001

starlight
Please Subscribe to read the full chapter

CHANTAL

2019

 

"Grabe yung nangyari kanina! Alam mo ba 'tong si Ria kinalimutan ako kasi kasama niya lang si Yana tapos si Vera naman kasama niya si ate Miracle... feel ko nga may something sila—"

 

"So nagseselos ka?" Sabat ni ate Erin kay Tori. "Ay sorry. Hindi ka naman pwedeng magselos kasi wala naman-"

 

"Ate!"

 

"Ang ingay-ingay niyo." Sabi ko sa kanila. Napalabas kasi ako bigla sa kwarto dahil napakaingay nilang dalawa.

 

"Ingay lang." Sagot ni ate Erin.

 

"Funny." Sagot ko pabalik sa kaniya. "Saan kayo galing? Wala kayong pasalubong?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila.

 

"Galing ka ba sa bundok?" Tanong sa akin ni Tori.

 

"Mukha ba akong galing sa bundok? Galing ako roon-" Tinuro ko yung pinto ng kwarto ko, "Ano nga? Nakipagdate kayo?" Tanong ko ulit. They were wearing nice outfits as they always did pero iba kasi yung aura nila ngayon.

 

"Ineexpect ni Tori na makikipagdate si Vera sa kaniya pero 'yang isang 'yan yung tinamaan. Tama ba?" Ate Erin explained. Napatingin ako kina Tori na tumatango tango at kay Ria na kanina pa yatang may kachat sa cellphone niya.

 

"Pupuyatin ka lang niyan." Sabi ko kay Ria.

 

"Hindi ka lang jinowa e."

 

"Tama na 'yan, Ria, Chantal. Kumusta nga pala yung music fest? Pumayag na ba yung mama mo?" Umiling lang ako. "Pero may kanta ka na?"

 

Tumango ako, "Pero parang hindi ko pa siya gusto kasi... mema pa yung vibe ng lyrics."

 

"Ayan ka na naman! Naririnig ko kanta yung kanta mo palagi. Ang ganda kaya!"

 

"Salamat, buti pa kayo." Sagot ko na lang. Naisip ko na naman kasi si mama. Hindi ko kasi alam kung bakit ayaw na ayaw niya na may gawin kami ng kapatid ko na related sa music. Pagkanta, pagtugtog ng kahit anong instruments, pagsusulat ng kanta, ayaw na ayaw niya kahit sa lahat naman ay pumapayag siya. "Sige, babalik na muna ako sa kwarto."

 

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong Kinuha ko yung cellphone ko mula sa table, baka sakaling may sagot na sa akin si mama. Sinend ko sa kaniya yung report card ko ngayong second semester.

 

Thankfully, I passed all of my subjects at hinihintay ko na lang din yung results kung pasado rin ba ako sa inapplyan kong universities. More than three universities yata yung pinasahan ko ng requirements, ganoon kasi yung sinabi sa akin para mamimili na lang ako kung sakali.

 

Kabubukas ko pa lang ng Messenger nang may dumating na message. It was from Chelsea, my younger sister.

 

Agad kong binuksan yung convo at nagtype ng reply.

 

Chantal
hindi e. sorry :(

 

Chelsea
ohh, sige. hindi na rin muna
ako uuwi lolol.

 

Chelsea
pero tapos naman na yung sem
niyo there, right??

 

Chelsea
if same tayo ng academic calendar.

 

Chantal
yeaah

 

Chelsea
how was your finals week?

 

Chantal
wala akong tulog 😩

 

Chelsea
hindi ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
reigngrey #1
Chapter 4: Liking the story. Hope you can update soon
minguri_iz_coming
#2
Chapter 3: hoping na sana matuloy din sa twitter [kamay na heart]
Ssamyen
#3
Chapter 5: Chaewon to the rescue✊🏻
Ssamyen
#4
Chapter 2: Ahhh bitin din😭😭 pero thank you
Ssamyen
#5
Chapter 1: Looking forward to this☺️
Ssamyen
#6
Chapter 1: Please don't be angst😭🙏🏻🙏🏻
Ssamyen
#7
2kim!! Omg