Lintik na Payong
Ulan
"OOOOH AKO'Y PINAGPALA NATAGPUAN KO NA ANG HINAHANAP KONG DALAGA, SIYA ANG.. " panimulang pagsigaw ni Kang Seulgi na bumasag sa 'di nakabibinging katahimikan na meron sila ng kaniyang kaibigan na nagngangalang Joy, na nasa harap lang niya.
"DYOSA! DYOSA! DYOSA! NG BUHAY KO! " pagsigaw din ng kaibigan niya na may kasama pang pagpikit.
"SANDALI, MADUGAS KA! NAISAHAN MO AKO!" muling pagsasalita, hindi, pagsisigaw, ng kaibigan niya na halos mangiyak-ngiyak na pinunasan ang mga mata.
Sa tapat niya, humahalakhak ang kupal na si Seulgi.
"Wala di yun kabilang, ulol! Puta ang sakit ng mga mata ko." sunod-sunod na pagmumura ng kaibigan niyang si Joy habang pinupunasan padin ang mga mata.
Walang bakas naman ng mga luha o kung ano mang patulong likido sa mga mata ni Seulgi. "Ulit!" naghamon ulit ang kupal.
"Ano ka chix? Mag staring contest ka mag isa mo." sabi ni Joy na ngayo'y nakababa na ang mga kamay. Kitang-kita na namumula ito. "Pero yung paborito ko pa talaga yung kinanta mo. Magaling, Seul, magaling." dagdag nito.
"Syempre, ano kala mo sakin?" pagmamayabang nung walang hiyang nandaya.
"Kala ko bobo ka na habang-buhay."
"Ganyan pala pag tingin mo sakin. " biglaang pag pout ni Seulgi.
"Ang panget mo Seul. Yuck! Ituloy nalang yung kanta mas maganda pa."
At tinuloy nga nila sa pangunguna ni Seulgi.
"OOOOH ~ AKO'Y PINAGPALA. NATAGPUAN KO NA ANG HINAHANAP KONG DALAGA. SIYA ANG.. "
"DIYOSA! DIYOSA! DIYOSA! NG BUHAY KO! " pagkanta, hindi, pag sigaw ulit nila.
"DIYOSA! DIYOSA! DIYOSA! NG BUHAY KOO ~" solo na pagsigaw ni Joy na may kasamang pagpikit ulit.
"SOUNDS LIKE LA LA LA LA ~ MUKHANG HINDI KO NA KAIL-" natigil ang pagkanta ni Joy nang may narinig silang katok.
Lumakas at mas dumami ang pag-katok hanggang sa natinigan na nila ang mga katok na yun.
"TAAS ANG KAMAY AT WALANG KIKILOS NG MASAMA KUNG AYAW NIYO ISA SA INYO ANG TUMUMBA AT ISA SA INYO AY DUMAPA."
Pagkabukas ng pintuan ay may isang maliit na may bangs ang pumasok at kumant- sumigaw habang nasa anyong baril ang kaniyang mga kamay.
"KINGINA MO NAMAN WENDY, MOMENT KO NA YUN EH!" pagsisigaw nanaman ni Joy.
Mukha namang lutang ang kupal na Seulgi at tinuro ng dahan-dahan ang nakangangang pinto at ang pandak sa tabi nito.
"Pa-paano mo nabuksan yun pinto?" lutang na pagtanong ng lutang na Seulgi.
"Unang-una sa lahat, may susi ako.." sabi ni Wendy, sabay pag-urong niya para makita ang susi na nakadikit padin sa hawakan ng pintuan, "Pangalawa, BAHAY KO ITO!" sigaw nanaman ito na madramang tinuro ang sahig na kaniyang tinatapakan.
"Ang bobo mo Seulgi." hirit ni Joy na napabuntong-hininga sa kabobohan ng kaibigan niya.
"Unang-una sa lahat, malay ko ba. Pangalawa, di mo to bahay! Condominium to!" pabalik na sigaw ni Seulgi na madrama ding tinuro yung sahig na kaniyang tinatapakan.
"Ang bobo mo din pala Wendy." sabi naman ni Joy na nag buntong-hininga ulit.
"Nagtanong ka, ayan yung sagot, bobo! Staka baka gusto mong mapalabas ng wala sa oras ha, Kang? Isa ka pa Joy, wag mo kong itulad dyan!" sigaw nanaman ni Wendy na may kasama nanamang turo, pero kay Seulgi naman, mula sa pintuan.
Sa kalagayan ngayon, may mga tao ng padaan-daan pabalik at palabas mula sa mga kwartong pinagmamalagian nila.
"Ang bobo mo pal-" di na natuloy ni Joy ang pag sabat nanaman niya nang sumigaw si Seulgi.
"Oo na! Unli! Hoy, Seungwan, pwede na tayo mag artista, may fans na oh." sabay turo sa mga ulong umaaligid sa pinto nila.
Napalakas ang pagsara ni Wendy ng pinto kaya akala ng mga chismosa sa labas ay nagalit ito.
"Sabi 'ko 'wag mo akong tatawagin sa pangalan na 'yon!" sabi ni Wendy at tinakpan pa ang bibig ni Seulgi.
"Takip-takip ka pa 'dyan. Nasabi 'ko na, hoy!"
"Akala ko ba di ka tulad sakaniya?" nakangising sabi ni Joy sabay sinapok yung pandak sakanilang tatlo.
Nagsitakbuhan naman sina Joy staka Seulgi sa condo ni Wendy.
May pagkalakihan naman itong condominium ni Wendy. Nagcocondominium siya sapagkat ang mga magulang niya'y nasa Canada't nag tra-trabaho. Pinadadalhan naman siya kada buwan para matustusan yung mga pangangailangan niyang personal.
"Oh bat pala kayo dito napadpad dalawa?" pagtatanong ni Wendy.
Nasa hapag-kainan na sila ngayon, yung dalawa sakanila nilalamutak na ang dala-dalang manok ni Wendy galing Sr.Pedro.
"Gwrawbwe. Mway manwok ka palmwang dalwma." sabi ni Seulgi habang walang-awang pinapaslang ang napaslang na na manok sa mga kamay niya.
"Keye nge e. De ke den nepensen." dagdag ni Joy na mahinhin na pinunasan ang kaniyang bibig, yung mala prinsesa.
Di pa nakuntento ang prinsesa at ginamitan pa ng tissue ang mga manok na naging sanhi ng pagkabilaukan ni Seulgi.
"Ayan tangina, lamon ng lamon kasi parang walang kinabukasan." pag-kutya ni Joy. "Eto, gusto mo tissue?" paawang inalok ni Joy ang tissue na ginamit niya sa mahinahong pag-kain sa mga napaslang na mga manok.
"Oo ang ganda ng sagot niyo." sarkastikong pagsalita
Comments