang ba siya? Mukhang hindi. Siguro kailangan niya ng makakausap, likod na masasandalan. Dalawa naman likod ko, sige na nga tatanong ko.
Uhm, Miss, okay ka lang ba? "
Hala. Napatalon siya, nagulat siguro, malamang Joohyun, ano ka ba. Teka, wala ka bang balak sagutin yun tanong ko? Staka anong tinititig-titig mo? Staring contest na ba to? Di ako nainform. Siguro ako na din sasagot sa tanong k-
"Ikaw, Miss, okay ka lang ba?"
Ang galing naman ng sagot sa tanong ko, tanong din. Sana ako nalang sumagot sa sarili kong tanong. Ay hindi, sana pala di na ko nag tanong edi san-
Naputol ang kadaldalan ko (sa isip ko malamang) nang wala na 'kong maramdamang pagpatak ng ulan at may nakikita na 'kong braso't payong na sobrang malapit sakin.
"Ah, oo. Eh kasi nag sasalita ka mag-isa kanina. Naisip ko lang sino kaaway mo, pasensiya na." saad ko, totoo naman kasi.
Kita ko sa mukha niya yung pagkagulat at pagkahiya (?) Hindi, kasi diba, pag nagugulat lumalaki mata, eh medyo namang lumaki yung maliit niyang mga mata tas nagpa ':o' pa siya, medyo namula pa yun pisngi. Oh diba, matalas paningin ko, wag niyo kong minamaliit, di porke maliit ako, ha ano.
(A/N: punyeta Irene, walang lumalait sa height mo ngayon, anong pinaglalaban mo)
Ah wala ba, share ko lang hehe~ Pero yun na nga asan na ba ko, ah yu-
"yung payong, mas kakailanganin mo."
Yun nalang ang narinig ko tapos tuluyan na siya umakyat sa bus, di pa niya tinanggal yung hood, may bubong na
Comments