Chapter 2

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

Ayoko talaga sa prof na yon!" Naiinis na reklamo ni Yuna nang makalabas kami ng classroom, "Minor subject lang naman siya."

Sumangayon naman agad kami dahil totoo. Yung mga minor subjects na feeling major kung makapag-bigay ng activities. Mas marami pa yata kaming ginagawa sa minor subjects namin kesa sa major eh.

"Gusto ko lang sa project niya ay yung makakagala tayo." Sabi ni Giselle, "Isasama ko bebe ko para date na rin." Nakangiting dagdag pa nito.

Napangiti rin naman si Karina na kanina lang ay simangot na simangot, "Ay, I like your idea, Gi. Aayain ko rin si Winter."

Napailing nalang ako sa trip nila dahil wala naman akong mayayaya na jowa.

"Gusto niyo ba ayain nalang natin silang lahat para masaya?" Suggestion ni Lia, na kanina lang ay pinapatay na sa isip yung kalbong prof namin.

"Pwede naman tutal sa Saturday pa naman diba?"

"Sabay sabay na daw tayo mag-lunch sa labas, may dalang car si Yeji." sabi ni Lia na busy sa pagtatype sa phone niya. Mukhang katext niya si Ryu.

Naglakad na kami agad pababa papuntang cafeteria dahil andon daw yung tropahan nina Yeji. Gutom na rin ako dahil overtime yung prof namin kanina kaya late kami sa lunch. Buti nalang 3 hours yung vacant namin ngayon.

"Ano? Tara na?" Aya ni Ning nang makarating kami sa table nila, "Gutom na 'ko."

Agad namang tumabi sa kanya ang bebe niya, "Let's go, baka malate kayo sa next class niyo." Sabi ni Giselle.

Nagtayuan na rin naman yung iba saka kami naglakad palabas ng cafeteria.

"Kasya ba tayo diyan?"

Napatigil kami sa tapat ng sasakyan ni Yeji.

"Ilan ba tayo?"

"Nine tayo."

Binuksan ni Yeji yung car niya, "Kasya yan, tatlo don sa dulo tapos apat dito sa gitna."

Kanya kanya naman silang pilian ng pwesto.

Si Lia ay uupo na sana sa passenger seat pero agad siyang hinila ni Yeji paalis, "Sorry, mare pero si Ryeongie diyan."

Agad naman akong napatingin sa kanya, "Hindi, okay lang. Tabi nalang ako kina Ryu."

Umiling si Yeji saka ako hinila papunta sa passenger side, "Nope, dito ka. May carsick ka diba?"

Natawa naman si Lia, "Sige na, Ryeong. Ayaw ko naman sumagabal sa buhay pag-ibig ng friend ko 'no." Sabi nito saka pumasok na sa likod.

So bale, ang pwesto namin ngayon ay —si Lia, Yuna, at Ryu ay nasa pinakadulo tapos yung magjojowa naman sa gitna at ako naman sa tabi ni Yeji, sa passenger seat.

Hindi ko nalang din pinansin yung pang-aasar ni Lia kasi hindi ako assumera. Maganda lang ako pero di ako assumera.

"So, saan tayo?" Tanong ni Yeji after niya istart yung sasakyan, lumingon pa ito sa akin para icheck kung naka-seat belt na ako.

Nagkagulo naman yung mga kaibigan namin dahil iba iba sila ng gusto kainan.

"Punta nalang tayong SM, pag dating na natin saka tayo pumili kung saan pero better kung bago tayo makarating alam niyo na saan kakain."

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating kami sa SM. Malapit lang siya sa campus namin, so saglit lang talaga binyahe namin.

"Nakapagdecide na ba kayo?" Tanong ulit ni Yeji.

"Pepperlunch nalang tayo." Suggestion ni Yuna, "Gutom na talaga ako, please."

Natawa kami sa nagmamakaawa niyang mukha kaya nag-agree nalang din lahat.

Pagdating namin sa Pepperlunch ay agad kaming umorder. Mukhang lahat kami gutom na gutom na dahil as soon as naserve samin yung order namin ay tumahimik na at nagsikainan nalang.

"Para tayong magkakaaway." Natatawang sabi ni Winter.

"Ay guys, free ba kayo this Saturday?" Tanong ni Giselle.

"Bakit?"

"May activity kami sa Art app, kailangan pumuntang natmu."

"Natmu?"

"National Museum." Sagot ko kay Yeji, "Kailangan namin maghanap ng iba't ibang artworks."

"Ay sige, g ako diyan." Sabi nito, "Pero pano pumunta don?"

"Hindi mo ba madadala car mo?"

Napaisip naman siya, "Saturday 'no?" Tumango kami, "Negats, dadalhin ni Papa sa Batangas."

"Commute nalang tayo." Mukhang naexcite si Ryuj

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)