Winter #2

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter
      "WINTEEEER!!"   "WINTER BUMALIK KANA PLEASE!"   Ano ba naman yan ang ingay-ingay natutulog ako eh.   "Winter sasakalin talaga kita kapag di ka pa gumising dyan!"   Aba't!   Hindi ako papayag na masakal ni Ning ng walang kalaban-laban noh!   Minulat ko ang mga mata ko at hinahanap kung saan man galing yung boses ni Ning. Sigurado akong si Ning yun kasi sya lang naman ang mahilig manakal samin.   "Winter!!"   Napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigaw ni Ningning.   Bwisit talaga to.   "Ning pakitanggal nyang mic sa lalamunan mo." annoyed na sabi ko.   Hindi naman pinansin ni gaga ang sinabi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko at inalog-alog ako. Kakabangon ko lang my god.   "Wintot bakit ikaw?! Bakit ikaw pa?! Nandito naman ako bwisit ka!"   Napadaing naman sya at napahawak sa ulo nya ng paluin sya ni Giselle.   "Sinaktan na nga yung friend natin landi landi mo parin lokaret ka." sabi sa kanya ni Giselle. "Are you okay? Masakit pa ba?" concerned na tanong nya naman sa'kin.   Tumango ako.   "Okay naman ako. Pano nyo pala nalaman?" tanong ko.   "Si Yeji my labs mo pinuntahan kami at sinabing aksidenteng natamaan ka raw ni Karina ng bola. Kaingit ka talaga bakla!" sabi ni Ning.   Inabot ko yung buhok nya at mahinang hinila ito.   "Gaga ang sakit kaya ng ginawa nyang love interest mo. Tsaka anong aksidente?! Bwisit na Karina yun." inis na sabi ko.   "Wala na sila dito ng makarating kami. Pero binilin ka naman nila sa school nurse."   For sure sinadya nya talagang ipatama sa'kin yung bola. Ganun yung style ng mga katulad nyang masamang elemento na walang magawa sa buhay eh. Tapos ano?! Basta lang akong iniwan dito after nyang manakit?   "Calm down Winter. Baka hindi naman sinasadya. Ayos ka na ba talaga? Sabay kana sa'min?" Tanong ni Giselle.   Umiling naman ako.   "Una nalang siguro kayo. Kukunin ko pa gamit ko sa locker."   "Sigurado ka? Pwede namang sumabay ka nalang sa'min. Hihintayin ka namin." sabi pa ni Giselle na halatang nag-aalala parin sa kalagayan ko.   "Kaya ko na Gi. Tsaka hassle pa sainyo magka-ibang way yung mga bahay natin."   Napabuntong hininga nalang si Gi at tinignan ulit akong mabuti.   "Gee, okay lang talaga. Kaya ko." nakangiting sabi ko para maconvince sya.   "Basta don't forget to update us, okay? Sabi naman ng nurse kanina na kailangan mo lang daw ng pahinga."   Nakangiting tumango ako sa kanila.   Magsasalita pa sana si Ning ng hilahin na sya ni Gi palabas ng clinic. Tinignan ko yung oras sa relo ko. 3:30 pm na pala. Ibig sabihin ilang oras din akong nakahimlay sa clinic.   Bwisit talagang Karina yun.   Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago ako umalis ng kama. Nagpaalam na ako sa school nurse na lalabas na ako.   "Hey.."   "Ay halimaw!" sigaw ko.   Jusko grabe namang manggulat to.   "Halimaw? Really?" naka-kunot yung noo nya habang nakatingin sa'kin.   Si Karina lang pala.   Ano namang ginagawa nya dito sa labas ng clinic? Kala ko ba umalis na sila?   "Anong ginagawa mo rito?! Magse-serve ka na naman ba ulit ng bola tapos sa'kin mo ipapatama?!" pagsusungit ko.   Umalis naman sya sa pagkakasandal nya sa pader at tinignan ako ng masama.   "Alam mo.." nagsimula syang lumapit sa'kin kaya medyo napa-atras ako.   "Ang lakas lakas talaga ng loob mong ganyan ganyanin ako." Sobrang seryoso ng mukha nya.   "Alam mo ikaw, ang lakas lakas din ng loob mong mambully ng taong wala namang ginagawa sayo." sabi ko sa kanya.   "Bully? Do you think binubully kita?" hindi makapaniwalang tanong nya. Hala ka, di sya aware sa ginagawa nya. "Mas lalo akong naiinis sayo." dagdag nya pa.   Ang kapal talaga ng mukha.   Napangisi nalang ako sa sinabi nya.   "Mas nakaka-inis ka. Ang panget panget ng ugali mo. Ni hindi ka man lang nga nag-sorry sa ginawa mo. Wala naman akong ginagawa sayo tas may gana kang mainis? Ang kapal ha!" sabi ko.   Natahimik naman sya at seryosong tinignan lang ako.   "Hindi ako magso-sorry. It's your fault parin naman." sabi nya.   Napa-irap naman ako. Talagang paninindigan nyang kasalanan ko pa? Oh well, masamang elemento nga naman.   "Kakasabi mo palang nga ng sorry." bulong ko.   "What?!" sigaw nya.   "Wala! Sabi ko wala."   Umiwas sya ng tingin at napahawak sa batok nya.   "Uuwi ka na ba?" this time iba na yung tono ng boses nya. Para bang nahihiya sya.   "Oo sana kaso hinaharass mo pa ako." mataray kong sabi.   Mabilis nya akong nilingon at tinignan ng masama.   "Ako? hinaharass ka?!" sigaw nya na naman ulit.   "Ay hindi ka aware? Ano ba pake mo kung uuwi na ako?"   Tumalim lang yung titig nya lalo sa'kin tapos parang may binulong pa sya.   "Alam mo...fine! Umuwi ka na nga, the hell I care!" sigaw nya tas tinalikuran agad ako.   Problema nun?   Ay ewan ang hirap talagang intindihin ang isang katulad nya.   Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad pabalik ng room. Kailangan ko ng magmadali dahil malapit ng magdilim. Hindi ko kakayanin ang galit nila Mama.   Malapit na ako sa locker ng room namin ng mapansin kong parang may nakasandal malapit dito.   Sino naman to?   Tahimik na pinagpatuloy ko ang paglalakad. Malapit na sana akong magpanic mabuti nalang talaga at nagsalita agad sya.   "Winter, right?"   Si Yeji my labs!   Omg!   "A-ah hello.."   Nako ito na nga ba sinasabi ko. Nagma-malfunction ako lagi kay Yeji.   "Ayos ka na ba?" tanong nya habang naglalakad palapit sa'kin.   Concern ba sya sa'kin?   Oh my god, oh my god!   "O-okay na ako. Ba't ka pala nandito?"   "Just checking up on you. Knowing Rina, baka kasi di ka man lang nya kinamusta." nakangiting sabi nya.   "Sige I gotta go na."   Parang ewang tumango nalang ako at kumaway sa kanya.   Ito na yata ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Ang kausapin ni Yeji.   Tinanong nya pa ako about sa condition ko.   Kinikilig ako!                   Masayang-masaya akong umuwi ng bahay.   Halos batiin ko pa yung alagang aso ni ate kahit na di kami nito bati.   Pagpasok ko ng bahay, ang dilim.   Oh, ano to?   Naputulan ba kami ng kuryente? Ba't madilim?   "Ma?!" tawag ko.   "Saan ka galing?"   Muntik na akong atakihin sa puso.   "Mama!" inis na sigaw ko.   Bigla namang lumiwanag sa bahay. Nakita ko na si mama na naka-upo pala sa may sala at si ate naman na nasa tabi ng switch ng ilaw. Nakangisi ito sa'kin.   "Saan ka galing at late ka ng umuwi?" tanong ulit ni Mama.   "Ma, 5 pm palang late agad?" sabi ko habang hinuhubad yung sapatos ko.   "Anong oras ba tapos ng klase mo?" tanong nya ulit.   "4 pm." sagot ko.   Naglakad na ako papuntang
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1072 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
210 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1072 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk