003

Hiraya
Please log in to read the full chapter

“Hoy, Colet! Ano? Are you really not joining us for lunch again? Nandoon na sila Maloi, ikaw nalang ang hinihintay.”

 

Napatigil ako sa paglalakad dahil hinila bigla ni Mikha ang sling bag ko, pareho kasi kami ng class na ti-nake ngayon kaya same room kami. Our classes were over, and plano ko sanang sa labas na lang kumain para maiwasan na rin si Maloi.

 

After that day, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Basta, ang awkward lang between the two of us after that day. Paano, after she changed clothes no’n, pinahatid ko na siya sa tricycle agad sa campus namin. And as for me? I skipped classes and didn’t go to school the whole day. Kaya whole day rin akong inaasar ni Sheena sa condo namin noong araw na ‘yon.

 

I wanted to clear my thoughts that day, but until now, hindi pa rin mawala sa isipan ko.

 

When she thanked me that day, hindi ko alam kung bakit pero she reminded me of a kid na I met at a charity program when I was younger. The little kid na hinawakan ang kamay ko para may sabihin pero hindi itutuloy dahil nahihiya siya. The little kid who had a red ribbon on the top of her head — dinaig pa no’ng bata na ‘yon si Goldilocks. The little kid who was so energetic and kept stumbling because of her kakulitan. And lastly, the kid who proudly told me her nickname was ‘Lucky.’

 

The little kid that I liked.

 

Pero malabo naman na si Maloi ‘yon. Ang tagal na rin kasi no’n. Besides, taga-batangas pa ‘yung bata na ‘yon so I know na hindi siya si Maloi.

 

“May gagawin ako, eh…” Palusot ko, hoping na makalusot ako sa kanya.

 

Tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Hindi pa rin niya binibitawan ang sling bag ko, kaya hindi ako makaalis. She just sat down at my desk and gave me a skeptical look.

 

“Mauna ka na ron, Mikhs. May gagawin nga ako…”

 

“May gagawin o may iniiwasan ka?”

 

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko namalayan na napaka-perceptive niya. Pero bakit hindi niya napansin pagdating kina Stacey at Jhoanna — I mean mas halata naman na iniiwasan ni Jhoanna si Stacey kaysa sa akin, ha?

 

“Ha? Sira ka ba? Ba’t mo naman natanong?”

 

“Just because…” She sighed. “Kasi look, I know na malabong si Stacey ang iniiwasan mo dahil lang natapunan ka niya ng sabaw ng tinola niya. Plus, takot ‘yun sa’yo kaya there’s a bigger chance na she’d be avoiding you instead. It’s also impossible na you’re avoiding me because magka-usap tayo ngayon, ‘di ba? So… it’s either si… Jhoanna or… Maloi —”

 

“Hoy! Wala akong iniiwasan, ha! Kaya tumigil ka sa mga pinagsasabi mo ngayon, Mikhs, kasi wala! Wala, Mikhs. Wala talaga.”

 

She grinned at me broadly, as if she had just figured out the answer to her question. "So, you're avoiding Maloi, then?"

 

“Huh?!” I gasped, surprised. “Hindi, ha! Paano mo naman nasabi ‘yan?”

 

Pucha, nahuli niya ako do’n, ha! Hindi ako makasagot dahil tiyak na ipipilit niya na iniiwasan ko si Maloi. I mean, totoo naman pero hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya kung bakit at paano ko iniiwasan si Maloi. Napaka-babaw naman kasi ng dahilan ko. I know Mikha is a good listener, but hindi ako sanay mag open up sa ibang kaibigan. Kay Jhoanna lang naman ako nakakapagsabi, eh.

 

“What do you mean paano ko nasabi? It’s so obvious kaya, Colet! Akala mo ba hindi ko napapansin?” Sabi niya habang nakangisi. “Alam mo, if patuloy mong iiwasan si Maloi…. Stacey and I might start thinking na you like her or something happened between you two noong nagpalit siya ng damit sa condo niyo noong isang araw!”

 

Tan awa gali, oh! Sabi na iisipin niya ‘yon, eh.

 

Naramdaman kong namula ang pisngi ko sa sinabi niya, pero iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya. “Na buang kana talaga, Mikhs! As if naman magugustuhan ko si Maloi, ‘no?”

 

She chuckled at my response, halatang hindi naniniwala sa mga salitang sinasabi ko. “Sure, whatever you say,” sabi niya habang tumatango-tango, inaasar ako. “I mean… Maloi is pretty, mabait, masipag, ano pa… she’s your type, too!”

 

Naramdaman kong mas namula ang pisngi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Alam mo, yawa ka talaga, Mikhs!” saad ko, napipikon na. “At tsaka, hindi ako nagkaka-gusto sa taong hindi ko gaanong kilala, okay?!”

 

Deep down, I know na hindi ko made-deny ang sinabi ni Mikha about kay Maloi. Maganda si Maloi, mabait, masipag — qualities that I did find appealing. But admitting it aloud felt like crossing a line I wasn’t ready to cross.

 

“Huli ka, Colet!”

 

“Huh?! Ano na naman?”

 

“I never said na you like her… ‘di ba? Ang sinabi ko lang ay type mo siya!”

 

Giatay! Giatay! Giatay!

 

Hindi ko naman gusto si Maloi pero kasi itong si Mikha! Para lang niya akong hinuhuli!

 

“Something happened sa condo mo, ‘no? Noong kayong dalawa lang?”

 

“Wala nga!” Diretsong sagot ko sa kanya. “Ang kulit mo, Mikha!”

 

“Are you sure? Pero ba’t iba ‘yung sinasabi mo sa kinikilos mo? I doubt na walang nangyari, ha?”

 

“Ewan ko sa’yo! Kakain na lang ako mag-isa, bahala ka d’yan!” I grumbled, rolling my eyes at her. Usually, kay Stacey ako napipikon pero ngayong araw ay kuhang kuha ni Mikha ang pika ko.

 

Tumatawa lang siya habang sinusundan ako palabas ng classroom kaya hindi ko maiwasan na hindi mainis lalo sa kanya. Her laughter echoed loudly through the hallway, drawing the attention of other students kaya napipikon ako lalo sa kanya.

 

Some looked at us with disdain, as if they’re regretting na nakita nila ako, while others seemed curious kung ka-ano ano ba ako ni Mikha. I mean, who wouldn’t be curious? I had this reputation of mine na rebelde, laging nagu-guidance, masama ang ugali — you name it. Lahat na ata ng negative qualities na p’wedeng i-describe ang isang tao ay nasa sa akin na.

 

And then there’s Mikhaela Janna Jimenea Lim. She’s a Lim! Big time ‘yan para sa ibang student dito sa campus. Tapos academic achiever pa siya, masipag, mabait, maganda — papasa na nga siya bilang campus crush kung wala si Ate Aiah dito, eh.

 

Kaya hindi na ako nagtataka if ‘yung iba ay naguguluhan kung bakit ko laging kasama si Mikha. Ganoon din naman pagdating kila Stacey at Jhoanna.

 

Hindi ko nalang masyadong pinapansin dahil hindi naman sila worth ng time ko. Baka mabasag ko lang bungo nila kapag napikon ako.

 

“Sige, Mikhs! Ipagpatuloy mo at lalo kitang hindi ire-reto kay —”

 

“Colet, Mikha!”

 

Natahimik ako ng may biglang tumawag sa amin. Lumingon kaming dalawa para tignan kung sino ‘yon. And there she was. We saw Maloi with a sling bag over her shoulder. She wasn’t wearing her glasses either — dahil naiwan niya sa condo ko. Naiwan niya noong nakaraang araw at hindi ko pa naibabalik. Today, she had a ribbon in her hair. She’s walking towards us with a smile on her face kaya hindi ako mapakali.

 

Mikha and I were both surprised for sure kasi we had just been talking about Maloi kanina tapos nandito siya ngayon. Akala ko ba kasama na niya sila Jhoanna at ako nalang ang hinihintay? Mikha and I had different definitions of the word ‘surprise.’ Ako, nagulat at nanigas. Si Mikha? Nagulat siya at lumapit sa akin para bumulong —

 


“I’m out, bigla akong nae-erna! Good luck, Colet!”

 

That was the last thing she said to me bago siya kumaripas ng takbo.

 

It’s now or never. Please, guide me Lord! Hindi ako ang strongest soldier mo kaya please, guide me.

 

Now, it was just Maloi and me. The two of us facing each other in the middle of the hallway — hindi pinapansin ang ibang mga student na dumadaan at dinadaan lang kami. Naka-focus lang kami sa isa’t isa, naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.

 

“Col –”

 

“Maloi — ha? What did you just call me?”

 

“Can we talk?”

 

She said without hesitation, not answering my question. I knew it was no longer a request from her because it was a demand. She is aware that I've been avoiding her.

 

Ang tanga mo naman kasi, Colet. Ang babaw ng rason mo. Ang babaw babaw mo, Colet.

 

I bit my lower lip. I knew I couldn’t escape her this time, so I might as well kausapin nalang siya. Ilang araw ko na ba siyang iniiwasan? Isa? Dalawa? As far as I know, pangatlong araw na sana ito. And in the two days that I’ve been avoid her, she’s always trying to get my attention sa mga paraang kaya niyang gawin.

 

Minsan, makikita ko nalang siya na nasa tapat ng classroom ko at hinihintay ako — para lang kausapin ako. S’yempre, I will always avoid her. Ni-hindi ko nga alam kung paano niya nalalaman kung saan ako nag cla-classroom, eh. Maybe through Jhoanna, or Mikha, or kay Stacey. Ewan.

 

Minsan naman ay mag iiwan siya ng letter sa loob ng locker ko, asking kung bakit hindi ako sumama sa kanila sa lunch at bakit hindi ako um-attend sa division press conference ni Jhoanna.

 

She does all of that just to talk to me, to be with me. Pero ako? Iniiwasan ko lang siya dahil sa mababa at walang kwenta kong rason.

 

“Okay lang naman kung hindi ngayon —”

 

“Sige, usap tayo, Maloi,” putol ko sa kanya noong nagsalita siya.

 

Nang pumayag ako ay ngumiti lang siya sa akin at sumenyas na sundan ko siya. Nauna siyang naglakad, and I couldn’t help but notice the perfume she was wearing.

 

It smelled like a flower — a flower that already bloomed.

 

Or more like…

 

A flower that bloomed just a while ago but was left to wither.

 

Huminto siya sa paglalakad ng makarating kami sa isang maliit ngunit tahimik na lugar. It was an open field for students — there’s few students passing through pero bilang lang sa daliri ko ngayon. Nasa harap kami ng architecture building. I knew because at this hour, laging may klase ang mga arki students.

 

She sat on a vacant bench there. It was old and had no backrest, but pwede pa naman siyang upuan ng mga student. Tinawag niya ako at tinapik ang pwesto sa tabi niya, senyas na umupo ako doon. I followed her naman at umupo sa tabi niya. Ngayon, nakaharap na kami sa open field na puno ng mga bulaklak. It was the architecture garden sa pagkakaalam ko. It was beautiful — pero at the same time, it felt empty dahil kaunti pa lang ang mga bulaklak na nakatanim doon.

 

“I’ve noticed lang na…” panimula niya. “Sorry, but I couldn’t help but notice lang na you’ve been avoiding me. Did I do something wrong ba, Colet? May nagawa ba akong ayaw mo? O baka naman may nasabi ako na ayaw mo…?”

 

Nanahimik lang ako — hindi dahil wala akong sagot sa tanong niya pero dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.

 

Ang babaw kasi masyado.

 

“Colet…”

 

I take a deep breath, gathering my thoughts before answering her question.

 

“I’m sorry, Maloi,” tumingin ako sa baba, trying to avoid her gaze. “Marami lang talaga ang tumatakbo sa isip ko these past few days. Tsaka, hindi lang naman ikaw ang iniiwasan ko —”



“Sigurado ako na ako ang iniiwasan mo, Colet,” she cut me short.

 

I sighed. “Maloi, hindi naman sa gano’n —”

 

Once again, she cut me short. “Tuwing kakain na kayo nila Jhoanna ng lunch at alam mong kasama ako, lagi mong sasabihin na may gagawin ka. Tapos bago ako pumasok sa building namin, I always see you outside ng campus — eating alone. The day na may press conference si Jho, I was there beside her when she’s talking to you sa chat. You said you were coming, but as soon as Jho mentioned my name, bigla mong sasabihin na may gagawin ka pala. Palagi kang may excuse, Colet. And the way you avoid my gaze, the way you will leave the room whenever na alam mong nandoon din ako, Colet, hindi pa ba ‘yon pag iwas?”

 

Her words hit me dahil tama siya.

 

Pero anong magagawa ko?

 

Dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. The moment I saw that little kid on her, gusto ko munang iwasan siya. Gusto kong lumayo sa kanya kahit saglit. Dahil sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko sa kanya si Lucky.

 

Pucha, ang tagal na noon, eh.

 

Ang tagal-tagal na noon at for sure, hindi na rin ako naalala ni Lucky.

 

“Ano, Colet…?” Her voice broke through my thoughts. “Sabihin mo naman sa’kin kung ano ‘yung nagawa ko, oh… Aayusin ko… or much better? Iiwasan ko ‘yung mga nagawa kong hindi mo nagustuhan maging maayos lang tayo, Colet.”

 

Pucha naman, Maloi.

 

I finally figured out kung bakit.

 

Kung bakit ganito ako ngayon.

 

Kung bakit ako nagkakaganito sayo.

 

Kung bakit gustong-gusto ko umiwas sa’yo.

 


The only reason was — you have these traits that remind me of Lucky.

 

You resemble Lucky in every possible way you can show.

 

Seeing so much of Lucky in you, natatakot din ako na baka mahulog ako sa sa’yo.

 

Kung paano siya magsalita, kung paano niya i-construct ang mga sasabihin niya, kung paano siya ngumiti, at kung paano siya magpasalamat — it all reminds me of Lucky.

 

Pucha naman.

 

Napabuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata ko, nag-aalinlangan kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Pero ayoko naman maging harsh kay Maloi, kahit isang araw ko pa lang siyang kilala. Kaibigan niya si Jhoanna, at ayokong makita ni Jhoanna na ganito ang pakikitungo ko kay Maloi dahil lang sa mababaw kong rason, ‘no.

 

Binuksan ko ang mata ko at tumingin sa kanya. Nandiyan lang siya, matiyagang naghihintay ng sasabihin ko. Nang makita ko siyang nakatingin sa akin ng ganyan, mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko o hindi.

 

But here goes nothing, Colet.

 

“Back when I was a child, pumunta kami ng Batangas para doon mag bakasyon kasama ang buong pamilya ko,” I paused for a while, to see her reaction if she was getting bored or not. But she just kept looking at me, waiting for the rest of my story. “Then Papa had a program in a place there. Sa pagkaka-alala ko — it was a charity program . A charity program for kids. Sinama kami ni Papa noon, kaya kasama ko ang mga kapatid ko.”

 

Itutuloy ko pa sana ang kwento ko nang magtama ang tingin ko sa mga mata ni Maloi. The way she stares at me, the way she attentively listens to my story — pucha… I can't help but remember Lucky in her

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
552 streak #1
Chapter 4: Aguyyyy
howdoyouknowmee
552 streak #2
Upvoted and subscribed!