Chapter 3

There You Are (Second Chance)
Please Subscribe to read the full chapter

Lord, bigay mo na sa’kin to.

 

Mapapadasal ka talaga sa mga ganitong pagkakataon.

 

Tumayo na ako sa upuan ko para ipasa yung booklet. Confident naman ako sa mga sagot ko dahil maayos yung review ko kahapon kasama si Karina. Pero hindi naman din masama kumapit kay Lord. Hehe.

 

Kahapon, focused na focused ako sa pagbabasa kasi nakakahiya magpakita ng katamaran kay Karina. Hello, Laude tong kaharap ko eh! Gusto ko ngang i-recite yung multiplication table para makita nyang may utak din ako. Kaso, ano namang relevance nun sa Sales diba? Mema lang. Hehe. 

 

Nung nalipad na nga yung isip ko, kating-kati ako na kunin yung phone ko para mag-browse katulad ng ginagawa ko normally. Pero si Karina dire-diretso lang talaga ng pagbabasa kaya naman sige, laban! 
 

Naisip ko tuloy yung hirap ng ibang exams ngayong finals. Sana okay talaga lahat.  

 

Ang gusto ko lang naman sana ay wala akong poproblemahin habang nasa bakasyon kami nina Ning.

 

Actually, biglaan yung plano.

 

Kagabi, nung nilibre ko si Ning sa dinner, nabanggit nya na gusto nya raw umalis kami after ng finals week. To celebrate daw yung end ng sem kineme. Ang naisip ko agad is tumanggi kasi parang gusto ko lang talaga magpahinga. Buong dinner, nag-iisip lang ako kung anong idadahilan ko para makatakas sa galang pinaplano netong babaeng to. Kaso si Ning, nabasa agad ata ang takbo ng utak ko at hindi na ako hinayaang magsalita.

 

Nakapagplano na raw sila ni Giselle kung saan kami at kung anong mga gagawin namin. Baguio lang naman daw at magdadala si Giselle ng sasakyan.

 

Aba, pinagalitan ko agad sya dahil ang layo ng non ha. Considering na si Giselle lang ang magda-drive, kawawa naman yung tao. For sure, lahat kami pagod ngayong finals.

 

Dumepensa naman agad si gaga, salitan naman daw yung dalawa ni Karina.

 

Hindi pa nakuntento si Ning at idinamay pa ako. Huwag na raw ako umimik kundi pati ako isasama nya sa rotation ng mga magpapalitan sa pagmamaneho.

 

Sabi ko na nga ba at kamalian na binaggit ko sakanyang may sasakyan ako sa bahay.

 

Lumabas na ako sa classroom at nakita si Ning sa may hallway. Kausap nya si Karina. Hinihintay siguro ang best friend nya.

 

Tahimik lang akong naglalakad papunta sakanila nang biglang pumihit si Karina papunta sa direksyon ko.

 

Nagtama yung mata namin.

 

Tuloy lang sya sa pagsasalita pero ang mga mata nya ay nasakin.

 

Jusko.

 

Parang may zoo sa loob ng tyan ko.

 

“Hi, Winter.” Bati sakin ni Karina nang makalapit ako sakanila.

 

Nakakahiya kung bigla akong mautal kaya ngumiti na lang ako at kumaway.

 

“Teh, ang tagal mo lumabas ha. Musta?” Sabi ni Ning.

 

“Okay lang. Ni-review ko lang yung mga sagot ko para sure.”

 

Tumango naman ang dalawa. Maya-maya pa, lumabas na rin si Giselle.

 

“Hey girls. Tara na.” Sabi nya sabay sukbit ng braso kay Karina. Yes naman, parang hindi nahirapan sa Transportation.

 

Sabay-sabay daw kami mag-dinner ngayon para makapagplano para sa trip namin.

 

Akala ko ba plantsado na? Echosera talaga tong si Ning.

 

Sa Chicks and Fins na lang daw kami at nagke-crave ng wings si Giselle. Mabilis naman kaming nakaupo pagkarating.

 

Habang na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yeskatarina
Super naaappreciate ko yung comments nyooo. Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Emgeelex
#1
Chapter 5: Luh sya ang cute naman nito! Nabitin tuloy ako 😂
osumnevercease
#2
Chapter 5: sanaol talaga nakaka crushback hay
clang2
#3
Chapter 5: Crush back 😌
zimzalabiatch
#4
Chapter 5: Ang cuteee 😭
sigmamoriarty
#5
Chapter 4: ang cuteeee
kang_ddeul
#6
Chapter 4: awww, ang supportive naman! 😭✊🏼
zimzalabiatch
#7
Chapter 4: Ang cute lang nilang apat
squishybutts #8
patuloy niyo pooo ang ganda so far
osumnevercease
#9
Chapter 3: maganda gawin sa baguio eh matulog be 100% recommended
osumnevercease
#10
Chapter 2: nays crush na pala nila isa't isa hihihi