Chapter 1: A bit lost in track

Blinded by your Red Flags
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 1: A bit lost in track

 

Enero's.

 

Ang init, ang traffic, ang usok, ayan lang naman ang bungad ng Maynila sa akin.
 

Maaga akong umalis ng bahay dahil unang araw ko sa school ngayon at isa na din sa rason ay ayaw kong ma-late bilang isang freshman. Para sa akin ay isang challenge itong tinake ko. Labas kaya ito sa comfort zone ko.

 

Buong buhay ko hindi pa ako nalayo ng ekwelahang pinasukan, kinder hanggang mag senior highschool ay doon lang talaga ako napalagi sa amin sa Rizal. Hatid-sundo pa.

 

Kaya nang mapag desisyunan kong mag Maynila ngayong kolehiyo ay nag dalawang isip ang mga magulang ko kung papayagan nga ba nila ako. Bukod sa napaka habang byahe eh, 'kaya ko daw ba'. Sabi ko naman, kakayanin.

 

Sabi nga ng karamihan, 'choice mo 'yan so panindigan mo'.

 

Natigil ang pag-iisip ko ng kung ano-ano nang biglaang huminto ang LRT train na sinasakyan ko. Sumakto pang nasa Araneta-Cubao na kami, nagsilabasan nga ang ilang mga pasahero agad naman itong napalitan ng panibagong pasahero. Ganito ata talaga, walang choice kung hindi tiisin ang siksikan. Bulok ba naman kasi ang transportation dito sa Pinas at ito lang ang madali.

 

"Paumanhin po sa panandaliang pag hinto ng ating tren, kasalukuyan pa pong may tren sa unahan."


Biglang announce sa speaker nito, napatingin naman ako sa orasan ko at buti nalang talaga at maaga akong umalis ng bahay hindi ako ganon namomroblema kung male-late. Kalaunan ay nakababa na rin ako sa Legarda.

 

Nag intay ng jeep na masasakyan pero halos lahat ng nadaang jeep ay punuan. Matapos ng pasensyahang paghihintay ay nakasakay na rin ako.

 

Nang makasakay na ay agad akong napatingin sa mga kasamahan ko, halos ata lahat ay naka uniform ng school namin. Ano to, tour? 
 

Natawa ako nang bahagya sa naisip, agad akong nag hanap ng barya sa wallet at inabot ang pamasahe, "Bayad po. Estudyante."

 

Tinanguan lang naman ako ni Manong. 
 

Nang makarating sa school ay inilabas ko na ang reg card ko, wala pa kasi akong alam talaga sa mga rooms at buildings dito. At malungkot mang pakinggan, wala din akong kakilala ni-isa. Huminga ako nang malalim at lumapit sa taong alam kong makakatulong sa akin.

 

Kay Kuya Guard.

 

Lumapit ako dito at mahinang umubo, "Ah good morning po, pwede po mag tanong?"

 

Nakatingala pa akong harapin ito, parang ang tangkad tangkad naman ata ni Kuya? Lumapit ito sa akin at ngumiti, "Good morning po, ma'am. Ano 'yon?"

 

"Hindi ko pa po kasi alam saan po itong Seminar Room?" 

 

"Ah doon lang 'yan. Dumiretso ka sabay kapag nakita mo na 'yung second building pasok ka. Tapos kaliwa, makikita mo na 'yon." pagkuwento nito. Tumango-tango naman ako. Bago pa ako makapag pasalamat ay muli itong nag salita.

 

"Gusto mo samahan kita? Doon rin kasi ang duty ko ngayon ma'am. Para hindi na po kayo maligaw." offer niya na ikinagalak ko naman. Ang laking tulong Kuya!

 

Kaya naman nag simula na kaming maglakad. Habang papunta sa seminar room hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na sinabayan nga ako ni Kuya Guard o hindi. Kasi bigla kong napagtanto na mukha pala akong elementary student na sinasamahan papuntang room!

 

Okay medyo nahihiya na talaga ako, buti nalang at nakarating na kami sa seminar room. Nagpasalamat ako kay Kuya at agad nang pumasok. 
 

Pagkapasok ng seminar room ay sinalubong ako ng iilang students, na kung hindi ako nagkakamali ay higher levels ng department namin. Pinaglista nila ako ng pangalan, section at course at sabay na pinaupo kahit saan ko gusto. 
 

Marami-rami na rin ang estudyanteng nandidito, halo-halo ang iba't ibang section parang major orientation kasi ang magaganap. Iginala ko ang mga mata at nakitang may bakante pa naman sa unahan, gitna at likod. Magandang pwesto sana sa harapan para hindi ako antukin kaso doon nakatapat yung malaking aircon kaya napag desisyunan ko na dito nalang sa likuran pumwesto.

 

Hindi nag-tagal ay nag simula na rin yung orientation, usual lang, prayers, pambansang awit, school hymn at doon na nagpa kilala isa-isa ang mga faculty members na magiging professors namin the buong semester o hanggang makatapos kami sa kursong ito.

 

Nagpalaro sila ng mga trivias, games at may kapalit itong cash prizes. Nanood lang ako kasi 'di ko naman kayang sumali sa mga ganyan bilang isang introvert. Nagkaroon ng mini-break, at magreresume daw after 20 minutes sabi ng emcee. 
 

Kaya dinukot ko muna ang phone ko sa bulsa para tignan if may text ba nanay ko sa akin, mukhang wala naman. Kaya binuksan ko ang twitter para magpa-lipas ng oras. 
 

Maya-maya ay may naramdaman akong umupo sa may bakanteng upuan sa kaliwa ko. Kita ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aeskim
Chapter 2 is up! Thank you for giving this story a chance. ☹️ Samahan muna natin si Enero and her newly found kalog friend! (short update lang bawi sa next chaps hahaha)

Have a great weekend everyone! 🫶🏼

Comments

You must be logged in to comment
jiyooisreal #1
Chapter 2: UYYYYY INTERESTING, BAGONG AABANGAN NANAMANNNN!!
howdoyouknowmee
574 streak #2
Aguyy deliks hahaha upvoted!
Skyblue1111
16 streak #3
Chapter 1: No comment? Let me fix that, jk. 😅