Chapter Three [TW]

Find Me [A Tagalog Seulrene AU]
Please Subscribe to read the full chapter

This is a flashback chapter. Ilalagay ko pag present time yung scenes. For now, silip muna sa past. Enjoy!

 

TRIGGER WARNING FOR GUN VIOLENCE AND DEATH


°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°


Kingdom of Revela - The Red House; 27 BNE, July 16: 10:45 PM

 

 

"Papa..."

 

Napahinto sa paghaplos sa buhok ni Sungjae si Papa nang marinig niya ang pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Kahit alam ko kung gaano siya binabagabag ng mga nangyayari sa amin ngayon ay ngumiti pa din siya. "Ano 'yon, anak?"

 

"Bakit nila tayo pinaghihintay nang ganito katagal? Ano pa bang kailangan nila sa'tin? Wala na tayo sa palasyo. Kung may magliligtas man sa'tin, kanina pa sana. Pero wala. Wala na tayong mga kakampi. They've probably imprisoned them, too. Or... Or worse--"

 

Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ko ang ingay ng pinto ng basement hudyat nang pagbukas nito. Lahat tayo ay napatingin doon. 

 

Unang pumasok ang dalawang lalaki. Naka-unipormeng pang-sundalo din ang mga ito. Pero mas nakuha ng atensyon ko ang sumunod na lalaking pumasok. 

 

It's my uncle Junmyeon. 

 

Biglang nabuhay ang aking loob. Naramdaman ko ang biglang pagsilip ng pag-asa. Kasabay niyon ay tuwa na makita siyang ligtas na ngayon. At sa wakas, ligtas na din kami. 

 

"Tito! Buhay ka!" Mabilis na tumayo ako at lumapit sa kanya. 

 

Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay bigla akong napatda. 

 

Dahil nang mas tumama sa mukha ni tito Junmyeon ang ilaw na nagmumula sa basement ay mas naaninag ko ang kanyang hitsura.

 

He's smiling.

 

But not his usual kind and soft smile.

 

He's smiling sinisterly at me.

 

Kinilabutan ako. Ngayon ko lang nakita ang ganoong klaseng ngiti sa kanya. Ngayon ko tila nararanasang mangitian ng isang taong nanggaling sa impyerno. Isang demonyo...

 

"Why did you stop, hija? Hindi ka ba natutuwang makita ang tito Junmyeon mo?" Nagsimula siyang dahan-dahang naglakad papunta sa'kin. Sa bawat paghakbang niya ay ang pag-atras ng aking mga paa.

 

Iniangat niya ang kanyang mga braso. "Why do you look so scared? Come and hug your tito, hija. Ilang araw din akong nawala. Didn't you miss me?"

 

Naramdaman ko ang marahan ngunit may diing hawak ni Papa sa braso ko. Kung hindi ko pa naramdaman iyon ay hindi ko pa malalamang nanginginig na pala ako sa takot.

 

Umabante si Papa at pumwesto sa harapan ko, shielding me from tito Junmyeon's sight.

 

"Junmyeon... Ano'ng ibig sabihin nito?" Betrayal. Anger. Iyon ang naririnig ko sa tono ng pananalita ni Papa. 

 

Sarili niyang kapatid ay pinagkanulo siya. Sarili niyang kadugo.

 

"Kuya! It's quite a few days, huh? You look absolutely terrible." Hindi pa din nawawala ang ngisi nito. Kung posible nga ay tila mas lumawak pa iyon.

 

"What is going, Junmyeon?! You were gone! I've been looking for you, terrified to my core na baka may nangyaring masama sa'yo! But now you're here na parang walang nangyari! Na parang natutuwa ka pa sa mga nangyayari! Explain yourself to me now!"

 

Galit na galit si Papa. Ibang iba siya sa completely composed King na nakasanayan namin. Pero si Tito, parang wala lang. Parang mas lalo pa siyang natutuwa na makitang nagkakaganito ang Papa ko.

 

He laughed. He laughed like he's a sick bastard. He's enjoying this. 

 

"Oh God, Kuya. You're hilarious! And stupid! Well, alam ko naman ang kapasidad mo sa pagiging tanga at inutil pero 'di ko akalain na ganito ka pala kalala! Do I really have to state the obvious? Do I really have to explain everything to you?" He snickered.

 

"Pero sige po, Kamahalan. Susundin ko po ang utos niyo. Sulitin natin ang nalalabing oras ng pagiging hari mo." Tutya pa nito.

 

"It really is such a shame na sa isang walang kwentang taong tulad mo naiwan ni Papa at ng panganay nating kapatid ang trono. You're never fit to be a King! Kahit nga ikaw mismo ay alam 'yon sa sarili mo! Remember? Sabay-sabay tayong tatlong magkakapatid na pinag-aaral at hinahanda ni Papa para maging perpektong parte ng pamilyang 'to. Of course mas tinutukan ni papa yung Kuya natin dahil technically siya ang dapat na susunod na hari. But you... You never really cared! You didn't want anything to do with this throne! You wanted to be a doctor and you were adamant. Hindi mo sineseryoso ang royal duties mo. You always wanted out. You were so vocal about it! At ako, ako etong laging sinisikap na maging isang perpektong prinsipe! Laging pinagbubutihan para lang mapansin ni Papa. Laging inaayos ang pag-aaral para lang makuha ang atensyon ni Papa! At kahit alam kong imposible dahil hindi ako ang panganay, sinikap ko pa ding mabuti! Nagbabakasakali na dadating ang panahong ako ang magiging hari. Thinking of ways to get what I want! Then Kuya died. You all don't have any idea how happy I was na nangyari ang aksidenteng iyon sa kanya..."

 

Napasinghap ako sa mga naririnig. Hindi ko lubos maisip na ganito ang takbo ng isip ni Tito. Sinong tao ang nasa matinong pag-iisip ang ikatutuwa ang ganoong klaseng trahedya sa sarili niyang kapatid...

 

"Inisip ko, dahil wala na si kuya, mas lalong nabawasan yung mga hadlang sa gusto kong makuha. Hindi ko kailanman inisip na mahihirapan ako sa'yo. Inasahan ko na ano mang oras ay magqu-quit ka. Nang ibinaling ni Papa ang atensyon sa'yo para ihanda ka sa pagiging hari, hinintay kong mag-back out ka. Hinintay kong sabihin mo kay Papa na ayaw mo. Tahimik akong naghintay. Pero hindi! Hindi mo ginawa! Hanggang sa mamatay si Papa dahil sa sakit niya, hindi ka tumigil! Kahit matapos kang makoronahan, naghintay pa din ako. Inisip ko na baka pag na-realize mo na mahirap pala ang reponsibilidad mo at hindi mo kaya, na baka mag-back out ka din. Hinintay kong mangyari 'yon pero wala. Nanatili kang hari! Kahit alam mo sa sarili mong hindi ka akma sa trono mo, hindi ka huminto! Instead, naging sunod-sunuran ka diyan sa asawa mo! Twenty-three years... Twenty-three years ka nang namumuno pero sa loob ng mga taong iyon, walang pagbabago! You were never born a leader! You are the King but you don't know how to think like one! Ano nga ulit ang sinabi mo sa'kin nang minsan kitang kinompronta dahil masyado mong binibigyan ng boses ang asawa mo sa mga desisyon mo? Sabi mo, it's because she is your equal! That she is as much of a leader as you are! That you both rule this kingdom! And that's a bunch of ing bull! You are weak! You are weak for letting someone, a female of all people, to have this much of power! And you having these four girls and a weak, sickly boy in the line of succession before me disgusts me to my core! Nobody in this country deserves that throne but me! And I'm sick and tired of just waiting! And waiting! And waiting!"

 

Tito Junmyeon's pupils are completely blown. Para siyang sinapian ng masamang demonyo sa nakikita kong galit at emosyon. Wala na siya sa tamang pag-iisip. He's deranged. Hindi siya ang tito Junmyeon na nakilala ko. He's a completely new individual. He's a monster.

 

Mas lalo akong natakot para sa kapakanan natin.

 

"I waited for so long... Hinihintay ang tamang pagkakaton para gumawa ng aksyon. Hinintay kong magkaroon ng sapat na impluwensya at ranggo para masigurong pagdating ng panahong 'to ay maging pulido ang lahat. And because you're so stupid and naive, you didn't even see how I was planning everything right under your nose. Didn't see how I was starting to gain supporters from the council and from your own military. You never once thought na unti-unti ka nang nawawalan ng hawak sa mga taong dapat ay unang-unang sumusuporta sa'yo. Good thing that I'm not the only one who's getting sick and tired of all your softness, sick and tired of you giving too much power to your wife! But I got to say, one of your worse decisions as a King is when you shut down my and some of your council's suggestion to make Mount Reve a mining area. That was so stupid of you. What was the reason of your refusal again? Because you're worried for the farmers living at the foot of that mountain! You're so worried for those illegal settlers and their crops na hindi mo nakikita ang ikakabuti ng minahang iyon para sa ekonomiya natin! Now I will make sure, brother, that that mining area will be my main goal once I started my new duties as a King. At yung mga farmers na 'yon? Their refusal to obey me will be punishable with death!"

 

"You are out of your mind, Junmyeon... What-- What happened to you... You started all of this because of your greed for power? You think being a King is all about making people do what you want regardless of the consequences? You think being a King is about ruling with an iron fist? How will you gain respect from your own people if you don't know how to respect them?"

 

"I don't need them to respect me! I need them to fear me!" Singhal nito kay Papa. "I always knew that you having that kind of mindset will be your downfall. And now here we are, I was right! Hindi lang ako ang nakakita ng pagiging mahina mo! Out of 30 people from your council, do you wanna know how many of them have decided to support me from doing all this? Eleven! And it would've been easier for me to dethrone you kung hindi ko nakita kung gaano ka suportahan nung iba. So I had no choice but to look elesewhere. To find more resources and support outside of your realm."

 

"Elyxion..."

 

"For once, you're right, brother," sabi ni Tito nang may ngisi sa kanyang mga labi. "It was not hard for me to gain their support. After all, our countries have a quite long history of tension and misunderstandings. You even refuse their suggestion of marrying their King's only son to your daughter kahit na maganda ang maidudulot nun sa relasyon ng dalawang bansa. The possibilities for a better future for our country due to that marriage would've been huge! But of course, you had to refuse because you don't know how to take risks! You chose Taeyeon's happiness over your country's well-being! Bull!"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EunHyun92 #1
Chapter 4: waiting
kang_ddeul
#2
Chapter 4: wahhhh, grabe nakakaexcite po ang mga susunod na kaganapan~ 🤩😭✊
kang_ddeul
#3
Chapter 3: grabe, sobra pong nakaka-hook ang story! :)))