safe skies
certainty and regrets (i'll still be your number one fan, nevertheless)kapag masaya ka ang bilis talaga ng oras
parang kahapon lang nung sinurprise kami nila yooji
tapos isang linggo na agad nakalipas
eto na ata pinaka masaya kong week sa america
ever since i arrived kasi puro pangungulila lang naramdaman ko
akala ko wala ako ganon na sense of attachment kasi hindi ko naman ganon kamiss sila mommy
exception lang si yooji my future doc sugar mami
i felt bad na hindi ko siya masyado naigala
parang hindi sapat yung one week
aalis na agad sila sa susunod na araw
pero totoo pala
that sometimes, home is a person
proven and tested na talaga
we're in a resort pero super happy and comfortable ko these past few days
sobrang sarap ng tulog ko
hindi ko ramdam yung pagod
makita ko lang si yooji tuwing pag bukas ko ng pinto sa kwarto nila ryu, sobrang gaan na agad sa pakiramdam
actually, kahit nagwowork ako, nakangiti lang ako
hindi nga ako natatabunan ng tickets sa sautee
actually, grabe
on fire ata kaming tatlo nila ryu
speed lang ang orders
pile up lang saglit tapos konting magic, labas agad, joke
nagluto ng mabilis
natawa ako sa naalala kong sabi ni yui nung may nagreklamo na bakit ang tagal nung food e hello, 13 top tapos sabay sabay ilalabas ng food runners yung pagkain
it didnt even take twenty minutes for us to finish all of their orders sadyang may mga ahead lang na tickets
sabi tuloy ni yui, ok, maghihintay ako ng mabilis, parang ewan talaga
but because sobrang motivated namin sa work, ang dami namin nareceive na praises and appreciation cards
enough na nga para exchange ko sa spa or golf
sakto, pwede kami spa bukas na bebe ko since we've tried golfing already
and dang, she looked so hot while swinging that golf club
even tennis
parang kahit saan mo ilagay na sport doc baby ko, kayang kaya niya
hindi na nga ako nakapaglaro kagabi kasi busy ako tumitig sa bebe ko nung nag-doubles kami
"hoy pre, masyado ka na pabuhat dyan! tulungan mo naman si karina, pagod na tumakbo oh," sigaw sakin ni ryu kaya natigil ako sa pag fafan girl kay yooji
akala ko kasi cheerleader niya lang ulit ako rito
pero napansin ko nga na grabe na pawis niya
"love, lika rito. you're sweating too much, drink ka muna water," tawag ko kay yooji at kinuha yung towel sa bench sa gilid ko pati na rin tubig
nagtataka siyang tumingin sakin pero lumapit din
"you didnt even play, i thought we're doing doubles," she pouted
i couldnt help but chuckle nang marealize ko na i really was just standing there sa gilid, ang ganda kasi ni yooji hehe
i opened the bottle at inabot sa kanya ang tubig nang makalapit siya at pinunasan ang pawis niya, wawa naman doc baby ko
"puro bebe time amp," parinig ni ryu
"edi landiin mo si yeji," sagot ko naman, pabebe pa kasi kala mong hindi magkayakap kapag tulog
one thing that im also glad is yung spontaneous decision naming tatlo na magrent ng car for a year last month
we're able to take our girls on dates outside without using uber
buti na rin at valid dito yung license namin for three months
although we started processing it na rin, finally kasi nakuha na namin ssn namin
ang tagal lang ng sched pero okay na rin
because of that, nadala namin ni ryu sila yooji sa seaworld sa san antonio
hindi nakasama si ning, hindi kasi siya pinayagan makipag switch ng shift or mag-off that day
si ryu kasi nauna mag call off, may sakit daw pero ang energetic sumigaw sa rollercoaster
doon ko rin pala narealize na takot ako sa rollercoasters
kasi what the heck, para akong kukunin na ni rold kapag nasa tuktok tapos bigla kang baba
most of the time, nakapikit lang ako
sabi ko na nga ba, papatayin ako ni yooji
lipad kaluluwa ko talaga sa araw na yon
cute naman yung dolphins, may show kasi
ang dami ko rin bago pics ni yooji sa phone ko, grabe
super pretty ng smile niya lalo na nung nag-shark tsaka whale tour kami
cute raw kasi...
hindi ko na naman mapigilan ngumiti
pero speaking of rollercoasters, hindi na ako babalik sa six flags
ayaw ko na rin magalit sakin si karina
i almost questioned her kung mahal pa ba niya ako
sabi sa akin since may practice na ako sa seaworld, kaya ko na raw rides sa six flags
mama mary, grabe ang dasal ko doon sa rattler at batman
hindi ko alam kung saan ako sa dalawa muntik mamatay
pero i know na i almost passed out sa rattler
muntik ko na talaga makita si san pedro, nakakita na nga ako liwanag
sa batman naman para akong bola na ikot ikot, hindi pa nakatulong na bago kami sumakay, nakita ko kung paano yung course
grabe, kahit parang paiyak na ako, para kay yooji, sumakay pa rin ako
kaluluwa ko naiwan sa langit that time
yun yung hindi ko kinaya magbukas ng mata, siguro point one second lang
tapos kapit na kapit ako sa kamay ni yooji at sigaw ng sigaw
super init pa non kahit hapon na kaya para akong patay na ewan after namin
maybe because of those two, i got a little bit of courage to ride yung iba
scared pa rin and once lang talaga ako sumakay sa rides habang sila, umulit
but im so proud of myself nung kinaya ko na open eyes sa last two rides
grabe rin paglalambing sakin that day ni yooji
nagsorry pa nga siya baka raw sumobra siya at baka sumama loob ko
in all honesty, kahit sobrang dami kong reklamo, i was actually thankful to them
i was able to face my fears eh
pero hindi na talaga ako uulit
also, i really appreciate her for holding my hand sa lahat ng rides
im also glad na gi had fun kahit wala si ning that day
they went on dates naman na sila lang para makabawi si ning
sayang lang na hindi kami sabay sabay ng off tapos wala pa silb-- bad
our restaurant kasi is open lang for lunch and dinner
iba ang rush ng dinner sa lunch
and parang ever since, lagi kami nakasched sa hapon hanggang closing
tapos pansin ko kasi nung pinapasok ako once kahit off ko for lunch, ang bag-- bad
basta, ano ba tong hinire ng easton
sarap pauwiin nalang
pero ayon nga, puro alas tres pasok namin ng hapon tapos ten or eleven na ng gabi kami matatapos
sa umaga at tanghali lang tuloy oras namin para makagala na magkakasama
okay pa kaya si yui?
yui na talaga tawag ko kay jinni, ang cute kasi
nabulol lang naman ako once nung nag inuman kami dito kasama ibang interns tapos inasar niya ako na sino raw si yui
okay lang kay yooji naman yon kasi dito lang kami uminom at nagpaalam ako
feeling ko rin, sumikip yung pants ko
grabe kasi portion ng food dito compared sa pinas na kala mong pinagkaitan
reklamo nga rin ni yooji yon pero y pa rin naman siya
ako pa ba lolokohin niya e alam kong dumidiretso sila sa gym kapag nasa work kami
pero ang bilis talaga ng araw
nakapanglulumo
babalik na sila sa pinas
what if sumama ako?
oo nga naman.. pwede naman ako umuwi sa pinas
"love, you're not listening naman sakin eh!" i suddenly felt a sharp pain sa braso ko nang hampasin ako ni yooji
"love, nakalimutan mo bang volleyball player ka?" teary eyed kong tanong kasi ang sakit
bigla naman nagbago ang expression niya from annoyed to worried, "sorry baby, super sakit ba?" she looked at me with apologetic eyes
i gushed kasi ang cute niya, "sakit love pero okay lang," i smiled cutely at her. "reminisce lang sa past few days kasi aalis ka na"
she heaved a sigh, "as i was saying nga, do you think it'd be okay with jinni if we ask her to sleep here with yeji and ryu?" she asked na para bang nagsesecond thoughts siya
"ha? why love, are you not comfortable here?" confused kong tanong
she leaned closer to me, "i missed you."
i
got
goosebumps
✯
AN
Not sure why now ko lang 'to i-post eh pwede naman na ganyan ang ending ng chapter na 'to.
Safe skies pa rin naman?
Joke lang po.
Comments