OPLAN: SSS
UlanTulala, lutang, sabog yung buhok, tsaka malalim na eyebags.
Ganyan yung itsura ni Seulgi ngayon dahil hindi siya halos makatulog kagabi.
Unang-una sa lahat, yung kaingayan ni Joohyun na wala na yatang katapusan simula nang maunblock niya ito. Pangalawa, yung nickname nito na hindi niya mapalitan. Pangatlo, yung tinanong nito kagabi na naging sanhi ng pagmumute niya dito.
FLASHBACK. (20 hours ago)
4:12 PM
Baby Joohyun: Oi Seul
Baby Joohyun: Pansinin mo 'ko
Baby Joohyun: Nakablock padin ba ko????
Baby Joohyun: Diba hindiiiiiiiiii
Baby Joohyun: O kinikilig ka sa nickname ko?????
Baby Joohyun: ( ͡~ ͜ʖ ͡°)
✔ seen
Baby Joohyun: Yes!!! Seen
Baby Joohyun: May tatanong lang ako
Baby Joohyun: Sino si Krystal Jung?
Baby Joohyun: Mutual mo daw sabi ni fb
✔ seen
Hindi naman sa pagiging masama pero syempre yung marinig niya kay Joohyun yung pangalan na nagpataranta sa sarili niya buong hapon? Hindi na kakayanin ni Seulgi yun.
Pero sinong niloloko niya, nang mangyari yun, kaagad niyang minsg sina Moonbyul at Joy, secret convo pa yun. 5 minutes lang. Sinend niya ng hiwalay sa dalawang bugok.
Alam kasi ni Seulgi na open-minded yung dalawa, lalo na si Moonbyul na medyo may pagkabiual din.
In short, sila yung dalawang naunang, (teka eh dalawa sila sino nauna sa kanila..? basta sabay sila ganon), na nakakaalam sa "confession" ni Krystal kay Seulgi.
At ito na nga siya, nasa street foodcourt, nag-aantay kina Byul at Joy.
Si Joy na yung nag-adjust kasi malayo-layo siya kumpara kila Moonbyul at Seulgi na malapit lang.
Namalayan ni Seulgi na nandun na pala si Joy sa harapan niya, nag salita kasi 'to.
"Baliw ka na ba? Ba't mo stino-straw yung yakult?!" sabi ni Joy, nakaupo na't kinakain yung dala-dala niyang tray.
Totoo nga naman. Hindi pa nga umaabot sa kalahati yung taas ng yakult sa straw.
Hindi naman ganun katindi yung pag-iwan ng kaluluwa ni Seulgi sa katawan niya kaya nag salita din 'to.
"Kwinestyon ko ba kung bat mo chinochopstick yung lugaw?!"
"Tangnamu. Nag-eexperiment kasi ako." sabi ni Joy, pinupulot yung butil-butil ng lugaw niya.
"Nahiya naman ako dun, tinitinidor yung sabaw." dagdag pa ni Joy, sabay turo sa papalapit na babae.
Kita nga na tinitinidor niya yung sabaw na nasa plastic cup base sa mga tumutulo na likido kapag hinahakot niya 'to.
"Gunggong! Akala mo di ko narinig yun, chinecheck ko kasi kung may noodles pa!" sigaw ni Moonbyul.
"Bat ko ba kayo kasama dito." buntong-hininga ni Seulgi.
"Wow, sino kaya nag-invite samin dito?" sabi ni Moonbyul. "Hahahaha! Gagu! Bat mo chinochopsticks yung lugaw?" tawa niya nang makita niya si Joy na hanggang ngayon eh nagchochopsticks padin.
"Dapat talaga kasi sa sushi ko 'to gagamitin na dapat lunch ko. Eh yung isa kasi dyan." pagpaparinig ni Joy, lumalapit pa kay Seulgi.
"Sorna!" sagot ni Seulgi. Ubos na yung yakult niya.
"Puta, Seul, kumakain ka pa ba? Dapat pala talaga sinagot nalang kita. Napakain at natustusan pa sana kita." sabi ni Moonbyul, ubos na din yung noodles niya.
Nabulunan naman si Joy, nakalimutan niya kasi yung tungkol sa "gf" ni Seul na si Byul.
"Ayan buti nga sayo. Chopstickin ba naman." sabi ni Seulgi.
"Baka gusto mong tuhugin kita neto." sabi ni Joy, tinututok yung chopsticks niya kay Seulgi.
"Subukan mo, papanghigop ko 'to sayo!" bawi ni Seulgi, tinututok kay Joy yung straw niyang malagkit na dahil sa Yakult.
"Kadiri amputa!"
"Manahimik nga kayo! Tusukin ko kayo diyan eh." sabi ni Moonbyul, tinututok yung plastic fork niya kila Seulgi at Joy.
-
"Oh, so ano naman balak mo?" tanong ni Joy, tapos na sila kumain.
"Ewan ko. Kaya nga ko nakipagkita diba bobits." sagot ni Seulgi.
"Hmm. Pag-awayin natin sila dalawa." mungkahi ni Moonbyul.
"Hoy! Gago!" mabilis na sagot ni Seulgi.
"Joke lang 'to naman. Edi reto mo sila sa isa't isa." sagot ni Moonbyul.
"Ayoko nga. Nananahimik sila sa mga buhay nila tapos guguluhin ko pa. Ano ako, tulay?" sagot ni Seulgi.
"Pwede na. Flat ka naman." sagot ni Joy.
"Anak ka ng." Syempre nanahimik si Seulgi, ano bang panlaban niya.
"Hmm. Eh diba nag tanong nga si Joohyun kung sino si Krystal? It's your time to shine, beybeh!" sabi ni Joy, may pag-taas pa ng kamay.
"Oo nga." pagsang-ayon ni Moonbyul.
"Ah ang galing. Si Joohyun, kilala si Krystal. Tas si Krystal, hindi kilala si Joohyun. Ganon ba?" sagot ni Seulgi.
"Edi pakilala mo kay Krystal din!" sagot ni Moonbyul.
Napalaki naman yung mata't bibig ni Seulgi. "Hindi niyo ba naiintindihan yung sinend ko kagabi?"
"Hindi." sabay na sagot nina Moonbyul at Joy.
"Send ka ba naman ng isang nobela tapos may countdown pang 5 mins." dagdag ni Joy.
"ANAK N-" malapit na sumuko sa buhay si Seulgi.
"Joke lang!!!! Ano ka ba, bebe Seul sobrang linaw kaya samin." sabi ni Joy.
"Kaya nga, nabasa ko nga lahat ng 3 mins." dagdag ni Moonbyul.
Yinakap naman nila si Seulgi.
"Alam mo Seul, deserve mo talaga yung mga kapunyetahan na nangyayari sayo." sabi ni Joy.
"Puta, akala ko cinocomfort niyo 'ko."
"Pero tutulungan ka namin dito." tuloy ni Moonbyul
"Okay, medyo natats ako. Medyo lang." s
Comments