chapter 7

ang paybtawsan o ako?
Please Subscribe to read the full chapter

minsan nang nadurog ang puso ni winter nang dahil kay karina pero nang malamang hinahanap siya ng babae ay napalitan iyon ng saya at pananabik. sa sobrang excitement agad niyang tinext si karina sa ibinigay nitong number. sa totoo lang gusto niya itong tawagan pero wala siyang lakas ng loob na kausapin si karina. hindi nga niya alam kung ano ang unang sasabihin kaya minabuti niyang mag-text na lang.


'Hi Karina, this is winter :) narinig kita sa radio program ni DJ Terry. ikaw ba talaga yun? hindi ako makapaniwala. O baka naman pinaglalaruan mo lang ako ha? anyway, here's my address...'

ibingay niya nga ang kanyang address sa bahay at sa trabaho. pagka-send ay inilagay na niya ang cellphone sa bag. maghihintay na lang siya siyang mag-reply si Karina.
hindi na namalayan ni winter ang oras at nakauwi na pala ang ibang kasamahan niya, marami kasi siyang tinatapos na paperworks. agad niyang kinuha ang cellphone sa bag.
"ay tanga! ano ka ba winter?! shunga ka talaga! lowbat na pala! bakit naman hindi ka nagsalita na empty na pala" pagkausap niya sa cellphone niya. "sana naki-text na lang ako kanina" gusto niyang batukan ang sarili.


panay ang tingin ni Karina sa orasan. may isang oras na kasi siyang nakaupo at naghihintay sa lobby ng building na yun. halos hindi siya kumurap kakabantay sa mga lumalabas sa mga elevator.
napatayo siya nang makitang iniluwa ng gitnang elevator ang babaeng kanina pa niya hinihintay.... si winter. lalong gumanda ito, lalo niyang nakita ang kagandahan at pagiging disente ng babae. kuminis lalo ang balat at lalong pang pumuti, may korte na din ang kilay na dating hindi naman pansin. napansin din niya na medyo pumayat ito, walang suot na stockings pero makinis ang mga binti.

 

sasalubungin na sana ni karina si winter pero naunahan siya ng isang babae---- si minju. kinuha nito ang bag ni winter at sabay silang lumabas ng building. naiwang tulala at bigo si karina. halos hindi makagalaw. hindi niya inaasahan na babalik si winter sa babaeng nagpaiyak dito. ang babaeng naging dahilan kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na magkakilala. naisip niyang hindi malabong mahulog ang loob ni minju kay winter at bumalik ang nararamdaman ni winter kay minju kaya magkasama silang dalawa ngayon.
malamang din na hindi natuloy ang relasyong ni minju sa babaeng kasama sa batanes kaya malaya na silang dalawa ngayon. napayuko na lang siya.

pero bakit niya pa ko minessage? bakit niya pa sinend ang address niya? gusto lang ba niya akong gantihan? kaya pala may pagka-sarcastic ang text niya. pinapunta niya lang ba ako dito para ipakita sa akin yung tungkol sa kanilang dalawa ni minju? kaya pala bigla siyang nagpatay ng cellphone... sunod sunod na tanong at conclusion ni karina sa isip niya.
mayamaya, nanlulumong lumabas ng building si karina, tinawagan niya ang mga barkada at mas gusto niya munang makalimot pansamantala kesa umuwi agad.

 

pagdating pa lang sa bahay ay agad nag-charge ng cellphone si winter para i-check kung nagreply na si karina. sobrang tuwa niya nang makitang sunod-sunod ang reply. tinext niya ito. naghintay siya ng reply pero wala. pakiramdam niya hindi siya makakatulog nang hindi nakakausap si karina kaya sinubukan niya itong tawagan. panay lang ang ring pero wala namang sumasagot hanggang sa nakaramdam siya ng pagkabigo at napagod kakatawag, minabuti na lang niyang pilitin na makatulog, iniisip niyang tulog na siguro si karina at hindi na naririnig ang cellphone, ipagpapabukas na lang niya ang pagtawag.


kinabukasan ay muling tinawagan ni winter si karina pero recording ang sumagot. hanggang sa nakarating siya sa opisina hindi pa rin niya nakakausap si karina pero syempre hindi parin siya susuko. uulit-uulitin niya ang pagtawag dahil alam niyang maaayos din ang lahat. nabuhayan na siya ng pag-asa na magkikita at magkaka-ayos sila ni karina. marami siyang iniisip na gawin para sa kanila halos hindi na matanggal ang ngiti sa mga labi ni winter.

lunch break nang makatanggap ng tawag si winter mula sa receptionists sa lobby, pagbaba niya ay may binigay sa kanya na manipis na envelope. nakita niyang naka-seal yun at may nakalagay na:


LBC Padala
To: Winter Kim
From: Karina Yu & Yeji Hwang

 

nanlaki ang mga mata niya. kinakabahan at nanginginig niyang binuksan kaagad ang envelope. 3R ang size ng mga pictures, wedding pictures... nina yeji at karina.
halos hindi siya makahinga sa halo-halong emosyong nararamdaman niya sa dibdib niya pagkakita sa mga pictures. sobrang tamis ng ngiti ni karina habang abot tenga naman ang ngiti ni yeji, nakasuot sila ng napakagandang wedding gown.
"anong ibig sabihin ng mga to?" tanong ni winter sa sarili. tulala at gulong-gulo ang isip niya at hindi na alam kung paano pa natapos ang araw na yun at kung paano siya nakauwi sa bahay nila.


titig na titig parin si winter sa number na nakasulat sa papel. pasado alas-dose na at iyon parin ang inaatupag niya sa higaan. ang mag-isip at mag-emote. gusto niyang tawagan si karina once and for all gusto niyang magkaroon ng linaw ang lahat. naguguluhan kasi siya. para san pa ang ginawa nitong pagtawag-tawag sa radio show ni DJ Terry kung padadalhan naman siya ng mga wedding pictures nito at ni yeji. masakit pero gusto niyang matuldukan ang lahat ng tanong niya kaya gusto niyang makausap si karina. pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin at ano ang magiging reaction kapag nagpaliwanag sa kanya si karina at hindi na rin niya ito macontact.


totoong naiyak siya sa effort ni karina na kinailangan pang magpaliwanag sa buong Pilipinas pero kapag naaalala niya si Yeji at ang mga pictures na ipinadala sa kanya, hindi niya mapigilan isipin na hindi na siya dapat pang bumalik sa buhay ni karina dahil makakagulo lang siya. pwede rin naman na nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan sina karina at yeji at isa pang posibleng masakit na dahilan ay baka pinagtitripan lang siya. ayaw na niyang magmukhang tanga na naman.
nangyari na to noon puro akala na totoo. akala ko minahal niya din ako. ginamit pa si DJ Terry para paglaruan ako. siguro nasa isip niyang napaka dali lang niya akong mauto at paniwalain dahil alam niyang puro lang ako pantasya. ano pa bang gusto niya? o baka naman maniningil lang siya.. umiiyak niyang sabi sa sarili.

 

gusto nang matulog ni winter pero gising na gising pa rin ang diwa niya, mahigpit pa rin niyang hawak ang cellphone. umaasang tutunog yun at makikita ang pangalan ni karina pero nakatulog na lang siya ay walang karina na nagtext o tumawag man lang. kinabukasan, tinanong kaagad si winter sa opisina nila kung nagkita na sila ni karina. "H-hindi pa eh. hindi ko pa alam kung kailan" pagsisinungaling niya.


"ano ka ba naman winter? girls like her, wag nang magpatumpik tumpik pa tutal hindi pa naman kayo mag-on ni minju eh" biro sa kanya ng kaibigang babae na kalapit lang niya ng table. ngiti na lang ang isinagot niya dahil sa totoo lang, lutang ang isip niya at hindi alam ang iisipin at gagawin. sa daming trabahong ibinigay sa kanya, hindi na namalayan ni winter ang oras at uwian

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
thank you for 100 subs!

Comments

You must be logged in to comment
emotaeyeon #1
Chapter 8: wng galing mo talaga mag write tor🙏🏻 salamat sa pagsulat 🙏🏻
syrenity
#2
Chapter 4: Hala 🥲
elevenelevenfine
#3
i like this. ang gaan lang
crimson_snow #4
Chapter 8: Awww thanks for this short but sweet special chap! 🥹
13luvsfriday
#5
Chapter 7: Moreee
_multiplayer__troy #6
Chapter 7: aww ang wholesome 🥺💖
EzraSeige
#7
Chapter 7: 😍😍😍💙❄
cleofierayne 16 streak #8
Chapter 7: Yieeeeeeeeee!! Salamat huhu at sila na rin sa huli. Paka bitter mo naman Yeji hahaha ayan tuloyyyyy. Pero happy ako para sa dalawa 😭💗💗💗
crimson_snow #9
Chapter 7: Aww it's done already 🥺 This is a really nice story! Light lang and I liked their dynamics a lot. Looking forward to reading more of your works!
_multiplayer__troy #10
Chapter 6: kahit ako yung ka-officemate ni winter ililista ko din yung number ni karina para iabot sa kanya eh 😭