Hindi kami mabubura
Proustian"Alam mo ba paano kami nagkakilala ng mommy ni Seulgi?" tanong ng daddy ni Seul sa akin nung he was able to finally calm down.
Nasa labas kami ng hospital, sa may garden.
"Opo, nakuwento po niya sa akin - himas rehas daw po kayo nun e," I said.
"Haha. Pero not in that way like your generation meant it - hindi ako some predator. Nasa kulungan ako nun kasi I was arrested for going just 5 minutes beyond the curfew sa Manila, martial law nun. Galing kasi ako sa eskuwelahan at nahirapan ako sumakay pauwi. Dinampot ako ng mga pulis tapos kinulong. Pero ang disconcerting dun, they were asking me then kung kasapi ba daw ako ng NPA, sino pa iba kong mga kasama, ilabas ko na daw mga communist propaganda materials na meron ako."
"Ang weird nun, Jennie, kasi ako na yata ang pinaka-pasibong bata na nakilala ko at that time. Wala akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko."
'I honestly thought they will keep me longer behind bars over accusations that I'm a member of the NPA. Pero biglang may dumating na mga kakilala ko from the university - sila yung nag-facilitate ng release ko. Mga volunteers, pero mostly law students. 'Yung mom lang ni Seul ang isa sa mga naiba, educ student siya nun. Nung na-release na ko ng mga pulis, tinanong ko siya, bakit ka nag-vo-volunteer rin?"
"Sabi niya sa akin: ang isang guro ay hindi lang dapat confined sa 1,2, 3 at A, B, C ang tinuturo sa mga estudyante. Hindi lang pinapa-memorize ng mga kung anu-ano. Ang guro ay dapat naituturo rin sa kanilang mga estudyante ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga karapatan."
"When I heard that Jen, you know what I realized?"
"Ano po tito?"
"I realized two things: dapat lahat ng Pilipino matutuhan ano mga karapatan nila and the girl who taught me this? She's the girl I'm going to marry."
Kitang-kita ni Jennie yung pagmamahal sa mga mata ng daddy ni Seulgi.
Pero it was clouded with disappointment too.
"Kaya nga nun
Comments