Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

[KINABUKASAN]

"Anong oras na?" kinuha ni Ryujin yung cellphone niya para tignan yung oras.

"6:22."

"Sinong magluluto?" bumuntong hininga si Ryujin bago ilapag yung cellphone niya sa kama.

"Ako na lang." yumakap si Ryujin kay Chaeryeong. "Five more minutes." 

"Hmm, pero papaalala ko lang sayo, alas otso yung laro ni Yuna." napabuntong hininga si Ryujin.

"Okay." bumangon si Ryujin at tumingin kay Chaeryeong. "Ikaw, anong gagawin mo?"

"Maliligo, tsaka hahanapan din kita ng masusuot mo." sambit ni Chaeryeong bago bumangon.

"Anong gusto mong kainin para sa agahan?"

"Kahit anu, huwag lang lason." kinuha na ni Chaeryeong yung tuwalya niya bago pumasok sa banyo.

Napabuntong hininga na lang si Ryujin bago tumayo at punta sa unang palapag ng bahay ni Chaeryeong.

"Meron nga kayang sumubok na lasunin siya noon, kaya ganun na lang kaprotektado yung mga magulang niya sa kaniya?" huminto sa paghahalo ng soup si Ryujin at napa-isip. "Grabe naman siya kung ganun, sobrang sama ni-"

"Sinong masama?" nabitawan ni Ryujin yung sandok na hawak niya at napalingon kay Chaeryeong. "Sinong kinakausap mo diyan?"

"Yung sarili ko, may iniisip kasi ako."

"Sino naman 'yan?" lumapit si Chaeryeong kay Ryujin at tinuloy yung ginagawa ng huli.

"Sino agad?"

"Pwede bang sagutin mo na lang, ang arte mo rin minsan." natawa si Ryujin bago humawak sa bewang ni Chaeryeong.

"Ang sungit mo naman masyado, meron ka ba ngayon." ngumiti pa si Ryujin, pero inirapan lang siya ni Chaeryeong. "Sabi ko nga meron."

"Maligo ka na nga lang doon, nasa kama na yung mga damit tsaka yung tuwalya."

"Iniisip ko lang kung sino ba yung nagtangkang lumason sayo dati, sobrang laki kasi nung epekto sayo." hinalikan ni Ryujin sa pisngi si Chaeryeong. "Kung gutom ka na, ayos lang kung hindi mo na ako hintayin." ngumiti pa si Ryujin bago maglakad paalis.

"You cook for us, I should wait for you." tinikman ni Chaeryeong yung soup na hinahalo niya bago patayin yung kalan.

Mahigit kalahating oras din na naghintay si Chaeryeong bago makababa si Ryujin sa hapag kainan.

"Malamig na yung pagkain, hindi ka pa rin kumakain."

"Gusto lang kitang hintayin." ngumiti si Chaeryeong bago ipagsandok ng pagkain si Ryujin.

"Ryeong, ayos ka lang ba?" nakangiting tumango si Chaeryeong.

"Hmm, may gusto lang sana akong itanong sayo." hinawakan ni Ryujin yung kaliwang kamay ni Chaeryeong bago tumango. "Pwede mo ba akong samahan pumunta sa hospital mamaya?"

"Hmm, syempre naman." bumuntong hininga si Chaeryeong bago higpitan yung pagkakahawak niya sa kamay ni Ryujin.

"And my sister will be there."

"So?" tumawa si Ryujin. "Don't worry, I'm so ready to finally meet her."

"Thank you Ryu."

"Basta huwag kang mahihiyang magsabi sa'kin kung may kailangan ka." ngumiti pa si Ryujin bago magsimulang kumain.


Bago sila umalis ng bahay ni Chaeryeong, nakatanggap ng isang tawag si Ryujin.

"Sino daw yun?" bumuntong hininga si Ryujin.

"Moontube." tumango si Chaeryeong.

"And?"

"My channel is back." sumakay na si Ryujin sa motorbike niya.

"Hindi ka ba masaya?" 

"Hindi naman sa ganun, pero kasi kung ako lang yung tatanungin ayoko nang bumalik pa yung channel ko." nilahad ni Ryujin yung kamay niya para alalayan na makaangkas si Chaeryeong sa motorbike niya.

"Pagod ka na bang gumawa ng content?"

"Sobra." bumuntong hininga si Ryujin bago paandarin yung motorbike niya.


Nang makarating na sila sa venue kung saan gaganapin yung laban ng hockey team nila Yuna, wala na silang kasabay na mga estudyanteng manunuod.

"Late na ba tayo?" tumingin si Ryujin sa relo niya.

"Hmm, kinse minuto. Tara na." hinawakan ni Ryujin yung kamay ni Chaeryeong.

Habang naglalakad silang dalawa papasok sa loob ng skating center, tinawagan ni Ryujin si Hyewon para itanong kung saan sila nakapwesto.

"Hindi naman daw tayo mahihirapan na hanapin sila, kasi sila lang yung nanunuod na galing sa school natin." napabuntong hininga si Ryujin.

"May problema ba?" tanong ni Chaeryeong.

"Nakakapanibago lang, last week kasi halos wala  nang maupuan dahil sa dami ng estudyante galing sa school natin." pilit na ngumiti si Ryujin.

Gaya nang sinabi ni Hyewon, nakita nga nila Ryujin kung saan sila naka-upo. At base sa itsura ng mga kaibigan nila Ryujin at Chaeryeong, para silang pinagsakluban ng langit at lupa.

Nang tuluyan nang makalapit sina Ryujin at Chaeryeong sa mga kaibigan nila, doon nalaman ni Ryujin yung dahilan kung bakit ganun yung itsura ng mga kaibigan niya, lalong lalo na si Hyunjin.

"Hindi niyo sinabing nandito siya ngayon?" bulong ni Ryujin kay Yves nang maka-upo na siya sa tabi ng huli.

"Paano namin masasabi sayo, kailangan naming awatin muna si Heejin kanina." bulong na tugon ni Yves. "Umalis nga yung schoolmates natin nung nagkagulo kanina." bumuntong hininga si Yves bago ibalik yung atensyon niya sa panunuod ng laro.

"Ryu, anong meron?" nilingon ni Ryujin si Chaeryeong.

"Mamaya ko na lang ipapaliwanag sayo." nakangiting sambit ni Ryujin bago hawakan yung kamay ni Chaeryeong.

-----------

Nang matapos yung laro nila Yuna, agad na tumayo si Ryujin para lapitan si Heejin.

"Heej-" napahinto si Ryujin sa pagsasalita nang tumakbo paalis si Heejin. "Heejin sandali!" sigaw ni Ryujin bago sumunod sa huli. "Heejin, ayos ka lang?" sambit ni Ryujin nang mahawakan na niya sa braso si Heejin.

"Hindi." bumuntong hininga si Heejin. "Tanggap ko naman na eh, na wala akong magagawa sa pagpapakasal nila sa isa't isa. Pero para halikan niya si Hyunjin sa harap ko, yun yung hindi ko matatanggap." napayuko si Ryujin.

"Sorry."

"Huh?" marahang binitawan ni Ryujin yung braso ni Heejin.

"I wasn't there when it happened." natawa si Heejin.

"Anu bang sinasabi mo?"

"I promised to protect you from heartbreak." bumuntong hininga si Heejin.

"And some promises are meant to be broken. Ryu 'yan din yung pinangako ni Hyunjin sa'kin, pero hindi niya magawang tuparin. Kaya wala na akong inaasahan mula sayo, kasi kung si Hyunjin nga hindi matupad yun, ikaw pa kaya na hindi naman sa'kin." pilit na ngumiti si Heejin. "We're going to fix this, don't worry." sambit ni Heejin bago talikuran si Ryujin.

"Alam kong nag-aalala ka kay Heejin, pero hindi naman ata tamang iwan mo si Chaeryeong nang ganun ganun lang." saad ni Hyunjin bago marahang pinisil yung balikat ni Ryujin. "Ako nang bahala sa kaniya." sambit ni Hyunjin bago tapikin sa balikat si Ryujin.

Napabuntong hininga na lang si Ryujin bago balikan si Chaeryeong.

"Tara na?" nilahad ni Ryujin yung kamay niya sa harap ni Chaeryeong, agad naman 'yong tinanggap ng huli at yumakap kay Ryujin.

"Akala ko hindi ka na babalik." niyakap ni Ryujin si Chaeryeong.

"Lagi akong babalik sayo, kahit anong mangyari."  pumikit si Ryujin bago huminga nang malalim. "Pangako."

Nang humiwalay na si Ryujin kay Chaeryeong, sabay na silang naglakad palapit sa mga kaibigan nila.

"Ayos lang yun Yuna, may next year pa naman " sambit ni Ryujin habang tinatapik sa ulo si Yuna.

"Wala kasi talaga ako sa pokus."

"Paanong wala, kompleto naman kami." saad ni Yena. "Ahh, oo nga pala wala yung isa." tumango-tango si Yena.

"Paano ba yan, talo kayo, edi walang kainan?" sambit ni Hyewon.

"Kumain na lang tayo sa labas, puro ka talaga pagkain." hinila na ni Minjoo si Hyewon para umalis.

"Uy, sama kami ni Ji-" hindi na natapos pa ni Yves yung sasabihin niya nang hilain siya ni Jiwoo paalis.

"Ryu." tumingin si Ryujin sa babaeng tumawag sa kaniya. "Kumusta?"

"Hmm, ayos lang naman." napatingin si Ryujin kay Chaeryeong nang humigpit yung pagkakahawak nito sa kamay niya. "Bakit?" bulong ni Ryujin.

"I know her." bahagyang nagtago si Chaeryeong sa likuran ni Ryujin.

"Uuwi na rin ako, ingat kayo sa daan." nakangiting sambit ni Minjeong bago tumalikod.

"Minjeong-unnie." napatingin sila Ryujin kay Hyejoo. "Pwede ba akong sumabay sayo pauwi?"

"Pwede naman." 

"Hyejoo?" hindi pinansin ni Hyejoo si Gowon at nauna nang maglakad.

Muli pang nagpaalam si Minjeong sa magkakaibigan bago sumunod kay Hyejoo.

"Hayaan mo na Gowon, baka may problema lang." saad ni Yuri habang tinatapik sa likod si Gowon.

"Kung anu man yung problema niya, pinapalaki niya nang sobra." bumuntong hininga si Gowon.

"Sumabay ka na lang sa'min." nakangiting saad ni Yena. "Yujin, Wonyoung, tara na."

"Alam niyo ba yung problema niya?" nakangusong saad ni Gowon.

"Diba ikaw dapat nakakaalam nun, kasi kayo yung laging magkasama?" saad ni Yena.

"Kung alam ko ba itatanong ko pa sa inyo." naglakad na si Gowon na sinundan naman nila Ryujin.

"Paano mo malalaman kung hindi mo siya tatanungin?" saad ni Ryujin. "Baka naman alam mo na yung problema niya, pero ayaw mo lang paniwalaan?"

"Basta ang sakit niya sa ulo." napabuntong hininga na lang sina Ryujin, Yena at Yujin sa naging tugon ni Gowon.

"Hayaan niyo na, parang hindi naman kayo ganiyan." nakangusong sambit ni Yuri.

"Anong ganiyan?" kunot noong saad ni Yena.

"In denial."

"Ako?! No way!" hindi makapaniwalang saad ni Gowon habang nakaturo sa sarili niya.

"Hindi nga, grabe sobrang hindi." natatawang sambit ni Ryujin. "Sige na, dito na kami. Yena yung mga bata ingatan mo, huwag ka nang makikipag-unahan sa mga makakasabay niyo sa daan." kinuha ni Ryujin yung bag na dala ni Yuna. "Tara na."

"Huh? Eh susunduin daw ako ni dad." ngumiti lang si Ryujin bago maglakad, napabuntong hininga si Yuna bago sumunod kay Chaeryeong at sa kapatid niya.

"Take her home on time, safe and sound." sambit ni Ryujin bago iabot kay Yeji yung bag na dala niya. "May pupuntahan pa kami ni Chaeryeong, ingatan mo yung kapatid ko kundi masasaktan talaga kita." 

"Ako nang bahala sa kaniya, ingat kayo." tinignan ni Yeji si Yuna. "Hindi natuloy yung date natin kahapon, pwede ba nating ituloy ngayon?"

"Ang corny mo, sige na." tinapik ni Ryujin sa balikat si Yeji bago lumapit sa motorbike niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Yuna kay Yeji nang makalayo na sila Ryujin.

"Saan mo ba gusto?" ngumiti si Yeji. "You look cool while playing earlier."

"Huh?"

"Pagkatapos nung gulo kanina, umalis din ako sa pwesto ko. Akala ko kasi manunuod si auntie sa laro mo, para makaiwas sa gulo lumipat na lang ako ng pwesto." ngumiti si Yeji. "May next year pa naman, siguradong makakasama ulit kayo sa championship."

"Sana nga."

"Tara na, baka kulangin tayo sa oras." binuksan ni Yeji yung pintuan ng passenger seat ng sasakyan niya. "Sabihin mo lang kung saan mo gustong pumunta, dadalhin kita dun." natawa lang si Yuna bago sumakay sa sasakyan ni Yeji.

"Kung may plano ka naman na, yun na lang siguro yung sundin natin." sambit ni Yuna nang makasakay na rin si Yeji sa sasakyan nito.

"Sigurado ka?" tumango lang si Yuna. "Plano ko kasing pumunta tayo sa open field para mag-picnic, ayos lang ba sayo yun?" muling tumango si Yuna.

"As long as hindi mo gagamiting content yung picnic natin, ayos lang sa'kin."

"Syempre naman hindi." pinaandar na ni Yeji yung makina ng sasakyan niya. "Tsaka wala rin ako sa mood mag-upload, parang hindi na ako masaya na gumawa pa ng video." bumuntong hininga si Yeji. "Napagod na siguro ako." nagsimula nang magmaneho si Yeji.

"Kumusta na nga pala kayo ni Lia?"

"Yuna." pilit na ngumiti si Yuna.

"So, kumusta na nga kayo?" bumuntong hininga si Yeji bago sumagot.

"Wala namang kami."

"Anong ibig sabihin nung mga pinapakita niyo? Imposible namang palabas lang lahat nang yun." marahang tumango si Yeji.

"Ganito kasi yun, galit si Lia kay Ryujin dahil gusto pa rin niya si Heejin. Ako naman, dahil nga sa gusto kong makahanap ng paraan para lumayo kayo sa'kin, tinanggap ko yung alok niya." napabuntong hininga si Yeji. "Yung tungkol naman sa gusto ni Lia na ipa-delete ko kay Ryujin yung moontube channel niya, pumayag ako kasi ipagkakalat niya daw yung tungkol sa'kin at kay Chaeryeong."

"Wait! Alam niya yung tungkol kay Chaeryeong?"

"Hmm, nalaman niya nung minsan naming mapag-awayan yun ni dad tapos nasa bahay namin siya." napapikit si Yuna. 

"Lagot."

"I know, pero wala naman na akong magagawa, hindi ko naman alam na maririnig niya yung tungkol dun." ipinarada na ni Yeji yung sasakyan niya. "Itutuloy pa rin ba natin yung date?"

"Wala namang masama kung itutuloy natin diba?" in-unbuckle na ni Yuna yung seatbelt.

"I'm sorry." 

"You don't have to." ngumiti si Yuna bago maunang bumaba ng sasakyan ni Yeji.

"Pwede bang itago mo muna kay Chaeryeong yung tungkol dun?" bumuntong hininga si Yuna bago tumango.

"Wala naman na akong magagawa dun." hinawakan ni Yeji yung kamay ni Yuna.

"Kalimutan na muna natin yung tungkol dun, tara na." naghanap na nang mauupuan si Yeji. "Uunahan na kita, hindi talaga ako sigurado kung magugustuhan mo yung mga niluto ko, pero gusto talaga kasi kitang ipagluto." nilatag na ni Yeji yung picnic mat na dala niya sa damuhan at nilapag yung basket na hawak niya sa picnic mat. "Naalala mo pa nung una tayong magkita dito?" nakangiting umupo si Yeji habang nakahawak pa rin sa kamay ni Yuna. "You're such a mess that day." pinaupo ni Yeji si Yuna sa tabi niya.

"Hindi ko na maalala, sorry." natawa si Yeji.

"Apat na taon ka pa lang nun, hindi mo nga siguro maaalala." inayos ni Yeji yung ilang hibla ng buhok ni Yuna at marahang hinawi 'yon. "Sobrang dumi mo nung araw na yun, kahit ata sino aakalaing batang palaboy ka." hirap na huminga nang malalim si Yeji. "Pero tignan mo naman ngayon, kahit saang anggulo hindi maipagkakailang napakaganda mo."

"Yeji, hindi mo naman ako kailangang purihin. Nakuha mo na yung puso ko, huwag naman pati yung kaluluwa ko." napapikit si Yeji.

"Ako ata yung mahihimatay sa kilig."

"Pwede ba akong magtanong sayo?" huminga nang malalim si Yeji bago tumango. "Bakit kailangan mong lumayo sa'min?"

"Ayaw sa'kin ni auntie, lalo na sa ginawa ni dad sa kaso ni Jimin." pilit na ngumiti si Yeji. "Mali si dad at tanggap ko naman yun, pero hindi naman kailangang magalit ni auntie sa'kin, lalo na't wala naman akong kinalaman sa ginawa ni dad."

"Sana sinabi mo sa'kin." natawa si Yeji.

"Para saan pa? Tsaka iniisip ko rin kasi na baka magalit ka rin sa'kin."

"Pero dahil sa mga ginawa mo sa relasyon ni Ryujin at kay Chaeryeong, hindi lang ako nagalit sayo, nasaktan din ako kasi nga unti-unti ka nang napapalayo sa'kin." mabilis na pinunasan ni Yuna yung luha niya.

"I'm really sorry." hinawakan ni Yeji sa kamay si Yuna. "You're getting too emotional, here, have some sandwiches."

"You doesn't even know what is my favorite food."

"Alam ko kaya, pero gusto nga kasi kitang ipagluto, kaya hindi na ako umorder ng pizza." napabuntong hininga si Yuna.

"Well, if you want to learn how to make pizza, you'll study how to." napanganga na lang si Yeji sa narinig niya. "Ahh, a content creator doesn't know how to watch some tutorial, what a pity."

"Kung hindi lang kita mahal, baka anu pang magawa ko sayo." inakbayan ni Yeji si Yuna. "11pm pa lang, may gusto ka bang puntahan mamaya?"

"Wala naman na, gusto ko lang talaga matulog buong maghapon."

"Kung pwede lang sana sa bahay, tanong ko kaya si Hyewon, siya lang naman laging naiiwan sa bahay nila." kinuha ni Yeji yung cellphone niya nang mag-vibrate yun. "Si Jeongyeon-unnie, nag-text sa'kin."

"Anong sabi?" tinignan din ni Yuna yung screen ng cellphone ni Yeji.

"Pinapapunta niya ako sa opisina niya, may itatanong lang daw siya." tumango si Yuna.

"Tara na ba?"

"Pero kakarating pa lang natin dito." ngumiti si Yuna.

"Oo ang sagot ko, tara na baka importante yung itatanong sayo ni unnie." inubos na muna ni Yuna yung tinapay na hawak niya bago tumayo.

"Oo, tayo na?"

"Hmm, tara na. Iuuwi ko na lang yung mga pagkain na niluto mo, para hindi masayang." nilahad ni Yuna yung kamay niya para alalayan si Yeji sa pagtayo.

Habang nasa biyahe silang dalawa, hindi mapalagay ang isip ni Yeji. Bihira lang kasi na tawagan siya ni Jeongyeon at kung minsan sa text lang ito nakikipag-usap, pero ngayon gusto niyang makausap si Yeji sa personal.

"Thank you." napatingin si Yeji kay Yuna.

"Thank you din, huwag kang mag-alala next time mas matagal yung date natin." napabuntong hininga si Yeji. "Hindi man lang tayo nagtagal ng kalahating oras sa date natin, pero promise next time babawi ako."

"Sulit yung mga iniyak ko kagabi, natalo nga lang kami sa game kanina." yumakap si Yuna kay Yeji. "I love you."

"I love you more Yuna."

"Susulitin ko na lang yung mga araw na kasama ka, kasi alam kong sa huli kay Chaeryeong ka pa rin ikakasal." mas humigpit yung pagkakayakap ni Yuna kay Yeji.

Kinuha na ni Yuna yung bag niya at yung basket na dala ni Yeji bago siya bumaba sa sasakyan ng huli.

"Nakalimutan ko yung kasal." wala sa sariling sambit ni Yeji nang isarado na ni Yuna yung pintuan ng sasakyan niya. "Dapat siguro, hindi ko na lang pinilit." madiing pumikit si Yeji bago hampasin yung manibela niya tsaka pinaharurot ng takbo yung sasakyan niya.

------------

"Kinakabahan ka ba?" napatingin si Ryujin kay Sakura na nakaupo sa tabi niya.

"Medyo."

"I heard that you doesn't know about her and their parents, and that's confusing me." napakamot si Ryujin sa ulo niya.

"Hindi lang siguro ako magaling sa mga ganung bagay, wala naman rin sa'kin kung sino pa siya o yung mga magulang niya." nakangusong tumango si Sakura.

"Oo nga pala, kilala mo ba yung anak ng mayor dito sa lugar niyo?"

"Hmm, kaibigan ko yung anak niyang babae." kumunot yung noo ni Sakura.

"You mean, may iba pang anak yung mayor bukod dun sa babae?" nagtatakang tumango si Ryujin.

"Anak siya sa ibang babae, pero hindi naman siya kinakahiya ni Mayor. He even take him to every gatherings for politicians, yung kaibigan ko naman bihira lang kung sumama siya sa dad niya."

"Hmm, okay." napakagat si Sakura sa pang-ibabang labi niya.

"Please take care of yourself and drink your vitamins." agad na tumayo si Ryujin nang makalabas na sina Chaeryeong sa opisina ng doktor.

"Anu daw yung resulta?" sambit ni Ryujin, hindi tumugon si Chaeryeong at agad lang na niyakap si Ryujin. "Don't worry, I'll be here for you."

"We don't have to worry, everything's alright." sambit ni Chaeyeon.

"Kung ganun, ihahatid na namin kayo." maglalakad na sana si Sakura nang pigilan siya ni Chaeyeon. "Bakit?"

"Bilhin mo muna 'tong vitamins na 'to sa baba, isama mo na rin si Ryujin." pareho man silang nagtataka, sumama na lang si Ryujin kay Sakura.

"Unnie, nope. Huwag ngayon."

"At kailan naman?" napabuntong hininga si Chaeyeon. "Did you already told her about the wedding?"

"Unnie paano? They both suffering because of their parents, ayoko naman na dumagdag pa sa dahilan ng alitan nila-well i already did, pero okay na na sila ngayon at ayokong magkaproblema na naman silang dalawa."

"Chaer, sinasabi ko lang sayo 'to dahil kailangan. Hihintayin mo pa ba na mas masakit yung maidudulot niyo sa isa't isa kapag dumating na yung araw ng kasal mo?" pilit na ngumiti si Chaeyeon. "Ayoko lang na masaktan ka, katulad nung nangyari sa'kin. Mas maagang matapos, mas mababaw yung sakit." napanguso na lang si Chaeryeong bago yumuko.

Nauna na sila Chaeryeong at Chaeyeon sa sasakyan ng mag-asawa. 

"Unnie, masaya ka na ba talaga sa kung anong meron sa inyo ni Sakura-unnie?" napahinto sa pagsuot ng seatbelt si Chaeyeon at napatingin sa rearview mirror.

"Seryoso ka ba diyan sa tanong mo?"

"Oo unnie, sobrang seryoso ko." napabuntong hininga si Chaeryeong. "You still love your ex, right?"

"Yung pagmamahal, hindi naman siguro mawawala yun, lalo na mahal ko pa rin siya nung maghiwalay kami. Pero, wala na kasi yung sakit at nai-imagine ko na rin kung paano kami ni Sakura sa hinaharap." ngumiti si Chaeyeon. "Kumbaga handa na ako o naghahanda na ako sa kung anu man yung dadating sa'ming dalawa ni Sakura, na hindi ko naramdaman kay Eunbi noon."

"I really want to meet her, kahit isang beses lang."

"Actually, dito siya pinanganak at lumaki. Tapos pumunta siya sa Seoul para mag-aral sa college, kaya baka magkita rin kayo." huminga nang malalim si Chaeyeon nang makita niya sina Sakura at Ryujin na kakalabas lang ng hospital. "Nandiyan na sila, tama na yung tanong."

"Last na talaga, unnie. Nakaramdam ka ba ng emptiness, nung kinasal kayo ni Sakura-unnie?" nakangiting umiling si Chaeyeon.

"Ginawa niya lahat para lang matanggap ko yung magiging relasyon at sitwasyon naming dalawa, higit pa sa inaasahan kong magagawa niya."

"I want to try your motorbike, if there's a chance I'll let you ride mine." saad ni Sakura nang makasakay na siya sa driver's seat.

"Hindi ka pa rin talaga nadadala?" nakangusong saad ni Chaeyeon.

"Maayos naman na yung lagay ko ngayon, tsaka nangako naman na ako sayo, hinding hindi na ako sasali sa illegal street racing." sambit ni Sakura bago paandarin yung makina ng sasakyan nilang mag-asawa.

"Hindi ba delikado yun?" saad ni Ryujin.

"Sobrang delikado, ilang buwan nga siyang hindi nakalakad dahil dun." tugon ni Chaeyeon, napatingin si Ryujin kay Chaeryeong.

"Hmm, bakit?" napakamot si Ryujin sa ulo niya bago umiling.

"Just be careful when you're riding motorbike with my sister, or else I'll hunt you." sambit ni Chaeyeon, natatawang napalingon naman si Sakura kay Ryujin.

"Alam mo na, kaya mag-iingat ka."

"Dobleng pag-iingat pa, unnies." nakangiting saad ni Ryujin, natatawang napa-iling na lang si Chaeryeong bago ituon yung atensyon niya sa labas ng sasakyan.

*Bang Chan?* tinitigang mabuti ni Chaeryeong yung lalaking nakita niya. *He's not.* tugon ni Chaeryeong sa sarili nang makita na niya yung mukha nung lalaki.


Nang makarating na sila sa bahay ni Chaeryeong, agad din na nagpaalam si Ryujin sa tatlo.

"Uuwi ka na ba talaga?" sambit ni Chaeryeong habang nakayakap sa bewang ni Ryujin.

"Kailangan ko nang umuwi, baka kasi naihatid na ni Yeji sa bahay si Yuna." ngumiti si Ryujin. "Ako na kakausap kay Teacher Kang na kailangan mong magpahinga bukas at hindi ka makakapunta sa school, para hindi ka niya masermonan sa Lunes."

"Thank you."

"Kulang ka sa dugo, kaya inumin mo yung vitamins na nireseta ng doktor para sayo. Magkita na lang tayo sa Lunes, tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." napanguso si Chaeryeong.

"Huwag kang ganiyan, lalo tuloy kita gusto patulugin dito." natatawang pinisil ni Ryujin yung ilong ni Chaeryeong.

"4pm na, magpahinga ka na lang muna." hinalikan ni Ryujin sa noo si Chaeryeong bago tuluyang lumabas sa pintuan ng bahay ni Chaeryeong. "I love you, bye~" kumaway pa si Ryujin kay Chaeryeong bago sumakay sa motorbike niya.


Nang makarating si Ryujin sa bahay nila, kunot noo niyang tinignan yung mga kalat sa loob ng bahay nila.

"Yuna?" sumilip si Ryujin sa kusina nila, pero walang tao dun. "Yuna?!" halos mapaatras naman si Ryujin nang makasalubong niya yung ama nila.

"Anong nangyari dito?" nagkibit balikat lang si Ryujin. "Yuna!" nauna umakyat si Ryujin sa pangalawang palapag ng bahay nila at dumiretso sa kwarto ni Yuna.

"Yuna buksan mo 'to!" kinalampag na ni Ryujin yung pintuan sa kwarto ni Yuna. "Dad!! Naka-lock yung pintuan ni Yuna!!" nagmadali namang kinuha ng ama nila yung susi sa kwarto ni Yuna at tumakbo paakyat sa pangalawang palapag ng bahay nila.

"Anu ba kasing nangyari!" tarantang saad ng ama nila Ryujin habang binubuksan yung kwarto ni Yuna.

"Yuna?!" sabay na sambit ng mag-ama bago lumapit kay Yuna na nakaupo sa sulok ng kwarto niya.

"Ayoko na dito, dad." tuloy sa paghikbing saad ni Yuna. "Ayoko na dito."

"Anu bang nangyari?" tinitigan si Yuna ng ama niya sa mga mata.

"Nagalit kasi si mom nung makita niyang hinatid ako ni Yeji kanina, tapos tinapon niya lahat ng pagkain na niluto ni Yeji para sa'kin."

"Nasaan si mom?" sambit ni Ryujin, pero tanging iling lang ang naging tugon ni Yuna.

"Samahan mo muna si Yuna dito, hahanapin ko lang yung mom niyo." tinanguan lang ni Ryujin yung ama niya bago hawakan sa balikat si Yuna.

"Sinaktan ka ba ni mom?" nakatitig si Ryujin sa mismong mga mata ni Yuna.

"Hi-hindi." marahang tumango si Ryujin.

"Halika dun sa kama mo." naunang tumayo si Ryujin para alalayan sa pagatayo si Yuna.

Nang pareho na silang nakaupo ni Yuna sa kama ng huli, pilit na ngumiti si Ryujin.

"Everything will be alright." niyakap ni Ryujin si Yuna. "Matulog ka muna, dito lang ako." pinanuod ni Ryujin si Yuna hanggang sa tuluyan nang makahiga ang huli, marahang hinaplos ni Ryujin ang buhok ng kapatid niya hanggang sa makatulog na ito nang mahimbing


-------------------------

Napatingin si Ryujin sa orasan na nasa kwarto no Yuna, bago tignan ang huli at bumuntong hininga.

"Umaga na pala." tumayo na si Ryujin para pumunta sa kwarto niya.

"Tulog pa ba si Yuna?" napatingin si Ryujin sa ama nila na naghihintay sa labas ng kwarto ni Yuna.

"Hmm, baka mamaya pa siya gigising."

"Nakatulog ka na ba?" umiling si Ryujin.

"Si mom?" bumuntong hininga yung ama nila.

"Umuwi siya sa bahay ng halmeoni niyo." natawa si Ryujin.

"Bakit sa tuwing may problema dito sa bahay, lagi siyang umuuwi sa bahay nila halmeoni?, hindi niya ba kayang ayusin yung problema natin?"

"Ryujin hindi naman sa ganun, syempre kailangan niyang makapag-isip isip." tumango si Ryujin.

"Pero yung pakikipaghiwalay niya sayo, hindi niya pinag-isipan?"

"RYUJIN ANU BA?!!!" agad na napayuko si Ryujin.

"Totoo naman diba dad? Tsaka bakit hanggang ngayon hindi niyo pa rin masabi sa'min yung dahilan kung bakit kayo maghihiwalay, kailangan ba hiwalay na kayo bago niyo pa sabihin sa'min?"

"Ryu, tama na." bumuntong hininga si Ryujin.

"Pupunta lang ako sa bahay nila Hyewon." pumasok si Ryujin sa kwarto niya para makapagpalit ng damit.


Inaantok na si Ryujin, pero dahil nga sa nagmamaneho siya, pinipilit niyang idilat yung mga mata niya.

"Ang aga mo naman ata?"

"Pwedeng makitulog?" tumango lang si Hyewon. "May nangyari kasi sa bahay namin, pasensiya na."

"Ayos lang, para ka namang others. Oo nga pala doon ka na lang sa kwarto ko matulog, nandun kasi si Eunbi-unnie sa kabilang kwarto." tumango si Ryujin bago pumasok sa bahay nila Hyewon.

"Oo nga pala, pwedeng ikaw na lang magsabi kay Yves o kay Hyunjin na baka hindi makapunta sa practice si Chaeryeong ngayon?"

"Bakit?" seryosong tinitigan ni Ryujin si Hyewon. "Sabi ko nga, ako nang bahala." ngumiti pa si Hyewon bago kuhain yung cellphone niya.

Pagkahiga pa lang ni Ryujin sa kama ni Hyewon, nakatulog siya agad nang mahimbing.

-----------

"Hye, tawagin mo na si Ryujin kakain na tayo."

"Sandali na lang unnie, malapit na matapos yung laro namin." sambit ni Hyewon habang tutok na tutok sa cellphone niya.

"Tss, ako na nga lang tatawag sa kaniya." pinitik pa ni Eunbi sa tenga si Hyewon bago umakyat sa kwarto ng huli kung nasaan si Ryujin. "Ryujin, kakain na tayo sa baba." marahang tinapik ni Eunbi sa mukha si Ryujin. "Ryu?"

"Chaeryeong." bulong ni Ryujin.

"Anu? Chaeyeon?'

"Chaeryeong." nakapikit na sambit ni Ryujin.

"Chaeyeon nga?" napabuntong hininga si Eunbi bago pisilin yung kaliwang pisngi ni Ryujin.

"Ah-ah-ahray." nakahawak sa pisngi na bumangon si Ryujin. "Unnie naman eh." napanguso si Ryujin.

"Anu ba yun, at Chaeyeon ka nang Chaeyeon?"

"Huh? Anong Chaeyeon?" natawa si Eunbi.

"Sabi mo Chaeyeon."

"Baka Chaeryeong, Chaer. Siya kasi yung nasa panaginip ko." ngumiti si Ryujin bago tuluyan na tumayo.

"Wait, Ryu?" nakangiting lumingon si Ryujin kay Eunbi. "Yung Chaeryeong ba na sinasabi mo, si Lee Chaeryeong?" tumango si Ryujin. "May kapatid na Lee Chaeyeon?" napanguso si Ryujin at napaisip.

"Miyawaki Chaeyeon, pero kasi kinasal na siya, hmm oo Lee Chaeyeon nga."

"Ryu?" natawa si Ryujin.

"Ayos ka lang ba, unnie?" hindi tumugon si Eunbi kaya lumabas na si Ryujin sa kwarto ni Hyewon.

"This can't be." bulong ni Eunbi bago sumunod kay Ryujin.

"Unnie, tumawag si auntie, umuwi ka daw sa inyo mamaya." saad ni Hyewon habang kumakain.

"Bakit daw?" nagkibit balikat lang si Hyewon.

"Oo nga pala, anong sabi ni Yves sayo?" tanong ni Ryujin kay Hyewon.

"Nandun na daw si Chaeryeong sa school nung dumating

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp