Isip

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

GISELLE's

 

Maganda ang room namin. Unlike noon na boarding house ang place naming magkakaibigan, dorm room lang ngayon. Review lang naman din ang agenda namin dito. 

 

"Dibs!" Nanguna si Ning sa may dulong bed. Napailing nalang ako, higit-higit ang sarili kong luggage at sumunod sa loob ng kwarto. 

 

"Luh, ang daya." Si Karina, may sports bag pang nakasabit sa shoulder niya habang kausap si Ning. 

 

"Nauna ako eh." Inasar pa siya ni Ningning na hinila din ako agad at pinapwesto sa katabing kama nung na-dibs niya. 

 

"Sa tabi ko si Gigi."

 

Tumawa nalang ako at nag-ayos na ng gamit ko sa student pod na nasa ilalim ng kama ko. 

 

We just arrived sa room namin hehe move-in day! Cute naman yung room, parang hotel bedroom lang. May isang table kami sa gitna ng beds, dala ni Karina. Yun yung dining table namin noon sa boarding house. May kaniya-kaniya kaming desks for self-review, may book shelf din, cabinets at drawer. Lahat ng yun, nasa student pod. 

 

Para tuloy kaming neighbors lang.

 

"Edi wow." Sagot ni Kat, hinila na din ang maleta niya sa loob. Pumasok na din si Ryujin na may backpack pa. 

 

"Tara Ryu, hayaan mo yang dalawang yan."

 

Nagtawanan nalang kami ni Ning. Wala lang sa mood yang si Kat kasi wala si Winter dito. 

 

"Gigi, panoodin nga natin yung live action ng little mermaid." Ningning climbed up to my bed habang naglalagay ako ng cover ng mga unan ko. I smiled at her. 

 

Busy pa sina Ryujin at Karina sa pag-aayos sa mga student pods nila, katapat nung sa amin. 

 

"Maganda ba daw?" Tanong ko, she nodded, humiga sa kama ko at ipinatong pa ang paa niya sa unan na nasa lap ko. 

 

Hay! Umirap ako.

 

"Oo daw." Sagot niya pa din, nakagrin sa akin.. knowing I'm rolling my eyes sa pwesto niya.

 

Itinulak ko siya palayo sa unan ko, puffing my pillows bago ko siya tinabihan sa kama. 

 

"Tara, ngayon na agad." Tumawa naman siya. Aba! Seryoso kaya ako. 

 

May four days pa kami before our review classes start. Sa Monday pa. 

 

May gala kami ni Ning sa Saturday at Sunday kaya ngayon sana, gusto kong humiga nalang today. Napagod na ako agad sa pag-aayos palang ng gamit ko eh huhu..

 

10 A.M. palang amp.

 

Tumatanda na yata ako.

 

While scrolling through disney app, narinig kong naguusap sina Kat at Ryu. 

 

"Ate Kat, may groceries ka na ba?"

 

Nagkatinginan kami ni Ningning at sabay na sumilip sa baba. 

 

"G-groceries?" Sabi na eh. Magugulat pa si Karina sa tanong kahit hindi naman dapat. 

 

"Oo." Ryujin smiled at her. 

 

Karina looked back at her closet, mukhang napaisip. "Uh.. wala pa."

 

Ning and I knew about Winter and Karina's grocery thing.. kaya medyo inexpect namin yung reaction niya. Ewan. Alam lang namin. We noticed how Kat reacts on stuff that reminds her of Winter eh. 

 

Ang hirap siguro nun sa part niya. Kahit nagkakausap naman siguro sila ni Win sa calls, it still feels different without Winter now. 

 

"Bili tayo." Pagyaya pa ni Ryujin. Karina nodded at tumingin sa bed ko, nahuli tuloy kami ni Ning na nakasilip sa kaniya. 

 

Hehe.

 

"Ning, Gigi, may groceries na kayo?" Tanong niya sa amin, masama ang tingin siguro dahil alam niyang nakikichismis na naman kami.

 

I shook my head, si Ningning ang sumagot. 

 

"Meron na. Namili kami ni Gigi bago pumunta dito."

 

Parents ko talaga ang bumili non, Ning! Ayaw kasi pumayag ng tatay ko na wala akong bitbit na groceries daw. Isinama na sa dala kong gamit kanina. 

 

"Ano ba yan.." Karina pouted. Umupo na ako sa kama at tiningnan kung tapos na ba siya sa pag-aayos ng book shelf niya. 

 

Ang daming laman agad nung kay Kat. Samantalang yung sakin, yung mga binili kong notebook for review lang ang laman huhu.

 

"Mamimili kayo?" Tanong ko na, nakita ko kasing nagreready na si Ryujin ng wallet niya at lalagyan ng grocery.

 

"Oo." Ngumiti pa sa akin si Ryu. 

 

Ningning leaned her head on my shoulder. "Sure ka Kat? Lalabas ka?"

 

Pfft. Actually nga, gusto ko din tanungin.

 

Karina glared at us again. "Oo, kaya ko naman."

 

"Sus, puro ka reklamo sa inbox ko kanina na puro tae dito." Sabi pa ulit ni Ning kaya nagtawanan kami.

 

Puro reklamo nga si Karina sa groupchat namin kanina. Ayaw na daw niyang lumabas ng Forbes ever kasi madaming tae sa labas. 

 

"Ingay mo Gigi!" Saway niya kasi ang lakas ng tawa ko. Nahihiya pa yata siya sa new roommate namin. 

 

HAHAHAHAHA sorry naman! 

 

Tumawa lang din naman si Ryujin, sumali pa nga sa pang-aasar kay Karina.

 

"Hala okay lang naman ate Kat! Ako na ang titingin sa daan para sure na wala tayong matapakan." Sabi pa nito kaya lalo lang kaming natawa sa pag-aarteng itsura ni Karina.

 

"Kaya mo bang maggrocery, Kat?" Tanong na naman ni Ning nung medyo kumalma na kami. 

 

"Oo nga! Parang baliw kanina ka pa Ning ha." Inis na sagot ni Karina. 

 

Tumayo na din si Kat from her swivel chair, nagsuot ng cap at jacket dahil umaambon sa labas kanina. 

 

"Just checking. Baka umiyak ka dun eh." Baliw talaga 'tong si Ning, g na g asarin si Katarina.

 

Wala dito si Winter, kaya walang protector si Kat. Wala ding magtataas ng middle finger. 

 

"Bakit ka iiyak, ate Kat?" Confused na tanong ni Ryujin. 

 

"Wala!" Umirap na naman sa amin si Karina, padabog pang sinarado yung closet niya.

 

I chuckled sa tingin na binigay ni Ryujin sa akin. 

 

"Winter things, Ryujin."

 

Mukhang naintindihan niya naman.

 

"Ahh.."

 

Ryujin walked over to Karina's pod. 

 

"I have memories with Yeji sa grocery din, ate Kat. Tara, paltan natin yung memories." Parang nang-aasar lang yung tono niya. Tumawa si Ning kaya nakitawa ako, pero si Kat?

 

Ngumiti lang. 'Di na sumagot si Karina. Alam ko ang iniisip nito ni Kat.. wala naman siyang balak kalimutan ang memories nila ni Winter eh. She doesn't need to. If she can pa nga, she'll relive every moment she could remember. 

 

Hanggang sa pagbalik ni Winter. 

 

THIRD PERSON's

 

Puro tawanan, sabay-sabay na pagsasalita, tunog ng paggulong ng swivel chair ni Seulgi na hindi mapakali sa upuan niya, tunog ng ballpen ni Irene na tumutuktok paminsan-minsan sa lamesa, at ang pagbukas ng pinto nang pumasok ang dalawa pang miyembro ng team nina Winter.. yun ang mga narinig ni Winter habang nakaupo sa harap ni Irene. 

 

"Ilang araw ka na dito, Winter?"

 

Kahit apat na tao lang naman ang kasama ni Winter sa kwartong yun, parang nahihilo siya sa daming nangyayari. 

 

"Small world talaga!"

 

"Hindi namin inexpect na ikaw yung new team member."

 

Sobrang taas ng energy sa office.

 

"Well still, thanks to you, napalipat din ako sa team nina Irene dahil lima daw ang kailangan."

 

"Sikat na sikat ka yata dito sa dalawang 'to ah, Winter nga ba?" 

 

Tumango na si Winter. Hindi siya makasingit kahit siya naman ang kausap nilang lahat. Second day na ni Winter sa pagbisita sa office. 

 

After the sudden reunion kahapon, umuwi siya agad dahil may plano ang family niya to go somewhere. Gustong maggala ng parents niya bago sila magsimula sa trabaho. 

 

Ngayon lang tuloy siya nakakwentuhan nina Seulgi.

 

"Grabe, idol. Ikaw pala yung binibida ni kuya Minseok!" Seulgi nudged her. Kanina pang sobrang excited sa kwentuhan sa officeㅡkung saan nga tahimik lang naman si Winter, nakikingiti at tawa lang dahil hindi nga siya makasingit. 

 

"So pamangks pala ni bossing to?" Nagsalita ulit yung Moonbyul yata.. Hindi pa sigurado si Winter kung yun nga ba ang pangalan niya. 

 

"Oo Byul. Winter name niya." Si Seulgi na naman ang sumagot. Biglang may lumipad na crumpled paper sa direksyon ni Seulgi.

 

"Shh! Seulgi, Hayaan mong magpakilala si Winter."

 

"Ang ganda naman ng name mo, Winter. Do you remember me?" Isa pang mataas ang energy, ang pamilyar na maliit na babae na kararating lang, pero mukhang palagi na talaga siyang nakangiti base sa isang beses na pagkikita nila ni Winter.

 

"O-Opo.. Good morning din pala, hindi ako nakabati pabalik kahapon kasi I was talking to someone over the phone." 

 

Yes, it's the same woman na bumati sa kaniya ng 'good morning' on her first day here. 

 

"Si Karina?" Tanong ni Irene habang nakangiti, exchanging glances with Seulgi. Winter nodded. 

 

"Sino si Karina?" Tanong nung Moonbyul, tumabi kay Irene. 

 

"Girlfriend niya." Si Seulgi na naman. 

 

"Seulgi!" Binato tuloy ulit siya ni Irene. Winter couldn't help but laugh at the sight. 

 

She wasn't that close to them but it feels better that they're here.. with her. Isa pang nakakatuwa, puro Pilipino at babae ang nasa team ng tito niya. 

 

Winter won't have a hard time adjusting. Sana..

 

"Ay sorry, pakilala ka na Winter!"

 

Winter looked at them, at ngumiti sa dalawang bagong taong nasa tabi ni Irene. Kahit yung presensya ni Seulgi sa tabi niya, medyo nabobother siya pero yun nga.. better than not having them here. 

 

"Winter Kim po. Fresh graduate.." Winter said, nakasmile naman siya but with head low. Nahihiya pa din at kinakabahan sa atensyon na binibigay sa kaniya.

 

"Yun lang?" Tanong nung may malawak na smile na babae. 

 

Winter blinked. "Uhh.."

 

"Ilang taon ka na?" Tinulungan na siya ni Irene, magsasalita na sana siya pero may isang tao sa kwarto na yun ang tuwang tuwa kay Winter at gustong gusto na makitang naaasar si Winter. 

 

"One year younger sa atin." Sagot ni Seulgi. 

 

"Seulgi!" Irene scolded, pailang beses na. Walang papel na lumipad ngayon dahil ubos na ang pangbato ni Irene. 

 

Tumawa na si Seulgi, patting Winter's shoulder. "Oo na tatahimik na! Sige na, Winter."

 

"23 years old po." Tipid na sagot pa rin naman ni Winter. 

 

"Aww cute." Akmang pipisilin ni Moonbyul ang pisngi niya pero lumayo si Winter. Napa-'hehe' nalang si Moonbyul at binawi ang kamay niya. 

 

Seulgi laughed at them. Alam niya ang mga ayaw ni Winter, palaging nakukwento ni Karina noon. 

 

"I'm Hyojung." Pakilala nung isang babae na maliit, finally. She now has a name in Winter's head. Nagwave pa si Hyojung sa kaniya.

 

Winter saw a hand reaching out in front of her. "Moonbyul, bro." 

 

"Bro..?" Hindi naman confused si Winter sa sudden pag-'bro' sa kaniya ni Moonbyul, hindi lang talaga siya sanay. 

 

Nevertheless, she still shook Moonbyul's hand. Done with their introductions, bumalik na din si Moonbyul sa sarili niyang desk. Si Hyojung naman, naglakad din palayo sa kanila pero hindi sa sdesk pumunta. Iinom yata ng tubig.

 

Winter looked back at the woman in front of her nang matanong siya ulit. "Kailan ang start mo, Winter?" 

 

"Sa isang araw pa po, ate Irene." 

 

"'Wag ka na ngang mangopo." Natatawang sabi sa kaniya ni Irene, Winter scratched her head. Nakakapanibago kasi kung hindi siya mangongopo.

 

"I'll try.." 

 

Someone nudged her again, sa kabila naman. 

 

"Sinabihan ko na siya noon, sobrang galang niya lang din talaga." Si Seulgi na naman pala. 

 

Trip na trip talaga siyang kulitin. Sabay na nag-sigh sina Winter at Irene habang si Seulgi naman, pati mga mata, nakangiti.

 

"We'll begin working 'pag dumating na si bossing." Irene tells her. Winter nodded again. 

 

Naramdaman ni Winter ang paglapit ulit ng braso ni Seulgi sa kaniya kaya lumayo na siya. Tawa naman agad si Seulgi. 

 

"Tito mo." Sabi nito, hindi nalang nila pinansin. 

 

"You can observe how we work. Feel free to ask anything, okay?" Sabi pa ni Irene. 

 

Dumating ulit sa table si Hyojung, sa left side ni Winter. 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
6789gu8 #1
Chapter 61: Couldn't ask for a perfect ending for this chapter ng buhay nila, sobrang ganda 😭 yung emosyon ko habang nagbabasa 📈📉 KDJDKDKSKS
6789gu8 #2
Chapter 60: Nakisabay din ako sa pag iyak nina ning at gigi huhuhuhu fave chap so far 🥹
6789gu8 #3
Chapter 52: ༼⁠;⁠´⁠༎ຶ⁠ ⁠۝ ⁠༎ຶ⁠༽
6789gu8 #4
Chapter 51: Thank you po sa scene na sinuntok ni karina si ryujin... Napawi nang konti yung galit hahahahah

Pero grabe yung sakripisyo ni karina, alam ko naman na for the long run yung naging desisyon ni winter pero ibang klaseng torture yun sa relasyon nila. I'm glad karina never underestimated their love and trust for each other, if it's anyone nga like yeji said hindi magpapakatanga nang ganun pero kasi they don't know win and kat. Hindi nila alam gano kalalim yung tiwala at pagmamahal talaga nila sa isa't isa. It was never about just jealousy and doubts, yung distance rin talaga. They've been together their whole tapos biglang boom from Philippines to japan na yung distansya nila... Nainitindihan ko talaga, so much lesson learned like wag papasok sa ldr ganon charot 😭 hayyy ang saket saket pala ng story na to di ako na prepare
6789gu8 #5
Chapter 50: galit ako sayo author legit, di naman kasi malalamn ni ryujin na galit ako sakanya kaya sayo nalang.....

ANONG FOR THE REST OF THE YEAR NAMAN GRABE AKALA KO KASALAN NA NEXT EH 😭
6789gu8 #6
Chapter 49: Bat ang galing mong gumawa ng mga tarantadong character otor kuhang kuha mo galit at poot ko kay ryujin, natalo nya yung inis ko sa character nina jeno at minju sa ssd 😮‍💨
6789gu8 #7
Chapter 48: $+#+$++$*;+$$;-_$?#92($;"7$+$TANGJNANGAY YAN!!!!!!
6789gu8 #8
Chapter 47: SPOT ON SI NINGNING PUTABGINA!! HIGHBLOOD TALAGA AKES SANA LAST NA APPEARANCE NA NI RYUJIN PLS LANG
6789gu8 #9
Chapter 46: UGHHHHHHHHHHHGGGHHHHH BAKET MO GINAGAWA SAKEN TO OTOR 😭😭😭😭😭😭😭
6789gu8 #10
Chapter 43: Ang disrespectful na ni ryujin, would've given her a pass kung nagkulang sa reminders sina kat at giselle kaso naconfront na sya directly tapos parang wala lang... Idk what to feel abt her, gusto ko maawa na ewan ahhahaha