Walang Iba

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON's

 

There was a time na pinilit ng mga magulang nila na maging close sina Winter at Katarina. Lalo na nung mga unang buwan na kakalipat palang ng pamilya ni Katarina sa tabi ng bahay nina Winter. 

 

They have scheduled dinner dates. Nagyayayaan na itry ang luto ng nanay ni Winter, o ng nanay ni Karina. Mga maliit na birthday celebrations na pangpamilya lang ang handa pero invited pa din ang kapitbahay. Mga piyestahan at mini celebrations kagaya ng kinder graduation nina Winter at Karina.

 

Magkaiba man ang eskwelahan, magkasabay pa din naman silang gumraduate kaya naisipan ng mga magulang nila na magdinner together. 

 

"Winter, magpakabait ka ha. Huwag mong susungitan si Karina."

 

Hindi sumagot ang batang si Winter na tahimik lang na nakaupo sa sahig katapat ng TV nila. Nanonood siya ng commercials. Sa isip ni Winter ng mga panahong yun, hindi naman niya kasalanan kung masusungitan niya si Katarina dahil naaartehan siya sa kapitbahay niya. 

 

Palagi kasing parang prinsesa si Karina kapag nakikita niya. 

 

Or maybe young Winter just doesn't want to admit that she's jealous. Katarina seemed to be the daughter who always gets what she asks for. 

 

Meanwhile, Winter doesn't want to ask at all. 

 

Kung ikukumpara, si Karina ang batang marunong makipagusap sa mga tao kaya naman tuwang tuwa ang pamilya ni Winter. 

 

Nang pumasok na sila sa bahay nina Karina, naamoy na agad nila ang lutong nakahanda sa lamesa. Dun dumiretso ang magulang ni Winter, pati ang kuya niyang palaging gutom. 

 

Hindi sumunod si Winter at pumunta sa couch set ng living room ng bahay na pamilyar na sa kaniya. 

 

Uupo na sana si Winter sa couch nang may makita siyang maliit na dinosaur stuffed toy sa gilid. She liked it. Looks like Katarina but cute version.

 

"Akin yan." Biglang may nagsalita, batang malalim ang boses. Sino pa nga ba? 

 

Edi ang prinsesa ng bahay na yun. Pababa ng hagdanan sina Karina at ang ate niya. 

 

Niyakap ni Winter ang stuffed toy na nagustuhan niya.

 

For once, gusto niyang makipaglaro kay Karina just so she could play with this one. 

 

---

 

"Winter, anak. Ibalik mo na kay Katarina yan.." Umiling si Winter, umiiyak nang malakas habang yakap-yakap pa din ang laruan ni Karina. 

 

Young Karina had her arms crossed sa tapat ni Winter. Kanina pa niyang kinukuha pero nagsawa na siyang makipag-away. Ang hirap palang awayin ng kapitbahay niya, umiiyak.

 

Their parents exchanged an understanding look. Karina's father patted her head at malambing na niyakap si Karina.

 

"Karina, do you want to give your toy to Winter? Marami ka pa namang toys diba?"

 

"Paborito ko yan, daddy!" Nakapout na sabi ni Karina, lumakas pa lalo ang iyak ni Winter. 

 

Naririndi na si Katarina, naaawa na din kasi baka maubos ang boses ni Winter kakaiyak. 

 

"Edi sayo na yan!" Sigaw nito bago tumakbo paakyat sa taas. 

 

"Katarina, baka madapa ka!" Sumunod agad ang mommy niya, padabog na sinarado ni Karina ang pinto ng kwarto niya. 

 

Natatawang tumingin pabalik ang daddy ni Karina sa mga bisita na nahihiya na din sa inaasal ni Winter.

 

"Winter, tahan na. You can take that home. Wag ka na iyak, okay?" Mahinahong sabi ng tatay ni Karina kay Winter na tumahan din agad. 

 

Presensya talaga ni Karina ang nagpaiyak sa kaniya. 

 

"Try namin ibalik mamaya kapag nakatulog si Winter." Bulong ng papa ni Winter sa kumpare.

 

Mula pagkabata talaga, they both think they were never meant to be friends. 

 

Not until more than a decade when they became schoolmates, seatmates, and forced to be friends dahil kina Giselle at Ningning.

 

Karina and Winter did a lot in the beginning of their friendship. A lot of ano? Basta, a lot.

 

Senior high. 

 

"Sana naman hindi na late dismissal mamaya, hirap makasakay kapag hapon na." 

 

Nagkukwentuhan ang bagong magkakaibigan habang lunch break nila. Nakaikot ang mga upuan para magkakatapat silang kumain. 

 

Si Ningning ang madalas na magkwento sa kanila-- si Giselle at Karina ang madalas kausap. Si Winter, nasa gilid lang. Nagtataka nga ang mga kaklase nila kung paanong laging kasali sa lunch nila si Winter kahit ni minsan ay hindi ito sumabay sa tatlo sa pag-uwi, o kahit sa paglalakad sa hallways. Never din naman kasing naggala si Winter sa school. Palagi lang siyang nasa homeroom.

 

Kahit nga sa room, hindi din umaalis si Winter sa pwesto niya.

 

Kagaya ngayon, nasa gilid lang ulit si Winter at nakikinig. Patapos na din siyang kumain kaya binuklat niya ang bag niya at kinuha ang bote ng coke sakto na baon niya. 

 

When she twisted the cap, she heard the satisfying noise of air swishing. 

 

Iinom na sana siya nang mapansin ang titig ng katabi niya sa kaniya. 

 

Si Katarina, parang nauuhaw at gusto din ng coke. 

 

"Gusto mo?" Nakangiting tanong ni Winter. Tumango agad si Katarina., hindi inaalis ang titig sa coke na hawak ni Winter. 

 

"Edi bumili ka." Nakangising sabi ni Winter bago uminom sa coke sakto niya at inubos yun sa harap ni Katarina na napairap nalang, hinampas ang braso ni Winter.

 

Tumawa lang sa gilid sina Ningning at Giselle. Nasasanay na sila sa bangayan ng dalawa. Kahit nga nasa klase, hindi sila tumitigil.

 

Habit ni Winter na magsulat habang nakikinig. One of her study habits na para kapag nagtanong ang teacher nila, alam niya kung saan hahanapin ang isasagot. 

 

"Winter."

 

"Yes Winter?"

 

"Winter."

 

"Winter."

 

"And the answer will be..? Yes, Winter?" 

 

Puro si Winter ang sumasagot. Puro boses lang din tuloy ni Winter ang naririnig ni Katarina. Magkatabi pa naman sila. Wala tuloy siyang magawa kundi panoodin si Winter na tumayo at umupo pabalik, magtaas ng kamay, tumayo ulit at umupo pagkatapos sumagot. 

 

Karina had a very bright idea. 

 

"..the estimated temperature of the Earth's core which is..?" Gumala ulit ang tingin ng professor nila, looking for a student na magrerecite-- sa likod, si Winter na palaging sumasagot. 

 

But before Winter could even raise her hand, inunahan na siya ni Katarina. 

 

"More than 5000 degrees celcius, sir." Proud niyang sagot. 

 

Halos lahat ng kaklase nila ay tumingin kay Katarina, kahit sina Giselle at Ningning, nagulat dahil ibang boses na ang narinig nilang sumagot. 

 

"Correct, miss Yu!" And their professor continued the lecture. 

 

Nakangising umupo si Katarina sa tabi ni Winter na mukhang nagulat din. 

 

Katarina's eyes went back to where she was looking at before she raised her hand earlier. 

 

Sa complete notes ni Winter. 

 

"Oh! Yes, Karina?" 

 

"Karina."

 

"Yes, Karina?"

 

"Correct, Karina."

 

Paulit-ulit. Si Katarina ang nauunang magtaas ng kamay. Minsan, Winter would try to raise her hand faster but Katarina would raise her hand higher para makuha ang atensyon ng professor nila, hitting all the annoyance residing in Winter's body that day. 

 

Tapos na ang klase nang marealize ni Winter kung paano nagawa ni Katarina yun kahit wala namang laman ang notebook niya, ni wala ngang ballpen na nakalabas sa table ni Katarina. 

 

GISELLE's

 

Kumakain ako ng baon kong cheetos, break time namin. Like the usual, nagkukwentuhan lang kaming tatlo nina Ningning at Karina tungkol sa next class namin. 

 

"Gigi, wait. May correction tape ka ba?" Tanong ni Karina, I shook my head. Wala eh, ginugurihan ko lang kapag nagkakamali ako hehehe

 

"Si Winter, meron!" Ay, oo nga no! Meron si Winter. 

 

Ningning and I exchanged glances, may pakindat pa siya. Nakita namin how Karina sighed at sumilip sa katabi niyang nakaearphones. 

 

Naiingayan yata sa kwentuhan namin. 

 

Nakakatuwa 'tong dalawa. Lalo na si Winter na hindi ko din alam if part ba ng circle namin o hindi. Sumasabay naman siya kapag lunch time pero we don't really talk that much. Intimidating kasi siya. 

 

One month pa lang naman kaming magkaklase. But! I think kaming tatlo na ang closest sa kaniya since kami lang din ang kinakausap niya.

 

Kinulbit ni Karina si Winter, the latter raised an eyebrow bago tanggalin ang isa niyang earphone. 

 

"Pahiram correction tape." Sabi ni Karina, biting her bottom lip kasi nahihiya siguro.

 

Umiling lang si Winter at ibinalik ang earphone niya sa tenga. 

 

HAHAHAHHAHAHA ang funny talaga nila! Laging magkaaway yang dalawang yan. 

 

Ibinalik ni Kat ang tingin niya sa amin ni Ningning before rolling her eyes. 

 

Tumawa nalang kami ni Ning at bumalik sa kwentuhan.

 

Maya-maya, biglang tumayo si Winter para mag-c.r. siguro. Napatingin ako kay Karina na gigil na nakatingin sa likod ni Winter na lumabas ng classroom. 

 

"Uy, ano yan?" Tanong ko kay Karina na biglang may ginagawa sa bag ni Winter. Hala ka, kukunin ba niya yung correction tape nang hindi nagpapaalam?

 

"Revenge." Sabi niya while grinning, kahit mata niya, masaya nang ipakita sa amin yung ginawa niya.

 

Gagi! Karina did the classic prank at itinali ang bag ni Winter sa upuan.  Jusku, bardagulan na naman mamaya.

 

---

 

Hindi nga nagustuhan ni Winter yung nangyari sa bag niya kahapon. When dismissed kasi, Winter picked up the straps of her backpack at isinabit na sa shoulder niya. 

 

Nung tumayo tuloy siya, nagtaob lang siya at yung upuan. All of our classmates saw that. 

 

At si Karina lang ang tumawa. 

 

I knew Winter would get back at her the minute I saw how Winter watched Ningning and Karina step out of the room today. 

 

Pasimple lang akong nanood sa gagawin ni Winter. Hindi ito yung first time that these two played pranks on each other kaya inaabangan ko na din talaga kung anong mga ganap nila. 

 

I heard Winter's soft giggle nang buksan niya ang bag niya. She also opened Karina's bag. 

 

Si Winter, nilagyan ng mga bato yung bag ni Karina! Maliliit lang naman---

 

Napatakip ako ng bibig nung makita ko ang malaking bato. Grabe! Ang daming bato na nung una tapos may malaki pa? Huhuhu sana okay lang si Kat later. 

 

Kaya naman pala napagiggle pa si Winter habang ginagawa ang kalokohan niya. 

 

I took note na huwag pagtripan si Winter, ever.

 

---

 

Katabi kong naglalakad palabas sa highway sina Ning at Kat ngayon. We've been doing this for three weeks na. Sabay-sabay kaming lalabas papunta sa sakayan. Nagjijeep kasi kami ni Ning, while si Karina, sinusundo ng parents niya. 

 

"Grabe, ang bigat talaga ng bag ko?" I couldn't help but snort at Karina's question, pero pinigilan kong lakasan. Si Ningning na clueless, nagtry na buhatin nga ang backpack ni Kat from ilalim. 

 

"Hala ang bigat nga." Sabi ni Ning at bumalik sa tabi ni Karina. 

 

Itong si Karina din naman kasi, hindi man lang nagcheck ng bag mula nung magkabalik siya sa room.

 

"Hays, ano ba yan ang weird." Nilagay niya sa front niya ang backpack at binuklat na.

 

I bit my lip to contain my laughter. 

 

"Huh? Ano 'to? Ang daming bato--"

 

And just in time, we heard a bicycle chiming as it passed us. Si Winter, mabagal na nagbi-bike at nakasulyap pa kay Karina na namomroblema na at tinatanggal ang mga bato mula sa bag niya.

 

"Ingat pag-uwi." Sabi pa ni Winter kaya tumawa na ako. Napatingin din naman si Karina sa kaniya na nakatingin na ulit sa daan. 

 

And it's like I heard a background music in my head na malakas na drumming at riff ng electric guitar kasabay ng pagbitaw ni Karina sa bag niya bago niya habulin si Winter na nakabike. 

 

Karina rushed to run behind Winter's bike. Nang-aasar pa Winter, malakas na tumatawa dahil hindi siya mahabol ni Karina. 

 

"LAGOT KA SAKIN, WINTER KIM!" Sigaw talaga ni Kat nang makalayo na si Winter na isang kamay lang ang nakahawak sa handle because her other hand is busy raising a middle finger kay Karina na namumula na sa galit. 

 

THIRD PERSON's

 

Inis na ibinagsak ni Karina ang bag niya sa kama. Nakita niya si Winter mula sa bintana ng kwarto niya. Sobrang nainis siya sa nangyari kanina kaya isinara niya ang kurtina niya dahil baka mabato niya pa ng kung ano ang bintana ni Winter at mapagalitan siya ng magulang niya kung masira niya yun. 

 

Nagdaydream nalang siya na ginawa niya yun. 

 

Nang makapagbihis siya, naisipan niyang lumabas ng bahay para makapagpahangin. 

 

At kung sineswerte nga naman siya, nandun din si Winter sa balcony ng kapitbahay. Hindi, sobrang malas ni Karina. 

 

Hindi pa pala tapos ang paninira nito sa araw niya. 

 

Nakangising tumingin sa kaniya si Winter na nagbabasa ng libro habang nakaupo sa garden furniture set. 

 

Padabog na bumalik sa kwarto si Karina at humiga sa kama niya. Kukunin niya dapat ang phone niya sa bulsa nang mapansin niyang may dahon na nakasingit sa mahaba niyang buhok.

 

She smiled, may bright idea na naman siya. 

 

---

 

The next day, nagpaiwan si Karina sa classroom during flag ceremony.

 

"Idlip mo muna yan, Kat." Ningning patted Karina's head na nakahiga sa desk niya. Nakapikit pa si Karina, kunwari masakit ang ulo. 

 

Sa totoo naman, inaantok din talaga siya dahil puyat siya. 

 

Nang maubos ang tao sa classroom at marinig na ang speaker sa field na nagstart na ang ceremony, bumangon na si Karina at nagsimula sa plano niya. 

 

Kinuha niya ang pad paper mula sa bag ni Winter at inilagay sa drawer ng teacher's table. She opened her own bag at kinuha ang pinagpuyatan niyang d.i.y. paper na gawa sa sariwang dahon. Kulay green pa, nakaglue lang at pinatuyo niya lang magdamag. Yun ang ipinalit niya sa pad paper ni Winter. 

 

Wala na siyang pakielam kung marumihan ang bag ng katabi niya. Mas madumi naman yung mga batong nasa backpack niya kahapon. 

 

Second period na nang kinailangang buksan ni Winter ang bag niya para kunin ang pad paper na gagamitin niya sana para sa short quiz nila. 

 

Karina grinned. Kumuha siya ng sariling pad mula sa bag niya at binigyan pa sina Giselle at Ningning before shifting her gaze kay Winter na speechless sa kakaibang 'paper' na nakita niya sa bag niya. 

 

"Oh no.. ano yan?" Nanlolokong tono ni Karina, wearing a worried face habang masama ang tingin ni Winter sa kaniya. 

 

"Kelangan mo ng papel? Meron ako. Hihingi ka ba?" Nakangising tanong pa ni Karina.

 

Winter sighed bago siya dahan-dahang tumango. 

 

Karina faked a chuckle. "Good, sabihin mo muna, please po Miss Karina?"

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
yhielswift013
0 points #1
Happy birthday po 🎉
ryujinie__
707 streak 0 points #2
🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻
franzii
#3
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
#4
Chapter 48: .... ok.
franzii
#5
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
#6
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
#7
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#8
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#9
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#10
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!