My Guardian Angel Finale

Sooyoung & Yoona Oneshot

 

Continuation..

 

 

(Background Music: Baby Don't Cry by EXO-K)

 

 

Say no more (baby) no more (don't cry)

 

Pinark ni Sooyoung ang kotse niya sa labas ng bahay ng Mr. Choi. Wala siyang paki-alam kung nakapark ng maayos ang kotse niya basta agad siyang lumabas sa kotse niya. Kahit na may kinikimkim na galit siya para sa kanyang ama ay nilunok niya muna ang kanyang pride tsaka nagdoorbell ngunit walang sumasagot kaya nagdoorbell ulit siya. Pero wala parin sumasagot.

 

Jebal mangseorijineun marajwo mulgeopumi doel geu challa

 

"Dad! Buksan mo ang pinto!" sigaw ni Sooyoung habang kumakatok sa pintuan.

 

Say no more (baby) no more (don't cry)

 

"Dad please!" kumatok ulit si Sooyoung sa pintuan ngunit wala paring lumalabas. Siguro nga tulog na ito kaya naisipan niyang umalis nalang. Habang naglalakad siya patungo sa kotse niya ay biglang bumukas ang ilaw tsaka nagpakita ang kanyang ama sa screen malapit sa doorbell. "Dad, tulongan mo ako." nakakunot lang ang noo ni Mr. Choi habang nakatingin sa screen. Hindi niya inaakala na isang araw lalapit si Sooyoung sa kanya pagkatapos ng matindi nilang tampohan. Agad binuksan ni Mr. Choi ang Gate gamit ang remote control.

 

Nunbusin sarameuro nameul su itge charari geu kallo nal taewojwo

 

"Ano ba ang nangyayari, Soo?" tanong ni Mr. Choi.

 

"Yung girlfriend ko.. Si Yoona. Meron siyang—" tumigil muna si Sooyoung sa pagsasalita para punasan luha niya. "May leukemia siya.. Gusto ko puntahan mo siya at gamutin mo siya. Ngayon din." utos ni Sooyoung habang humahagulgol.

 

"Sooyoung.. Kumalma ka muna." hinawakan ni Mr. Choi kamay ni Sooyoung agad naman itong iwinaksi ni Sooyoung.

 

Ne nun soge gadeuk cha oreuneun dalbit..

 

"Ano ba?! Matutulongan mo ba ako o hindi?!" sigaw ni Sooyoung.

 

"Hindi ko alam kaso niya. Hindi ko alam history ng sakit niya. Kailangan ko pang kausapin yung doctor niya. Isa pa, cardiologist ako." nasaktan si Mr. Choi nang makita niya ang lungkot sa mukha ni Sooyoung.

 

Sori eobsi gotong soge heulleo neomchineun i bam..

 

"Okay, dibale nalang.." hindi na niya hinintay sumagot agad siyang nagwalk-out. Pumasok siya sa kotse niya at padabog niyang sinara ang pintuan. Lalo pang lumakas ang paghagulgol niya nang makita niya larawan nila ni Yoona sa wallpaper ng kanyang cellphone. Sa totoo lang ay naiinis siya sa mundo dahil wala siyang magawa para tulongan ang babaeng pinakamamahal niya.

 

Baby don’t cry tonight eodumi geochigo namyeon
Baby don’t cry tonight eobseotdeon iri doel geoya
Mulgeopumi doeneun geoseun nega aniya kkeutnae mollaya haetdeon
So baby don’t cry cry nae sarangi neol jikil teni
Ireun haessari noga naerinda
Neoreul darmeun nunbusimi naerinda
Gireul irheun nae nuneun ijeya cry cry cry

 

 

...

 

 

Sa bahay ng mga Im..

 

Pumasok si Sooyoung sa bakuran ng mga Im na may bitbit na mga bulaklak. Punong-puno na ng mga bulaklak ang bakuran nila. Nang matapos ay aalis na sana siya ng dumating si Mr. Im na may kasamang babae na parang kasamahan niya sa kanilang Church.

 

"Masaya din ako makita ka mul. Walang anuman. Mag ingat ka pauwi." nakangiting wika ni Mr. Im sa babae maya-maya umalis ang babae tsaka pumasok si Mr. Im sa kanilang bahay at nagulat siya ng makita ang kanilang bakuran na punong-puno ng bulaklak.

 

"Choi Sooyoung.." kumunot ang noo ni Mr. Im.

 

"Pakisabi nalang po kay Yoona na dumaan ako." seryosong tugon ni Sooyoung tsaka umalis.

 

 

Sa bahay ng mga Choi..

 

Nasa garahe lang si Sooyoung at abala siya sa pagpalit ng gulong ng kanyang kotse hindi niya napansin ang presensya ni Yoona dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa hawak niyang spanner. Nang matapos ay tumayo siya para kunin ang reseba niyang gulong at tsaka niya lang napansin ang presensya ni Yoona. Napabuntong-hininga si Sooyoung habang naglalakad patungo sa direksyon ni Yoona.

 

"I'm sorry, dapat sinabihan kita kaagad." hinawakan ni Yoona ang kanyang kamay.

 

"Hindi. Okay lang." kinagat niya ang kanyang ibabang labi dahil ayaw nitong tumigil sa panginginig. "Namiss kita."

 

Hindi sumagot si Yoona. Pumikit lang siya at dinikit ang kanyang noo sa noo ni Sooyoung. "Namiss rin kita, Soo." tumingkayad siya tsaka niyakap niya si Sooyoung. "Natatakot ako mahiwalay sa iyo."

 

"Baby, hindi mangyayari yun." hinawakan ni Sooyoung ang magkabilang pisngi ni Yoona habang nakatitig sa mga maganda nitong mata. "Nandito lang ako palagi. Pangako."

 

 

...

 

 

"Eomma.." niyakap ni Sooyoung si Mrs. Choi mula sa likod habang may kung ano naman itong binabasa sa laptop niya. Tumingala si Mrs. Choi tsaka niyakap rin ito.

 

"Hmm..? Anong kailangan mo anak?" tanong ni Mrs. Choi habang sinasara ang kanyang laptop.

 

"Eomma, pwede mu ba ako turuan sumayaw?" nahihiyang wika ni Sooyoung habang kinakamot batok niya habang si Mrs. Choi naman ay nag ay nakatitig lang sa kanya tsaka unti-unting ngumiti. "H.. Hindi ako marunong sumayaw. Palagi ko natatapakan si Yoona kaya sige na..."

 

"Sure, bakit naman ako tatanggi?" nakangiti paring wika ni Mrs. Choi. Sa totoo lang masaya siya para sa anak niya. Alam niya na mahal na mahal niya talaga si Yoona.

 

(Background Music: Illa Illa by Juniel)

 

"Sorry, eomma!" paghingi ng tawad ni Sooyoung habang nakatingin siya sa kanyang mga paa. Ito na ang pangatlong beses na natapakan niya ang paa ni Mrs. Choi.

 

"Soo, dapat pag sumasayaw kayo tingnan mo siya sa mata." inangat ni Mrs. Choi ang mukha ni Sooyoung nang tingnan siya nito ay ngumiti siya.

 

When the warm and scented wind passes by my cheeks..
I think of your face that i used to love..

 

"Pero ang hirap, eomma." ani ni Sooyoung habang pinipigilan ang sarili niya tumingin sa mga paa niya maya-maya natapakan niya ulit si Mrs. Choi. "Sorry ulit."

 

"Ganito lang yan, anak." nakangiting wika ni Mrs. Choi.

 

Oh, when the wild, unknown flowers bloom hidden on the streets..
I think of you, whom i hide away in my memories..

 

Parehong nakangiti si Sooyoung at Yoona habang nakatitig sa mata ng isa't-isa. Inikot niya si Yoona. Kasulukuyan nagsasayaw sila at ito ang pinaka-cheesy na nagawa niya sa buong buhay niya. Ramdam niya pareho ang tibok ng puso ng isa't-isa. Nang mapagod si Yoona ay isinandal niya ang kanyang ulo sa dibdib ni Sooyoung.

 

My baby illa illa illa, baby illa illa illa, baby illa illa illa..
Never forget love..

 

Lumabas na ang araw nang magising si Sooyoung, napangiti siya ng makita niya na natutulog parin si Yoona habang nakasandal ang kanyang ulo sa balikat niya. Nakaupo sila sa bench sa balcony ng bahay ng mga Im. Napansin ni Sooyoung na nakalaylay ang sweater at kitang-kita na ang balikat ni Yoona kaya inayos niya ito tsaka hinalikan si Yoona sa noo.

 

Because first love is beautiful, a first love is a flower..
Blooming widely when spring comes – dazzling like a flower..
Like a young child, a first love is inexperienced..
Because you can’t unconditionally give and take love..

Illa illa illa, illa illa illa, illa illa illa,
My love, good-bye..

 

"I love you, Yoong."  bulong ni Sooyoung habang hinahawi buhok ni Yoona.

 

 

...

 

 

Sa bahay ng mga Choi..

 

Ipinark ni Yuri ang kanyang kotse sa labas ng bahay ni Sooyoung. Napadaan lang siya sa bahay nito ng makita niya si Sooyoung na may nilalagay na kung ano sa compartment ng kotse niya. Dahan-dahan niya ito nilapitan at agad naman siya napansin ni Sooyoung. Nagdilim ang ekspresyon ni Sooyoung at napahawak nalang sa kanyang bewang ng makita niya si Yuri tila tinatanong niya kung ano ginagawa niya rito.

 

"Erm.. Nakausap ko si Taeng." nahihiyang wika ni Yuri.

 

"Yun lang ba? Makakaalis ka na." papasok na sana si Sooyoung sa bahay nila para kunin ang toolbox sa bahay niya nang pigilan siya ni Yuri.

 

"Soo, gusto ko lang magsorry." agad niyang sabi. "Nalaman ko ang nangyari kay Yoona. Sana mapatawad mo ko at sana patawarin rin ako ni Yoona."

 

Nang makita ni Sooyoung ang namumuong luha sa mga mata ni Yuri ay nilapitan niya ito tsaka niyakap. "Sorry din, Yul." hindi na muli sumagot si Yuri ngunit narinig niya paghagulgol nito. "Hoy, sira. Pwede wag ka na umiiyak. Ang pangit mo umiyak." natatawang wika ni Sooyoung tsaka tumawa rin si Yuri.

 

"Sh*tAng drama ko." pinunasan ni Yuri ang kanyang luha. "Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Yuri habang inooffer niya ito makipag handshake.

 

"Yep sure." nakangiting wika ni Sooyoung tsaka tinanggap ang kamay nito at naghandshake silang dalawa.

 

 

...

 

 

Sa bahay ng mga Im..

 

Natutulog ng mahimbing si Yoona habang si Sooyoung naman sa labas ay abala sa pagpukpok ng kahoy balak niya sana gumawa ng Hammock. Ngunit nagising si Yoona dahil sa ingay. (Author: LMAO .. Stupid Sooyoung ~!) Dahan-dahan naglakad si Yoona patungo sa bintana para tingnan ito kung saan nang galing ang ingay at nakita niya sa labas si Sooyoung sinusukat ang Hammock Lounger na hawak niya tsaka naglilista ito. Pumasok si Mr. Im sa kwarto ni Yoona.

 

"Ano ba ginagawa ni Choi Sooyoung sa labas?" tanong ni Mr. Im habang nakatingin rin sa bintana ngunit hindi sumasagot si Yoona at namumutla ito.

 

"Yoon, okay ka lang?" tanong ulit ni Mr. Im habang hinahawakan ang noo ni Yoona ngunit hindi nanaman sumasagot si Yoona kaya lalo siya nagalala. Maya-maya ay nagcollapse at mabuti naman ay nasalo siya ni Mr. Im bago siya bumagsak sa sahig. "Yoon?" tinapik-tapik ni Mr. Im ang pisngi ni Yoona.

 

 

Sa Kyunghee Medical Center..

 

Nakaupo si Sooyoung sa tabi ng hospital bed kung saan natutulog si Yoona, hawak-hawak niya ang kanyang kamay. Nakita niya si Mr. Im sa hallway may kinakausap na Doctor. Maya-maya ay may pumasok na nurse may kung ano itong sinusulat sa clipboard niya tsaka umalis din. Hinalikan ni Sooyoung ang kamay ni Yoona habang pinagmamasdan niya ito natutulog. Napatingin siya sa beeping monitor mula sa di kalayuan tsaka bumuntong hinga. Pumasok si Mr. Im at nakita niya si Sooyoung na nilalabanan ang kanyang antok. Hinawakan ni Mr. Im si Sooyoung sa balikat at ng tingnan siya nito ay ngumiti siya.

 

"Sooyoung, umuwi ka muna." inalis ni Mr. Im ang kamay niya sa balikat ni Sooyoung.

 

"Hindi ako pagod." agad niyang sagot.

 

"Gusto ko rin siya makasama, Sooyoung." seryosong wika ni Mr. Im. Sa totoo lang alam niya na ayaw ni Yoona umalis si Sooyoung, alam niyang kailangan siya ni Yoona ngayon ngunit ayaw niya na isugal ni Sooyoung ang kanyang pagtulog para lang bantayan si Yoona baka magkasakit din ito. Pinanuod ni Mr. Im si Sooyoung. Tumayo ito tsaka yumuko para halikan ang noo ni Yoona.

 

"Babalik ako, Yoong." hinalikan niya muli ang kamay nito sa huling pagkakataon bago umalis. "Sige, Sir." yumuko si Sooyoung bilang pag galang tsaka umalis.

 

Umupo si Mr. Im sa upuan kung saan nakaupo kanina si Sooyoung tsaka hinawakan ang kamay ni Yoona. Maya-maya ay nagising si Yoona agad tumakbo palabas ng kwarto si Mr. Im para tawagin si Sooyoung ngunit huli na ang lahat wala na ito sa hallway. Gusto niya ito habulin sa labas ngunit walang maiiwan sa kwarto para magbantay kay Yoona.

 

"A.. Appa.. Si Sooyoung?" tanong ni Yoona habang palinga-linga.

 

"Pinauwi ko muna para makatulog." sagot ni Mr. Im tsaka umupo ulit sa tabi nito.

 

"Ahh.." malungkot na wika ni Yoona tsaka sinalubong muli tingin ni Mr. Im. "Appa, ayaw mo ba talaga kay Sooyoung?"

 

"Noong una, ayuko sa kanya dahil palagi ka niyang niloloko at pinapaiyak. Masisisi mo ba ako?" sagot ni Mr. Im habang tumatawa ng marahan. "Sa totoo lang, Yoon. Akala ko infatuation lang ang nararamdaman niya sa iyo noong una pero simula nung nakita ko ang pagbabago niya doon lang ako naniwala."

 

"Tama nga sila, masakit para sa isang ama pag nakita mong malaki na ang kanyang anak at isang araw iiwan mo ako para bumuo ng sarili mong pamilya." malungkot na wika ni Mr. Im. "Sa totoo lang anak. Masaya ako para sa inyong dalawa ni Sooyoung pero at the same time natatakot ako." niyakap ni Yoona ang kanyang ama.

 

"Parang kailan lang five years old ka pa. Galit na galit ka sa gravity dahil gusto mong tumalon sa bubong at lumipad." natatawang wika ni Mr. Im tsaka pinakita rin ni Yoona ang kanyang alligator laugh.

 

"Tapos galit na galit ako sa iyo dahil pinababa mo ako." dagdag ni Yoona habang tumatawa ngunit tumigil siya nang makita niya maging seryoso ekspresyon sa mukha ni Mr. Im.

 

"Simula nung namatay yung Eomma mo ay hindi ko na muli binuksan ang aking puso." seryosong wika ni Mr. Im. "Nalulungkot ako sa tuwing nakikita kita dahil kamukhang kamukha mo ang iyong Eomma." namuo ang luha sa mga mata ni Mr. Im.

 

"I love you, appa." pinunasan ni Yoona ang mga luha ni Mr. Im.

 

 

...

 

 

Sa bahay ng mga Choi..

 

Nakaupo lang si Sooyoung sa couch nakatingin sa TV screen ngunit wala naman siyang pakialam sa palabas. Pakiramdam ni Jessica ang bigat ng kanyang paa nang humakbang siya palapit kay Sooyoung.

 

"Soo.." pagtawag ni Jessica.

 

"Sica.." ngumiti si Sooyoung. Sa totoo lang sa lahat ng kaibigan niya kay Jessica siya hindi masyado galit.

 

"Gusto ko lang ibigay sa iyo ito." inabot ni Jessica ang dala niyang mga pictures tsaka kinuha naman ito ni Sooyoung. "Ito yung sa play niyo."

 

"Sorry nga pala sa tungkol sa fliers.." malungkot na wika ni Jessica.

 

"Wala. Okay lang yun." ngumiti ulit si Sooyoung.

 

"Sa tingin ko, Soo. Nahanap mo na Soulmate mo." ngumiti rin si Jessica kay Sooyoung. "At siya pa ang pumili sa iyo."

 

"Hindi ko rin alam kung bakit niya ako napili." lalong lumuwag ang ngiti ni Sooyoung habang pinaguusapan si Yoona ngunit nagulat siya ng makitang umiiyak si Jessica.

 

"Ako, alam ko kung bakit." tatanungin niya sana ulit si Jessica nang maunahan siya nito. "Nevermind.." hinalikan ni Jessica si Sooyoung sa pisngi tsaka agad na umalis. Nagkibit-balikat nalang si Sooyoung tsaka tiningnan ang mga larawan.

 

 

Sa Kyunghee Medical Center..

 

Alas syete na ng gabi ng muling magising si Yoona, agad niyang nakita si Sooyoung sa may bintana at may kung ano itong sinasabit sa bintana. Napangiti si Yoona ng makita ang mga larawan nilang dalawa ni Sooyoung na nakasabit sa pink balloons tsaka marami rin bulaklak. Nang lumingon si Sooyoung sa kanya ay nagkangitian silang dalawa. Bumaba si Sooyoung sa silya tsaka lumapit kay Yoona para halikan ang noo at labi nito.

 

"Kamusta pakiramdam mo, Yoong?" tanong ni Sooyoung habang nakangiti.

 

"Okay lang naman, ikaw, kamusta ka?" tanong ni Yoona. Umupo si Sooyoung sa kama bago sumagot.

 

"Okay na rin, nakita ko na ang iyong magandang ngiti eh." ngumiti si Sooyoung tsaka hinalikan muli ang labi ng dalaga.

 

"May ibibigay nga pala ako sa iyo." ngumiti si Yoona habang nakahawak sa pisngi ni Sooyoung. May kung anong kinuha si Yoona sa ilalim ng bedsheet ng makuha ito ay agad niya inabot kay Sooyoung. "Wag kang magalala hindi yan bible." ngumiti si Yoona dahil sa reaction ni Yoona ngunit nanatili lang nakatulala si Sooyoung. "Tanggapin mo na please.." humiga muna si Sooyoung sa kama tsaka tinanggap ang libro.

 

"Okay, basahin ko ito." pinisil ni Sooyoung ang ilong ni Yoona. Sumandal si Yoona sa dibdib ni Sooyoung tsaka niyakap ang bewang nito. Napangiti si Sooyoung dahil ang cute ng penmanship nito parang penmanship ng isang bata. "5 years old pa lang ako ng maulila ako sa ina. Namatay siya dahil sa Leukemia at isang taon akong hindi pinansin ni Appa."  napakunot ang noo ni Sooyoung habang binabasa ang diary ni Yoona.

 

"Soo, wag mo muna basahin yan." nahihiyang wika ni Yoona habang sinusubukan ng kunin ang libro.

 

"Ehh, bakit?" tanong ni Sooyoung habang tinataas ang libro.

 

"Nakakahiya." naginit ang magkabilang pisngi ni Yoona.

 

"Pero binigay mo na sa akin ito." hindi na muling sumagot si Yoona nakapout lang ito na parang bata. Hinalikan niya ang noo nito bago magsalita. "Araso.." nagpatuloy sa pagbabasa si Sooyoung at maya-maya nakatulog si Yoona. Hinawakan niya ang kamay nito habang nagbabasa. Maya-maya nakaramdam ng antok si Sooyoung.

 

Alas sais na ng umaga ng magising si Sooyoung nagulat siya ng hindi na niya makita ang mga balloons at flowers na dinecorate niya kahapon. Napangiti siya ng makita niya si Yoona hindi na nakasuot ng hospital gown. Kinusot ni Sooyoung ang kanyang mga mata habang nakangiti. Maya-maya may na lalaking nurse na may tulak-tulak na wheelchair at bigla nitong binuhat si Yoona at pinaupo sa wheelchair.

 

"Yah lalaking malaking tenga! Saan mo dadalhin si Yoona?" tanong ni Sooyoung habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kwelyo nito.

 

"A.. A.. Ako si Nurse Park Chanyeol." nauutal nitong sagot. "Pinapadischarge na Miss Im ni Doctor Han." 

 

"Soo, uuwi na ako sa bahay dahil ipapaprivate home care ako ng daddy mo." pingilan ni Yoona si Sooyoung at agad naman niya binatawan ang kwelyo ng nurse. Nakita ni Sooyoung si Mr. Choi sa hallway kausap si Mr. Im.

 

"Magsabi ka kasi! Hindi yung basta-basta mo nalang bubuhatin si Yoona." sigaw ni Sooyoung sa nurse.

 

"Sorry po. Hindi na po mauulit." yumuko ng ilang beses ang nurse bago umalis habang tulak-tulak si Yoona. Lumapit si Sooyoung kay Mr. Im at Mr. Choi. Nang makita siya ni Mr. Im ay nagpaalam siya kay Mr. Choi umalis para makapagusap silang mag ama.

 

"I'm sorry, appa." naiiyak na wika ni Sooyoung tsaka niyakap ito.

 

"Okay lang yun anak. Wag ka ng umiyak." hinagod-hagod ni Mr. Choi ang likod ni Sooyoung. Masayang-masaya siya dahil ok na silang dalawa ng kanyang anak.

 

 

...

 

 

(Background Music: Don't Go by EXO-K)

 

 

Sa bahay ng mga Im..

 

Hawak-hawak ni Sooyoung kanyang kamay habang naglalakad sila patungo sa Balcony. Nagtataka si Yoona sa kinikilos ni Sooyoung. Simula nung dumating ito ay hindi ito masyado nagsasalita, tahimik lang ito parang may iniisip. Napangiti si Yoona nang mapansin kung gaano ka dami ang stars sa langit ngunit nalungkot ulit siya dahil hindi siya kinakausap ni Sooyoung. Hindi niya maiwasang isipin na makikipagbreak na sa kanya si Sooyoung.

 

Jogeuman nalgaetjit neol hyanghan ikkeullim naege ttaraora sonjitan geot gataseo..

Aejeolhan nunbitgwa mueonui iyagi gaseume hoeoriga morachideon geunal bam..

 

"Yoona, mahal mo ba ako?" tanong ni Sooyoung habang may kung anong kinukuha sa kanyang bulsa.

 

 Omyohan geudaeui moseube neogseul noko hanappunin yeonghoneul ppaetgigo..

Geudaeui momjise wanjeonhi chwihaeseo sum swineun geotjocha ijeobeorin nainde..

 

"Tinatanong pa ba dapat yan?" agad na sagot ni Yoona habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ni Sooyoung. "Syempre, mahal na mahal kita, Sooyoung."

 

Walcheucheoreom sappunhi anja nuneul ttel su eobseo siseoni jayeonseure georeummada neol ttaragajanha..

 

"Kung ganun, pwede bang humingi ng pabor?" tanong ni Sooyoung.

 

"Sure. Ano ba yun, Soo?" kaagad na tanong ni Yoona.

 

Nal annaehaejwo..

Yeah geudaega salgo inneun gose nado hamkke deryeoga..

Oh, sesangui kkeuchirado dwittaragal teni..

Budi nae siyaeseo beoseonaji marajwo achimi wado sarajiji marajwo..

 

"Yoong, will you marry me?" tanong ni Sooyoung tsaka lumuhod.

 

 Oh.. Kkumeul kkuneun georeum geudaen namanui areumdaun nabi.. (nabi nabi)

 

"Soo, pakakasalan mo parin ba ako kahit alam mong mamatay rin ako." tanong ni Yoona habang pinupunasan ang kanyang luha.

 

Oh.. woo-hoo-hoo.. oh yeah yea.. woo-hoo-hoo.. yeah.. woo-hoo-hoo..

 

"Yoong wala na akong paki-alam. Basta alam ko gusto kitang makasama kahit sa kunting panahon lang." hinawakan ni Sooyoung ang kanyang kamay. "Say yes, please?" nagsimulang tumulo ang luha ni Yoona. Tinanggap ni Yoona ang singsing sa kanyang ring finger tsaka hinalikan ito sa labi. Nagsimulang magputukan ang mga fireworks na hugis puso. Pareho silang nakangiti habang pinapanuod ang fireworks. Nagthumbs up siya ng makita niya si Taeyeon, Yuri at Hyoyeon na nagtatago malaking punuan. Bumulong siya ng 'Thank You' agad naman silang nagthumbs up.

 

Eodiseo wanneunji eodiro ganeunji chinjeolhi yeogikkaji majungeul wajun neo..
Gapareun oreumak kkakkajin jeolbyeokdo geokjeongma mueotdo duryeoul geosi eobseuni..

Neoneun ppomnae uahan jatae..
O! Nan myeot beonigo banhago..
Sarangeun ireoke nado moreuge..
Yegodo eobsi bulsie chajawa..
Walcheucheoreom sappunhi anja nuneul ttel su eobseo siseoni jayeonseure georeummada neol ttaragajanha oh no..

Nal annaehaejwo..
Yeah geudaega salgo inneun gose nado hamkke deryeogajwo..
Oh, sesangui kkeuchirado dwittaragal teni..
Budi nae siyaeseo beoseonaji marajwo achimi wado sarajiji marajwo oh..
Kkumeul kkuneun georeum geudaen namanui areumdaun nabi..

 

Mag ka linked arm-in-arm si Mr. Im at Yoona habang naglalakad sa aisle, lahat ng tao nakatingin sa kanya.

 

Natseon goseul hemaenda haedo..

Gireul irheobeorindaedo..

 

Natulala si Sooyoung nang makita siya nito pero dahan-dahan napalitan ng ngiti kanyang ekspresyon. Tiningnan ni Yoona si Jessica na kasulukuyan nakaupo sa tabi ni Yuri, Taeyeon, Tiffany at Hyoyeon. Ngumiti si jessica kay Yoona habang hawak-hawak ang kamay ni Yuri at agad niya itong ginantihan ng ngiti.

 

Nuguboda soljikhan..

Naui mameul ttareulgeoya..

 

Tiningnan niya si Sooyoung at nagkangitian silang dalawa. Nang makarating si Yoona at Mr. Im sa kinatatayuan ni Sooyoung agad yumuko si Sooyoung sa harap ni Mr. Im bago hinawakan ang kamay ni Yoona at nagsimula ng magbasa si Mr. Im.

 

"I love you, Yoong.." bulong ni Sooyoung.

 

Joyonghi nune ttuineun momjit..

Ganghago budeureoun nunbit..

 

"I love you too, Soo." bulong rin ni Yoona.

 

Geobuhal su eomneun nanikka..

Yeah..

 

"Love is never boastful nor conceited."

 

"It is never rude or selfish. It does not take offense and it is not resentful."

 

Nal deryeogajwo..

 

"Love takes no pleasure in other people's sins, but delights in the truth."

 

"It is always ready to excuse. To trust. To hope. And to endure whatever comes."

 

Yeah geudaega salgo inneun gose nado hamkke deryeogajwo..

 

"I remember once how I told you I did not believe in soul mates. I will never forget your reaction. Shocked and a little hurt that I did not think we were." hinawakan ni Sooyoung ang kamay ni Yoona tsaka ngumiti. "But as time went by, your love made me believe." dahan pinasok ni Sooyoung ang singsing sa ring finger ni Yoona habang nakatingin sa mga mata nito. “On this day.. I give you my heart, my promise, that I will walk with you, hand in hand, wherever our journey leads us, living, learning, loving, together, forever." napalitan ang kanyang ngiti ng pagalala ng makita niyang namumutla si Yoona.

 

Yeah geudaega salgo inneun gose nado hamkke deryeogajwo

 

“I see these vows not as promises but as privileges: I get to laugh with you and cry with you; care for you and share with you. I get to run with you and walk with you; build with you and live with you." pinilit ni Yoona ngumiti ni Yoona habang sinasabi ang wedding vows niya kay Sooyoung. Nanginginig siya habang sinusuot ang singsing sa kamay ni Sooyoung agad naman itong napansin ni Sooyoung at bumulong ito kung okay lang ba siya tumango lang siya bilang sagot.. Sa totoo lang nahihilo na siya at sumasakit ulo niya kanina pa. "On this day which we chose to consecrate our commitment; I wish to express my reasons I wish to be with you, and promises I will uphold. I respect you in so many ways; I have learned from your example about work and dedication to integrity in all aspects of your life, yo—" bago niya matapos ang kanyang wedding vows ay hindi na niya nakayanan nagdilim ang kanyang paningin.

 

Oh, sesangui kkeuchirado ttaragalge oh no..
Nae siyaeseo beoseonaji marajwo achimi wado sarajiji marajwo oh..
Jogeumahan sonjit naui gaseumen hoeoriga chinda..

 

"Yoona!" sigaw ni Sooyoung.

 

Woo-hoo-hoo, woo-hoo-hoo, woo-hoo-hoo..

 

 

...

 

 

3 years later..

 

"Soo, kamusta ka na?" tanong ni Mr. Im habang nililinis ang picture ni Yoona.

 

"Dad, sa wakas registered doctor na ako.." ngumiti si Sooyoung tsaka hinubad ang suot niyang shades tsaka nilagay ang dala niyang bulaklak sa tabi ng picture frame ni Yoona. Kinuha niya ang picture frame ni Yoona tsaka hinalikan ito.

 

"Sinabihan ako ng mama mo. Proud ako para sa iyo, Soo. Kung nandito lang si Yoona alam ko magiging proud din siya para sa iyo." nakangiting wika ni Mr. Im. Nalungkot si Sooyoung nang banggitin ni Mr. Im si Yoona. "Sorry."

 

"Nah, okay lang dad."ngumiti si Sooyoung kay Mr. Choi maya-maya niyakap niya ito. Niyakap din siya ni Mr. Im ng napakahigpit.

 

 

"Paano ba yan, Soo... Mauna na ako.." ngumiti si Mr. Im.

 

"Okay, dad." ngumiti si Sooyoung kay Mr. Im at niyakap ulit ito sa huling pagkakataon. bago umalis si Mr. Im. Nang makaalis si Mr. Im ay lumuhod si Sooyoung sa harap ng cremation urn cabinet. Nagsimula tumulo ang kanyang luha. Mabuti nalang ay walang tao ng mga oras na yun dahil alas dyes pa lang ng umaga. "Yoong, kamusta ka na?" tanong niya habang nakatingin sa larawan ni Yoona. "Sorry, kung ngayon lang kita nabisita."

 

"Namimiss na kita, Yoong." pinunasan ni Sooyoung ang kanyang luha at may kung ano itong kinukuha mula sa bag niya. Nang mahanap niya ito agad niya binuksan ang glassdoor. at nilagay niya ang kanyang diploma sa loob. "Nakatapos na rin ako sa wakas, Yoong. At ngayon is na talaga akong doctor." Kung sana nandito ka pa ako sana gagamot sa iyo." ngumiti si Sooyoung habang pinupunasan ang mga luha niya. "Ikaw ang aking Guardian Angel, Yoong. Salamat dinala mo ako sa tamang landas." kinuha niya ang urn tsaka niyakap ito ng napakahigpit. "Miss na miss na kita. Hintayin mo ako dyan."

 

Humagulgol si Sooyoung ng napakalakas lingid sa kaalaman niya nasa likod niya si Yoona nakayakap sa kanya. Nagulat siya ng biglang mag ring ang kanyang cellphone. "Yeoboseyo?"

 

"Doctor Choi, kailangan ka namin sa hospital ngayon." utos ni Doctor Han.

 

"Araso, on the way na ako."

 

 

...

 

 

Alas syete na ng umaga ng magising si Sooyoung agad tumambad sa kanya ang mga nurse na nasa loob ng silid kung saan siya natutulog. Palinga-linga siya at napagtanto niya na nasa hospital pala siya. Nasa ER(Emergency Room) siya. Nagulat siya ng mapansin na iba na ang kanyang suot, nakahospital gown siya ngayon. Nakita niya isang lalaking pasyente duguan ito ginagamot ng mga nurse. Tumayo siya para tulongan ang mga ito ngunit tumagos siya sa babaeng nurse.

 

"What the..?? Wag mong sabihin..."

 

"Soo!" sigaw ng isang babae na napakapamilyar ang boses. Tumakbo siya ng upang salubungin si Sooyoung tsaka niyakap ito.

 

".. Y-Yoona?" nakatulalang wika ni Sooyoung. ".. Y-Yoong?"

 

Niluwagan niya ang kanyang pagkakayakap kay Sooyoung tsaka inangat ang kanyang ulo. "Neh?" nakangiting wika ni Yoona. "Hindi mo ba ako namiss?" tanong ni Yoona habang nakasimangot.

 

"No, namiss kita. Sobra!" niyakap muling ni Sooyoung si Yoona. "I love you, wag mo na ako iiwan muli, Yoong." dagdag ni Sooyoung habang humahagulgol.

 

"Hindi na mauulit yun, Soo. Magsasama na tayo habang buhay." pinunasan ni Yoona ang kanyang luha at tumingkayad tsaka hinalikan ang labi ni Sooyoung. "I'm sorry.."

 

"Sorry? Para saan, Yoong?" hinawakan ni Sooyoung kanyang kamay tsaka hinalikan ang daliri ni Yoona.

 

"Dahil iniwan kita kaagad." dinikit nila ang noo nila sa isa't-isa. 

 

"Okay lang, Yoong. Basta ngayon, magkasama na tayo ulit." nakangiting wika ni Sooyoung tsaka gumanti rin ng ngiti si Yoona. "Teka, Yoong. Patay na ba ako?" hindi sumagot si Yoona, naglakad lang si Yoona hindi nagdalawang isip si Sooyoung na sundan ito. Nang mapadpad sila sa Chapel nakita niya ang kanyang ina na umiiyak habang nakaupo sa pew, agad niya itong nilapitan.

 

"Eomma.." sinubukan ni Sooyoung na tawagin ito ngunit wala itong naririnig. "Sorry, ma. Mamimiss kita.." niyakap ni Sooyoung si Mrs. Choi tsaka hinalikan ito sa labi. Niyakap ni Mrs. Choi ang kanyang sarili ng bigla siyang lamigin. Maya-maya naman ay lumapit siya kay Mr. Im at niyakap niya ito. "Mahal kita appa."

 

"Tara na, Soo?" inilahad ni Yoona ang kanyang kamay kay Sooyoung.

 

"Wait." niyakap niya ulit ang kanyang mga magulang sa huling pagkakataon tsa humarap kay Yoona.  "Okay. Tara, Yoong." hinawakan ni Sooyoung ang kanyang kamay tsaka hinila si Yoona papunta sa kanya at niyakap niya ito. "Tara na, Mrs. Choi." nakangisi niyang wika.

 

 

...

 

 

(Background Music: I by Taeyeon)

 

 

Ring~!

 

Hinanap ni Sooyoung ang kanyang cellphone habang nakatingin sa daan.

 

Ijeodeon kkum, nae mam tto geuryeonae..
Umcheuryeodeon sigan modu moa da samkyeonae..

 

Ring~!

 

"Wait lang.." patuloy parin sa paghahanap ng kanyang phone. Maya-maya ay nahawakan niya at agad niya itong sinagot. "Hello, Doctor Han?"

 

Jageun gieok hana dulssik nal kkaewoga..
Sesang gadeuk chaeul mankeum nareul pyeolchyeoga..

 

"Doctor Choi, nasaan ka na ba?!" tanong ni Doctor Han.

 

"On the way na po ako, Doctor Han." nang mag Go na ang Traffic Light ay agad niyang tinapakan ang accelerator hindi niya napansin na may paparating na bus at bumangga ito sa kotse niya.

 

Gilgo gin bameul jina..
Dasi trip gireul tteonabollae..

 

"Doctor Choi, ano ang nangyayari dyan?" sigaw ni Doctor Han sa kabilang linya.

 

"Choi Sooyoung, sumagot ka!" 

 

Why not? I sesange..
Nae mameul kkaewo juneun hanmadi..

 

"Namimiss na kita, Yoong." bulong ni Sooyoung bago nawalan ng malay.

 

 

Honjayeodeon yesterday,
Sel su eopsneun siseone..
Tteoreojineun nunmullo..
Harureul tto gyeondigo..
Aseulhaedeon yesterday,
Ssodajideon maldeure..
Heundeullineun nareul tto gamssago..

 

Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon..

 

Bicceul ssotneun sky..

 

Isa lang ang alam ko..

 

Geu arae seon ai..

 

Alam ko na masayang-masaya ako ngayon..

 

Kkumkkudeusi fly..

 

Dahil magkasama na kami ngayon..

 

My life is a beauty..

 

At kailanman hinding hindi na kami maghihiwala..

 

My life is a beauty..

 

Ikaw at ako.. Aking Guardian Angel..

 

Bicceul ssotneun sky..
Saerowojin eyes (saerowojin eyes)
Jeo meolliro fly (fly high, fly high)
Nan namanui beauty..

Nun gameun sungan..
Siganeun meomchwoga..
Nan dasi tteoolla..

 

 

 

The End..

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
colleenorcullo
I will publish the finale tomorrow ..

Comments

You must be logged in to comment
byunsoshi_09
#1
Chapter 4: Otorrrr~ tuloy mo na 'toooo plith~ gand na nang basa ko ehhh huhu
BOD-COD #2
Chapter 24: can you make a english version ??

i'm trying to understand but failed.
ArielleKim #3
asan yung ibang chapter? nakalagay 13 chapters? e bakit 4 lang nakalagay? -___-?
shikshinhot24
#4
Chapter 6: Daebak!!!!wohohohohoh SooNa ♡♡
Leibmjuell #5
Chapter 2: Omg mahal na po kita xD ang gondo nung I'm in love with a robot *o*
itsmecarylann
#6
99 Days With My Angel please!
nyonyo3012 #7
soona fic!! ^o^
Do you have eng.version? I don't understand tagalog... :(
shikshinhot24
#8
Chapter 2: <3 <3 <3 <3 <3 SHOOT!!!!MAH SOONA FEELS!!daebak author'ssi !!
soyung #9
Chapter 1: English version please :(
kenpetfamsys #10
Chapter 1: too bad i can't understand :'( hope that u'll have the eng ver. for these stories :((