Didn’t you hear me? I said out

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Frustrated Med School student, Karina Yu, asks her girlfriend to leave her alone.

 

Kanina pa ako tinatawagan ni Giselle pero ni isa hindi ko nagawang masagot dahil nasa field ako kanina. Hindi naman p’wedeng bigla na lang ako mawala sa paningin ng seniors ko dahil sigurado akong marami silang tanong pagkatapos naming mag-observe sa site. Kaya ngayon ko lang nabuklat rito sa sasakyan ang mga message niya tungkol sa nangyari sa kanila.

 

Giselle
Winter, free ka ba?
I’ll call ha.
Winter? Busy?
Exam results ☹
Nvm, Ning’s here na. Follow ka pag oks lang.
Sa house nina Rina.

 

Winter
May gusto ba kayo ni Ning? Daan ako sa mall.

 

Giselle
Nagawa na namin ‘yan.
Pinauwi niya rin kami.
Patience talaga ang need mo, Win.
Ingat!

 

Pumikit muna ako at huminga nang malalim habang inii-start ang makina ng sasakyan. Nag-inat ako saglit para kahit papaano’y matanggal ang tensyong nararamdaman ng aking katawan. Pagod rin ako mula sa trabaho ngayon. Bago ako magmaneho pa-Fairview ay nagpaalam na ako sa magulang ni Karina na daraan ako sa bahay nila ngayong gabi.

 

“Winter,” bungad sa ‘kin ng ate ni Karina. “Hi,” alanganing ngiti ko sa kanya. Tiningnan niya ang oras sa kanyang phone, “Late na. Hinihintay ka nina mommy pero time na for them to sleep eh.”

 

Pinapasok na niya ako sa pinto, “Sorry, ate. Heavy traffic.”

 

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Hinila niya ako papunta sa kanilang kusina, “Uminom ka muna. You look tired, Winter. Sure ka bang kaya mo ‘yon tonight?”

 

Napangisi ako kaya ibinaba ko na ang baso, “Any tips, ate?”

 

“Hay nako! Kinausap ko na ‘yan. Trio pa kami nina Gi kanina. She knows what to do naman. Mahirap lang talagang kalaban ang self-disappointment, alam mo ‘yan.”

 

Mukhang patience din ang tip ng ate ni Karina.

 

“Kumain ka na ba?” umiling ako.

 

“Siya rin, hindi pa kumakain,” turo niya sa nakaayos na tray sa mesa. “Good for two na ‘yan. Inayos ni mommy nung mareceive niya ‘yung message mo.”

 

Tinangay ko na ang tray pataas ng hagdanan. Nakabuntot lang si ate sa ‘kin. Nang matapatan na namin ang pinto ng silid ni Karina ay minasahe nito ang aking balikat, “Inhale. Exhale. Kaya mo ‘yan, Win!” Siya na rin ang pumihit ng doorknob.

 

Hatinggabi na ngunit bukas pa rin ang ilaw sa kwarto ni Karina. Inilapag ko ang tray sa bakanteng coffee table. Tahimik akong naglakad patungo sa kanyang likuran, dinungaw ko muna kung may matatabig ba ako. Mukhang wala naman dahil nagbabasa lang siya kaya niyakap ko na siya habang marahang hinahaplos ang kanyang braso, “Hi, baby.”

 

“Dapat nagrest ka na lang,” a ni Karina. Nang maramdaman ko ang pagtapik niya, hudyat na ito para bumitaw ako. Humalik ako sa gilid ng kanyang kanang kilay bago maupo sa sofabed na katapat ng coffee table.

 

“Eat muna tayo, baby,” subok kong pagyaya sa kanya. Nawa’y kayanin kong ‘wag magbanggit ng kahit anong konektado sa exam niya kanina.

 

Hayaan ko na muna. Magku-k’wento naman ‘yan ‘pag ready na siya.

 

“Hindi ako gutom, Win. Kung kakain ka, please eat outside. Ayaw ko ng maingay,” sagot niya nang hindi lumilingon sa ‘kin.

 

Tahimik akong tumango, at kumportableng sumandal sa sofabed. Nasuri ko nang mabuti ang kwarto niya. Ilang beses na rin akong tumingin sa relo, halos mag-iisang oras na rin kaming binibingi ng katahimikan.

 

Itinuon ko na ang atensyon ko kay Karina. Nak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
lilili_oli #1
I hope hindi siya nakakaiyak. :P
kwinminjeong
114 streak #2
Chapter 17: Chapter 17: grabe, i love it 😫❤️❤️❤️❤️
ForeverLuvie #3
Chapter 8: I want my own Winter, too. 🥲
yujiwinteo
189 streak #4
Chapter 32: Sa relationship ng iba ako kinikilig ano ba naman to 😭 good thing someone mentioned this fic again which made me realize how i wasnt subscribed all this time! No wonder nawala sa list ko huhu i love this story so much!
kwinminjeong
114 streak #5
Chapter 13: grabe d2 aq umistop kasi di q kineri anue ba yarn kasi nakakahawa yung lungkot ni winter 🥲 damang dama ko shea!!at buti nalang napagusapan agad, i love you rinrin nakakabusog ang reassurance mue sana magtagal kau ni engineer 👊🙏
elowww
#6
Chapter 3: I've read this story a million times na pero grabe pa rin talaga yung kilig. Walang kupas. Galing mo talaga, author 🫡🙌
clarity_TaeNy
91 streak #7
Chapter 30: Yes Win, I think you can 🤭
clarity_TaeNy
91 streak #8
Chapter 10: I am such a er for videos! It really shows the love and effort put by authors to their works.

Thank you author-nim for the privilege to read this!
clarity_TaeNy
91 streak #9
Chapter 8: 🥰🥰🥰 Love the assurance.
clarity_TaeNy
91 streak #10
Chapter 5: Oh damn, Winter with the 🥶 moves. So smooth with that Tinder Alternative 👌