Five.

Tanging Ikaw
Please Subscribe to read the full chapter

I am Katarina Jimin Yoo, a teacher at S.M. University. Just two weeks into my teaching journey, I have found it quite manageable so far. Teaching senior high school and college students has been a rewarding experience.

 

I had intended to focus solely on teaching senior high school students. However, due to a shortage of instructors in the accounting and engineering departments, I was also asked to lend my expertise in those areas.

 

Believe it or not, I am only 20 years old. I started schooling when I was just 2 years old, thanks to my parents. Speaking of my parents, they are currently in the United States managing our three companies there.

 

Earlier, I had the pleasure of being with Minjeong—the girl who sells fish balls outside the university where I teach. I can’t deny that I am delighted because I met someone like her. She is incredibly pure, hardworking, and dedicated. I felt a great sense of happiness when she expressed her belief in what I said.

 

Simula noong nagkaroon ng kasintahan ang aking Ate, she stopped believing in me. Hindi naman siya ganun dati. My sister is five years older than me. Even when I was young, she was always there for me. When Mom and Dad were in the States and only my sister and I were left at home, we would always go out together or sometimes she would cook delicious food for me. 

 

But now that we’re older, so many things have happened. It’s like she has changed since she got a boyfriend. Hindi na rin siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

 

It feels like her priorities shifted, and her boyfriend became the center of her universe. I understand that relationships change people, but it hurts that she no longer values my perspectives.

 

We used to be each other’s confidants, offering support and encouragement. But now, it seems like our connection has been overshadowed by her romantic relationship. I don’t blame her entirely, though. Love has a way of consuming people, making them blind to everything else.

 

But I am hoping that one day she realizes the importance of our sisterhood. 

 

I am currently here in our kitchen, cooking some food. Ako lang mag-isa dito sa bahay because my sister rarely comes home. When she does come home, she doesn’t pay attention to me because she's busy talking to her boyfriend. I just called Mom earlier, but we only talked for a few minutes because they are really busy. 

 

My mom and Dad actually want me to work in our company, but I told them that I really want to teach at S.M. University. They didn’t force me and allowed me to pursue what I want. It means a lot to me that they value my happiness and understand the importance of following my passion.

 

 

 

...

 

 

 

Minjeong’s POV

 

 

Nandito pa kami sa bahay namin ngayon. Hindi pa kasi ako tapos sa niluluto kong adobo. Inuna ko kasi mag ihaw ng isda kanina, tapos nagluto rin ako ng lumpiang shanghai. Maaga rin umalis si Mama kanina dahil bumili siya ng mga prutas at mga bulaklak na rin para kay Papa. 

 

Sa ngayon, nasa loob ng banyo si Mama, naliligo siya. Ako naman ay hinihintay ko lang matapos itong niluluto ko. Hindi naman nagtagal ay natapos na rin, at timing din na lumabas na si Mama sa banyo.

 

“Anak, maghanda ka na rin para maka-alis na tayo. Ako na ang bahala riyan.” sabi sa akin ni Mama.

 

“Sige po, Ma.” sagot ko tsaka nagtungo na agad ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit, at pati na rin tuwalya. Nang makalabas ako, nakita ko si Mama na nilalagay na niya sa mga tupperware ang mga pagkain na dadalhin namin.

 

“Maligo ka na,” sabi nito, kaya agad na akong pumasok sa aming banyo.

 

Hindi naman ako nagtagal kaya natapos na rin agad ako. Sakto rin na tapos na si Mama sa kanyang ginagawa kanina. Kaya ilang minuto ang lumipas ay nagsimula na rin kaming umalis ng bahay.

 

Fast Forward.

 

Nakarating na kami sa puntod ni Papa. Sobrang tahimik lang dito, kasi maaga pa naman. Si Mama naman, iniisa-isa na niyang nilabas ang mga dala naming pagkain habang kinukuwento niya kay Papa na ako ang nagluto nung mga pagkain.

 

“Anak, paabot nga nung mga bulaklak.” utos sa akin ni Mama, kaya naman tumayo ako para kunin ang mga bulaklak na medyo malayo sa amin.

 

“Ito na, Ma.” agad namang kinuha ni Mama at inilapag ito.

 

“Miss na kita.” narinig kong sambit ni Mama, tumabi na rin ako kay Mama.

 

“Miss na miss na rin kita, Pa.” sabi ko habang pinipigilan kong hindi maiyak. 

 

“Sorry po kung ngayon lang ulit kami ni Mama nakadalaw. Sobrang dami po kasi naming ginagawa, lalo na po si Mama, Pa. Kahit anong trabaho na lang ang pinasok niya para po matustusan ang mga gastuhin sa bahay. Ako naman po, nagtitinda pa rin ng pisbol, para na rin makatulong kay Mama.” sabi ko habang bumaling ng tingin kay Mama, kita ko naman sa mata ni Mama na umiiyak na naman siya.

 

“Pero hayaan mo, Pa. Hindi ko po hahayaan na ganito lang kami palagi ni Mama. Sisikapin ko pong makapagtapos ng pag-aaral, at makakuha ng magandang trabaho. Maging matatag po ako at magpupursigi para magbago ang sitwasyon namin ni Mama.” sabi ko nang nakangiti.

 

“Mahal na mahal kita, anak.” umiiyak na saad ni Mama sa akin.

 

“Mahal na mahal din po kita, Ma, kayo po ni Papa.” sabi ko at niyakap ko nang mahigpit si Mama.

 

Hindi talaga ako papayag na ganito na lang ang buhay namin. I mean, maayos naman ito, pero ang gusto ko talaga ay hindi nahihirapan si Mama sa kanyang trabaho. Araw-araw ko kasing nakikita ang pagod at pagsisikap ni Mama sa kanyang trabaho at hindi ko hahayaan na ganito na lang kami habang buhay.

 

 

 

...

 

 

 

Araw ng sabado ngayon. Papasok na naman sa klase. Ang sabi sa akin ni Ryujin kanina may sasagutan lang daw kaming short quizzes at after that, pwede na rin kaming umuwi. 

 

Maaga pa naman kaya nag timpla muna ako ng kape. Wala pa akong kain or ligo man lang. Eh kasi maaga pa talaga.

 

Pagkatapos kong magtimpla ay nagtungo na agad ako sa sala namin. Si Mama, maaga siyang umalis, lagi naman at wala ng bago roon. 

 

Nandito ako ngayon sa sala namin habang iniinom ko itong kape ko. Ilang sandali, may narinig akong ingay mula sa labas.

 

Pag ito si Minju na naman, palalayasin ko talaga siya.

 

Araw-araw kasi siyang pumupunta dito sa bahay namin. Hindi ko alam kung bakit, basta ang sabi niya sa akin, gusto niya raw akong makita. 

 

Aba, ako hindi.

 

Tatayo na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan namin. Napabuntong hininga nalang ako dahil wala naman akong ibang aasahan kung sino ito. Kung hindi ay si Minju lang, siya kasi panay visit dito sa bahay eh, na bi-bwisit na ako.

 

Agad kong binuksan ang pintuan, “Ano ba naman Minju—” hindi ko natapos ang aking sasabihin nang makita ko ang mukha ni Miss Ji. Tila nagulat din ito sa aking sinabi.

 

“Uhm.. ikaw pala ‘yan, Miss Ji.” ang sabi ko sabay kamot sa aking ulo.

 

Nakakahiya.

 

“Hello,” sabi nito nang nakangiti sa akin, “Sorry if i visit here now, may pasok ka?” tanong niya.

 

Tinignan ko ang orasan at meron nalang akong isang oras at 40 minutes.

 

“Opo, pero maaga pa naman. Napadalaw ka?” tanong ko.

 

“Gusto ko lang mag-visit,” sabi sa akin.

 

“Pasok ka po muna,” sabi ko at pinapasok ko siya sa aming bahay. 

 

“Pasensya na po sa bahay namin, ah.” sabi ko sa kanya. Hindi naman makalat bahay namin, pero kasi baka hindi siya kumportable lalo na’t kahoy lang itong upuan namin, baka hindi siya sanay.

 

“It’s not a problem naman, ano ka ba.” sabi nito sabay upo sa upuan namin. Gusto kong kumuha ng unan, baka kasi hindi siya sanay umupo rito.

 

“Ayos lang po ba sa’yo na umupo ka riyan?” tanong ko. Feeling ko kasi hindi siya sanay eh. Tumango naman siya sa akin at binigyan niya ako ng magandang ngiti.

 

Simpleng ngiti niya lang, kinikilig na ako.

 

Grabe na ito!

 

“Miss, kumain ka na ba? Baka gusto mong kumain, ipagluto po kita.” meron naman kaming stocks sa ref na pwedeng lutuin.

 

“Tapos na akong kumain, Min.” seryoso nitong saad sa akin.

 

“Bakit nga po pala kayo napadalaw rito?” tanong ko sa kanya.

 

“It’s boring at home, that’s why I came to visit you here. But, I think it is a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
Ngayon lang ulit naka-update kasi may pasok na kami. */umiyak
Anw, thank you sa nagbabasa nito. ^⁠_⁠^

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Chapter 5: 😭
Hiccups_ #2
Chapter 5: Akala ko gusto niyang lumayo kasi bumilis yung tibok ng puso niya, 'yun pala kasi amoy araw siya
kwinterrr_
#3
Chapter 4: may gusto ba si minju kay minjeong dito? hahhsshah
kwinterrr_
#4
Chapter 3: minju 💀
kang_ddeul
#5
Chapter 3: awww, hugs kay min at sa mama niya 🥺 pero uyyy minju is on the move 👀 ambait bait ni rina, ang genuine lang 🥺
kang_ddeul
#6
Chapter 2: hala ang cute cute ni minjeong dito 🥺 pero ang daming girlies~ HAHAHA or baka friend lang sila ni rina? :))
MyJMJTY
#7
seated po,