001

Hiraya
Please log in to read the full chapter

"Colet, are you really going to keep this up?"

 

I smirked at my father's remark. It was no longer a challenge that I heard. It was a stern demand for me to prevent me from causing trouble at this university. Nakakarindi na.

 

Nasa Dean's office kasi kami ngayon — where students go when they're in trouble and the customary destination for students on the brink of expulsion. Well, 'yon ang sinasabi ng ibang estudyante dahil palibhasa ay mga takot sila.

 

"Ano na naman kinukuda mo?" I asked, trying to annoy him even more. Seeing him frown always makes my day better. It never gets old. This frowns on him just because there's one person that can defy his orders.

 

"Ma. Nicollete Vergara!" He shouted, not minding the people around him. "Enough with your attitude!"

 

Ayan na naman siya, the man revered by many for his accomplishments. But, little did they know, despite his successes — big or small, he struggled to take care of his own family.

 

Kaya minsan nagtataka ako kung anak pa ba ang turing niya sa aming magkakapatid, eh.

 

I sighed, avoiding his stern gaze. "P'wede ba, Pa? Pakihinaan 'yung boses mo. You're practically shouting na kasi. Mahiya ka naman, wala po tayo sa bahay," I said, pretending to clean my ear with my fingers.

 

"Do you honestly believe your behavior in this school is acceptable?" He shouted one more, his voice echoing off the walls of the Dean's office. "Colet, you know that we didn't send you here para lang to cause trouble, 'di ba? Can't you at least try —"

 

I tuned out his words — This is already a familiar scene for me, well for the Dean too. Paano, ilang beses ba sa isang linggo akong pumupunta dito sa Dean's office? Dalawang beses? Tatlong beses? Hindi ko na alam. I lost count already. Kaya nga minsan ay gulat ako dahil hindi pa rin ako ine-expel sa school na 'to.

 

I guess, having Vergara as your last name is indeed useful at times, 'no?

 

But, for me, it isn't. Paano, basura 'tong paaralan na 'to! Hindi ko nga maintindihan 'yung ibang estudyante kung bakit mas pinipili nilang mag stay dito para mag-aral at dito ipagpatuloy ang kolehiyo nila. 'Yung academic system? It was a ing joke. What kind of school allowed students to study for hours on end without a single break? And don't even get me started on the smell in those cubicles.

 

Ang mahal mahal ng tuition tapos ganito lang? Like, come on, kung hindi kaya magpaka-tatay ng tatay ko, sana umayos naman ang sistema ng paaralan na 'to kung saan ako pinapa-aral ng magiting at magaling kong tatay.

 

— angerclub —

 

Colet : sa dean's office ako



With a sigh, I sent a message sa group chat namin ng mga kaibigan ko. Hoping my so-called friends would come to my rescue once again. Gets na nila 'yung message ko sa group chat. Hindi na kailangan ng explanation na sobrang haba.

 

Habang hinihintay ko sila ay I couldn't help but dwell on the absurdity of it all. Nandito na naman ako, ulit, stuck in the same old situation na kasalanan ko rin naman, habang 'yung mundo sa labas ng kwartong 'to ay patuloy na umiikot.

 

A never-ending cycle — of my life's chaos and frustration.

 

Pagod na ako sa ganitong ganap palagi. Araw-araw na sermon, masasakit na salita na mula sa tatay ko, at marami pang iba. Mas gusto ko na lang magpahinga kaysa pakinggan 'yung mga sinasabi ng tatay ko tungkol sa'kin, e.

 

"Colet, for once, you should act like Vergara."

 

"You're a disgrace to my last name, Colet."

 

"I should've let you come with your useless mother."

 

Ang boring na. Ilang beses ko na ba 'yon narinig mula sa kanya? Ang dami na, eh. Hindi na tuloy masakit kapag naririnig ko. Siguro, nasanay na ako. Wala nang masakit, eh. Siguro, oo masakit nung una, pero come on, wala ba siyang new phrase para sa akin? 'Yung bago naman sana. Wala na kasing epekto 'yung mga sinasabi niya. Imbis na masaktan ako, natatawa pa ako.

 

I'm ing aware of it all.

 

"Colet! Are you listening to me?"

 

Nabalik ako sa realidad nang maramdaman kong may humawak sa braso ko, hinila ako pataas kaya napatayo ako mula sa inuupuan ko.

 

"Ano?" Again, his voice boomed, echoing off the walls of the cramped Dean's office. "Were you listening?"



Hindi ko na napigilang hindi siya irapan at itulak ang kamay niya mula sa akin. Nakakadiri. Nakakasuka.

 

"Nicolette —"
 

 

"Siguro, kung may sinabi kang worth it pakinggan, Pa, makikinig pa ako. Meron ba?"

 


Sa puntong ito, ramdam ko ang galit niya sa akin. At galit din ako. Ano, pwede lang siya? Kaya ko rin naman magalit tutal magkadugo naman kami, 'di ba?

 

Nang akmang maglalakad na ako palabas ng Dean's office ay biglang bumukas ang pinto nito, showing Mikha and Stacey — wala si Jhoanna, isa ko pang kaibigan. Siguro, busy sa pagiging student council kaya wala siya dito, but I understand her. Mikha and Stacey, they're a bit late but at least, they were here. Nginitian ko sila nang maliit bago lumingon ulit sa tatay ko nang nagsalita siya.

 

"When will you learn to respect me, Colet —"

 

"Respect is earned, Pa," I shot back sharply, cutting him off mid-sentence. His eyes widened in shock, the anger radiating off him like waves of heat. It was a rare sight to witness him like this — to witness him losing control. "Siguro, sa dami mong achievements, nakalimutan mo na 'yon, 'no? Come on, Pa. Ano ba tingin mo sa'kin, sa'min? Dahil ba porket marami ka lang naabot sa buhay mo ay dapat na kaming mag bulag-bulagan at sundin lang lahat ng sinasabi mo?"

 

Naramdaman kong hinahawakan na nila Mikha at Stacey ang mga kamay ko, hoping na kumalma ako. Habang ang Dean naman namin ay sinubukan pakalmahin si Papa pero hindi lang siya nito pinansin — kahit lingon ay hindi.

 

"Talaga, Pa?" Nagkibit balikat ako, sinasamaan siya nang tingin. "Sa tingin mo siguro sa'yo lang umiikot ang mundo, 'no? Ang laki kasi ng ulo mo e —"

 

Bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay naramdaman kong lumapat ang kamay niya sa pisngi ko dahilan para mapa-atras ako.

 

"Tatay mo ako, Nicollete—"

 

"Stop using your excuse of being my father! Tangina!" Pinutol ko ulit siya, kinuyom ko ang mga kamao ko. Hinihila na ako nila Mikha para l

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
563 streak #1
Chapter 4: Aguyyyy
howdoyouknowmee
563 streak #2
Upvoted and subscribed!