Chapter T-77

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Naynay? Teyan po yayabat ang mga bibis natin?" 

 

 

Napangiti si Winter habang pinapanuod sina Karina at Khio na naka-dapa sa makabilang tabi nya sa kama, at parehong hinahaplos ang may umbok na niyang tiyan. 

 

 

Kanina nga ay nasabi na nilang mag-asawa kay Khio na magka-karoon na ito ng mga kapatid. At tila ba simula ng malaman iyon ng mochi nila ay nakalimutan na nito ang mga regalong natanggap ngayong pasko. Dahil ang tanging bagay na hindi halos mabitawan ni Khio buong gabi ay ang ultrasound picture ng mga kapatid nito. 

 

 

"Hmm..four months sila ngayon, so bale limang buwan pa anak, mga May pa ang labas ng mga kapatid mo." sagot ni Winter sa mochi nilang kulang na lang eh kuminang ang mga mata dahil sa nalaman nito.

 

 

"I'm ensayted! Vewy chute chute tiguyo po ng mga bibis natin naynay." ani Khio na muling humalik sa tiyan ng kanyang nanay Winter, pagkatapos ay hindi pa ito nakuntento, dahil yumakap din ito dito. 

 

 

Natatawang nakatinginan na lang sina Karina at Winter, dahil bakas sa mukha ng anak nila ang saya at pagka-excited nito para sa triplets. 

 

 

"Ate Tiyo yab you bibis, bait tayo dyan otey? Wag tayo tuyet paya hindi pagod ang naynay natin." malambing pang paalala nito sa mga kapatid. 

 

 

Naka-ngiting nagkatinginan na lang ang mag-asawa. 

 

 

Dahil kahit nasa tiyan pa lang ay napaka-maalaga at lambing na agad ng mochi nila sa mga kapatid nito. Hindi na nga din ito halos umalis sa tabi ng nanay Winter nito at panay pa ang halik at yakap sa tiyan ng ina.

 

 

"Masaya ka ba anak?" tanong ni Winter kay Khio habang marahan nyang hinahaplos ang ulo nito. 

 

 

Agad naman na nag-angat ng tingin si Khio sa pagkakasub-sob nito sa tiyan nya at mabilis na tumango sabay ngiti. Labas kung labas pa ang mga dimples nito sa sobrang tuwa. Maging ang mga mata nito ay halos mawala na dahil sa pagkaka-singkit. 

 

 

"Opo nay! Tenchu po ta inyo ni mimi ta chismas gift to po! Best chismas gift evew! Yabyu!" excited pang sagot ni Khio.

 

 

"Welcome love." tila proud naman na sagot ni Karina, sinabayan din nito si Khio na pupugin ng halik ang tiyan ni Winter.

 

 

Natawa na lang din si Winter sa dalawa, naisip nya, malamang isa na ito sa magiging bonding nilang pamilya habang pinagbu-buntis nya ang triplets. Lalo pa't tila tuwang-tuwa ang mag-mommy na pang-gigilan ang umbok sa tiyan nya habang kinakausap ng mga ito ang triplets sa loob.

 

 

"Peyo nay?" 

 

 

"Po?" 

 

 

Napa-kunot na lang ang noo ang mag-asawa ng biglang umupo sa kama si Khio, kunot din ang kilay nito na para bang nagta-taka na tumingin sa kanilang, bago nito muling hawakan ang tiyan ng ina. 

 

 

"Paano po napunta ta yoob ng tummy mo po ang mga bibis nanay? Nitain nyo po ba ang mga bibis taya tiya nata tummy nyo po?" inosenteng tanong ni Khio sa kanila. 

 

 

Dahilan para makaramdam ng panlalamig ang mag-asawa. 

 

 

Napalunok na lang sina Karina at Winter dahil hindi nila inaasahan na magtatanong ng ganito si Khio sa kanila, ang masama, hindi nila alam ang isa-sagot sa tanong ng anak nila na hindi nasi-sira ang ka-inosentehan nito. 

 

 

"Ah eh, ano kasi anak.." si Winter ang nag-lakas ng loob na unang sumagot, pero tila ba bigla syang na-blangko ng tumingin sa kanya si Khio na naghi-hintay ng sagot.

 

 

Kaya agad nyang hinila ang laylayan ng damit ni Karina, dahil mukhang may balak pa ang asawa nya na takasan sya. 

 

 

Muli naman na na-upo pabalik sa kama si Karina at napa-kamot na lang ng ulo ng tingnan sya ng masama ni Winter. Sinenyasan din sya nito na sumagot sa tanong ng anak nila kahit na hindi nya alam kung saan kukuha ng isa-sagot dito.

 

 

"B-baby..nanay didn't eat the babies.." mautal-utal na sabi nya sa mochi nila. 

 

 

Ang totoo ay hindi alam ni Karina kung saan magsi-simula, at kung ano ba ang magandang paliwanag kay Khio, na kung paano nabu-buo ang mga babies, isa lang kasi ang alam nyang paliwanag.

 

 

Ayon ay kaldagan ang nanay Winter nito. 

 

 

Pero hindi nya pwedeng gawin na paliwanag iyon sa mochi nila, baka kahit buntis si Winter ay ma-uppercut sya nito.

 

 

Napa-hugot na lang ng hininga si Karina bago nya muling tingnan ang inosenteng si Khio na nakatingin sa kanya. Napangiti na lang sya sa kalagayan nila ni Winter ngayon.

 

 

Sino nga ba ang makapag-sasabi, na ganitong kaaga sila mag-papaliwanag sa anak nila tungkol sa kung paano ba nabubuo ang mga babies. 

 

 

"Ganito kasi yan love...If two people love each other so much, like mommy and nanay, doon magka-karoon ng baby, like you and the triplets." dire-diretsong sagot ni Karina.

 

 

Na-on the spot talaga sila ng mochi nila, at tila ba wala din plano si Winter na tulungan syang magpaliwanag dahil nakita nya itong nagpi-pigil ng tawa sa tabi nya. 

 

 

Napa-kagat na lang ng labi si Winter sa paliwanag ng asawa nya, hindi din sya makatingnan kay Karina dahil baka matawa sya dito, lalo't ramdam nya ang kaba nito habang nagpa-paliwanag sa anak nila.

 

 

Palihim din ang ginagawa nitong pag-pisil sa kamay nya, dahilan para lalo syang matawa dahil pinipisil din nya iyon pabalik. 

 

 

"Oohhh payang magic! Tapag yab mo po yung gewl, may bibi na tayo?"

 

 

Pagka-mangha ang naging reaksyon ng mochi nila, with matching pag-tatakip pa ng kamay sa bibig nito.

 

 

Kahit kina-kabahan ay hindi nila maiwasan na ma-cute-an kay Khio dahil sa ka-inosentehan ng mochi nila. 

 

 

"Yes anak, pero dapat love na love mo yung tao na yon at gusto mo syang makasama for the rest of you life." dadag pa ni Winter. 

 

 

Tumango-tango naman si Khio na tila ba na-gets na agad nito ang paliwanag ng nanay at mommy nya. 

 

 

Ngunit kinabahan uli ang mag-asawa ng muling tumingin ang mochi nila sa kanila, na mukhang may pahabol pa itong tanong. 

 

 

"Payang tayo po ni mimi, nanay? Dapat tupew yab na yab mo paya may bibi?" paninigurado pa nito.

 

 

"Yes love."

 

 

Nag-mukhang mga display na tuta sa dashboard ng sasakyan sina Karina at Winter sa ginawa nilang pag-tango sa tanong ni Khio. At palihim din sila na nagda-dasal na sana ay wala na iyong follow up question, dahil wala na talaga silang mai-sasagot dito.  

 

 

"Wow! Mimi, naynay, ay yab Ayiton tow much, magtata bibi na po ba tami?" 

 

 

Hindi ina-asahan nang mag-asawa ang tanong na iyon mula sa anak nila, hindi pa naka-tulong na kumiling pa ang ulo ni Khio pagkatapos ng inosenteng tanong nito sa kanila. 

 

 

Sandali din silang napanganga at natulala na lang sa mochi nila, at kung hindi lang dahil sa pag-tawag nito ay baka tuluyan ng nag-short circuit ang utak nilang mag-asawa. 

 

 

"H-hindi baby, babies pa kayo-" agad na sagot ni Winter, pero likas nga ata talagang mainipin ang mochi nila at mausisa na din kaya may kasunod na naman itong tanong. 

 

 

"Teyan po pwede naynay?" naka-ngusong tanong pa nito. 

 

 

Kaya si Karina naman ang sumagot sa anak nilang masyadong advance mag-isip. 

 

 

"If you two are big enough na to have your own family, after you finish college and may work na kayo ni Allison-" 

 

 

"Tagay pa po paya..." ani Khio na tila dismayado pang nag-kamot ng matambok nitong pisngi. 

 

 

Napa-iling na lang si Winter, kaya agad nyang niyakap pabalik sa tabi nya si Khio at paulit-ulit itong pina-ulanan ng halik sa malambot nitong pisngi na isa din sa napagli-lihian nya ngayon.

 

 

Si Karina naman ay natatawa na lang na nahiga sa tabi ni Winter, at nang maramdaman iyon ng asawa nya ay agad itong paatras na sumandal sa harapan nya habang yakap ang mochi nilang pinang-gigigilan pa din nito. 

 

 

"Yup, matagal pa Forrest Khione Yu, baby ka pa okay? Baby ka pa ni nanay at mommy kaya bawal pa, tsaka na kapag 40 ka na." sabi pa ni Winter. 

 

 

Huminto pa ito saglit sa paghalik sa pisngi ni Khio kaya nakita nito ang pagkunot ng noo ng mochi nila. 

 

 

"Nay, bata po wowa na tami ni Ayiton non." reklamo pa ni Khio.

 

 

"Ah basta, dito ka muna sa amin, baby ka pa mochi, bawal ka pa lumaki." 

 

 

"Ahh~! Natitiyiti po ato naynay! Mimi! Hwep!" tili ni Khio nang pati ang kili-kili nito at pag-diskitahan na din ni Winter. 

 

 

Tumawa lang naman si Karina imbes na tulungan ang mini me nya, natutuwa din kasi sya kapag pinangigigilan ito ni Winter. Ramdam nya naman ang asawa nya, dahil maging sya ay gusto laging pisilin at kagatin si Khio sa sobrang bochog nito. 

 

 

"Sabihin mo muna baby ka pa para titigil na si nanay." dagdag pa ni Winter. 

 

 

Nagpi-pigil na lang talaga sya na wag makagat si Khio sa sobrang gigil nya sa mga baby fats nito. 

 

 

"Otey po! Otey po! Baby pa po ato naynay! Aaahh~!" 

 

 

Binitawan naman agad ni Winter ang mochi nila na pulang-pula na dahil sa ginawa nya, bago nila ito hinalikan ni Karina sa pisngi. Yumakap naman din agad si Khio sa kanya at sumiksik sa dibdib nya pagkatapos. 

 

 

"We love you ate Khio." inabot ni Karina ang ulo ni Khio at marahang hinaplos iyon.

 

 

"Ayabyu too mimi and nanay.." hinihingal pa, ngunit masaya na umupo muli si Khio para gumapang palapit sa tiyan ng kanyang nanay Winter, bago ito humalik doon. 

 

 

"Ayabyu twi~ Ate tiyo yabyu tow much my wittew dinotors~" 

 

 

_____

 

 

Napatigil sa akmang pag-pasok ng kwarto ng mga magulang nya si Khio ng marinig nito ang tunog ng mahinang pag-iyak ng kanyang nanay Winter. At dahil sa pag-aalala sa ina kung napaano na ito ay agad na tumuloy si Khio sa loob, ngunit napatigil din sya ng makita itong naka-upo lang sa kama habang naka-tapat ang cellphone nito sa tenga. 

 

 

Sa tingin nya ay katawagan nito ang kanyang mommy Karina, base na din sa naririnig nya mula dito.

 

 

"Mahal uwi ka na please, yung s-singkamas ko..." iyak ng iyak pa din na sabi ng kanyang nanay Winter, habang ginagamit nitong pamunas ng luha ang pinaghubadan nyang sando. 

 

 

Napa-kunot ang noo ni Khio, dahil kahit ilang araw pa lang ang nakaka-lipas simula ng malaman nya na magkakaroon na sya ng mga kapatid ay alam nyang normal na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
706 streak 0 points #1
Chapter 85: Thank you 🤍
sepvenanje 0 points #2
Chapter 85: thank you tor 🙆‍♀️
meagerp
0 points #3
Chapter 85: Yes! Another multiverse! Rereading pa ako nito kaya patiently waiting po author! Aliw na aliw ako sa pag rread 😭😭🥰
howdoyouknowmee
551 streak 0 points #4
Chapter 85: Edi lalo akong naiyak huhu
iamriou_
1173 streak 0 points #5
Chapter 85: uy may bago 🥹🤍
winjeongsimp 0 points #6
Chapter 85: hala, nadinig ang dasal ko 😭🙏🏼
winjeongsimp 0 points #7
good morning 🥰
ilyy12020530 #8
Chapter 84: grabe super busy, timing nagkachance magbasa ng update tapos mother's day pa. thank you always! Aga ko naiyak, buti walang cliffhanger to. Hahaha khio you're the best talaga! our mini karina na super maalaga sa naynay at bibi dinotors💙💙💙

happy mother's day kay naynay at mimi at sa lahat ng nanay/mama/mommy ng TT at readers ng TT! At sa nanay mo na din bleu! 💙
winjeongsimp #9
happy mother’s day sa mga ina dito 😊💙
asdfghjklmaeee
157 streak #10
Chapter 84: Buti na lang po talaga tinapos niyo 😞 Hays napaka sweet and responsible ng mochi na 'yan 🥺