Chapter 2: I Found a Friend

Blinded by your Red Flags
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 2: I found a friend

 

Enero's.

 

Tatlong araw. 
 

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang orientation na naganap at heto ako ngayon tinatahak ang mahabang hallway kasabayan ang mga estusyanteng panigurado hinahanap din ang kanya kanyang silid. 
 

Nang marating ko ang isang partikular na pinto,

 

"C-119" bigkas ko, at tinignan muli sa hawak kong phone kung saan ginawa ko pang lockscreen yung schedule ko para hindi na ako mahirapan halungkatin sa gallery. 
 

"First subject, Physics.. C-119"

 

Tumango-tango ako sa sarili, mukhang ito na nga. Ayaw ko lang din talagang mapahiya na maling classroom pala ang pinasukan ko.

 

Ngayong araw kasi na ito at mga susunod pa ay parang kumbaga proper meet up na sa mga instructors at maglalahad na sila ng mga kanya-kanyang rules at regulations at syempre kasunod na rin nito ang proper lectures.

 

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng classroom at itinulak ito, agad na nabaling ang atensyon sa akin ng mga estudyanteng naririto na, bigla tuloy akong naasiwa sa mga tingin nila. Pero pag tingin ko sa harapan wala pa naman ang prof, sadyang mga early birds lang sila.

 

Naghanap na ako ng maaring maupuan at kabaliktaran sa orientation nuon, ang punong-puno ngayon ay ang nasa likuran. Bakanteng bakante naman ang gitna pati harapan.

 

Pinili kong gumitna, para naman sakto lang. Hindi mauuna sa recitation, hindi rin mahuhuli. Mahirap na kapag by seat ang order ng recitation. Advance thinking ayoko kasi nang mabibigla ano.

 

Nang makapag ayos na ako ng sarili at maitabi ang gamit sa kinauupuan ay tahimik lang akong nag oobserba sa paligid ko. Halos nag seselpon ang karamihan upang magpalipas oras.

 

Maliban sa katabi ko dito sa may bandang kanan, abala itong mag drawing nang kung ano-ano sa kanyang notebook. 
 

'Ang tagal naman ng prof.'

 

'Lamiggg'

 

'xD lol cOOL .-.'

 

'Gusto ko na umuwi, mamaaa'

 

Bahagya akong natawa sa mga pinagsusulat nito.
 

Lumalamig na rin sa silid kasi tig-dalawang malaking aircon ba naman ang naka bukas at full-blast pa, ganyan talaga kapag nagpapa-impress, isip ko.

 

Maya-maya ay pumasok na rin ang professor, lalaki ito at matangkad, may dala rin itong marker at isang ipad. Kung titignan mo ay parang binata pa si sir, fresh graduate ganon, naglalaro sa edad na bente pataas.

 

"Okay good morning class," iginala nito ang mga mata sa loob ng silid, "Let's wait 15 more minutes before we start. While we wait for others, you may take a break baka need niyo mag cr."

 

Bilin nito sabay na umupo at abalang nags-scroll ng files sa hawak-hawak nitong ipad.
 

Hindi naman ako napapa-cr kaya nanatili nalang ako sa kinauupuan. Itong katabi ko naman ay biglang napatingin sa direksyon ko, nagtama ang mga mata namin at nginitian ako nito kaya ganon din ang ginawa ko.

 

"Hello." umpisa niya sinagot ko naman ito, "Hi."

 

"Anong pangalan mo po?" pabulong na tanong niya. 
 

"Enero po." 


'Oooh' sambit nito sabay thumbs up. "Ang cool naman, January baby ka I bet."

 

Tumawa ako at tumango, "Haha, tama ka po. Ikaw? Anong pangalan mo?"

 

"Ningning." banggit naman nito. Oh? Mas cool kaya yung kanya! Bituin ang dating!

 

"Luh ang astig naman ng sa'yo, bituin ang peg mo." patuloy lang kaming nag usap ni Ningning ng kung ano-ano pang bagay. Kung saan daw ako nakatira, ilang oras byahe ko, naka dorm ba ako. Sa totoo lang ang dami niyang tanong, na itinanong ko lang din naman sa kanya pabalik matapos kong sagutin isa-isa.


Napunta kaagad kami sa 'getting-to-know each other' phase sa ilang minutong break na naganap.

 

Hanggang sa nag start na rin mag salita yung prof namin, kaya natigil kung ano man ang pinag uusapan namin ng katabi.

 

"Okay so for today, hindi muna tayo mag-didiscuss. For the meantime, I'll guide you through our syllabus, and show you our grading system–and then if we still have time left feel free to ask me questions. Is that alright?"

 

"Yes po, sir." sabay-sabay naming tugon sa prof at nag simula na nga siya. 
 

Mabilisan niya lang rin ni-run through ang mga kailangan gawin, mga format ng assignments and quizzes, ilang allowable absences and so on. Inilabas ko lang ang mini notebook na dala ko at nag simula mag jot down ng mga importanteng detalye na hindi ko pwede makalimutan.

 

"Okay get one whole piece sheet of paper, write down y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aeskim
Chapter 2 is up! Thank you for giving this story a chance. ☹️ Samahan muna natin si Enero and her newly found kalog friend! (short update lang bawi sa next chaps hahaha)

Have a great weekend everyone! 🫶🏼

Comments

You must be logged in to comment
jiyooisreal #1
Chapter 2: UYYYYY INTERESTING, BAGONG AABANGAN NANAMANNNN!!
howdoyouknowmee
574 streak #2
Aguyy deliks hahaha upvoted!
Skyblue1111
16 streak #3
Chapter 1: No comment? Let me fix that, jk. 😅