Can't Stop Me

Can't Stop Me
Please Subscribe to read the full chapter

[KINABUKASAN]

Maagang pumasok si Ryujin para palitan si Yuna sa pwesto niya.

"What are you doing here?"

"Hinihintay si Chaeryeong." tumango si Yuna.

"Kaso baka ilang araw ka pang maghintay diyan, umalis kasi siya."

"Kailan siya babalik?" nagkibit balikat lang si Yuna bago maglakad palayo kay Ryujin. "Dahil kaya sa nagawa ko kahapon kaya siya umalis?" napabuntong hininga si Ryujin bago pumasok sa eskwelahan nila.


"Ryujin?" lumapit si Ryujin kay Hyewon. "Kakausapin ka daw ni Hyunjin, nasa gym siya ngayon."

"Hmm."

"Sandali." muling tumingin si Ryujin kay Hyewon. "Totoo ba na..... girlfriend mo si Lia bago pa siya ipakilala ni Yeji sa'min?"

"Saan niyo nalaman yung tungkol dun?"

"Totoo nga?" marahang tumango si Ryujin. "Nasa guidance sila Hyejoo at Yves, sinubukan namin silang awatin pero pati sina Yujin at Yena nadamay."

"Sinong nagsabi nang tungkol dun?"

"Narinig lang namin na nag-uusap sila Yuri kanina, akala namin gumagawa lang sila ng kwento pero nung sugudin nila Hyejoo si Yeji, kay Yeji na mismo nanggaling na totoo nga yung narinig namin." wala sa sariling naglakad na si Ryujin papunta sa gym.

"Wala ka man lang ginawa?" tumingin si Hyunjin kay Ryujin.

"May magagawa pa ba ako?, galit na yung dalawa kay Yeji." tumikhim si Hyunjin. "Hindi ako makakapaglaro sa una at pangalawang laban natin, mas ayos na yung ganun kaysa sina Hyejoo at Yves yung hindi makapaglaro."

"Paano kung unang game pa lang matalo na tayo?"

"Ayos lang, ine-enjoy ko na lang naman yung huling taon ko para sa team, kung matalo man wala na akong magagawa dun." naglakad na si Hyunjin palayo kay Ryujin. "Ipapatalo niya talaga yung game, dapat pala siya na lang pinasalo ko sa kasalanan nung dalawa." bulong ni Hyunjin sa sarili niya.

"Paano ba kasi nalaman nila Yuri yung tungkol sa'min ni Yeji? Pahamak talaga 'tong si Yuna, kainis." bumuntong hininga si Ryujin bago maglakad papunta sa classroom nila.


Pagka-upo ni Ryujin sa upuan niya, agad siyang tinignan ng mga kaibigan niya.

"Huwag niyo nga akong tignan nang ganiyan."

"Bakit hindi mo sinabi sa'min?" sambit ni Yves habang nakatingin sa malayo.

"Bakit pa, nakita niyo naman yung nangyari nung nalaman niyo."

"Si Kang Hyewon ng class 2, nakikipag-away kay Yeji!" napatingin sila Ryujin sa labas ng classroom nila.

"Ako na lang siguro yung pupunta." lumabas nang classroom si Ryujin at pumunta kung saan nag-aaway sina Hyewon at Yeji. "Hye, tama na."

"Tss, talaga ipinaalam mo sa kanila?, para anu?, magalit din sila sa'kin." hindi pinansin ni Ryujin si Yeji at hinila lang si Hyewon hanggang sa makarating na sila sa classroom nito.

"Anu bang problema mo?"

"Ryu, mas matanda pa rin ako sayo." tumango si Ryujin.

"Edi umakto ka nang naaayon." napabuntong hininga si Hyewon.

"Agrabyado ka kasi, yung kay Hyunjin maiintindihan ko pa, pero yung ginawa ni Yeji?" pinunasan ni Hyewon yung dugo sa gilid ng labi niya. "Tsaka siya unang sumuntok sa'kin, tinanong ko lang naman kung totoo ngang inagaw niya si Lia sayo."

"Sinabi ko naman na sayo kanina, unnie."

"Tss, gusto ko lang yung malinaw na malinaw, kahit pa narinig ko na kanina na umamin siya." natawa si Ryujin. "Bakit?"

"Kilala kita, inaasar mo lang si Yeji kaya tinanong mo siya ulit, nasuntok ka tuloy."

"Naiinis lang kasi talaga ako, para niya kaming niloko nang harap harapan." tinitigan ni Hyewon si Ryujin. "Hindi ka rin nagsabi sa'min, edi sana lumayo kami kay Yeji kahit papaano."

"Yun na nga, ayokong iwasan niyo rin siya, kasi sa'ming dalawa lang naman yung problema."

"Kang Hyewon-ssi?" napatingin si Hyewon at Ryujin sa babaeng lumapit sa kanila.

"Sige Ryu, mamayang lunch na lang." pumasok na si Hyewon sa classroom nila.

"Wonyoung, bumalik ka na sa klase mo." nakangiting sambit ni Ryujin.

"Ayos lang ba siya?" tumango si Ryujin bago tapikin sa braso si Wonyoung.

"Hindi naman sila nagkasakitan ni Yeji, bumalik ka na sa klase mo."

"Ahh, nag-alala lang kasi ako." tumango lang si Ryujin bago maglakad pabalik sa classroom nila.

Habang nagka-klase, hindi mapakali si Ryujin sa kinauupuan niya.

"Yena?" bulong ni Ryujin bago kalabitin yung katabi niya.

"Hmm?"

"Anong oras yung klase nila Yuri sa geometry?"

"3rd subject, bakit?" tumango si Ryujin.

"Pwede mo ba akong ihiram ng libro sa kaniya?" kumunot yung noo ni Yena.

"Wala ba si Chaeryeong?"

"Umalis daw sabi ni Yuna, wala namang sinabi kung saan at kailan babalik."

"Shin Ryujin-ssi and Choi Yena-ssi, pwede niyo ba kaming isali sa kwentuhan niyo?" napaayos sa pagkakaupo yung dalawa at agad na yumuko.


------------

"Sabihin mo na, kaya mo ba talagang mag-practice? Kasi kung hindi pwede ka naman nang umuwi." tinignan ni Ryujin si Hyunjin bago magpalit ng uniform niya.

"Kaya kong mag-practice, hindi naman ako injured." napabuntong hininga si Hyunjin.

"Tinatanong ko lang, kahit naman papaano concern pa rin ako sayo." tinignan ni Ryujin si Hyunjin bago i-tuck in yung jersey niya.

"Hindi ko kailangan ng concern mo." naglakad na si Ryujin palabas ng locker room nila papunta sa gym.

"Hyewon!! Para namang tanga, umayos ka nga masakit!!" inis na sigaw ni Yves habang tinutulak si Hyewon na nakapasan sa likuran niya.

"Hyejoo! Sakay!!" tawag ni Hyewon kay Hyejoo na agad namang tumalon para pumasan kay Hyewon.

"Subukan mong pumasan Yena, sisipain kita." pagbabanta ni Yves.

"Team!! Warm up na tayo!!" agad namang sumunod ang lahat kay Hyunjin, nang nakapila na silang lahat nagsimula na silang mag-stretching. "Ten laps jog." sumigaw lang ng pagsang-ayon yung teammates ni Hyunjin bago sila sabay sabay na tumakbo.

"Ryujin, sali ka pustahan?" tanong ni Yena kay Ryujin.

"Hmm, anu naman?"

"Sasali ka?" nagkibit balikat si Ryujin.

"Depende."

"Usapan kasi namin nila Yves, kung kaninong team matatalo sila manlilibre mamaya." kumunot yung noo ni Ryujin.

"Saan?"

"Kakain malamang, bakit gusto mo ba ng alak?, edi nabugbog tayo ni Hyunjin." natatawang saad ni Yena. "Anu, game ka ba?"

"Sige lang."

"Choi, Shin! Bumabagal kayo!" tinignan lang ng dalawa si Hyunjin bago tumakbo kasabay yung iba pa nilang teammates.

"Kailangan ko na talaga tigilan bisyo ko." sambit ni Hyewon habang hingal na hingal.

"Dapat lang, sinasabi ko sayo kapag nahuli pa kayo ulit nila Choi at Ha, ako mismo mag-aalis sa inyo sa team." sambit ni Hyunjin.

"Inspeksyunin mo kasi yung mga gamit nila captain, para wala na talaga silang magamit." natatawang saad ni Hyejoo.

"Isa ka pa, tingin mo hindi ko alam na nagve-vape ka?"

"Hahahahaha, huli." pang-aasar ni Yujin kay Hyejoo.

"Magkukwentuhan lang ba tayo dito o maglalaro pa tayo?" walang emosyon na sambit ni Ryujin.

"Kalma, kami lang 'to." natatawang sambit ni Yves bago kumuha ng bola.

"Yena at Hyewon, maghiwalay kayo. Yujin at Hyejoo, maghiwalay din kayo." tumingin si Hyunjin kay Yves. "Dito ka na sa team ko." napatingin sila kay Ryujin.

"Ako na bahala kay Yves, Hyejoo si Hyewon yung bantayan mo, tapos Yujin.... shooting guard ka." lumapit si Hyejoo kay Ryujin.

"Sandali..... point guard ako?" bulong ni Hyejoo kay Ryujin.

"Kaya mo yan." nakangiting sambit ni Ryujin bago tapikin sa balikat si Hyejoo.


Alam na ni Ryujin na malaki yung posibilidad na matalo sila sa larong yun, pero kailangan niyang makita sina Yujin at Hyejoo sa ibang posisyon. Dahil lahat sila na nasa team, alam na yung galaw nung dalawa, paano pa kaya yung mga makakalaban nila.

"Ryu, sorry." nakayukong sambit ni Hyejoo.

"Magaling yung pinakita mo, ituloy mo lang yan." ngumiti si Ryujin bago lapitan si Yujin. "Nakita mo ba yung mali?"

"Hindi umaabot yung tira ko, minsan naman sumosobra." tumango si Ryujin.

"Kaya mong maka-shoot sa ilalim ng ring, gamay mo na yung lay up at alley-oop. Pero paano kung pinag-aralan na yun ng mga makakalaban natin?" tumango si Yujin. "Kaya mo yan, bago pa matapos yung league kakayanin mo yan." naglakad na si Ryujin papunta sa locker room nila para makaligo at makapagpalit ng damit.

"Anu kayang pinag-usapan nila coach at Ryujin, mukhang okay naman na siya ngayon." saad ni Yves.

"Hindi talaga kayo marunong makiramdam noh?, o sadyang wala lang kayong pake kung marinig ko kayo na pinag-uusapan ako?"

"Buti nga pinaparinig pa namin sayo, kabahan ka na kapag nakikita ka namin bigla kaming tumitigil sa pagkukwentuhan." inirapan ni Ryujin si Yves.

"Sino nga pala magbabayad ng pagkain natin mamaya?" tanong ni Hyewon.

"Kami na lang siguro ni Hyejoo-unnie." sambit ni Yujin.

"Ako nang bahala, basta kakain kayong lahat." saad ni Ryujin.

"Yown!!" sigaw ng lahat ng teammates ni Ryujin.

"Pwede ko bang isama si Jiwoo?, ako nang bahala sa kakainin niya, please?" nakangusong saad ni Yves.

"Ako rin, isasama ko si Yuri." humalik pa sa hangin si Yena.

"Ayos lang ba kung isasama ko si Minjoo? Hindi ko kasi siya pwedeng pauwiin mag-isa." saad ni Hyunjin.

"Sige lang, sagot ko naman lahat." nakangiting sambit ni Ryujin. "Tara na."

Buong team nila ang pumasok sa isang kainan, kaya mabilis yun na napuno dahil sa kanila, ganun na rin sila Yuna at yung mga kaibigan nito.

"Pinasunod ko nga pala si Gowon, ayos lang ba?" bulong ni Hyejoo kay Ryujin.

"Hmm, ayos lang."

"May tanong nga pala ako." nakangusong saad ni Yena. "Hindi mo pa ba talaga girlfriend yun?, eh halos hindi na kayo mapaghiwalay kapag magkasama kayo." agad namang binatukan ng magkakaibigan si Yena. "Aray ko naman."

"Hindi nga kasi makaamin si Hyejoo, tsaka hayaan mo na nga silang dalawa." nakaismid na sambit ni Yves.

"Ganito na lang, kapag nanalo tayo sa championship, dapat ka nang umamin kay Gowon." sambit ni Hyewon.

"Chaewon nga, siya lang daw tatawag ng Gowon." saad ni Yujin.

"Tss, kahit pa naman anong itawag natin sa kaniya, siya pa rin naman yun." kumunot yung noo ni Hyewon.

"Ikaw Yujin, kailan ka ba aamin kay Minjoo?" tanong ni Yena.

"Yena, ayos ka lang o sabog ka talaga?" kunot noong sambit ni Ryujin.

"Hahahaha, ayos lang Ryujin-unnie." napakamot si Yujin sa ulo niya bago tumingin kay Hyunjin.

"Huwag kang tumingin sa'kin hindi naman ako yung magdidesisyon." saad ni Hyunjin.

"Hyejoo-yah~" natawa na lang yung magkakaibigan ganun na rin yung iba pa nilang teammates.

"Hyejoo-yah~" panggagaya nila sa tono ng pagtawag ni Gowon kay Hyejoo.

"Dito ka na umupo." sambit ni Ryujin bago tumayo at lumipat sa lamesa nila Yuna. "Yow creep?" napairap na lang si Yuna bago tignan ni Ryujin.

"Hmm, bakit?"

"Naka-order na ba kayo?" pilit na ngumiti si Ryujin.

"Ahh, hindi namin alam kung nasaan si Chaeryeong." nakangiting sambit ni Yuri.

"Yul, anu ka ba." saway ni Minjoo sa kaibigan.

"Ayos lang, hindi ko naman talaga siya hinahanap." pilit ang tawang sambit ni Ryujin.

"What a liar." bulong ni Yuna. "You know what, ayos lang naman if you act normal in front of them. They know you anyway, why you have to change your attitude?" bumuntong hininga si Ryujin.

"I actually want to say sorry about what happened earlier. Hindi ko alam kung paano niyo nalaman yung tungkol sa'min ni Lia at yung sa kanila ni Yeji, knowing about that is , right?" tumawa si Ryujin.

"No, actually we're the ones who feel sorry about what happened. We shouldn't talk about someone's relationship like it was a normal conversation." saad ni Minjoo.

"Well, I'm not sorry." sambit ni Yuna. "Uuwi na lang siguro ako, ang sama talaga ng pakiramdam ko." tinitigan lang ni Ryujin yung kapatid niya hanggang sa makalabas na ito ng tolda na kinaroroonan nila.

Naghihintay lang naman sa labas yung driver nila sakay ng sasakyan, kaya kampante si Ryujin na umalis mag-isa si Yuna.

Habang kumakain si Ryujin, doon niya lang naisip ulit si Chaeryeong at yung mga sinabi niya sa huli kahapon. Sinubukan niya talagang maging abala para makalimutan yung katangahan niya kahapon, pero mula nang mabanggit ng magkakaibigan si Chaeryeong, muli na namang naglayag yung utak niya.

"Iba talaga kapag mayaman, salamat ulit Ryu." nakangiting saad ni Yves.

"Aminin mo na, kaya ka lang naman nakipagkaibigan sa'min kasi ayaw mong gastusan yung girlfriend mo." saad ni Hyewon.

"Porket walang nagkakagusto sayo, ganiyan ka na magsalita, grabe ka naman Hye." pang-aasar ni Yena kay Hyewon.

"Pwede bang itikom mo yung bibig mo, lalo na kung quack quack lang naman yung alam mong salita."

"Tss, pikon." nakaismid na saad ni Yena bago sumakay sa sasakyan niya kasama si Yuri.

"Teka, hoy paano ka pala uuwi?" tanong ni Yujin kay Hyewon.

"Maglalakad, anong gusto mo, gumapang ako?"

"Nagtatanong lang, bahala ka diyan." sumakay na si Yujin sa scooter niya.

"Akala mo naman maaangkas mo ako diyan sa scooter mo, baka sumemplang pa tayong dalawa, mag-ingat ka na lang pauwi." tumingin si Hyewon kay Ryujin. "Sa lagay mo naman baka mapahamak pa ako, Hyejoo sasabay na ako sa inyo!" tumakbo na si Hyewon para sumabay sa paglalakad nila Hyejoo at Gowon.

"Ingat ka." saad ni Hyunjin, tinanguan lang siya ni Ryujin bago sumakay sa motorbike niya ang huli.

Dumaan si Ryujin sa bahay ni Chaeryeong, pero bukod sa walang nagbubukas ng pintuan para sa kaniya, nakapatay din yung mga ilaw sa loob nun.

"Kailan kaya siya uuwi, tss." kumuha ng papel si Ryujin at nagsulat doon.

'Chaeryeong,

Tawagan mo ako kapag naka-uwi ka na!

-Ryu'

"Okay naman na siguro 'to." bumuntong hininga muna si Ryujin bago ilusot sa ilalim ng pintuan yung papel na sinulatan niya.


---------------------------


Lumipas ang apat na araw bago pa makabalik si Chaeryeong sa eskwelahang pinapasukan niya, wala maski isa sa mga kaibigan niya ang nakakaalam kung saan siya nagpunta, kahit si Yuna na kausap niya sa telepono sa loob ng apat na araw na wala siya.

"Buti naman nakapasok ka na, hindi ka naman siguro umalis dahil sa ginawa ng kapatid ko, diba?" tumawa si Chaeryeong.

"Hindi noh, tsaka mas importante pa yung pinuntahan ko kaysa sa kaniya."

"Anong sabi ng parents mo?" umiling si Chaeryeong.

"Wala naman, hindi ko nga sila nakausap katulad pa rin nang dati." ngumuso si Yuna bago magsimulang maglakad.

"Ayos lang sayo?"

"Oo na hindi, kilala mo naman ako." nakangiting sambit ni Chaeryeong. "Pwede mo ba akong samahan sa classroom nila Ryujin, ibabalik ko na sana yung libro niya."

"Sabi ko naman sayo, hindi na kailangan."

"Nakahanap na kasi ako ng libro, kaya isusuli ko na lang sa kaniya yung libro niya." tumango lang si Yuna. "Ayos ka lang ba?"

"Nag-aalala pa rin kasi ako sayo kahit nasa harap na kita, akala ko pa dahil sa ginawa ni Ryujin kaya ka umalis." natawa lang si Chaeryeong bago umiling nang ilang ulit.

"Hi, wala pa si Ryujin." saad ni Yves na siyang nakapwesto na naman malapit sa pintuan ng classroom nila.

"Pakiabot na lang nitong libro niya, pakisabi na rin na salamat." kinuha ni Yves yung librong inaabot ni Chaeryeong. "Bye." naglakad na si Chaeryeong kasama ni Yuna.

"Mas lalo tuloy akong nag-aalala, sigurado ka bang hindi talaga yung kapatid ko yung dahilan nang pag-alis mo?"

"Hindi nga, sige na dumiretsyo ka na sa classroom mo." nakangusong tumango si Yuna bago lumiko papunta sa classroom niya.

Habang naglalakad naman si Chaeryeong papunta sa classroom nila, natanaw niya si Ryujin sa 'di kalayuan.

"Chaer-" napakamot na lang si Ryujin sa batok niya nang agad na lumiko si Chaeryeong. "Galit nga siguro siya sa'kin." bumuntong hininga si Ryujin bago tumuloy sa paglalakad.

"Ryu, pinapaabot ni Chaeryeong."

"Bakit?" nagkibit balikat si Yves bago umupo sa upuan niya.

"Good morning class." balak pa sanang lumabas ni Ryujin para ibigay kay Chaeryeong yung libro niya, pero dumating na yung teacher nila.

"Anong gagamitin niya." bulong ni Ryujin bago umupo.


Tulad sa mga nakaraang araw, ginawang abala ni Ryujin yung sarili niya para makalaimutan panandalian si Chaeryeong. Pero hindi niya inaasahan na sa oras ng lunch break nila, makikita niya si Chaeryeong na kasama si Yeji at nakabukod sa pwesto ng nila Yuna.

"Ryu, huwag ka nang gumawa ng gulo." bulong ni Hyewon sa kaibigan.

"Ewan ko lang."

"Ryujin, tandaan mo next week na yung laro natin, kung pati ikaw suspended paano pa tayo mananalo?" tinignan lang ni Ryujin si Hyunjin.

"Puro ka naman basketball, kung hindi mo inako yung kasalanan nung dalawa edi sana hindi ka namomroblema diyan sa laro na yan." inis na tumayo si Ryujin at naglakad palabas ng cafeteria. "Anu bang binabalak mo, Yeji." sinipa ni Ryujin yung trash bin na nadaanan niya bago maglakad pabalik sa classroom nila.


Lalo lang nawalan ng gana si Ryujin sa mga sumunod na klase niya, kaya mas pinili na lang niyang matulog hanggang sa tumunog na yung bell para sa pagtatapos ng klase.

"Ryu, magpa-practice ka?" tinignan lang ni Ryujin si Yves bago tumuloy sa paglalakad papunta sa locker nila.

"Ryujin, pustahan tayo ulit?"

"Hayaan mo na Yena, tayo na lang yung magpustahan." pilit ang ngiting sambit ni Hyewon.


Nang magsimula na sila sa pagpa-practice, hindi maiwasan ni Ryujin na makasakit dahil sa inis niya.

"Anu ba?!" tinulak na ni Yves si Ryujin. "Kanina ka pa! May galit ka ba sa'kin?!"

"Bakit naman kasi si Yves pa talaga yung nakatapat niya." bulong ni Hyejoo sa sarili niya.

"Kung gusto mong makipagbalyahan, tara doon tayo sa labas!!" hihilain na sana ni Yves si Ryujin nang pigilan siya ni Hyunjin.

"Kalmahan lang." paulit ulit na tinapik ni Hyunjin sa magkabilang balikat si Yves.

"Hyunjin, tapusin mo na yung page-ensayo niyo!" bumuntong hininga si Hyunjin bago nag-bow sa coach nila.

"Bukas na lang ulit!!" isa isa nang bumalik yung teammates ni Hyunjin sa locker room para makapag-palit.

"Ryujin, pwede ba tayong mag-usap?" tinignan lang ni Ryujin si Hyunjin bago sumunod sa locker room.

Hindi na naligo pa si Ryujin, kinuha niya lang yung mga gamit niya at lumabas na papunta sa parking lot.

Hindi pinansin ni Ryujin yung kapatid niya maging yung mga kaibigan nito nang madaanan niya sila, tinignan niya lang si Yuna bago sumakay sa motorbike niya at hinintay ito na umangkas sa likuran niya.

"Hindi ka man lang naligo muna?" bulong ni Yuna bago sumakay sa motorbike ng kapatid niya, hindi naman nagsalita si Ryujin at pinaandar lang ng mabilis yung motorbike niya.

"Ryujin, may naghahanap sayo." bungad ng ama nila kay Ryujin, nang tignan ni Ryujin yung nakaupo sa sala nila tumango siya.

"Pauwiin niyo na lang siya." saad ni Ryujin bago umakyat papunta sa kwarto niya.

"Pero kanina pa si Lia na naghihintay sayo." napahinto si Ryujin sa kalagitnaan ng hagdanan nila.

"Kahit buong araw pa siyang maghintay sa'kin, hindi ko pa rin siya kakausapin kaya pauwiin niyo na lang siya." padabog na sinara ni Ryujin yung pintuan niya at dumiretsyo sa higaan niya.

Dahil sa pagod na nararamdaman ni Ryujin, hindi pa tumatagal ng kalahating minuto nakatulog na siya.


-----------------------

[KINABUKASAN]

Hindi pumasok si Ryujin at buong maghapon lang siyang naglalaro sa half court nila sa bakuran, hindi naman siya pinagalitan ng ama nila dahil kita niya sa kilos pa lang ng paglalaro ni Ryujin, may problema talaga ang huli.

"Gusto mo bang maglaro tayo?" umiling lang si Ryujin bago i-shoot yung bolang hawak niya. "Sa Biyernes na yung simula ng championship league niyo diba, bakit hindi ka mag-practice kasama yung teammates mo?"

Inis na hinagis ni Ryujin yung bola bago tumingin sa ama niya. Gustuhin man niyang magsalita, wala talaga siyang gana na makipagtalo ngayon lalo na sa ama niya. Kinuha na lang niya yung bola at tinuloy yung pagpa-practice niya mag-isa.

"Dad, kasama ko yung mga kaibigan ko ah!!" tinignan ni Ryujin si Yuna na kakababa lang sa sasakyan nila kasama yung mga kaibigan nito.

"Tss, sabog ba siya?" inis na bulong ni Ryujin nang makita niyang bumaba sa sasakyan nila si Chaeryeong, binato niya yung bolang hawak niya at pumasok sa bahay nila.

Mabilis na naligo si Ryujin at nagbihis para umalis.

"Saan ka pupunta?" hindi pinansin ni Ryujin yung ama nila at dirediretso lang sa paglabas ng bahay nila.

"Oh, anong ginagawa mo dito?"

"Patambay lang." tumango si Hyewon bago patuluyin si Ryujin sa bahay nila.

"May gusto ka bang kainin?" umiling si Ryujin. "Pupunta rin pala si Hyejoo mamaya, may tatapusin kasi kaming project."

"Ayos lang, si Hyunjin lang naman ayaw kong makasama." natawa na lang si Hyewon. "Pahingi na lang ako ng inumin, para naman hindi sayang pagtambay ko dito." tumango si Hyewon bago pumunta sa kusina nila.

"Alam ko na kung bakit nandito ka." sambit ni Hyewon bago iabot kay Ryujin yung bote ng softdrinks na kinuha niya. "Nandun si Chaeryeong sa bahay niyo."

"Paano mo naman nalaman?"

"Source? Tss, bakit ka nga pala wala sa practice kanina, hindi ka rin daw pumasok sabi nila Yena." bumuntong hininga si Ryujin. "Nagseselos ka kay Yeji noh?, sabi ko na nga ba may gusto ka na Chaeryeong."

"Nabanggit ko naman na sayo diba?, siya nga yung fan na laging nasa comment section ng post ko." tumango si Hyewon.

"Pero nagseselos ka nga?"

"Sino bang hindi? Tapos kagabi nasa bahay si Lia, hindi ko alam kung bakit siya nasa bahay basta lalo akong nainis nung makita ko siya." nagsimula nang uminom si Ryujin sa boteng hawak niya.

"Ayan na ata si Hyejoo, sandali lang." tumakbo si Hyewon para pagbuksan ng pintuan yung taong nag-doorbell.

Kagaya ng inaasahan ni Hyewon, Kasama ni Hyejoo si Gowon.

"Pasok kayo." nakangiting sambit ni Hyewon.

"Salamat." sabay na sambit ng dalawa bago pumasok sa loob ng bahay nila Hyewon.

"Ihahanda ko lang yung pagkain natin, upo lang kayo diyan sa sala." saad ni Hyewon habang naglalakad papunta sa kusina nila.

"Ryujin?" tinanguan lang ni Ryujin si Hyejoo. "May gagawin ba kayo ni Hyewon-unnie?"

"Wala naman, gusto ko lang tumambay dito." tumango si Hyejoo.

"Papunta kasi sila Yena-unnie sa bahay niyo para sa project niyo."

"Hmm, kakausapin ko na lang sila bukas." tumingala si Ryujin at pumikit.

"Ahm Hyewon-unnie, sigurado ka bang tutulungan mo akong matapos 'tong project ko?" nilapag muna ni Hyewon yung tray na dala niya sa center table nila.

"Oo nga, tsaka nababadtrip talaga ako sa mga kaklase mo." umupo na sa sahig si Hyewon. "Hindi naman porket basketball player ka, wala ka nang balak na pumasa at hindi ka nila isinali sa grupo nila."

"Hindi naman sa ayaw nila, ayoko lang talaga na ako yung lalapit sa kanila para isali ako." nakangusong saad ni Hyejoo.

"Ganun na rin yun." tumingin si Hyewon kay Gowon. "Bakit kasi pinag-hiwalay pa kayong dalawa ng klase."

"Unnie naman, si Gowon kasi gustong mag-drop out pero matalino naman siya, eh ako?" kumunot noo ni Hyewon.

"Anu ka?, tao." inayos na ni Hyewon yung mga gagamitin nila. "Tsaka bakit naman kami nila Yena at Yves, hindi naman ako mapupunta sa class 2 kung hindi nakipag-palit si Ryujin sa'kin." tumingin si Hyejoo kay Ryujin.

"Hmm totoo yun, akala ko kasi sa class 2 pa rin si Yeji, kaya lumipat ako sa ibang klase." ngumiti si Ryujin. "Gawin niyo na yung gagawin niyo, tahimik lang ako dito." tumango lang yung dalawa bago gawin yung project ni Hyejoo.

Nakatulala lang si Ryujin sa kung saan at pinag-iisipang mabuti kung uuwi na ba siya o mamaya na, nang maramdaman niyang may tumama sa balikat niya. Walang emosyon siyang tumingin sa kanan niya, marahan niyang tinapik si Gowon sa balikat bago niya dahan dahang ihiga sa sofa ang huli.

"Hye, uuwi na ako. Hatid mo na lang yung dalawa sa sakayan mamaya." paalam ni Ryujin bago maglakad palabas ng bahay nila Hyewon.

Dumaan muna sa isang convenience store si Ryujin, bago dumiretsyo sa bahay nila.

"May pinuntahan lang ako, kanina pa ba kayo dito?" inabot ni Ryujin kay Yena yung plastic na dala niya.

"Saan ka naman pumunta?" tumingin si Ryujin kay Yves at tutugon na sana nang muling magsalita ang huli. "Tsaka paano mo nalaman na nandito kami? Kung naiwan mo nga yung cellphone mo dito." ngumiti si Yves.

"Galing ako sa bahay nila Hyewon, ayos na ba yun?" umupo si Ryujin sa tabi ni Yena. "Anu nga palang plano niyo?"

"Plano niyo?" natawa si Yves. "Hindi ba dapat, plano natin?"

"Malay ko ba kung nakapag-plano na kayo." bumuntong hininga si Yena.

"Alam niyo, kung may problema kayong dalawa. Pwede bang pag-usapan niyo muna?, ang hirap kasing pumagitna sa inyong dalawa." tumayo si Yena at mabilis na tumakbo paakyat sa pangalawang palapag kung nasaan sila Yuna.

"Anu ba kasing problema mo? Huwag mong sabihin na gagaya ka kay Hyejoo, balak mo ba kaming pabalikin din para masabayan ka namin sa pag-graduate?" yumuko si Ryujin.

"Hindi ko rin alam kung bakit, basta....." pilit na humanap ng tama at angkop na salita si Ryujin, pero ayaw niyang sabihin yung gusto niyang banggitin.

"Basta nagseselos ka?" tumingin si Ryujin kay Yves. "Mahal mo na ba? Two weeks, mahal mo na?" tumango si Yves. "Sa bagay, sino ba namang hindi?"

"Don't tell me-"

"Baliw, hindi noh. Mahal na mahal ko si Jiwoo, hinding hindi ko lolokohin yun." bumuntong hininga si Yves. "Ang ibig kong sabihin, hindi mahirap mahalin si Chaeryeong. Hindi sa may gusto ako sa kaniya, ang aliwalas niya kasing tignan. Yung tipong down na down ka na, pero kapag ngumiti siya mapapangiti ka na lang din." ngumiti si Yves. "Nakikita ko si Jiwoo sa kaniya, pinagkaiba nga lang mahal ko si Jiwoo."

"Alam mo ba yung pakiramdam na, magkagusto ka sa isang tao na hindi mo naman talaga kilala. Tapos nung nakita mo na siya, para kayong pinagtagpong dalawa."

"Destiny o soulmate, alin ba dun sa dalawa?" nagkibit balikat si Ryujin.

"Hindi naman ako naniniwala sa mga ganun." tumango si Ryujin.

"So, anu bang plano natin para sa magiging project natin?" naglabas na ng notebook at pen si Yves. "Ang kailangan lang naman nating gawin, mapailaw lahat ng ilaw na ilalagay natin sa ipe-present natin sa klase."

"Kahit anu, basta may ilaw sa loob?" tumango si Yves.

"Common na yung bahay, anu sa tingin mo? Yung kakayanin sana natin nang isang linggo."

"Kotse kaya?"

"Anong materials gagamitin natin?" ngumuso si Ryujin.

"Kahoy? May mga magagamit naman tayo dito sa'min."

"Hmm, siguro kami na lang ni Yena yung bibili ng mga ilaw na gagamitin natin. Kaya mo bang gumawa ng guide ngayon? Sa Friday na kasi yung unang game natin, para hindi na lang maging mabigat sa'ting tatlo." tumango si Ryujin.

"Kukuhain ko lang yung laptop ko sa taas." tumayo na si Ryujin at umakyat sa pangalawang palapag ng bahay nila.

Nang makuha na ni Ryujin yung laptop niya, dirediretso siyang pumasok sa kwarto ni Yuna. Pumunta siya sa harap ng study table ng kapatid niya at kinuha yung lalagyanan nito ng mga pen.

"Uhm, hello? Binigyan ba kita ng permiso na galawin yung mga gamit ko?" tinignan lang ni Ryujin si Yuna bago lumakad palapit kay Yena.

"Tawag ka ni Yves." hindi na niya hinintay pa si Yena at dumiretso na siya palabas ng kwarto ni Yuna.

"Naisip ko lang, saan pala natin ilalagay yung buton para bumukas yung ilaw sa gagawin nating sasakyan?" umupo si Ryujin sa tabi ni Yves.

"Sa manibela? Siguro kahit yung pintuan sa driver's seat lang yung nabubuksan, para mapindot yun manibela at bumukas yung mga ilaw na ilalagay natin."

"Sigurado ka bang kaya natin yun nang isang linggo?" tumango si Ryujin.

"Akong bahala." binuksan na ni Ryujin yung laptop niya at agad na naghanap ng pwede nilang maging design sa sasakyan na gagawin nila.

"Bale ganito yung mangyayari, kap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
just got finished reading this piece right now, i didn't know it will end up like this, even though i wrote it in rush, okay, why am i crying😅

Comments

You must be logged in to comment
Aracutie123 #1
Chapter 4: Yieee new ep,next puu
Aracutie123 #2
Chapter 3: Can't wait for next ep
Aracutie123 #3
Chapter 2: This is good!!!!author next eppppp