Chapter 8

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako sa sinag ng araw sa ulunan namin. Napalingon ako sa katabi ko na mahimbing pa ring natutulog.

Nagstretch muna ako bago ako dahan-dahang bumangon, careful enough not to wake up Chaeryeong. Pagod na pagod yata siya sa ganap kahapon kaya hindi matinag ang tulog niya.

Inayos ko muna yung kumot niya saka ko hininaan yung aircon bago ako lumabas.

Magluluto nalang muna ako ng brunch namin. Lampas alas diyes na rin eh. Napahaba tulog namin pareho.

Binuksan ko yung fridge nila at naghanap ng pwedeng lutuin. Okay naman na siguro french toast and eggs 'no?

Nagpiprito na 'ko ng itlog nang marinig kong bumukas yung pintuan ng kwarto ni Chaeryeong.

"Good morning, sleepyhead." Nakangiting bati ko nang pumasok siya sa kusina.

Nagkukusot pa siya ng mata habang papalapit sa pwesto ko.

Pota, ang cute cute hayop.

She's pouting when she stopped in front of me, eyes still half-closed. Antok na antok pa siya.

Inalis ko yung nagkalat na hibla ng buhok sa mukha niya before giving her a soft pat on her cheek.

"Upo ka na don. I'll be done soon."

Tiningnan niya ako saglit bago tumango at naglakad papunta sa dining table nila. Natatawa ko naman siyang pinanood. She rests her head on her arms before closing her eyes again.

Antok pa ang bebe.

Bumalik ako sa pagpiprito ng itlog while throwing short glances on her. Buti nalang katapat lang ng lutuan nila yung lamesa.

After ko iready yung brunch namin ay dahan-dahan ko itong nilapag sa mesa. Medyo magugulatin pa man din si Chaeryeong.

"Ryeong, gising na. Kain na tayo." Tinapik tapik ko siya sa braso.

I couldn't stop myself from smiling as I watch her flutter her eyes open.

"Hi?" I greeted her.

She giggled at me, "Good morning, Ji."

"Good morning. Kain na tayo."

Umayos siya ng upo saka kami nagstart kumain. Lutang pa nga yata siya kaya I decided to make her some hot choco.

"Marunong ka pala magluto." She smiles after taking a bite of her breakfast.

Natawa naman ako, "Pritong itlog lang yan."

 

After namin kumain ay nagvolunteer siya na maghugas ng pinagkainan namin. Actually, nagpumilit siya. Itinulak niya 'ko palabas ng kitchen.

"Maligo ka na!" Rinig kong sigaw niya mula sa kusina, "Mag-mall tayo mamaya."

Napakunot-noo naman ako  bago ko siya sinilip. Nakatalikod siya sa'kin habang naghuhuhas ng plato, "Ano gagawin natin sa mall? Saka, ilang beses ka inatake ng asthma kahapon tapos mag-aaya ka pa gumala ngayon?"

Lumingon siya sa'kin, "Okay na 'ko! Saka kailangan ko bumili ng materials para sa plates eh."

I sighed, "Okay, pero saglit lang tayo ha!"

Mabilis niyang nilagay yung mga plato sa drying rack bago lumapit sakin, "Bakit naman? Gusto ko ring pumunta sa park eh."

Naglakad ako papunta sa kwarto niya para kumuha ng damit sa bag ko, "Mahirap na baka bigla kang atakihin."

Naalala ko na naman yung kaba ko kahapon nong nalaman kong inatake siya ng asthma niya. Ayoko na maulit yon.

"Iinom akong gamot bago tayo umalis tapos dadalhin ko rin inhaler ko. Please? Punta tayo sa park?" Sabi niya na sumunod sakin papunta sa kwarto niya.

She's pouting, damn it.

Umiwas ako ng tingin, "Ang tigas ng ulo mo."

"Please, Ji?"

Nilingon ko siya saglit saka inirapan, "Okay, fine."

I saw her grin before jumping towards me, "Thank you!" She says before spueezing my cheeks.

Sinimangutan ko lang siya hanggang sa natatawa niyang binitawan yung pisngi ko.

God, she's really a tease.

 

After preparing ourselves, umalis na rin kami agad. Pupunta na sana ako sa car park nang hilahin ako ni Chaeryeong papunta sa lobby.

"Hoy, teka lang. Nasa parking yung kotse ko." Sabi ko habang hila-hila niya ako.

Lumingon siya saglit sakin bago ako tawanan, "Magcocommute tayo, Yeji."

I creased my forehead before stopping her, "No, we're taking my car. Tanghali na, mainit at mausok na, Ryeong."

She jutted her lower lip bago ako hilahin para maglakad ulit,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)