Four.

Tanging Ikaw
Please Subscribe to read the full chapter

Natapos ko na palang sagutan itong pinapagawa sa amin ni Sir Fab. Nandito ako ngayon sa kwarto ko ngayon. Dahil tapos na rin naman ako sa pagsagot, naisipan ko rin na maglinis dito sa kwarto ko. Medyo makalat kasi na rin kasi.

 

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin ako kaya lumabas na ako ng kwarto ko. Sa uulitin, wala na naman si Mama sa bahay dahil maaga itong umalis para magtrabaho. Ako lang mag-isa ang naiwan dito sa bahay.

 

Dahil bored ako ay kinuha ko ang remote namin para manood ng telebisyon. Wala rin kasi akong ibang ginagawa maliban dito. Hindi rin makalat ang bahay namin kaya wala talaga akong maisip na gawin, tsaka maaga pa para magluto ako sa uulamin namin mamayang tanghalian.

 

Binuksan ko na ang telebisyon at agad na rin akong nanood. Ilang minutong panonood ay may narinig akong ingay mula sa labas ng aming bahay. Minsan talaga may pagka-chismosa ako, kaya dahan-dahan akong pumunta sa may bintana namin at agad kong sinilip kung ano ang meron sa labas.

 

Nakita ko naman ang pamilyar na sasakyan ni Minju.

 

Shuta.

 

Anong ginagawa niya rito?

 

Agad kong sinirado ang pintuan namin at ni-lock ko ito. Kainis naman, gusto ko rin naman ng surprises pero hindi kagaya nito. Dahil medyo malayo pa ito mismo sa loob ng bahay namin ay pinatay ko muna ang telebisyon at sinirado ko na rin ang bintana. 

 

Parang ang sama ko na nito, pero ayaw ko talaga siyang makasama rito sa bahay. 

 

“Hello, may tao ba rito?” narinig kong boses ni Minju sa labas.

 

“May tao d’yan, Ineng.” hindi ko alam pero parang boses ‘yun ni Aling Gloria.

 

“Locked po ‘yung door.” sabi naman ni Minju. 

 

“Minjeong! May bisita ka!” sigaw ni Aling Gloria. Dahil nako-konsensya na ako, ay nag kukunwari akong kakagaling ko lang sa kwarto ko tsaka ko sila pinagbuksan.

 

“Oh, sabi sa’yo may tao d’yan.” natatawang saad ni Aling Gloria.

 

“Salamat po,” nakangiting sagot naman ni Minju.

 

Bakit ba siya nandito, at grabe, andami niyang dala. Para siyang galing sa ibang bansa na may dalang maraming pasalubong.

 

“Magtitigan lang ba tayo here?” tanong nito sa akin.

 

Napabuntong hininga nalang ako sa kanya. Pinatuloy ko ito sa bahay namin, wala rin kasi akong choice dahil pinagtitinginan na rin kami ng mga tao sa labas. 

 

“Ano ba ang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.

 

“I just want you to visit you. We are friends, right?” at sino naman ang may sabi na magkaibigan kami?

 

“Hindi kaya.” sabi ko.

 

“Ang sama-sama talaga ng ugali mo, hindi ko alam kung kanino ka nagmana.” aniya sa akin sabay upo sa may upuan namin dito sa sala.

 

“Nga pala, do you like the carbonara that I gave you last day?” 

 

“Oo,” maikling kong sagot.

 

Masarap naman talaga ang carbonara. Kahit siguro hate na kong tao nagbigay sa akin ng ganun, kakainin at kakainin ko pa rin eh.

 

“See, we’re friends na, you like my carbonara.”

 

“Pinagsasabi mo d’yan.” natawa lang ito sa aking sinabi.

 

“Maliban sa gusto mo akong puntahan dito, ano pa ang reason mo kung bakit ka pumunta rito?”

 

“Wow, hindi mo ba gusto na dumalaw ako rito?” tumango ako.

 

“You’re unbelievable.” aniya.

 

“I heard kasi na wala kayong pasok, kaya naisipan kong pumunta rito.” paliwanag niya.

 

Ha? 

 

Kami lang naman ang walang pasok, bakit nandito siya?

 

“Wala rin ba kayong pasok?” tanong ko.

 

“Ahh.. oo.. wala rin kaming pasok.” sabi nito sa akin.

 

Feeling ko nagsisinungaling lang siya. Ang sabi niya kasi sa akin na si Ma’am Sanchez ang adviser nila, eh naging subject teacher namin ‘yun dati, sabi niya na hate na hate niya raw umabsent at ayaw niya rin na hindi siya nagtuturo. Kahit nga merong event sa paaralan namin noon, nagtuturo pa rin siya eh.

 

Apaka sinungaling nitong Minju na ito.

 

“Si Ma’am Sanchez diba adviser mo?” tanong ko at tumango naman siya.

 

“Sigurado ka talaga na wala kayong pasok?” pagdududa kong tanong sa kanya.

 

“Why? Hindi ka ba naniniwala sa akin?” 

 

Tumango ako, “Sa mukha mong ‘yan, hirap paniwalaan eh.”

 

“Grabe ka naman,” sabi nito na parang naiinis sa akin. 

 

At dahil si Minju nga ito, hindi na naman siya nauubusan ng kwento niya sa kanyang buhay. Nakikita ko tuloy si Ma’am Bautista sa kanya na Filipino teacher namin noon. Panay kwento kasi si Ma’am sa buhay niya tapos pag malapit na matapos ang oras niya eh magpapa-quiz, parang may ano talaga sa utak eh.

 

“I have a question.” napatingin naman ako sa kanya.

 

“Ano?”

 

“Diba you sell fish balls every afternoon?” tumango ako.

 

“Why did you choose to sell fish balls? I mean, why fish balls specifically?”

 

“May nakita kasi ako dati na nagtitinda ng pisbol sa paaralan namin noon kaya ‘yun na rin ang naisipan ko.”

 

“What else?”

 

Bakit naman ang daming tanong nito babaeng ito.

 

“Fishball is a popular street food that is loved by many people around the world. Fishball is not only delicious but also a budget-friendly option for many people. Due to its simple ingredients and affordable price, it has become a popular street food choice for those looking for a quick and satisfying meal.” parang nagulat naman ito sa aking sinabi.

 

“You sound attractive when you speak English.” 

 

“Sira,”

 

“Seriously, Minjeong, it sounds so good to the ears. And I also like the way you explain it.”

 

“Okay, sabi mo eh.”

 

“It’s a compliment, you don’t like it?” hindi ko sinagot ang tanong nito sa akin.

 

“Hindi ka pa ba aalis? Matutulog na kasi ako.”

 

“Umaga pa naman? Did you not have a good night’s sleep last night?” tanong niya.

 

Sa totoo lang, hindi talaga ako nakatulog nang maayos. Paano ba kasi, iniisip ko kasi ‘yung pa goodnight sa akin ni Miss Ji. Akala ko nga maging good ang night ko pero hindi naman pala. Hindi talaga ako makapaniwala na sinabi niya ‘yun sa akin. 

 

Kinikilig kasi ako.

 

“Inaantok ako eh.” sabi ko.

 

“Sure, I’ll leave now.” sabi nito at nginitian ako.

 

Tumayo na ito at agad na rin siyang lumabas ng bahay namin.

 

Finally,

 

“Mag-ingat ka,” sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya at pumasok na ito sa loob ng kanyang sasakyan.

 

Pumasok na rin ako sa loob ng bahay namin. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang iniwan ni Minju na mga pagkain. Ang weird, pero bahala na. 

 

Ni-lock ko pala muna ang pintuan namin dahil inaantok talaga ako ngayon. Alas dyes pa kasi kaya matutul

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
Ngayon lang ulit naka-update kasi may pasok na kami. */umiyak
Anw, thank you sa nagbabasa nito. ^⁠_⁠^

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Chapter 5: 😭
Hiccups_ #2
Chapter 5: Akala ko gusto niyang lumayo kasi bumilis yung tibok ng puso niya, 'yun pala kasi amoy araw siya
kwinterrr_
#3
Chapter 4: may gusto ba si minju kay minjeong dito? hahhsshah
kwinterrr_
#4
Chapter 3: minju 💀
kang_ddeul
#5
Chapter 3: awww, hugs kay min at sa mama niya 🥺 pero uyyy minju is on the move 👀 ambait bait ni rina, ang genuine lang 🥺
kang_ddeul
#6
Chapter 2: hala ang cute cute ni minjeong dito 🥺 pero ang daming girlies~ HAHAHA or baka friend lang sila ni rina? :))
MyJMJTY
#7
seated po,