002

Hiraya
Please log in to read the full chapter

“Ahh… si Maloi? I’m still waiting for her.

Baka kasi mamaya, dumating siya tapos wala ako.

Darating siya, sabi niya ‘yon, eh. Maghihintay naman ako

kahit gaano katagal.”

“Pucha naman, Colet! Linawin mo naman kung ano

ako para sa’yo, oh?! Linawin mo naman, parang awa mo na.

If… if Jho makes you feel the way I do, magpapa-ubaya ako.

Magpapa-ubaya ako, Colet.”

 

 

“I told you, Staku, I don’t like that one nga, eh!”

 

Parang nag-aaway na aso’t pusa ngayon si Mikha at Stacey sa harapan namin ngayon. Paano, nag-aaway sila dahil sa isang maliit na bagay lang — nagbaon kasi si Stacey ng niluto niya ngayon, tinola, pero hindi gusto ni Mikha ‘yon. Eto naman kasing si Stacey, ang kulit! Ilang beses nang tumanggi si Mikha na ayaw niya no’ng tinola pero ‘yung isa, tuloy pilit pa rin habang tinutulak ‘yung maliit na baunan sa harap ni Mikha.

 

Sa sobrang lakas nilang magtalo sa table namin, pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante na kumakain sa canteen.

 

“Just taste it, Mikhs! I cooked this, and it's masarap! I promise!” Pamimilit ni Stacey, tinutulak ‘yung baunan niya kay Mikha.

 

“Your tinola has no taste, I don’t like it!” Tulak naman pabalik ni Mikha sa baunan ni Stacey sa harap niya.

 

“Mikhs, tikman mo na kasi para matapos na kayo…” Dumagdag na si Jhoanna at hinila rin ang baunan ni Stacey sa harapan ni Mikha. “It's actually good…”

 

Sus, good daw, e, sa dami naming biniling food ay lahat ‘yon tinikman ni Jhoanna pero ni-isang beses ay hindi niya tinikman ang tinola ni Stacey!

 

“What do you mean it’s good?! You haven’t tasted it yet, Jho!” Sigaw ni Mikha na nakasimangot na, patuloy na nilalayo ang baunan ni Stacey mula sa kanya.

 

Tatlo na silang maingay ngayon sa canteen. Akala mo mga sirang lata silang tatlo dahil sa sobrang ingay nila, eh! Paano, dumagdag na si Jhoanna sa pamimilit, and ito namang si Mikha imbis na pumayag na lang ay nag iinarte pa rin at patuloy na tinutulak ‘yung baunan ni Stacey sa malayo. Kami lang ni Maloi ang tahimik sa table namin — ako, pinapanood ko lang ‘yung tatlo, samantalang siya ay kumakain lang.

 

I wanted to look at her — ewan ko ba, when she removes her glasses kasi kanina parang familiar siya. Parang nakita ko na siya before pero hindi ko lang maalala gaano kung saan at kung kailan.

 

“P’wede bang tumigil na kayong tatlo? Mamaya biglang tumapon ‘yung sabaw —”

 

“Oh my gosh!”

 

Napatayo kami bigla ni Maloi nang biglang namali ng tulak si Mikha sa baunan ni Stacey, kaya natapon ang sabaw sa harapan namin. Nabasa tuloy ang damit namin ni Maloi pero buti nalang, top lang ang nabasa sa amin.

 

“, sorry,” Mikha muttered, her tone was remorseful as she reached for some napkins to help clean up the mess.

 

Stacey, equally apologetic, hurriedly grabbed more napkins, attempting to blot the soup off our clothes — lalo na kay Maloi.

 

“! Okay ka lang, Colet?”

 

Jhoanna immediately stood up and approached me when she saw that my clothes got wet. Worry was evident on her face.

 

“May tissue ka ba pamunas? Extra shirt para makapag-palit ka? Hindi ba nabasa ‘yung loob mo?” Jhoanna continued to ask me while lifting my shirt slightly para hindi mabasa ‘yung loob ko. I couldn't help but to laugh tuloy kasi para siyang nanay kung umasta ngayon. “Gosh… we’re so sorry. ”

 

“Jho… Okay lang ako,” I said to calm her down a bit. I even held her hand because she was shaking. “Tsaka malapit lang naman condo ko here sa campus. P’wede akong lumabas para kumuha ng damit saglit. Ikaw ba… Maloi?”

 

When I looked at Maloi, I noticed that her clothes were even wetter than mine, kaya nag alala ako — as a friend. Pinupunasan lang siya nila Mikha at Stacey gamit ang tissue na nakuha namin sa canteen kaya pala tahimik silang tatlo.

 

“Colet —”

 

Narinig kong may tumatawag sa pangalan ko, pero hindi ko pinansin dahil mas concern ako kay Maloi. Mas basa kasi ang damit niya kaysa sa akin, and I could tell from her expression na medyo disappointed and inis siya dahil nalaglag ang glasses na suot niya kanina.

 

“Uy….” Kalabit ko kay Maloi para makuha ang atensyon niya. “May damit ka pamalit?”

 

Umiling lang siya at pilit na ngumiti. “Wala, eh. Pero okay lang…”

 

“Anong okay lang!?” Bulalas ni Stacey, nakanguso. “May pamalit akong shirt, gusto mo hiramin?”

 

Siniko naman ni Mikha bigla si Stacey ng pabiro. “Or you can borrow mine! After all, kasalanan ko naman. Hoodie siya so you will be comfortable.”

 

“Hoodie?” Tinaasan siya ng kilay ni Stacey. “Ate, ang init-init na tapos pag susuotin mo ng hoodie? Dati ka bang hibang?”

 

Hay nako, itong dalawa talaga walang araw na hindi sila nag babangayan.

 

“Tumigil na kayong dalawa,” biglang singit ni Jhoanna sa gilid kaya napalingon kaming lahat sa kanya. Her voice carried annoyance, and she looked serious na din kasi this time. She was frowning too, clearly upset sa nangyari. “Imbis na mag sorry kayo ng genuine, pinapalala niyo pa.”

 

“Jho…” bulong ko para makuha ang atensyon niya, para pakalmahin na rin siya. “Okay lang, ano ba. Magpapalit nalang kami ni Maloi ng damit sa condo ko —”

 

“Sa condo mo?!”

 

“Oo?” Naguguluhan kong tanong. “Wala daw siya pamalit, e, and since malapit lang naman condo ko from here ay do’n ko na lang siya pahiramin? Tsaka hindi naman niya magagamit ‘yung mga damit na ipapahiram niyo. Staku, ‘yung damit na ipapahiram mo, i’m sure na kulay pink na naman ‘yan tapos croptop, e, bawal sa campus ‘yan. Ikaw naman, Mikhs, ang init-init tapos hoodie pa papahiram mo. Kaya ‘yung damit ko nalang ipapahiram ko. Okay lang ba, Maloi?”

 

Nilingon ako ni Maloi, ngumiti pa siya bago ako tanguan. “Okay lang. Thank you, Colet.”

 

“Kayong dalawa lang?! Sa condo mo Colet?!”

 

Sabay na sigaw ni Stacey at Mikha habang tinuturo kaming dalawa ni Maloi, nakatakip pa ang bibig nila gamit ang mga kamay nila na tila ba’y may gagawin kami ni Maloi sa condo ko na kababalaghan. Kaya napapikit nalang ako at iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Nakakahiya silang dalawa!

 

Mga buang!

 

“Sa… condo mo?” Jhoanna asked me again, prompting me to open my eyes to meet hers. This time, instead of annoyance, concern was evident on her face. “P’wede ba akong sumama? Para ano… para to make sure Maloi is good na rin since ako ang nagdala sa kanya dito.”

 

Slowly, I nodded. “Bakit ka pa mag tatanong if p’wede kang sumama? Akala mo naman hindi ka laging nasa condo ko, oh? Besides, namimiss ka na ni Shee.”

 

She chuckled bago ibinaling ang tingin kay Maloi, na naghihintay ding umalis. “Shall we?” Tanong ni Jhoanna sa kanya at mabilis naman siyang tumango.

 

Gusto rin sana sumama nina Mikha at Stacey, pero pinagalitan lang sila ni Jhoanna at sinabihan na linisin ang mga naiwan naming kalat sa canteen para hindi na kami maabala sa ibang staff. Maya-maya, pumayag din naman sila — guilty sa nangyari sa amin ni Maloi.

 

Hindi na kami nag kotse nila Jhoanna papuntang condo ko dahil wala rin naman akong kotse at hindi dala ni Jhoanna ang kanya. Kaya nilakad nalang naming tatlo tutal malapit lang din naman at tsaka, ‘no! Mahal ang pamasahe ngayon sa tricycle.

 

Silang dalawa lang ang nag uusap ngayon dahil nasa likuran nila akong dalawa. Maliit lang naman ang sidewalk kaya hindi kami kasyang tatlo doon kung magkakatabi kami. I don’t want to disturb them too dahil naririnig kong about sa student council ang pinag uusapan nilang dalawa. May biglaang daw kasi and need ang isa sa kanila doon.

 

“Jhoanna, are you sure it's okay for you to go back alone.” Narinig kong tanong ni Maloi kay Jhoanna. “P’wede naman akong sumama…”

 

“No, it’s okay, Maloi,” Jhoanna reassured her. “Plus, you’ll smell like tinola doon kapag sumama ka pa. Baka pagalitan ka pa ni Ate Aiah! Haha!”

 

“Hala, totoo ba? Amoy na ‘ko tinola?”

 

Nakita ko pang umakto si Maloi na inaamoy niya ang damit niya kaya hindi ko maiwasang hindi tumawa. Narinig ata nilang tumawa ako kaya tumigil sila sa paglalakad nilang dalawa at nilingon ako.

 

“Ano?” Tinaasan ko silang dalawa ng kilay. “Masama ba tumawa mag-isa? Hindi kayo ang pinagtatawanan ko kasi naririnig ko ang usapan niyo, ha? Hindi ko nga narinig na amoy tinola daw ‘tong si… Maloi. Ewan ko sa inyong dalawa! Mga buang!”

 

Walang tigil ang pagsasalita ko. Naramdaman ko pang namumula ang pisngi ko sa kahihiyan nang makita ko silang dalawa na nagpipigil ng tawa. Itong dalawang, ‘to! Hindi man lang tinago kung paano sila magpigil ng tawa!

 

“Hindi pala narinig, ha…” Bulong ni Maloi pero narinig ko. Sinubukan pa niyang takpan ang bibig niya para itago kung paano siya nagpipigil ng tawa.

 

I noticed Jhoanna constantly glancing at her wristwatch, clearly keeping an eye on the time. Siguro dahil na rin sa narinig kong usapan nila kanina sa biglaang meeting. I di

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
563 streak #1
Chapter 4: Aguyyyy
howdoyouknowmee
563 streak #2
Upvoted and subscribed!