Chapter 32

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

3rd Person POV

"Sandali lang Dian maraming makakarinig sa'yo." Sinusubukang pigilan ni Sayaka si Dian pero hindi na siya nagpa-awat.

"Takteng 'yan! Kung hindi ko lang siya mahal hindi ako nagtitiis nang ganito eh. Partida katabi ko pa ah. Ang sweet pa grabe!" Yung mga nakakintindi ng Hapon kahit slight lang ay masusing pinakikinggan sinasabi ni Dian. Si Mari? Wala siyang naiintindihan ni konti sa pinagsasabi niya. Pero nakaramdam siya nang lungkot, kirot sa puso, at gulat. Lungkot at kirot sa puso kasi nasasaktan siyang makitang umiiyak kaibigan niya. Gulat dahil, nakakapag Hapon pala siya?

"Kaibigan ko siya, kaya natatakot akong i-risk ito nang dahil lang sa lintik na confession na yan!" She hiccuped first kasabay nang pag-iyak saka tumuloy.

"Pero alam niyo, dumating yung point na medyo handa na ako. Wala na akong pakialam kung hindi niya matanggap pagmamahal ko sa kanya. Handa na ako! Pero...." Lumihis ang tingin niya at lumipat kila Coleen.

"Naunahan na ako. Pero yeah!" Bumalik ulit siya kung saan siya nakatingin kanina, sa kawalan.

"Dahil masaya naman si Marikoi, well I tried to be happy for her. Walang halong kaplastikan ah. Mahal ko siya kaya nagparaya ako. Maayos naman si Coco eh. Pero tangina hindi ko parin maiwasang masaktan!" Humagulgol na ito nang malakas.

"Sorry ah, pero nang dahil doon kaya naisipan kong magpakalayo-layo pagkatapos ng college. Sa totoo lang napakarami naming  plano eh parang magjowa asta namin na hindi. Titira sa iisang apartment, same company but different occupation, pero dahil sa pagmamahal na ito gusto kong makalimot na ito. Siguro pag nagpunta akong Japan nang ilang taon..." At dito na tumayo si Ash.

"Dian tama na. Lasing ka na. Balik na muna kayo sa cottage niyo. Mari alalayan mo muna siya papuntang cottage niyo okay lang ba?" Tumango si Mari at dahan-dahang inakbayan si Dian at naglakad na papalayo.

"Andaming tea ang na-serve ngayon.... buti hindi nakaintindi si Mariz." Sabi nila Sheki.

Time Skip

-Sa kwarto nila Coco at Rans-

"Coco may kailangan ka pa? Kung wala na tulog na ako." Madaling sabi ni Rans at tuluyan nang natulog. Coco just sighed, sa totoo lang gusto niya pang makausap siya. Like how they used to be. Pero wala eh. Hindi naman sa hindi sila nag-uusap after their break-up, pero hindi na siya gaya nang dati. Sa hindi malamang dahilan gustong-gusto mabalikan ni Coleen ang nakaraan. Pero may Mari na siya.

Speaking of which, hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Dian kanina. Yes nakakintindi siya ng Japanese. So after all this time mahal ni Dian si Mari kahit noong hindi pa siya dumarating sa buhay nila. Nakaramdam siya nang guilt. Siguro parang mas deserve kasi ni Dian si Mari. Nalaman din niyang may mga plano pala sila as best friends. Pero hindi na yata matutuloy dahil aalis na papuntang Japan si Dian.... na hindi pa yata alam ni Mari?

Nabobother tuloy siya kung ipapaalam niya o hindi. O hahayaan na niyang si Dian na mismo magsabi.

-kwarto nila Dian at Mari-

Malalim na pinagmasdan ni Mari ang natutulog na si Dian. Sa tagal nilang naging magkaibigan parang may ilang bagay na siyang hindi nalamaman recently. Nalungkot talaga siya noong nakita niyang umiyak si Dian dahil sa mga sinasabi niya in Japanese. Wala siyang naintindihan ni isa.

Sa tagal ng pagtitig niya kay Dian ay hindi niya namamalayan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Para kasing tumigil ang mundo niya sa bawat sulyap sa ganda nito. Hayz, nasabi nalang sa sarili. Handa niyang bugbugin kung sino man ang nagpapaiyak sa kaibigan ngayon.

Bigla namang tumunog ang cellphone ng natutulog. Usually she respects privacy kahit na ka-close niya pa. Pero dahil curious siya sa nangyayari sa kaibigan niya, hindi na niya napigilang tingnan ang notification ng phone. Mag nakalagay na something about sa flight sa Japan... at isang message mula kay Ash.

Next week na flight mo. Sa Japan mo na raw itutuloy ang last year mo para madali ka nang makapasok sa trabaho.

She looked at Dian in disbelief. How come na wala siyang alam tungkol dito?

———————————
Ano na kaya nangyari kila Sela at Faith noong nag walk-out sila? Abangan!!

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice