Emergency Meeting

Ang BFF Kong Hamon
Please Subscribe to read the full chapter

Next week pa ang birthday party pero ngayon palang excited na si Joy dahil nakuha niya na ang driver’s license niya. Pero syempre, secret muna natin to at kahit ang kanyang beybzfriend ay hindi ito alam. Pa-element of surpise ba.

 

Tagal ng sinsikreto ni Joy to kasi si Wendy yung madalas na nagddrive for them other than tipid sa gas, save Mother Earth tayo. Buti na lang din at game si Wendy sa kung ano mang trip netong si Ligaya, or let's say game talagang ipagdrive ni Wendy si Ligaya kung saan man. Pero yung usual routine nila na sasabay siya sa car ni Wendy papasok since same building sila is may konting modification, dahil today, nagcarpool sila.

 

Excited talaga si Joy kasi chineck niya pa yung weather forecast at sa wakas din, mailalabas na niya ang kanyang baby, ang baby car niya. Gift kasi sa kanya to pero ayaw naman niyang ipagamit kaya nag effort talaga siyang mag-aral magdrive at makakuha ng driver’s license. Cool din kasi pag babae ang nagddrive para kay Joy or dahil kasi ang cool lang sa paningin niya magdrive si Wendy, pero syempre gusto din niyang ma-experience na ipagdrive yung beybzfriend niya (wag kami Ligaya. Alam naming may iba kang balak). 

 

Sa araw na pinakahihintay, araw ng Biyernes. Napagdesisyunan nilang magcarpool at medyo pagod din daw kasi si Wendy from a hectic week kaya pumayag na din siya at para makaidlip daw sa byahe.  Everything is falling into place. Tuloy na tuloy talaga ang plano netong si Ligaya mamayang pag uwi nila.

 

 

'Wait mo na lang ako sa baba' yan yung huling message ni Joy kay Wendy. Kaya eto siya ngayon sa may lobby, hinihintay yung kasabay niya pauwi. Friday ngayon tapos maulan kaya siguradong mahirap makipagsapalaran sa mga tao ngayon. Lahat nagmamadaling umuwi o kaya may lakad. Anything to keep you sane in this insane world that we live in. 

 

May iilan naman din siyang kasama na naghihintay sa lobby so kebs lang pero parang ang tagal naman yata ni Ligaya?  Reklamo niya sa kanyang sarili na pilit hinahanap si beybz sa paligid. May mga familiar na mukha pero wala dito yung hinahanap niya. 

 

Umihip ang malamig na hangin at tuloy lang ang pagbagsak ng ulan sa paligid. Hinila niya ang kanyang damit, panangga sa hanging malamig. Nasaan na kaya ang babaeng kanyang iniibig? Sumulyap siya sa kanyang telepono ngunit walang bagong mensahe. Nasaan na kaya ang magandang binibini? Lalong lumalamig ang paligid at nagdadalawang isip ng bumalik si Wendy at doon na lamang salubungin ang kanyang hinihintay.

 

BEEP!! 

 

May bumisina pero dedma lang ang ating bida kasi malay ba niya kung para sa kanya yun. Wala pa namang mensahe si Ligaya. 

 

BEEP! BEEP! 

 

Ano ba to? Ang kulit. 

Di lang naman siya yung tao dun so baka iba ang hanap? “Nasaan na ba kasi yung babaeng yun?” tanong niya sabay dial ng numero neto sa telepono. 

 

BEEEEEEEEPPP!!

 

Nagulat na lang ulit si Wendy at inis na nilingon yung maingay na kotseng yun at pinandilatan. 

 

“Hi, Miss, pwede ba kitang iuwi?” bati nung nakaupo sa driver’s seat.

“Joy?!” bulalas ni Wendy ng maaninag niya kung sino yung nakaupo matapos irolldown ni Joy yung window.

Tinaasan lang siya ni Joy ng kilay at kinindatan. Ano na namang pakulo to??

 

“Dafuq, Joy???” nanlaki ang mga mata ni Wendy at umatras ng konte para icheck out ang ride. Yung halos isumpa niya kanina kakabusina, tinitignan niya ngayon. How ironic. “JOY! Bawal magdrive ng walang lisensya!” 

 

“Anong tingin mo sa akin? Reckless?” sabay taas niya nung driver’s license niya upang ipagmayabang kay Wendy. “I’m officially licensed para pagsilbihan at ipagdrive ka kung saan saan.”

Pinagtaasan lang ulit ni Wendy si Joy ng kilay, na para bang nangaasar.

 

“Beybz naman,” sabi ni Joy, “this time let me do these things for you, di yung laging ikaw at ikaw lang.”

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
If you enjoy reading please leave a comment or message! :3

Comments

You must be logged in to comment
toffee_zeyer
#1
Chapter 32: Hi there! Thank you for letting this story continue. It's nice to see this story updated when I log in after a busy month. It takes away the stress 😁
jdzurc
#2
Chapter 32: just came back after months ng pagiging busy, at kilig agad-agad ang nadatnan ko🤭😆grabehan ang selosan tas di pa rin alam ni Ligaya yung feelings nya😫 Gusto mo itext ko nalang sayo Joy? char
really love this story🫶 thank you po sa update💙💚
akosizig #3
Chapter 32: nag update!!! bago magpasko!!! bago matapos taon!!! grabe one of my feel-good aus talaga to na kahit dami pang sikot ng wenjoy sa feelings nila super kalog and havey ni otor 🥺 salamat po sa pagsusulat!!! abangers sa susunoood sana may pareveal na sa aseul rombab date 😎👍
ligaya_park
#4
Chapter 32: the way maglandian sa chat, akala mo namang.. hay nako, paki upgrade naman na po ang status nyo kasi mag ne-new year na hahaha
thank you po sa dalawang lapag na updates with dalawang kumakalampag na ships, deserve nyo po ng hamon sa pasko💙💚
ligaya_park
#5
Chapter 31: sorry Joy, pero gusto kong sabihin na "medyo" deserve mo yang na feel mo HAHAHAHA bat kasi ang tagal ng realization mo Ligaya, kapag yang si Wendy na ano sige ka HAHAHA
pero nakilig naman ako sa part na intrusive thoughts yung nanaig kaya na kiss yung kamay ni Ligaya🤭 TAMA BA YORN WENDY???
germsrocket #6
Chapter 32: ahhhh nag Update naaa!!
so happy ang so kwela the last part hahaha
etongbsi Ligaya at Wentot di pa mag aminan argghh
the tension is rweal bhie hahaha
sana tuloy tuloy na ung upfate hahahaa
🫶🫶🫶🫶🫶♥️♥️♥️
iamriou_
1197 streak #7
Chapter 32: Yung nag-reread muna ng previous chapters para maalala ano nangyari. HAHAHAHA Salamat sa lapag otor! <3
cptncat #8
Chapter 32: opinion ko lang pero parang bagay na magjowa si wendy at joy sksjdh
cptncat #9
Chapter 31: sarap pag-untugin mga ulo nila jfjjsnsk konting realization naman dyan joy... na acclang accla ka sa bff mo! magpapasko na, hahayaan mo bang malamig ang pasko ni wendy? emecjsbxhstangina
tealundertones
#10
FAKE YUNG FLUFF SA TAGS