- 09
Minjeong’s Life Tapestry[Minjeong’s]
Hapon na ngayon, 5 p.m to be exact. Kakarating lang ni Karina sa mansion and may dala siyang excess baggage.
That excess baggage was none other than Ning.
“Hello, ‘te!” masiglang sambit ni Ning ng nakalabas siya sa kotse ni Karina na naka-park lang sa harap ng front door.
Malawak naman ang harap, may fountain pa nga sila sa gitna.
“Anong ginagawa mo dito?” I asked her habang papunta sa kanya.
“Grabe, wala man lang. ‘Hello din, miss na kita, Ning ganda’ parang di kaibigan,” pagbibiro niya pero tumahimik agad nung niyakap ko siya. Kulang ‘to sa lambing eh.
“Dami mong ebas,” natatawa ko na sabi sa kanya, “bakit kayo magkasama?” baling ko kay Karina na naglalakad sa ikinakatayuan namin.
“I unfortunately bumped into her when bumili ako ng coffee and when I told her where I’m heading to, she made herself comfortable sa car ko,” explain ni Karina na may halong sama ng loob kay Ning. Ganito pala ang friendship nila, ang cute.
“Sus, nung nagkita kami siya pa una bumati sa akin, sabi nga niya ‘I miss you, Ningning ganda’ sabay hug at kiss sa akin,” echos naman ni Ning na may actions pa, halatang tinutukso yung pinakamatangkad sa amin.
“I didn't kaya, stop lying,” agad na deny ni Karina. Pikonin pala ‘to eh.
I looked at them fondly habang nag-babanter sila, I don’t like watching people argue ha, to be clear lang. Yung expression kasi nilang dalawa nakakatawa, si Karina, pikon na pikon na pero walang rebat tapos ito si Ning enjoy na enjoy.
“Oh, tama na, puputok na ‘yan si Karina,” awat ko sa kanila pero of course, with side tukso kay Karina.
Karina rolled her eyes and groaned, inis na talaga, “Ugh, ang annoying,” sabay dabog papunta sa loob.
Tumawa ako sa reaction niya, namumula na kasi siya sa inis.
“Hoy! Karina Jimin De Guzman Yu, ang attitude mo!” sigaw ni Ning sa kanya. Pero, grabe, ang haba ng pangalan niya.
“Full name niya ‘yan?” tanong ko kay Ning.
Humagikgik naman siya at umiling, “Hindi, pinagsama ko lang dalawang name niya. Dalawa kasi full name niyan feeling special siya,” dogshow ulit ni Ning kay Karina.
“I can hear you, Ning Zhuo,” lumingon ako sa likod ko at nakita nakatayo lang si Karina hindi kalayuan sa pinto.
Ang ganda pa rin kahit naiinis na. She was scowling na, hala ka, Ning, suyoin mo ‘yan.
// later
Nandito kami sa kwarto ko ngayon, kumain na kami ng early dinner para hindi daw kami gutomin sa biyahe mamaya.
At tinutulongan nila ako magimpake– or si Karina lang kasi ito si Ning ang ganda ng higa sa bed ko at nanonood pa ng K-drama.
Umiling na lang ako at hindi na siya kinulit kasi sakit sa ulo lang makukuha ko.
“Wala ka bang klase, Ning?” tanong ko nalang, ang tahimik din kasi sa kwarto except sa TV.
Si Karina tahimik lang iniimpake ang mga damit na tinutupi ko.
“Natapos ng maaga tapos wala yung prof sa later classes, so tumambay ako sa coffee shop at nakita si Rina,” sagot ni Ning sa akin at hindi man lang ako tiningnan.
Palayaw nga pala ‘yan ni Karina, narinig ko din tinawag siya ng ganyan ni Miss Giselle eh. Ang alam ko naman Jimin yung other name niya at family niya lang tumatawag sa kanya niyan.
“Akala ko nagcutting ka,” tukso ko sa kanya at nagscoff pa nga siya.
“Sus, ako? Baka bawasan allowance ko,” syempre diyan siya takot. Need niya pangwalwal eh.
Tumahimik ulit kami pero maya maya nagsalita na din sa wakas si Karina.
“Minjeong…”
“Hmm?” I replied, hindi ko pa siya tinitingnan kasi may tinutupi pa ako.
“S-Saan ko ‘to ilalagay?” and paglingon ko sa kanya, I mirrored Karina’s redness.
Kasi naman! Yung underwear ko ang hawak niya!
Agad ko naman ito hinablot sa kanya, “A-Ako na bahala dito,” sabi ko at nag-iwas tingin. Napakamot naman siya sa tenga niya.
Nakakahiya, bwiset! Hinawakan pa niya talaga!
Kahit may aircon, feel ko ang pagpapawis ko sa hiya at pamumula ng buong mukha ko. Ba’t mo kasi pinapaki-elam, Karina!
“Ang OA niyo naman, para lang akala niyo hindi kayo nagsusuot,” sabat ni Ning. Ang sarap mo itapon babaita ka! Nasa second floor pa naman tayo at malapit ka sa bintana, wag mo ako hamonin Ning Zhuo!
“You’re so foul-mouthed talaga, Ning,” Karina glared at her.
Tama! Foul-mouthed ka, Ning!
“Laking public school ‘to,” may wink pa siyang nalalaman. Tsaka ang proud mo naman, ang dungis ng high school pinuntahan na’tin hindi nakaka proud.
Doon kasi kami nagkakilala ni Ning, trip niya lang magpublic school tapos ako naman ‘yon ang pinasukan ko kasi ‘yon ang pinakamalapit sa bahay.
Pero kahit ang dungis doon, guaranteed naman ang happy memories. I could say it was fun kahit ang daming traumatizing moments din.
Si Ning nga lang kuha pa rin ang kanal vibes hanggang ngayon.
“Hindi, you’re foul-mouthed lang talaga.” Ang hina naman ng rebat mo Karina.
“Wala ka kasing kaibigan,” wala siyang connect sa banter nila ngayon, feel ko gusto lang inisin ni Ning si Karina and it worked naman.
“Excuse me? I have friends,” pagtataray ni Karina with arched kilay pa ‘yan ha.
“Weh? Ako at si Giselle lang friends mo eh.”
“No? I have more!”
“O’ sige nga, sino?” hamon naman ni Ning, naka-upo na siya sa kama at si Karina naman tumigil na sa pagiimpake.
Ako, ito maganda lang sa gilid at nakikinig ng banter nila.
“Yeji! And then Yunjin, Somi, Yujin, and Minju!” proud na sabi ni Karina, she was smirking pa nga eh.
“Puro co-worker mo naman ‘yan eh, hindi naman kayo nagm-meet outside work,” naka-ngisi rin na reply ni Ning sa kanya.
“No kaya!”
“Tell me when last time mo lumabas with friends, except sa akin at Giselle.”
Natigilan si Karina, nag-iisip ata? Or wala siyang maiisip… 'yung mga mata niya, they were wandering everywhere.
“R-Recently lang…”
“How recent?”
Karina pursed her lips, nagpipigil na ako ng tawa dito sa gilid, “L-Like, a month ago.”
At ayon na nga, binuhas siya ng hiya at napaka-lakas na tawa ni Ning.
Tiningnan ko si Karina, naka-pout na siya ngayon, kawawa naman ang bata na ‘yan. Nilapitan ko siya sa and I patted her shoulder.
“Okay lang ‘yan, Karina,” sabi ko at tumango-tango pa, “dagdag mo na lang ako sa friends mo para hindi ka masyadong loner pakinggan,” biro ko.
Mas nag-pout naman siya, “Minjeong...” bumusangot siya.
Ajujuju, ang cute niya.
Tinawanan ko lang siya at umupo sa tabi niya, at itong isa kong kaibigan may ebas nanaman.
“Ay nako, Jeong, ayaw niya makipag-kaibigan sayo kasi–” bigla siya binatohan ni Karina ng damit ko at sapul ‘yon sa muka ni Ning.
Kakatupi ko lang sa damit eh!
But my eyebrows furrowed sa sinabi ni Ning, I looked at Karina na ngayon namumula nanaman. Hindi naman mainit? Or naiinis ulit siya kay Ning?
“Ayaw mo makipagkaibigan sa akin?” she snapped her head towards me, nagulat sa tanong ko.
“Yeah, I mean, no! I want to be friends with you!" pagpapanic niya naman, nakakatawa lang.
“Kung totoo nga, pinky promise tayo,” ang satsifying niya tuksuhin. Yung malalim na kunot ng noo niya at contemplation sa mukha niya ay nakakatawa tingnan.
“Do we really have–” sinamaan ko siya ng tingin, “Okay, pinky promise,” mabilis naman pala ‘to kausap eh.
She hooked her pinky with mine at ngitian ko siya, “Friends tayo ha!”
Tumango lang siya pero halata sa mukha niya yung disagreement.
Ang confusing lang.
“May tinatago ka bang galit sa akin, Karina?” I couldn’t help but ask, mas mabuti na malinaw kami. Lalo na sa isang bubong na kami titira, mahirap ‘yan.
Kagaya kanina, bumalikwas ng tingin sa akin si Karina at umiling ng wagas. Akala mo matatagal na ang ulo niya, “Of course no, Minjeong.”
“E bakit–”
“Ang totoo kasi may lihim–” binatuh
Comments