002

starlight
Please Subscribe to read the full chapter

an. disclaimer: this fic is fictional and is not affiliated with the schools mentioned in the storyline/series xD

 

 

CHANTAL

 

Agad akong nakaramdam ng kaba nang mabasa ko yung pangalan ni Miracle. Hindi ko masigurado kung kinakabahan ba talaga ako but I can literally feel my heart race.

 

I also didn't know na mutuals pala kami sa Instagram. Siguro ay dahil 'yon kay Yana. Nasa iisang school lang din naman kami at may possibility na mag-meet kami sa campus anytime pero never nangyari 'yon.

 

Nanginginig yung mga kamay ko habang nagiisip ng sagot sa reply niya sa story ko. Ngayon na lang ulit may nagmessage sa akin at hindi na ako sanay makipagusap sa ibang tao!

 

 

Miracle Naomi Jimenez
@miraclenaomi

 

 

miraclenaomi
bitin! hahaha more please 🥺

 

 

chantuhl_mp4
uy hi! thank you!

chantuhl_mp4
nahack lang ako actually 😭

miraclenaomi
it's okay! haha i love your voice

miraclenaomi
it's very soothing

chantuhl_mp4
thank you 🤍

miraclenaomi
you're welcome, Chantal!

 

Napangiti ako lalo nang nagsend siya ng sticker. It was a baby duck na may heart eyes. Ang cute kaso nga lang naalala ko si Yana. Lagi na lang.

 

Nag-react ako ng heart sa sticker ni Miracle at nag-type na rin ng isa pang reply. Wala naman sigurong mawawala kung kukumustahin ko si Yana e.

 

 

chantuhl_mp4
kumusta nga pala si yana?

 

Nag-seen siya agad at nag-type ng sagot. Ang bilis, ha.

 

 

miraclenaomi
she's fine naman

miraclenaomi
i think she's planning to release a new song ulit

 

Naging successful na talaga siya nang manalo siya sa Music Fest noong April. Siyempre masaya ako para sa kaniya pero minsan napapatanong na lang ako sa sarli ko kung what if nag-work kami? O kaya naman what if hindi ko na siya nakilala completely?

 

May magbabago ba?

 

I stared at my phone for a long time. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Miracle. Sana pala hindi na ako nagtanong.

 

 

miraclenaomi
do you want to meet her?

chantuhl_mp4
halaaa huwag na 😆
I'm glad that she's okay.
okay na rin ako doon 🤣

miraclenaomi
ohh okay

miraclenaomi
by the way, you should
post more covers soon!

miraclenaomi
or even your original songs

miraclenaomi
there's a great possibility na
madiscover ka online

chantuhl_mp4
try ko yan soon hehe

chantuhl_mp4
ineenjoy ko muna yung kung ano
yung meron ako ngayon hahaha

miraclenaomi
sabagay, mas maganda pa rin
yung ineenjoy mo yung ginagawa
mo <3

miraclenaomi
ay it's past 11 na pala.
may shoot pa ako bukas

miraclenaomi
thanks, chantal! it was nice talking to
you

miraclenaomi
im hoping that i can hear your other
songs too soon!

miraclenaomi
siyempre live hahaha

miraclenaomi
good night!

chantuhl_mp4
good night and good luck
on your shoot tomorrow!

 

Pinatay ko na yung phone ko after kong magreply. Mukha kasing hindi na rin siya sasagot at all. Napatulala na lang ako sa ceiling at hindi ko namalayang nakangiti na ako. Hindi ko maipaliwanag pero parang napagaan ni Miracle yung loob ko.

 

Hindi rin nagtagal ay tumunog ulit yung phone ko. Naexcite ako bigla nang mabasa ko yung username ni Miracle. Wala na, nakangiti na naman ako lalo.

 

 

miraclenaomi
see you soon din!

 

Nag-react lang ako ng white heart sa message niya. Pagkatapos noon ay tiningnan ko yung IG feed niya, halos lahat ng pictures niya ay behind the scenes ng photoshoots niya tapos yung iba naman ay ads at personal shots. Shala, photographer.

 

Hindi ko na namalayan yung oras kasoscroll sa feed niya. Halos twelve na pala ng madaling araw at kailangan ko pang pumunta sa school bukas.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
reigngrey #1
Chapter 4: Liking the story. Hope you can update soon
minguri_iz_coming
#2
Chapter 3: hoping na sana matuloy din sa twitter [kamay na heart]
Ssamyen
#3
Chapter 5: Chaewon to the rescue✊🏻
Ssamyen
#4
Chapter 2: Ahhh bitin din😭😭 pero thank you
Ssamyen
#5
Chapter 1: Looking forward to this☺️
Ssamyen
#6
Chapter 1: Please don't be angst😭🙏🏻🙏🏻
Ssamyen
#7
2kim!! Omg