Chapter T-2

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Note: ​​fanfic po ito kaya lahat possible hahaha 

 

1 yr ago

​​​​​​Mukhang mapupurnada ata yung plano nila ni Ning at Ryujin na mag aasawa sya ng Afam, biruan lang nila to dati dahil alam naman nila na hindi sya papatol sa Afam dahil hello?! Maubusan sya ng dugo kaka-english boset na yan, at higit sa lahat, sa lalaki, pero pag nakagipitan daw baka pati si Ryujin pumatol na lang din daw. 

Pero eto nga, Isang araw kakauwi lang nila ng bahay galing palengke ng may makita silang itim na kotse na nakaparada sa labas ng bakuran nila. At hindi lang basta sasakyan, mukhang mamahalin, mukhang nakakatakot hawakan , sobrang kintab. Baka kapag nagasgasan eh tuluyan ng mawala ang lupain nila para lang pambayad sa pagpapagawa. 

Nagka-tinginan sila ni Ryujin at kunot noong nagtataka, 

"Insan, anong meron?" tanong ni Ryujin bitbit ang bayong na puno ng laman loob ng manok at baboy, sya naman ang may hawak ng iba pa nilang pinamili gaya ng barbeque sticks,at mga panlahok. 

"Kita mo na magkasama tayo tapos ako tatanungin mo" simangot nya sa pinsan

"Sabi ko nga lods" napakamot na lang ng ulo si Ryujin.

dahan dahan syang pumasok sa maliit na space na natira papasok ng bakuran nila.

"Tara tingnan natin sa loob" tawag nya kay Ryujin na nagkakamot na naman ng ulo, kinukuto na ata pinsan nya, hilig magkamot ng ulo, sinabi ng maligo araw araw, at hindi alternate ang ligo jusme tsk

Sakop na sakop na kasi ng kotse ang harapan ng gate. Pati si Ryujin na may pagka-magaslaw kumilos ay ingat na ingat din, mukhang natakot din na magasgasan ang magandang kotse.

Iniwan muna nila ang pinamili sa ibabaw ng lababo sa baba katabi ng kalan de kahoy nila, at magkasunod sila ni Ryujin umakyat sa taas. 

Pag akyat nila , naabutan nila ang lolo,lola at nanay nila na nakaupo sa sala at may kausap na matandang lalaki, nakatalikod ito sa kanila pero alam nila agad na eto ang may ari ng sasakyan dahil sa itsura nito.

Naka-itim na formal coat, yung parang sa napapanuod nila sa tv na may ari ng kumpanya, may tungkod ito sa tabi na mukhang mamahalin din, may naka-ukit na mukha ng tigre or fox ba yun? pero black. Napatingin sya sa lolo,lola at nanay nya, mukhang seryoso ang usapan, balak na sana nyang tumalikod at yayain uli si Ryujin pababa ng mapansin sila ng lolo nya at tinawag sila.

"Winter apo, nandito na pala kayo, halikayo,  may ipapakilala ako sa inyo." tawag ng lolo nya sa kanila.

Napahinto sya , parang kinabahan sya, ewan, pero parang nakakakaba yung presensya nung matandang lalaki.

Naramdaman nya ang mahinang pagtulak ni Ryujin sa likod nya kaya tumuloy syang umakyat at lumapit sa lolo nya, kasunod si Ryujin na tahimik din na nakakapit sa laylayan ng damit nya sa likod. 

Umangat ang tingin nya sa matandang naka-upo sa harapan nila, ngumiti ito sa kanya nang mag tama ang mata nila.

 

Teka, parang namumukhaan nya kung sino ito

Pilit nyang inaalala ng ngumiti ito sa kanya, 

Karina Jimin Yu!

AH! naalala na nya 

Lolo to ni Jimin 

Napakunot ang noo nya na tiningnan ang lolo nya, at bumalik ang tingin sa matanda. Hindi sya pwedeng magkamali, nakita na nya ito nung sinundo ng sasakyan si Jimin nung nasa Plaza sila. Nakita nya nung bumukas ang pinto ng sasakyan at nag mano si Jimin sa matanda. Anong ginagawa nya dito? Nagtatakang tanong nya sa sarili 

may narinig sya tumikhim

Ang lolo nya pala, mukhang napatagal na ang  titig nya sa kaharap nila. 

"Mga apo, may bisita tayo, sya nga pala si Mr. Yu." pagpapakilala nito sa matanda sa harap nila. Tama nga , lolo ni Jimin

Tumayo ang matanda at magalang na yumuko sa kanila, katulad ng mga koryeano kapag nagbibigay galang, inilahad nito ang kamay at nakipag kamay sila ni Ryujin.

" Ikinagagalak ko kayo makilala, napaka ganda ng mga apo mo Mr.Vicente at mukhang masisipag" puri nito sa kanila at ngumiti na parang pati ang mata nangiti. Pero ang mata nito ay hindi mawala sa kanya habang kinakausap nito ang lolo nya. Medyo may bulol pa nga ang tagalog nito halatang hindi lagi gumagamit ng tagalog, pero ang alam nya pure korean ito na pinanganak na dito at lumaki. Kaya si Jimin ay half korean na. Ang lakas ng dugo ng lolo nito, kuha ni Jimin lahat eh. 

​​​​​Kamukhang kamuka ito ni Jimin, parang guy version, lalong lalo na kapag ngumiti, kahit matanda na ay kita mong magandang lalaki, at matipuno, kahit may tungkod ay matikas ang tayuan. Halatang p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
706 streak 0 points #1
Chapter 85: Thank you 🤍
sepvenanje 0 points #2
Chapter 85: thank you tor 🙆‍♀️
meagerp
0 points #3
Chapter 85: Yes! Another multiverse! Rereading pa ako nito kaya patiently waiting po author! Aliw na aliw ako sa pag rread 😭😭🥰
howdoyouknowmee
551 streak 0 points #4
Chapter 85: Edi lalo akong naiyak huhu
iamriou_
1173 streak 0 points #5
Chapter 85: uy may bago 🥹🤍
winjeongsimp 0 points #6
Chapter 85: hala, nadinig ang dasal ko 😭🙏🏼
winjeongsimp 0 points #7
good morning 🥰
ilyy12020530 #8
Chapter 84: grabe super busy, timing nagkachance magbasa ng update tapos mother's day pa. thank you always! Aga ko naiyak, buti walang cliffhanger to. Hahaha khio you're the best talaga! our mini karina na super maalaga sa naynay at bibi dinotors💙💙💙

happy mother's day kay naynay at mimi at sa lahat ng nanay/mama/mommy ng TT at readers ng TT! At sa nanay mo na din bleu! 💙
winjeongsimp #9
happy mother’s day sa mga ina dito 😊💙
asdfghjklmaeee
157 streak #10
Chapter 84: Buti na lang po talaga tinapos niyo 😞 Hays napaka sweet and responsible ng mochi na 'yan 🥺