Donut not Do Not
Ang BFF Kong Hamon
“Ang busy mo naman boss” bati ni Yeri na siyang ikinagulat ni Wendy.
Para saan ba naman kasi yung pinto kung di naman marunong kumatok yung papasok?
“Parang di mo naman need iexhaust sarili mo dyan eh.. Nagsskip ka pang lunch. Iniiwasan mo ba si Joy?” dagdag ni Yeri kaya medyo napadiin yung pindot ni Wendy sa mouse button kasi nabigla siya sa mga sinabi neto.
“Huh? Hindi..Ano need ko lang talaga maayos tong presentation ko”
“Wala ka namang ineedit eh click ka lang ng click?” pagsingit ni Seulgi na nandito na din pala sa office niya. “Nu bang problema??”
Napapikit si Wendy at napahinga ng malalim.
Ano nga bang problema at meron nga ba? Maybe talking it out might bring her some clarification.
“Ever since that hangout with a friend kasi, Joy has been looking at me strangely…”
“Strange? In what way?” agad na follow up ni Yeri at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya at binuksan ang dala niyang lunchbox. Kitang kita pa yung guhit na pula sa kanin na nanggaling sa hotdog na pinatong dito. Tumabi na din si Seulgi na ang tanging dala ay kutsara’t tinidor. “Ilap ba sya sayo ganern?”
Di nainform si Wendy na nilipat na pala sa office niya yung pantry.
“Hindi?” sabay kamot ni Wendy sa batok niya, ilang beses na niya tong pinagmunihan pero di pa din niya alam anong eksaktong sagot o dahilan ng kanyang pagkabalisa.
“Edihano?” tanong ni Yeri habang puno pa ang bunganga at sinubuan si Wendy ng ulam niya with kanin.
“HEwhan ko…” sagot ni Wendy na may laman ang bibig at napatigil si Wendy sa pagclick click nya ng slides. “May times na nahuhuli ko syang nakatitig sa akin tas parang ang lalim ng iniisip..Hindi ko ma-explain eh. Basta something seems off since that night” ever since that conversation, to be exact. Kasi everything was going well naman until THAT topic came up.
“Baka…” in ni Seulgi na nakikaen na din sa baon ni Yering lunch na good for 3. “Baka ikaw lang yung naiilang boss?”
“Should I be worried?” tanong ni Wendy kahit nagwoworry naman na talaga siya. Need niya lang ng validation para sa nafefeel niya.
“Bakit naman?” agad na sagot ni Seulgi habang focused na focused sa baon ni Yeri.
“Na baka kasi na-awkwardan siya?”
si Joy nga ba o siya?
“Ano ba kinikilos nya lately?”
“Clingy pa rin..” pag-aalangan ni Wendy, “pero extra…”
“Ayaw mo nun??” tanong ni Yeri habang iniislice yung ulam, “di ba kahit clingy sya sayo naeenjoy mo yung skinship?”
Nanlaki mga mata ni Wendy. Gusto niya sanang ma-offend, ideny pero paano? kung tama naman si Yeri. Kasi naman, this is the only thing that she can enjoy with their setup without overstepping boundaries.
Naiinis siya, kasi bukod sa tama si Yeri, dumagdag pa dito yung pagtaas
Comments