Jowa Reveal

My Teacher, My Hero, Rawr!
Please Subscribe to read the full chapter

 

Matapos ang kahihiyan na nangyari sakin kanina. Nandito na kami sa loob ng  café ngayon. Nasa iisang side kaming magkakaibigan, habang kaharap namin ang isa pang grupo.
 

Nakapag settled kami sa 8-seater table.

 

Si Chaeryeong ang nasa dulo, kaharap naman niya ay si Doc Shin.

 

Katabi ni Mazumb ay si bff ko, na si Miss Uchinaga naman ang kaharap.

 

Ako ang katabi ni Ning. Sa harap ko naman ay si Miss Yu.

 

 

Sa tabi ko ay si Yeji na kaharap naman ay si Yuna. Malaki ang space nila kumpara sa amin kaya nag dagdag na lang ng upuan sa gitna ng dulong table para sa isa pa raw kaibigan nila Miss Yu na parating na rin.

 

Napagpasyahan na rin namin to drop formalities sa pagtawag sa isa't-isa, tsaka wala naman na kami sa institution so di naman na namin kailangan maging pormal.


 

"Finally we got to be with the infamous group in our uni." Panimula ni Giselle.


 

"Uhm… hindi naman kami famous. In fact baka kilala nyo kami as sakit sa ulo!" Proud na proud na sagot ng bestfriend ko, banaks talaga 'to eh.


 

"Oh no, we are interested in you guys."


 

Huh? Bakit naman sila magiging interested???


 

"I do agree with what Aeri said, your group is one of the most talented in the faculty" ani ng doktor naming kasama.


 

"Ay hindi naman po doc, sadyang Jollibee lang po kami at madalas napapasubo sa mga paganap ng school." Nahihiyang sagot ni Chaeryeong.


 

Pabebe si ate mo kaharap kasi ang crush niya.


 

Bigla naman akong nagulat ng bigla na lang akong palihim na kinalabit ng bestfriend ko. Alam ko na ‘to anong oras na rin naman kasi, dinner na at sigurado akong gutom na ang sawa ni Ning sa kanyang tiyan.


 

Buti na lang at sabay nito ay nagsalita na si Yuna.


 

“Excuse me po, pwede po bang mamaya na po kayo magchikahan? Nagugutom na po kasi ako. Hehehe.” Nahihiyang sabi ni Yuna.


 

Hindi na rin kami nag atubili at tumawag na nga ng waiter. Yung isang kaibigan nila ay malapit na rin naman daw.


 

Si Giselle at Yeji ang naging taga order.


 

Nakakamangha si Giselle kasi sobrang matanong talaga siya sa mga details ng mga nasa menu. Eh ako nga kahit anong ibigay mo na putahe sa akin kakainin ko. Baka laking Nanay Pearls ‘to?! Bukod sa masarap siyang magluto eh matakot ka na lang kapag hindi ka nag ubos ng pagkain kasi hahatawin ka niya ng walis tambo.


 

Kaswal lang naman kaming nag uusap tungkol sa kung anu-ano. Sobrang magaan kausap ang grupo nila, malayo sa intimidating na aura na nakikita namin sa campus.


 

May sari-sarili ring pag-uusap yung mga magkakaharap dahil parang nag jive talaga yung vibes nila.


 

Samantalang ako ito natuod kasi kaharap si Miss Yu. Nakakahiya sa kanya kasi hanggang ngayon sobrang awkward parin ng atmosphere naming dalawa.


 

Maglalakas loob na rin ako na mag initiate na makipag usap sa kanya. Matagal pa kaming magkakasama sa club, hindi magandang magkaka ilangan parin kami hanggang ngayon.


 

“Kaya mo yan Winter.” bulong ko sa aking sarili,


 

“Uhm Mi-miss Yu” Nakakahiya bakit ba ko laging nauutal sa kanya?


 

“Drop the formalities Miss Kim, we are not in school naman na.” sagot namin nito sa akin.


 

“Ah okay Karina, please call me Winter na lang rin po.” agad ko namang pag sang ayon dito.


 

“Tinawag mo nga akong Karina pero nag po ka naman sa akin.”


 

“Ay sorry hehehehehe. Gusto ko lang rin mag sorry sa’yo ulit about sa nangyari dati at salamat kasi pumayag ka na maging co-club adviser ko sa band.”



 

“We already talked about it Winter, wala na yun sa akin basta hindi na yun mauulit.” medyo tumalim yung tingin niya sakin nung pagbanggit niya nung sinabi niya.


 

Mama! Nakakatakot ng very light.


 

“Oo promise hindi na talaga! Kahit tagain mo pa ulo ni Ningning ngayon!” Hindi ko na alam yung sinasabi ko sa sobrang taranta.


 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespicychicken
True to life po ang story ng patintero with Bea. Galing yan sa teacher ko nung JHS after nun di na daw siya pinansin nung teacher na pinagtripan nya. Kaya wag kayong tutulad baka masapok kayo ng katrabaho nyo 😭

Comments

You must be logged in to comment
AhnJang_0304
#1
Chapter 8: di naman pala kalowkey lqng ni yeji si jules, awoj niya na pala JAHAHAHAH
Hiccups_ #2
Chapter 8: It's been a while tapos yung revelation, cutiiees!!
Rin_HM #3
Chapter 8: Ang funny ng mga ganap 😂
saintkarina
14 streak #4
Chapter 8: 🙌🏻🙌🏻
karinasaurus11
70 streak #5
Chapter 8: Grabe namang revelation yarn Yeji and Lia!
green99 #6
Chapter 8: cute ehehe
gandlafchua #7
Chapter 7: Inabutan pa nga ng angelus 😭😭😭😭
u_ujiman #8
Chapter 7: Chapter 7: TAWANG-TAWA AKO ANO BA YAN HAHAHAHAHAHAHAHAHAH ayan sige, parang mga estudyante lang kung mag-asaran 😭
karinasaurus11
70 streak #9
Chapter 7: Tenks sa update otor! Hahaha. Funny talaga ni Win and Ning! Best tropa 🤣
w8ntersaurus
#10
Chapter 7: HAHAHAHAHAHAHAHAHHWHAHAHA