Chapter Eleven: Ghost Sorority

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

"Ikaw... si Minjeong, tama ba?" 

 

Napakunot ang noo ko. Do I know her? Bakit niya alam ang pangalan ko?

 

"Ako nga," sagot ko. "Pero bakit alam mo ang pangalan ko?"

 

Napansin kong napahinga siya nang maluwag. 

 

Nag-lakad siya palapit sa amin ni Yuna at ngumiti. "Mabuti nalang at umabot kami... because bunso will kill us, specially me, if we didn't." Saad niya pero hindi ko narinig 'yung mga huli niya pang sinabi. 

 

Pero hello? Pa'no mo nalaman ang precious name ko? 

 

Mukhang nabasa niya naman ang nasa isip ko at mahina siyang napatawa. Luh, may nakakatawa ba sa pangalan ko? 

 

Tumikhim siya bago ngumiti. "Your name... Ilang araw na siyang bukambibig ng sister ko so I decided to check your social media accounts para makita ko kung sino ba 'yung Minjeong na sinasabi niya."

 

"Sister?" Sinong sister ba kasi? Mukha ba akong manghuhula? 

 

"Oh, right... Uhm, Jimin? You know her. She's my sister."

 

Tumango-tango ako. "Ahh..." Si yelong robot pala. Pero ano raw sabi niya? Bukambibig ni yelong robot ang pangalan ko? 

 

Napangiti ako sa loob-loob ko. Pero hoy! Hindi ako kinikilig ah!

 

"Girls!" Tawag niya sa apat niyang kasama. Nagsipuntahan naman sila sa amin kasabay nina ate Seul at Ryeong. 

 

Bakit parang may kulang?

 

"Sa'n si Ryu?" Tanong ni Ryeong nang makalapit siya sa akin. 

 

Hala! Kaya pala wala akong nakitang unggoy!

 

"Ito ba si Ryu?" Napatingin naman kami sa isang babae na nag-tanong habang nakaturo ang kaniyang kamay. 

 

Hindi ko makita kung si Ryu nga dahil may nakaharang na pillar ng pader pero alam kong do'n ko iniwan si Ryu kanina kaya si unggoy nga ata 'yon. 

 

"Basta mukhang unggoy, siya 'yun." Natatawang sabi ni ate Seul at natawa rin 'yung iba. 

 

"Mukhang unggoy..." rinig naming saad niya habang sinisipat yata 'yung mukha ni Ryu. "Siya nga 'to."

 

Napatawa kami sa kaniya. 

 

Lumapit na 'yung babae sa'min at nag-tanong, "Tulog na tulog. Gisingin ko ba?"

 

Umiling naman ako. "Kami na bahala sa kaniya, salamat." 

 

Tumango naman siya at tumabi sa mukhang hapon na kasama nila. Si Ryeong naman ay pinuntahan ang unggoy. Dali-dali niyang inakay si Ryu na mukhang gising na. 

 

"Ehem," tikhim ni ate Seul kaya napatingin kami sa kaniya. "Salamat pala sa pag-tulong niyo." Nakangiti niyang saad, more like nakangiti ro'n sa gorgeous na kapatid ni yelong robot. 

 

"Naa-amoy mo ba 'yun?" Pabulong kong tanong sa katabi kong si Yuna. Nakita niya rin kung paano ngitian ni ate Seul 'yung kapatid ni yelong robot. 

 

Ngumisi siya at tumango. "Oo, Bossing. Amoy kabaklaan ni Seulgi Rielle Alvarez."

 

Narinig ko naman ang mahinang pag-daing ni Yuna.

 

"Nyare?" Mahinang tanong ko. 

 

Nakasimangot niyang hinihimas 'yung pwet niya. "Kinurot ako ni Kumandante, huhu." 

 

Mahina akong natawa. "Deesurb."

 

"May ita-tanong sana ako," Rinig kong panimula ni ate Seul, pero bago niya maituloy ang sasabihin niya ay nag-salita ang gorgeous na kapatid ni yelong robot. 

 

"We need to get of here first bago ko sagutin ang ita-tanong mo. We know a place, just follow us." 

 

Nagkatinginan kaming magka-kaibigan. Tumango ako kay ate Seul. Alam kong mapagkakatiwalaan namin sila.

 

Kaya naman, sumunod kami sa kanila. Pero gulat nalang namin nang makarating kami sa labasan ng parking lot. 

 

May mga katawan ng mga lalaki na walang malay at nakakalat ang mga baseball bat nila sa sahig. Kitang-kita rin na bugbog sarado silang lahat at wala nagawa kahit na may mga dala silang armas. 

 

Teka nga... 

 

Napatingin ako sa kapatid ni yelong robot. Sila ba ang may gawa niyan sa kanila?

 

Dire-diretso lang nilang nilagpasan 'yung mga walang malay na lalaki kaya wala na rin kaming nagawa kung hindi ang sumunod. 

 

Hindi sila magulat noong madaanan namin ang 'yung mga lalaking nakabulagta sa sahig...

 

Kaya sigurado akong sila ang may gawa no'n. 

 

Pero paano? May mga armas ang mga lalaking 'yun at itong kapatid ni yelong robot at mga kasama niya ay wala man lang galos ni isa. 

 

May pagtataka kong tinignan sila habang nagla-lakad.

 

Sino ba kayo?

 

~~

 

Kasalukuyan kaming nandito sa isang kwartong napakalinis at parang hindi nadadapuan ng alikabok. 

 

Nang sundan kasi namin 'yung kapatid ni yelong robot at mga kasama niya, ay sa university lang din pala ang balik namin. 

 

Pero, hindi ko alam na may ganito palang kwarto rito. 

 

Akalain niyo 'yun? Tatlong taon na ako rito at akala ko ay lubusan ko nang alam ang pasikot-sikot sa university na ito. It turns out, akala ko nga lang talaga. 

 

Pinaupo kami nung kapatid ni yelong robot. Nagtabi-tabi kami nila ate Seul at ganoon din ang grupo nila. 

 

Bali, magkaharap ang grupo namin at grupo nila. 

 

"Ano nga ulit ang ita-tanong mo, uhm..."

 

Ngum

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong