Two.

Tanging Ikaw
Please Subscribe to read the full chapter

“Ang aga mo yata?” bungad na tanong sa akin ni Mama, nang makauwi na ako sa bahay. 

 

“Binili kasi lahat ng paninda ko, Ma.” sabi ko, tsaka nagsalin ng tubig, nauhaw kasi ako.

 

Sa kagandahan ni Miss Ganda.

 

Eme.

 

“Sino naman?” tanong sa akin ni Mama.

 

Nang maka-inom na ako ay saka pa ako nagsalita, “Hindi ko rin kilala, Ma. Nagulat nga lang din ako dahil sa ginawa niya.” paliwanag ko.

 

First time ko rin talaga siyang makita doon, hindi ko rin alam if doon ba siya nag-aaral sa sikat na unibersidad dito sa amin, or baka napadaan lang siya.

 

“Ganun ba, anak? Oh, siya. Aalis ako ngayon, okay? Maglilinis ako sa bahay ni Kumareng Megan.” sabi ni Mama.

 

“Ma, pahinga ka muna kaya? Kanina ka po kasi wala rito sa bahay, at alam kong kakauwi mo lang din. Meron naman akong kita dito, Ma, sapat na siguro ito para sa kakainin natin ngayon at bukas.” sabi ko.

 

“Kaya ko naman, Minjeong.” sagot pa ni Mama sa akin.

 

“Hindi po ba kayo napapagod, Ma?” seryoso kong tanong.

 

Nagtungo ako sa may upuan dito sa amin, umupo ako at hinintay ang sagot ni Mama ko.

 

“Napapagod, anak. Pero para lang din naman ito sa atin itong ginagawa ko.”

 

“Ma, alam ko naman ‘yun. May pera pa naman ako rito, tsaka hindi mo naman po kailangan na mag work po kayo nang mag work. Napapagod ka rin, Ma, kaya pahinga ka muna ngayon.” sabi ko.

 

“Nasabihan ko na si Megan, anak.”

 

“Ako na po ang magsasabi kay Aling Megan, sigurado naman akong maiintindihan ka niya po, Ma.”

 

“Salamat, anak.”

 

Tumayo ako at lumapit kay Mama, agad ko siyang niyakap. 

 

“Pahinga kana, okay? Pupuntahan ko muna si Aling Megan, tsaka bibili na rin akong ulamin natin mamaya.” tumango-tango naman si Mama sa akin.

 

“Sure ka ba, anak? Pahinga ka rin muna kaya? Kakatapos mo lang magtinda.” may pag-aalala na saad ni Mama.

 

“Kaya ko pa naman, Ma. Punta na po ako.” sabi ko.

 

Walang nagawa si Mama kaya hinayaan niya na ako. Lumabas na ako sa bahay at agad na akong naglalakad patungo sa bahay nila Aling Megan. Hindi naman ito kalayuan sa amin, kaya mabilis lang akong nakarating sa kanila.

 

“Oh, Minjeong, naparito ka?” tanong sa akin ni Aling Megan, nasa bakuran siya ngayon parang kakagaling niya lang magdilig.

 

“Aling Megan, ukol doon sa gagawin ni Mama dito, hindi niya po muna itutuloy. Ako po talaga ang nakaisip po, nakita ko kasing pagod na si Mama, kaya sabi ko magpahinga muna siya. Kaninang umaga pa po kasi siya nag ta-trabaho po.” paliwanag ko.

 

“Ganun ba? Naku, Minjeong, ayos lang. Naiintindihan ko naman.” sabi nito sa akin at ngumiti.

 

“Sure po kayo? Baka naiinis po kayo sa akin, ah.” pabiro kong saad.

 

“Naiintindihan ko, Minjeong. Tsaka alam ko rin ang hirap at pagod ng dinaranas ng Mama mo. Buti nalang talaga at may anak siyang kagaya mo, mabait, masipag, at higit sa lahat maganda.” enebe.

 

“Salamat po.”

 

“Oh, siya. Pasok na ako, ha? Mag-ingat ka sa pag-uwi mo.”

 

“Sige po, mauna na po ako.” pagpapaalam ko.

 

Wala akong phone dahil nasira ‘yun nung nakaraan kaya naman nagtungo akong waiting shed na malapit lang dito kila Aling Megan. Meron kasi orasan doon. Nang makarating ako sa waiting shed, nakita ko namang malapit na mag ala sais.

 

Nagtungo na akong palengke para bibili ng uulamin namin ni Mama. Mabilis lang naman akong nakarating sa palengke, bumili lang ako ng gulay at konting prutas. 

 

Pagkatapos kong bumili ay lumabas na rin ako ng palengke. Medyo madilim na kaya nagdadalawang isip ako kung maglalakad ba ako or sasakay. Sakto lang din kasi itong pera ko kaya wala akong nagawa kung hindi ay maglakad.

 

Sinimulan ko na ang aking paglalakad. Sobrang dilim talaga at meron pang nag-iinom dito sa kalye. Natatakot ako, pero hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad.

 

Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating na rin ako sa bahay. Napabuntong hininga nalang ako. Kanina kasi may parang sumusunod sa akin, kaya binilisan ko ang aking paglalakad.

 

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Nagtungo ako kwarto ni Mama at nakita ko siyang mahimbing ang tulog. Halata talagang sobrang pagod ng Mama ko. 

 

Nagsaing muna ako bago ko sinimulang lutuin itong kalabasa. Ito ang uulamin namin ngayon dahil matagal-tagal na rin kasing hindi ko ito nakakain. 

 

Matapos kong magsaing ay nagsimula na akong magluto. Ginataang kalabasa ang lulutuin ko, ito rin ang paborito ni Mama na ulam kaya’t sigurado akong magugustuhan niya ito.

 

Nang matapos ko ng lutuin ang lahat ay agad na akong pumasok sa kwarto ni Mama. Dahan-dahan ko siyang ginising. 

 

“Ma, kakain na po tayo.” sabi ko.

 

Tumayo naman agad si Mama, “Ako na magluluto.”

 

“Tapos na po, Ma. Nakapagluto na po ako.”

 

“Ganun ba..” tumango-tango naman ako.

 

Lumabas na kami ni Mama sa kanyang kwarto agad nagtungo sa hapag kainan.

 

“Ikaw nagluto nito?” tanong sa akin ni Mama, habang humihila ito ng mauupuan.

 

“Opo, Ma.” sagot ko naman.

 

Nagsimula na kaming kumain, “Kumusta pala pag-aaral mo, Minjeong?” tanong sa akin ni Mama.

 

“Maayos naman po, Ma. Wala po kaming masyadong ginagawa.” 

 

“May pasok kaha ngayong sabado?” tumango naman ako.

 

“Pasensya ka na talaga kung hindi regular class napasok mo.”

 

Si Mama talaga.

 

“Naku, Ma. Ayos lang po. Mas maayos nga po ‘yun dahil nakakapagbenta pa po ako, para na rin hindi lang ikaw ‘yung nag ta-trabaho para sa atin po.”

 

“Sana talaga nakapagtapos ako ng pag-aaral, para hindi mo ito nararanasan kung ano man tayo ngayon.”

 

“Ma, masaya naman po ako. Tsaka huwag niyo pong sisihin sarili niyo, okay? Maayos naman po tayo, Ma. Hayaan niyo po, sisikapin ko pong makapagtapos ng pag-aaral para hindi kana mag trabaho nang mag trabaho.” paliwanag ko.

 

Oo, mahirap lang kami pero hindi naman ‘yun hadlang. Magsisikap ako, para makabawi ako kay Mama. Ayokong ganito lang kami palagi. 

 

“Ang laki mo na talaga, Minjeong. Grabe mga pananalita mo, sobrang matured mo na pakinggan.” napangiti nalang ako sa sinabi ni Mama sa akin.

 

 

...

 

 

03/15 (Saturday)

 

Maaga akong gumising dahil meron kaming pasok ngayon. Gusto ko nga umabsent kaso dumaan ’yung kaibigan kong si Ryujin dito sa amin, tapos ang sabi niya sa akin bawal daw kami umabsent ngayon dahil meron kaming oral recitation. 

 

Lubos talaga akong nagpapasalamat kay Ryujin, sobrang bait niya kasing kaibigan tsaka siya talaga ’yung nagbibigay sa akin ng balita ukol sa aming paaralan.

 

Sabi ko nga, wala akong selpon tsaka wala rin akong sapat na pera para bumili nun. Buti nalang talaga at may kaibigan akong kagaya ni Ryujin. Tarantado man pero mabait din naman, medyo lang. 

 

Maaga rin palang umalis si Mama, sabi ko sa kanya kanina na dito nalang muna siya sa bahay pero hindi siya pumayag, meron kasi siyang trabaho na naman ngayon sa City Hall, sabi niya sayang daw if a-absent siya ngayon. Hindi ko na rin pinigilan si Mama dahil gustong-gusto niya talagang mag trabaho.

 

Ni-lock ko na ang pintuan namin at agad na rin akong naglakad patungo sa paaralan. Medyo malayo paaralan namin pero dahil maaga pa, maglalakad muna ako. Nakasanayan ko na rin kasing maglakad. 

 

Nasa kalagitnaan na ako ng may biglang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
Ngayon lang ulit naka-update kasi may pasok na kami. */umiyak
Anw, thank you sa nagbabasa nito. ^⁠_⁠^

Comments

You must be logged in to comment
kwinterrr_
#1
Chapter 5: 😭
Hiccups_ #2
Chapter 5: Akala ko gusto niyang lumayo kasi bumilis yung tibok ng puso niya, 'yun pala kasi amoy araw siya
kwinterrr_
#3
Chapter 4: may gusto ba si minju kay minjeong dito? hahhsshah
kwinterrr_
#4
Chapter 3: minju 💀
kang_ddeul
#5
Chapter 3: awww, hugs kay min at sa mama niya 🥺 pero uyyy minju is on the move 👀 ambait bait ni rina, ang genuine lang 🥺
kang_ddeul
#6
Chapter 2: hala ang cute cute ni minjeong dito 🥺 pero ang daming girlies~ HAHAHA or baka friend lang sila ni rina? :))
MyJMJTY
#7
seated po,