Chapter 17

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Sela's POV

"Hiii Babe!!" Kababalik lang ni Abby sa cafe. Saan nga ba siya nagpunta. Hayz nevermind may tiwala naman ako sa kanya.

"Oh babe gusto mo ng kape ganun?"

"Nope nevermind kakainom ko lang din. Kinita ko lang sila Rans kanina btw." Gaya ko, manager din siya ng isang branch. Medyo close din kami and I know na kakunchaba siya ni Abby sa panliligaw sa akin noon.

"Sige baka pagod ka. Pahinga ka muna sa bed." If you're wondering, andito kami sa isang room sa itaas ng building ng cafe. Kapag hindi makakauwi dito kami mags-stay.

"Eh ikaw ayaw mo? You have to rest din babe. Please..." Sabi niya habang naka back hug sa akin. Ang hirap tanggihan neto.

"Okay sige. Pero maya-maya need kong bumalik sa work okay?" Sa pagtango niya dumiritso na kami sa kama. Wag kayong ano walang mangyayari sa amin dito. Hanggang cuddles lang kami. Ang sarap namang yakapin ni Batas Abelaine ang softie niya. Mukha man siyang masungit sa labas kapag nakasama mo rin siya nang matagal makikita mo kung gaano siya ka-cute at pasaway. Kapag nakasama mo rin siya nang matagal hindi mo maiiwasang ma-attach sa kanya. It's nice sa feeling to have someone like her in my life. It's great to love her.

Time Skip

Nang maramdaman kong malalim na tulog ni Abby umalis ako nang dahan-dahan para bumalik sa work. Bale supervisor katulong ng staffs, cashier, at barista trabaho ko rito. Dami noh? Ahahahahahaha.

"Pre patulong naman gusto kong gumawa ng kanta para sa girlfriend ko."

"Pre bakit ako yung tinatanong mo diyan. Ikaw lang ang tunay na makakaramdam niyan. Mapapayo ko lang, isipin mo lahat ng memories niyo."

"Hay nako sige na nga. Teka iba muna patugtog ko sakaling may maisip ako."

*strums*

Hindi ko naman akalaing yung random convo na narinig ko sa kanila ay biglang mauuwi sa ala-alang gusto ko nang kalimutan. Well sa totoo lang minsan nakakalimutan minsan bumabalik.

Playing: Sweet Memory by MACO

It's been 5 years since na release yung song for her. Until now medyo patok pa rin ito sa mga sawi o kaya sa mga mahilig talaga mag discover ng music. School band lang naman kasi kami hindi gaya ng Ben&Ben, Silent Sanctuary, o kaya December Avenue kaya hindi super sikat.

Sa bawat linyang nasulat kong naririnig ko nalang ngayon, bumabalik yung mga memories behind those. Teka tama na Sela! Kakasabi mo lang na masaya ka sa piling ni Abby diba? It's just a song don't be triggered.

"Manager okay ka lang po? Kami muna bahala rito if hindi."

"Ayos lang ako Thea. Maya-maya sabihin ko nalang." At bumalik sa trabaho yung isa naming barista. Magtrabaho ka nalang Sela okay?

3rd Person POV

Little did she know that another person happened to hear the same song, at naalala rin niya ang lahat. Napabuntong hininga nalang ito habang inaayos yung gamit para sa task na pinapagawa sa kanya ng isang client.

—————————————-

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice