Chapter 1

There You Are (Second Chance)
Please Subscribe to read the full chapter

I don't know why I never told you

That it was wonderful to hold you

 

The soft piano melody is lulling me to sleep. Ang swabe lang talaga ng boses ni Karen Souza.

 

I had the world inside my arms

Then let you slip away

The word I didn't say was love

 

Kumunot ang noo ko nang tumigil bigla ang tugtog mula sa earphones ko at mapalitan ito ng ringtone. Nag-intay na lang ako nang ilang segundo kasi sa totoo lang, wala naman akong balak sagutin. Ang kailangan ko ngayon ay tulog. The world can wait.

 

Sa wakas ay tumigil na rin ito. Hinigpitan ko na uli ang yakap sa unan at nag-switch ng pwesto. I was getting back to sleep when my damned phone rang again.

 

Ning?

 

Napatingin ako sa oras.

 

11:34

 

Ang alam ko 10:30 sya umalis dito sa unit namin. Bakit tumatawag?

 

“Hello?” Pagsagot ko.

 

“Teh!” Inaantay ko na lang syang magsalita kasi antok na antok na talaga ako. “Hala sorry, nagising ata kita.” She followed nang walang marinig na response mula sa’kin.

 

“Actually, oo.” Masungit kong sagot. “Ano bang meron? Okay ka lang?”

 

Ayan na nga at nagsimula na sya maglitanya kung paano nya naiwan yung folder daw na kailangan nyang ipasa. Tuluyan na akong bumangon at umupo sa kama. Ano ba yan, kelan ko kaya masusulit ang ginastos ko para sa napakamahal na mattress na ‘to.

 

“Win, sige na pakidala mo na yung folder ko dyan sa ibabaw ng study table. Malalagot talaga ako kay Atty Lim eh.”

 

“Ang tanong kasi bakit hindi mo pa nadala kanina.” Medyo iritado na ako kasi malapit na ako makatulog eh.

 

Kakabalik ko lang sa condo 15 minutes ago galing sa finals exam namin sa Crim Law. Susubukan ko sanang magbawi ng pahinga. Tingin ko deserve ko humilata nang mga two weeks pagkatapos ng exam na yon. Char.

 

Dali-dali nga lang ako naglinis ng katawan kanina at ni hindi na nga nagawa pang kumain, dumiretso na ako paghiga.

 

“Ning, matutulog na sana ako eh. Hindi ba pwede yan bukas?“

 

“Hindi eh. Sorry talaga teh!” May ‘huhu’ pa akong narinig sa kabilang linya. Gaga talaga tong babaeng to. Ano tingin nya rito, text?

 

“Oo na. Starbucks dito sa baba ng condo diba? Baka kung saang SB pala yang sinasabi mo.”

 

Hay. Goodbye, tulog.

 

“Oo teh. Nag-aantay na si Karina dun. Nakisuyo na rin ako na dalhin nya mamaya.”

 

Oo nga pala. Magkaklase nga pala sila ni Karina sa Property. Hassle naman, inutusan pa nya yung tao.

 

Lumabas na ako ng kwarto ko. Malaki tong unit namin ni Ning. Mayroong two rooms kaya naman sakto sa aming dalawa. Yun nga lang, isa lang ang bathroom kaya tiis ako sa concert nya sa banyo tuwing umaga. Wag ka, biritera yan.

 

May malapad din na living area. Flat screen at maliit na couch lang nilagay namin ni Ning when we moved in kaya lang parang ang boring nya tingnan because of the extra space. Kaya naman napagdesisyunan naming maglagay ng shared study table sa likod nung couch, remedy para hindi kami magkulong sa kwarto. That way, we can always keep each other on check kapag nakikita naming nadi-distract na ang isa’t isa sa readings and digests. So far, nagwo-work naman para sa’min yung ganitong set up.

 

Lumapit na ako sa mesa at nakita ngang may folder na nakapatong dito. Si gaga naiwan ata sa pagmamadali. Siguro hindi na naman yun nagising sa alarm nya. Sabagay, all-nighter yata si gaga para sa exam nya today.

 

“Eto bang green?” Binuklat ko saglit at mukhang ito nga.

 

“Oo yan na nga!” Sagot nya. “Yieee!” Nailayo ko bigla sa tenga yung phone kasi sobrang tinis talaga ng boses ni Ning.

 

“Thank you talaga, Win! Kiss kita mamaya.”

 

“Yuck. Please lang, wag na.”

 

“Hoy, grabe ka!”

 

Tawang-tawa lang ako habang naririnig ko sya sa kabilang linya na binubungangaan ako at ang sama raw ng ugali ko. Ang swerte ko lang daw at nag-offer pa syang halikan ako. Talaga ba?

 

Ibinaba na rin namin ang tawag pagkatapos ng ilang minuto kasi alam naman nyang wala syang mapapala sa pagdadrama sa’kin. Ilibre ko na lang daw sya ng dinner mamaya. Ang kapal din talaga!

 

Nag-resume na yung music sa earphones ko kaya medyo kumakalma na ulit ako. Hay naku talaga, Ning.

 

I felt so sure I didn't need you

You were so strong I couldn't reach you

 

Hindi na ako nagpalit ng damit tutal sa baba lang naman ang punta ko. Humarap muna ako sa salamin to check kung katanggap-tanggap ba naman ang itsura ko. Syempre presentable pa rin dapat, hindi mo masasabi kung sinong pwede mong makasalamuha sa public no. Mamaya andon pala bigla ang presidente ng Pilipinas.

 

Natawa lang ako sa train of thoughts ko.

 

Lumabas na ako sa unit namin ni Ning at naglakad papunta sa elevator. Fourth floor lang naman kami, at normally, stairs ang gagamitin ko para makatulong naman kay Mother Earth kahit papano. Pero today’s an exception. Baka gapangin ko na pababa sa hagdan. Para talagang nangangalos na ako sa puyat at pagod.

 

We kissed goodbye I didn't cry

At least I didn′t then

Chances don′t come again in love

 

Pumasok na ako sa Starbucks at agad na inikot ang mata sa paligid. Ang convenient lang din talaga na may coffee shop sa ground floor ng condo namin.

 

Hindi nagtagal, nakita ko na si Karina.

 

There you are

Feel like a child who's seen a shooting star

 

Ay, naka-casual din sya. Siguro wala syang exam ngayon. Maarte kasi ang college namin, sobrang strict sa dress code kaya I doubt kung papasukin si Karina kung ganito ang suot nya. Pero get ko naman yung school about don. Haharap kami sa husgado pagdating ng araw, tama lang na kagalang-galang kaming tingnan ngayon pa lang.

 

Naglalakad na ako palapit pero hindi pa rin nya ako napapansin. Nakatutok pa rin sya sa libro na binabasa nya.

 

Should I go to you with my heart in my hands

Or let my second chance pass me by

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yeskatarina
Super naaappreciate ko yung comments nyooo. Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Emgeelex
#1
Chapter 5: Luh sya ang cute naman nito! Nabitin tuloy ako 😂
osumnevercease
#2
Chapter 5: sanaol talaga nakaka crushback hay
clang2
#3
Chapter 5: Crush back 😌
zimzalabiatch
#4
Chapter 5: Ang cuteee 😭
sigmamoriarty
#5
Chapter 4: ang cuteeee
kang_ddeul
#6
Chapter 4: awww, ang supportive naman! 😭✊🏼
zimzalabiatch
#7
Chapter 4: Ang cute lang nilang apat
squishybutts #8
patuloy niyo pooo ang ganda so far
osumnevercease
#9
Chapter 3: maganda gawin sa baguio eh matulog be 100% recommended
osumnevercease
#10
Chapter 2: nays crush na pala nila isa't isa hihihi