Chapter 6

Walls Between Us
Please Subscribe to read the full chapter

Parang hindi ko magalaw ang dalawang binti ko at hindi maka tayo sa kama, mas ramdam ko ang sakit kaysa kahapon, wala naman akong choice kundi pilitin na bumangon dahil may pasok ako ngayong araw

Tumayo na ako at dumiretso sa kusina kahit na iika-ika ang lakad ko, hindi rin talaga biro ang nilakad naming tatlo nila Yena kahapon, pag katapos mag dinner kagabi ay umuwi na rin kaagad si Yena dahil kailangan niya sunduin ang kapatid niya na gumawa raw ng project sa bahay ng kaklase

Pag labas ko nakita ko si mama na nakatayo sa kusina at gumagawa ng pancake 

''Oh, anong nangyari sa'yo?'' nag aalalang tanong ni mama kaya umupo rin muna ako kaagad, kwinento ko naman kay mama at nawala yung pag aalala sa mukha niya, ngayon ay tinatawanan na niya ako

''Tulog pa ba si Winter?'' tanong ko

''Malamang 'yan, baka pagod din, tabihan ko nalang siya neto, ikaw hintayin mo 'to at isasalang ko na'' bumalik na rin si mama sa ginagawa niya 

''Ma, may sinabi ba si tita sa'yo kung kailan babalik si Winter sa Canada?'' curious lang ako dahil palagi sila mag kausap ni Winter o baka miss lang talaga ni tita si Winter, iniisip ko kasi baka need na siya roon

''Wala naman, palagi rin naman kami mag kausap ni mommy niya, ang alam ko uuwi siya kasabay kapag pumunta rito yung mommy niya at kapag uuwi na sa Canada'' 

Hindi na ako sumagot at hinainan narin ako ni mama ng pancake, hindi ako mahilig sa sweets kaya isa lang ang kinain ko basta may kape solved na ako

Dumiretso na ako sa kwarto para kunin ang uniform ko pagka tapos ay naligo na rin ako

 

*ting*

[KAAKLAAN]

Ryujin Pogi: Gising na ba ang mga accla?

Wonyoung: Good Morning !! <33

Yujin: Good Morning sa lahat 

Yena cute na pogi: lahat mo ulo mo yujin

Ryujin Pogi: dinadamay mo pa kami sa kaharutan mo yujin

Yujin: ./.

Wonyoung: what's that, yujin?

Yujin: nag lag computer hehe random click lang sa keyboard

Wonyoung: Okie 

Wonyoung: Hello Karina ! See yah!

Karina: Good Morning !!

Yena cute na pogi: Kars, tulong itayo mo ako sa higaan T_T

Ryujin Pogi: Hoy YENA! 'wag si Karina >:/

Karina: Sakit din ng paa ko, for sure si winter rin, nag sleep pa siya. huhu

Yena cute na pogi: Tangek ka @Ryujin Pogi nilakad kaya namin pauwi 

___

Hindi na ako nag seen sa gc na ginawa ni Ryujin o baka ni Yena ewan ko sakanila, nag uniform na ako atsaka nag sapatos na rin, dalawa lang din ang mali ko sa long quiz namin nung Monday kaya medyo hindi naman mabigat saakin ang acads dahil na b-balance ko naman siya

Tumayo na ako na ako at kinuha yung bag ko, bigla naman bumukas yung kwarto ni Winter 

''Papasok ka na?'' tanong niya habang kinakamot ang mata niya at nakabalot pa ng kumot, bakit ang cute mo ha?!

''Yes, kain ka na diyaan ha, pahinga ka rin muna alam ko masakit din paa mo'' natatawang sabi ko

 

Kumaway lang siya na parang bata at lumabas na rin ako at nag paalam kay mama na nag didilig, masaya na makita si mama na naarawan, madalas kasi after shift niya tulog agad at parang nakukulob na sa kwarto niya

Saktong nakita ko si Ning at Gi na papasok na rin sa campus kaya tumakbo na ako sakanila

 

''Good Morning,Kars!'' nakangiting bati ni Ning, niyakap naman ako ni Gi

 

Pumasok na kaming tatlo sa room at si Wonyoung biglang tumayo nung nakita niya kami, halatang hindi siya nakikipag interact sa iba saamin, may quiz pala kami sa Calculus ngayon at ngayon palang naiiyak na ako dahil hindi na ako nakapag review sa pagod kagabi

 

''Are you okay, Karina?'' napatingin naman ako kay Miss.Wendy na nandito na pala

''Ayos lang po Miss.'' nginitian ko lang si Miss. atsaka umupo na, na kwento ko na rin kila Ning at Gi kung bakit masakit ang mga binti ko

''Mom mo ba si Taeyeon?'' tanong ni Miss.Wendy habang inaayos ang bag niya sa teacher's desk

''Opo, mag kakilala po ba kayo Miss?'' 

''Oh I see, ikumusta mo nalang ako sakanya ha? and sabihin mo bond kami if may free time na siya'' ngumiti si Miss. Wendy at umupo na rin at nag pa handa na sa quiz namin

 

Mag kasama kaming apat ngayon dito sa cafeteria, pinag uusapan namin yung naging quiz kanina

 

''Sayang 1 point nalang pasok na ako sa kalahati ng score eh!'' Inis na sabi ni Ning

''Huwag ka na mainis diyaan, lilibre ko nalang kayo milktea mamaya o kape ano pili kayo'' nakangiting offer ni Gi at halatang pinapagaan yung mood ni NIng 

50 Items ang quiz namin sa calculus kanina parang nag exam na rin kami,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
neutralj
slow update 4 now, busy sa school dahil compile week na namin, thank you for those who are still reading !! <33

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
20 streak #1
Chapter 9: aaackkk grabe mag aminan na kasi kayo pls ><