maybe next time

maybe next time

 

 

tahimik ang paligid. 

 

nakakapanibago kasi it's already 1 am pero puro katahimikan tapos heto ako papuntang 711 just to buy food. mapupuno na naman ng cup noodles ang cabinet ko. 

 

may ilang tao sa daan pero may kanya kanyang ginawa, then some are in deep thoughts. it's like this is the time na your brain is in the mood to think or maybe overthink na rin. 

 

nakarating na ko sa nag iisang 711 sa vicinity, good thing is hindi ito ganon kaliit unlike some store and they even have tables para pagtambayan. 

 

dito na lang ako kakain ng yakisoba beef. 

 

nagcheck pa ako sa mga aisle kung meron pa ba akong maidadagdag sa noodles ko. nagcontemplate pa ko if i'm gonna buy sisig or giniling kaso tinatamad ako sa hassle ng pagbukas don. 

 

in the end, noodles, chips and a hot choco ang binili ko. pumunta na ako dun sa table para enjoyin yung hot choco, i've already decided na sa dorm ko na lang kakainin yung noodles.

 

hawak hawak ng dalawang kamay ko yung maliit na paper cup na puno ng hot choco. mainit sa kamay pero it gives me a warm feeling sa gitna ng tahimik at nakakalungkot na gabi. 

 

pinikit ko ang aking mga mata at humiling. sana ako'y pakinggan sa huling pagkakataon. 

 

"happy birthday to me."


 

*

 

naistorbo yung paglalaro ng isip ko nung may narinig akong pagkatok. nasa labas pala ang magjowa, nagtutulakan na parang bata bago pumasok sa loob ng store. 

 

"jennie!!" they shouted. nagising tuloy si ateng nasa cashier sa ingay ng dalawa pero di na nya sinita. 

 

"you two are so loud para sa madaling araw." reklamo ko sa kanila and sa energy nilang dalawa.

 

"not our problem, i guess." sabat ni lisa at hinatak yung chair sa isang table saka umupo. 

 

chaeng walked towards me and enveloped me with her hug. such a cuddler. 

 

"happy birthday, jen." she whispered it to me, then lisa suddenly stomped her feet and whined.

 

"hoy, ako naman maghahug. happy hbd, nini." 

 

maliit na bagay yung hugs nila pero it made me happy for this day. 

 

"ano nga pala ginagawa nyo rito?" tanong ko kay lisa dahil yung jowa nya may binabayaran na sa cashier. 

 

"we were just roaming around. sa bahay daw matutulog si chaeng kaso we're too hyped and we can't sleep kaya lumabas kami." binato ni chaeng yung bread na binili nya kay lisa. umupo sa chair na nasa tabi ko at sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko.

 

"...and then ayun nakita ka na namin along the way." 

 

napatango na lang ako as we bask in the comfortable silence. 

 

"got plans for today?" tanong ni lisa. napailing lang ako kasi wala talaga akong planong gawin ngayong birthday ko. i'm just gonna stay on bed all day and maybe watch some movies kahit yung iba nakailang ulit na ako. 

 

"edi join us! samin ka muna for today and tomorrow." invite ni chaeng, na tinanguan naman ni lisa. 

 

"or you want we can invite yung friends natin for sleepover. wait! close friends na lang pala para small gathering lang ganon." dagdag pa ni lisa. wala pa man akong sinasabi ay pareho na silang nagp'puppy eyes para lang pumayag ako. 

 

"okay sige. payag ako pero wag na sana icelebrate yung birthday ko, please?" 

 

lumungkot yung mood nila after what i requested, pero kahit puro buntong hininga ang nilalabas nung dalawa napapayag na rin sila. 

 

"...fine."


 

*

 

they have decided na samahan ako pabalik sa apartment ko. sabi pa ni lisa na mas okay pa raw na tatlo kami mapahamak instead of ako lang, same reason din ni chaeng. 

 

matapos ang maingay na sandali kasama nila, babalik na naman ako sa kwarto nang mag isa at hahayaang maglaro ang isip sa mga alaalang tapos na. 

 

tama na, jen. mapagod ka na.

 

pagkahiga ko pa lang sa bed ay marami ng sumalubong sa akin na what ifs. 

 

what if hindi ako naduwag?

 

what if naging strong ako noon?

 

what if hindi ko pinangunahan ang mga bagay bagay?

 

what if hindi kita binitawan?

 

"what if matulog ka na kaya, jennie." sabi ko sa sarili ko. nilakasan ko na baka sakaling marinig ng isip ko na gusto ko na matulog. 

 

"matulog ka na, utang na loob." frustrated kong bulong at tinakip na yung unan sa mukha ko. 

 

mukhang puyat na naman ako nito mamaya. 

 

hindi talaga ako makatulog sa lagay na to kaya pumunta na lang ako sa cabinet to prepare the clothes na dadalhin ko kila lisa later. 

 

agaw pansin talaga yung box na may nakasulat na "NO DON'T", parang sira kasi si irene kung ano ano nalalaman sa facebook. 

 

even though it was already written in bold letters plus color red pa, kinuha ko pa rin yung box at umupo sa sahig.

 

pagkabukas ko ng box ay tumambad sa akin ang dalawang customized phone case. bumalik sa akin yung mga alaala na kasama kita dati. masakit pa rin pala. masakit at nakakapanghinayang. 

 

hindi ko na tinuloy ang pag usisa ko sa laman ng box at binalik ko na ito kung saan ko ito nakuha. 

hindi ko pa kaya, hindi pa ako handang makita ang mga ebidensyang nagsasabi na totoo tayo dati. 

 

kelan kaya ako magiging ready tignan ka, o yung mga bagay na related sayo? kelan ko kaya matatanggap na tapos na? kelan ko kaya makakayanang tignan ka sa mata na wala ng pagsusumamo sa puso para lang sabihin bumalik ka na? kelan?

 

kinuha ko na lang yung mga damit na gusto kong dalhin sa sleepover, pwede naman akong manghiram kay lisa pero katamad yung ibabalik ko pa sa kanya yung shirts.

 

dumerecho ako sa kusina at kinuha yung plastic ng 711, kakainin ko na lang 'tong noodles na ito at manonood ng kung anong mahahanap ko sa netflix. mas okay na to kesa malulon lang ako sa pag iisip ng tapos na. 

 

mas okay na panoorin na lang yung pagdudugo ng ilong ni eleven or panoorin yung paghimas ni theo sa sofa na nasa basement ng bahay nung bata para malaman kung sino si mister smiley, kesa alalahanin ang matatamis mong ngiti at ang paulit ulit mong tawag sa akin ng 'jendeukie'.

 

mas okay na to.


 

*

 

nakaidlip siguro ako sa sofa at naiwanan kong bukas ang tv, tataas na naman yung babayaran ko sa electric bill.

 

11 am na rin pala at bago pa ako tuluyang makakilos ng maayos, sunod sunod na katok at kalampag sa kawawa kong pinto ang narinig ko. 

 

i still have my blanket all over me and begrudgingly went to open the door for them.

 

"gibain mo na kaya." bungad ko sa kay chaeng na nakakasilaw na ngiti ang ibinati sa akin. masyadon syang masaya para sa 11 am at sa kakagising lang na tao, like me. 

 

"i'm sorry but si lisa yon. hoy wag ka na magtago!" sigaw nya kaya ayun dumungaw na yung ulo ni lisa sa pinto at dumerecho na sa pagpasok sa loob. 

 

"good morning!! tara na, dun ka na sa bahay maligo!" kinuha na nya yung mga noodles ko at isinama sa bag ko na bitbit-bitbit nya.

 

nakayakap naman sa akin si chaeng na parang nanggigigil pa dahil daw sa bed hair ko. hinayaan ko lang kasi sanay na ako sa dalawang to. 

 

"jen, kami bahala sayo. bilis aalagaan ka pa namin." nakalimutan kong nakapajama pa pala ako kaya nung nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ni chaeng ay bigla nya akong binuhat parang bata.

 

"babe, bitbit ko na si jennie. tara na, yung bata nagpupumiglas na." sabay pisil sa pingi ko. 

 

ginagawa nyo akong bata, mga hayop kayo. 

 

hanggang sa parking lot ay buhat buhat pa rin ako ni chaeng, hindi na rin ako umalma dahil deep inside gusto ko naman talaga yung binebaby ako nitong dalawa ayaw ko lang aminin. 

binaba na ako ni chaeng para buksan yung likod ng kotse ni lisa at mailagay na yung gamit ko. dali dali ko nang binuksan yung pinto ng back seat para makaidlip pa ako saglit bago makarating kila lisa.

 

“nini, susunduin pa si jisoo kaya waag mong angkinin buong upuan, umayos ka dyan.” paalala ni lisa bago nya sinimulang paandarin yung kotse nya.

 

ah. 

 

“sabihan nyo na lang ako pag andyan na sya kasi antok na antok talaga ako.” humiga na ako at pinikit ko na ang aking mga mata. 

 

oo nga pala. kaibigan nga pala kita muna. ako lang pala itong lumalayo sa mga galaan kaya bihira na kita makita. ako lang nga pala itong nagtago.

 

“gusto mo palit tayo seat?” mahinang alok ni chaeng sa akin. alam nga pala yung dahilan ng pag drift off natin, nandun sila nung iniiyakan kita gabi gabi at nandun din sila kada nag aaya ka ng inom. 

 

“okay lang ako dito, chaeng.” 

 

masasanay din ako. sasanayin ko.

 

pinilit ko na lang tuloy makatulog sa byahe kahit naglalaro ulit ang isip ko sa mga scenarios na hinihiling kong mangyari mamaya. saka pano ako makakatulog kung nakalimutan ng magjowa na may kasama sila sa likod at grabe yung pagkanta nila sa music, ramdam ko pa yung bass sa hinihigaan ko.

 

tanaw ko sa pagkakahiga ko yung mga puno at buildings na nadadaan namin. last intersection na lang pala bago makarating sa inyo. iidlip pa ba ako? 

 

chaeyoung kept on checking me, pero hindi nya ako tinatanong or kinukulit so i really appreciate her silent concern. 

 

huminto na yung kotse at tinanong ako nung dalawa kung sasama pa raw ba ako.

 

“hindi na. dito lang ako.” so ayun iniwan na lang ni lisa na naka on yung aircon as i still try to nap.

 

i just played on my phone the whole time i was lying down, gising na yung diwa ko at nakakaramdam na ako ng gutom. tinatamad lang ako bumaba at kumuha ng chips sa trunk, masyado pa akong kumportable sa pwesto ko. 

 

nakarinig na ako ng maingay sa labas tanda na nandyan na sila. naririnig ko rin yung tawa mong kay tagal ko na huling narinig. 

 

hindi ko alam kung bakit ako nagmamadaling itago yung phone ko at nagkunwaring tulog kesa tuluyan ng umupo ng maayos. 

 

narinig kong natigil ang pagkwento mo pagkabukas mo ng pinto sa back seat. nakita mo na siguro akong nakahilata pa. 

 

“babe, nakatulog na nga sya. kanina pa yan nagtatry matulog.” pagpapaliwanag ni chaeng, “sorry, gisingin ko na lang—”

 

“uy okay lang. wag nyo na gisingin. ako na bahala.” jisoo suddenly said na even ako nasurprise kaso nasimulan ko na yung pagpapanggap kong tulog.

 

sinarado nya yung pinto kung saan nakaharap yung paa ko at narinig kong bumukas yung pinto sa uluhan ko. she gently held my head ang lifted it para makaupo sya sa seat, ititigil ko na sana tong pagpapanggap ko kaso dahan dahan nya nilapag ang ulo ko sa lap nya at sinuklay suklay ang buhok ko.

 

hindi ko na kaya. 

 

minulat ko na ang mga mata ko at bumalikwas na sa pagkakahiga para umupo ng maayos. 

 

“jen—”

 

“uy, hi. long time no see.”

 

hindi ko idedeny na parang bumalik ulit ako sa zero nung makita kita. akala ko okay na, pero nandito pa rin pala ako, umaasa pa.

 

inayos ko yung pagkakaupo ko at naglagay ng distance sa pagitan naming dalawa. kung pwede lang magtago sa blanket na nakabalot sa akin.

 

hindi ko na pinansin ang pagkalungkot ng mata mo. wag muna, jisoo. wag ngayon.

 

“soo, susunod ba si seul later? miss ko na yon.” tanong ni lisa na ikinatigil ko.

 

para akong sinampal. 

 

oo nga pala, may seulgi ka na. 

 

habang ako nandito pa, hindi makaalis, hindi pa umaalis.

 

nakita ko ang pagkurot ni chaeng sa tagiliran ni lisa at ang paglaki ng mata nya ng marealize nya yung sinabi nya. 

 

“buti pumayag sya na mauna kang sumama sa amin.” nagsalita na ako para hindi naman matuluyang maging awkward ang conversation, “diba laging dikit kayo, like package ganon.” pabiro ko pang sabi.

 

“wala eh may ishoshoot pa raw eh, though hahabol sya mamaya. miss ka na rin nya, lisa.”

 

kita ko yung saya sa mukha mo nung nabanggit lang ang pangalan ni seulgi. baka nga wala na. wala na dapat akong asahan. masakit man tignan para sa akin, pero baka eto na yung paraan para naman mabuksan ko na yung box nang hindi nasasaktan. 


 

*

 

nakarating na kami sa bahay ni lisa, kahit ang awkward sa pwesto namin hindi na namin pinahalata sa dalawa. kahit small talks wala, eto yung katahimikang nabibingi ako. 

 

pagkapasok namin sa bahay ay nakita namin nakaupo na sila tita sa may dining table at nakaready na rin yung mga pagkain. hinantay daw pala kami para sabay sabay na maglunch. so kahit ligong ligo na ako, dumerecho na ako sa dining area para samahan na sila tito kumain.

 

hindi na ako nagulat sa dami ng food na nakahanda sa table. gustong gusto kasi ni tito na may bisita sa kanila para syang mailuto, so it became a usual thing na rin. 

 

after saying grace, kanya kanyang kuha na ng ulam then ako kinuha ko na yung shrimp at nagsimula ng balatan ito. nakita kong nag aalangan ka pa kumuha ng ulam kasi pinag iisipan mo kung ano ang uunahin mong kainin. 

 

“jisoo, eto oh.” iniabot ko sayo yung mga natapos ko ng balatan ng shrimp. halata ang pagkagulat mo sa ginawa ko, saka ko lang narealize na hindi ko na dapat ginawa yon. 

hindi ko alam anong ieexcuse ko bakit ko ginawa yon, pero nung narinig ko yung isang mahina mong ‘thank you, jen’, napaisip ako baka pwede pa. baka pwede pang bumalik sa dati, kahit yung friendship na lang.

 

i can work with that.

 

inaamin ko medyo nahihirapan akong pumirme at magsawalang bahala habang kumakain, kasi i know how you eat, how you like you rice na puno ng sarsa, how you want yung chicken skin pero nakain na nila tita, and some other things. kaso need kitang hayaan, alam kong kaya mo naman na at may mag aalaga na sayo, kaya hindi na kita tinignan pa hanggang sa matapos yung lunch.

 

matapos kumain ay tinulak na kami nila tita paalis sa dining area, sila na raw ang bahala doon, kaya na raw nila iyon, kaya agad na akong tumakbo paakyat sa room ni lisa para maligo. ramdam na ramdam ko na yung lagkit sa katawan kaso pagbukas ko ng room, ikaw lang yung nandito. 

 

kita kong may gusto kang sabihin pero hindi ko pipiliting ilabas mo. lagi kong pinaaalala sa sarili ko na wala na ako sa lugar. kinuha ko na yung bag ko na nasa bed para makapagready na ng panligo. 

 

“...jen, can we talk?” 

 

bakit ganyan ka na? bakit parang takot ka na sa akin? na maski yung simpleng pakikipag usap mo ay tila kinakapa mo pa yung magiging reaction ko. ganon na ba? ganon ka na ba katakot ako saktan? 

 

“sure, later? ligo lang ako.”

 

or maybe it is my fault on why are you acting like that? dahil pinupush kita kasi hanggang ngayon masakit pa. hindi ko na alam.

 

bago mo pa makita ang mga luha na nangingilid sa aking mga mata, nagmadali na akong pumasok sa bathroom. dito na lang ako iiyak pero sana wag mo na lang pansinin kung may marinig ka pa. ayaw kong maawa ka pa, ayaw kong titignan mo lang ako dahil nakokonsensya ka kahit wala ka namang ginawang mali. 


 

*

 

mga 8 pm na ng makarating si seulgi at si joy, hindi raw makakapunta yung tatlo dahil nasa team building. nagmessage rin kanina sa akin si irene, humihingi ng sorry kasi hindi sya makakapunta especially now na birthday ko. meron pa syang pahabol na ‘magdadate na lang tayo pagkabalik ko.’ 

 

parang sira.

 

“asan na si jennie?” narinig ko mula sa sala yung boses ni seulgi kaya dali dali ko syang pinuntahan at nang makita ako ni seulgi, excited nyang itinaas yung cake na mukhang bitbit nya papunta dito. may halong pagtataka sa mukha mo nung makita mo yung ginagawa ni seulgi sa cake. nakalimutan mo ba? 

 

“eto cake para sa birthday girl!” bago nya iniabot yung cake sa akin, she gave me a quick hug. hindi ko narinig ang paggreet sa akin ni seul, dahil mas nakita ko yung pagtakip mo ng kamay sa bibig mo at ang pagkabigla mo nung naalala mong birthday ko. 

 

sabi ko nga, hindi na dapat ako nag expect. 

 

“yep. happy birthday to me. thanks, seul.”

 

nararamdaman ko na naman yung pag iinit ng mga mata ko at yung paunti unti pamumuo ng luha na konti na lang ay tutulo na. buti na lamang ay nag excuse na ako na naiwan ko yung phone ko sa sala.

 

ramdam ko ang tingin mo sa akin and i’ve noticed how you are itching to follow me sa sala, pero please don’t. hindi na pwedeng ako ang mauna sa susundan mo. okay lang ako, jisoo. kaya ko to.

 

bago pa man ako makarating sa sala, hinatak na ako ni chaeng at binalot sa kanyang yakap. 

 

"sorry, jen." 

 

naramdaman ko rin na sumali sa pagkakayakap namin si lisa. napagitnaan ako ng mga malalaking bulas na to.

 

"okay ka pa? okay lang samin kung uuwi ka na. ihahatid ka ni lisa." 

 

"baket ako?!" 

 

"ikaw may kotse!" 

 

"marunong ka naman magdrive!" 

 

"inuutusan mo ko, babe?" 

 

"oo, babe!" 

 

hindi ko na napigilang mapatawa sa nangyayari dahil habang patuloy sila sa kanilang mini bangayan, nakapalupot pa rin sa akin yung dalawa. 

 

"i'm fine, guys. and hindi ako uuwi no sayang ang pagkaladkad nyo sa akin." 

 

"pwede ka pa rin naman namin kaladkarin pabalik sa inyo." pang aasar ni lisa.

 

"edi sige." kumalas ako sa pagkakayakap nila sakin tapos hinabol nila ako nung makita nilang papaakyat na ako. 

 

"joke lang kasi!" 

 

nakasalubong namin na pababa yung parents ni lisa. aalis pala sila at samin iiwan ang bahay hanggang bukas. bilin pa nila na pakialagaan ang bahay dahil bukas pa sila babalik. after malaman yon ni lisa, dali dali na nyang kinuha yung mga liquors na binili pala nila ni chaeyoung kahapon.

 

"set up kayo dyan ng papanoorin. i don't know kayo na magdecide dyan, halo lang kami drinks. tara, seul!" 

 

hindi pa nga umu-oo si seulgi pero hatak hatak na sya ni lisa patungong kitchen.

 

"enjoy ka muna dyan, aro." 

 

kala mo naman sobrang layo ng pupuntahan, pero sa kabila ng pagkairita ko nakita ko ang lawak ng ngiti mo para sa kanya. nakita ko kung pano mo sya tignan, tulad ng pagtingin mo sa akin dati na tinakbuhan ko lamang. 

 

tama na, jen. huli ka na.

 

nahuli mo akong nakatingin sayo, hindi na ako nagtago. hindi ko na iniwas ang tingin ko sayo. i need to do this para matanggap ko na yung mga regrets na hanggang ngayon nilalamon ako. 

 

binigyan mo ako ng isang malungkot na ngiti. oo alam ko, jisoo. sayang tayo. 

 

bawi ako next time. 


 

*

 

lisa and seulgi were finally done mixing the drinks kaso nagulat kami na sa cooler nila hinalo lahat ng drinks. then, seulgi explained na may napanood syang video about sa college parties and how they mix their drinks sa cooler, something pa raw na they were adding gummies and fruits sa drinks which is luckily meron sila lisa sa kitchen.

 

wait, fruits??

 

"wait, may mango ba kayong nilagay? jisoo—" 

 

"—doesn't like that, yep. buti na lang walang mango sa kitchen so you can drink ng fruit punch, aro." 

 

napakamot na lang ng ulo si lisa naging usapan at hinatak na lang sya ni chaeng paupo. 

 

"ano, start ko na iplay to ah." hindi na kami hinantay pa at pinlay na yung movie.

 

harry potter series ang naisipan namin panoorin para tuloy tuloy yung film. tutal gusto rin daw ni jisoo mag rewatch ng hp dahil kinaadikan ito ngayon ni seul. so we let them, kahit na gustong gusto ni chaeng manood ng white chicks while gusto ko manood ng la casa de papel. 

 

"we're watching harry potter? nice!" pagkakita pa lang ni seulgi ng warnerbros logo ay agad na hinatak ka paupo at sumiksik sa tabi mo. oh, umakbay pa.

 

"oh titingin pa eh." pabulong na kantyaw ni lisa at hinatak na rin ako pababa.

 

nawala yung attention ko sa panonood, siguro ay dahil andyan ka lang malapit sa akin. gusto kong makita kung pareho pa rin ba ang mga reaction mo dati nung napanood natin ito kaso nakita ko how happy you are explaining the scenes na hindi maintindihan ni seulgi. 

 

iniwas ko na ang tingin sayo at binaling muli ang atensyon sa palabas. 




 

"how about hp? from the start or goblet of fire?" kanina pa ako nagbabrowse ng films sa laptop mo pero etong dalawa talaga yung umagaw ng atensyon ko. 

 

nandito ako ngayon sa kwarto mo, sabi mo kasi sasamahan daw nila tita yung brother mo something about sa check up kaya pinapunta mo ako rito. 

 

wala ka kasi kasama and you want cuddles. kaya heto nagmadali papunta dito at kinulong ka kagad sa yakap ko. inalok mo pa na magmovie marathon tayo ngayon at dito na ako matulog muna. 

 

"nakakatulugan mo eh." nilapag mo yung bowl ng popcorn sa bedside table mo bago mo ako dinaganan sa pagkakahiga.

 

sinusuklay suklay mo ang buhok ko at dinikit mo pa yung pisngi mo sa pisngi ko bago ko isiksik ang mukha mo sa may bandang leeg ko. 

 

"nagpalit ka perfume? ang fruity nito ah." nakikiliti ako sa ginagawa mo pero hinayaan lang kita.

 

"nope. pero i wasn't wearing one baka yung body wash yan." 

 

"bumili si tita ng bago? ang bango, ano brand?" mas lalo mo lang inamoy amoy yung leeg ko pati yung batok ko. 

 

"...sige tanong ko maya. alis na dyan gusto ko na magwatch." 

 

"don't act like you don't like it." nag iwan ka ng halik sa pisngi ko bago mo inalis ang pagkakadagan mo sa akin. "upo ka, para nasa lap natin yung lappy." 

 

oo na, eto na po. 

 

kaya gustong gusto ko panoorin yung hp, especially yung dalawang pinagpipilian ko ay dahil tuwang tuwa ka sa scene nung mga kiddie hermione and the two while your eyes seems to shine so bright pag may mga fight scenes na. you look so scared yet excited at the same time pag lumalabas si voldemort sa screen.

 

i just found myself looking only at you pag nanood tayo ng harry potter. 

 

ewan, siguro nawala na yung focus ko sa panonood at nilalaro ko na lang yung mga daliri mo. 

 

"jen?"

 

"hmm?"

 

"thoughts about ldr." 

 

"it's scary, i guess. i mean one should be really brave or maybe yung partners mismo need to be strong for that kind of set up." patuloy ko lang nilalaro ang iyong kamay, hindi ko na napansin na tumigil ka na pala sa panonood. 

 

"what do you mean?" 

 

"maybe my parents weren't strong enough to overcome yung longing. saka prone sa cheating issues yan eh, may mga narinig ako about dyan." tuluyan na kita hinila papalapit sa akin para yakapin ka. siniksik mo lang yung ulo mo sa may dibdib ko at tumugon din sa yakap.

 

"eh narinig mo lang naman yun. syempre except dun sa experience ng parents mo."

 

"i don't know. i don't really know, jisoo." hinalikan ko ang bumbunan mo.

 

"pano kung ako?" natigilan ako sa paghimas ng iyong buhok. hindi naman yata magandang biro yan. "...pano kung aalis ako." 

 

naramdaman mo siguro yung pagtigil ng ginagawa ko kaya hinigpitan mo ang pagkakayapos sa akin. 

 

"i don't want us to end up like my parents." 

 

bumalik sa akin yung mga panahong nakita kong unti unti nasisira si mom dahil lumalayo na si dad. halos ibang tao na ang nasa katawan ni mom dahil lang hindi na nya nakakayanan yung distansya nilang dalawa. 

 

yung mga panahong nalaman ko pa na may nakakasama na si dad doon, na muntik na ikabaliw ni mom at naglagi sa hospital. dumipende sya ng malala kay dad kaya ngayon kailangan sa gamot na sya dumipende. 

 

masyadong maraming binigay na pagmamahal si mom, dahil akala nya it was just a distance. akala nya enough na yon to keep the relationship, but dad failed her. habang napapabayaan na ni mom ang sarili nya at maski sarili nyang anak, nagpapakasaya si dad sa kinakasama nya. 

 

kaya hinding hindi ko makakalimutan yung sinabi ni dad kay mom na susustetuhan na lang daw nya kami pero wag na kaming umasa na uuwi pa sya.

 

tumulo na siguro ang luha ko dahil hawak hawak mo na yung mukha ko. umiiyak ka na rin, nagsosorry habang iniintindi mong unahing punasan ang pagtulo ng luha ko. 

 

hinawakan ko yung kamay mo na nasa pisngi ko at tinignan kita. 

 

"i'm sorry, jisoo. but i'm a coward." 

 

tuluyan ng naalis yung pagkakahawak mo sa akin, hindi ko na rin hinabol ang kamay mo. hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. 

 

"jen, please. can we at least try?" ayokong nakikitang nagmamakaawa ka pero eto ang nangyayari dahil sa kagagawan ko pa. 

 

"i don't want to ruin myself or be the reason why you'll ruin yourself in the process…" umupo na ko sa bed at aakmang tatayo kaso hinawakan mo yung laylayan ng shirt ko. naririnig ko yung pagmamakaawa mo. "...i'd rather have you as my friend, kesa mawala ka sa akin ng tuluyan." 

 

sabay ng pagkabitaw mo sa damit ko ay tuluyan na rin akong umalis sa bahay nyo. nalaman ko na lang na napaaga yung flight mo pa new zealand, dahil two days after ng huling usap natin ayun na pala yung alis nyo when it should be next month pa yung schedule. ganon ka ba kakating makalayo sa akin?

 

ayun na pala yung huli nating pag uusap and you never even let me keep in touch. 




 

nakatulog na yung dalawa kong katabi. inayos ko na yung pagkakahiga nila para hindi sila magkaron ng stiff neck later. 

 

tumayo na ako at i started picking up the cups and the chips na nakakalat sa paligid. tinabi ko na yung cooler sa kitchen, i can't believe na muntik na namin maubos yung fruit punch. patuloy lang ako sa pagliligpit ng mga kalat, nang bigla kang kumapit sa sleeves ko. 

 

"can we talk now?" 

 

"tapusin ko lang to. then sa labas tayo mag usap." 

 

tinanggal nya ang pagkakakapit sa akin then inayos yung pagkakahiga ni seulgi. inayos mo pa  yung buhok na nakaharang sa mukha nya at iniwanan ng halik sa noo bago tumayo at pumunta sa labas

 

tinuloy ko na lang yung pagkuha sa iba pang naiwang kalat sa sala bago tumungo na rin papunta sa iyo.

 

"musta?" you asked. 

 

"...i'll be fine." 

 

bago pa man kita  tanungin kung kumusta ka na ay agad mo na ako hinatak at niyakap. i totally malfunctioned kasi hindi ko alam kung yayakapin ba kita pabalik or i would just stay put and not do anything. 

 

mahigpit ang pagkakayapos mo sa akin at nakatuon yung noo mo sa shoulder ko. "namiss kita… and i'm sorry." 

 

tuluyan nang bumagsak ang luha ko na kanina ko pa tinago sayo. 

 

"h-hala. bakit ikaw yung nags'sorry? baliw ka ba?" pinipilit ko na lang ayusin yung boses ko para hindi mo marinig na nahihirapan akong magsalita dahil sa pag iyak ko. 

 

"no, i finally understand what you were trying to say that time. pero gusto ko lang humingi pa rin ng sorry." umalis ka na sa pagkakayakap mo, you already saw that i am crying kaya pinunasan mo na yung luha kong patuloy na bumabagsak.

 

"sorry kasi hinayaan kitang iblame yung sarili mo sa nangyari sa atin when i also took part of it. naggive up din ako, jen. and… and hindi lang ikaw ang may regrets sa atin. ako rin. i also have so many what ifs too.

 

but i've accepted it. masakit pero inunawa ko na, we both tried our best but it was not enough to make you and me stay. look! i am happy now. i finally found my sanctuary in seulgi. i hope you find yours too, jen. sobrang swerte ng mamahalin mo, naexperience ko yun eh." 

 

maaliwalas ang mukha mo, parang ang gaan gaan ng pakiramdam mo. halatang masaya ka na sa kung ano ang meron ka ngayon, sino ba naman ako para ikulong ka sa mga pangarap ko?

 

"will you ever forget about me?" minahal mo pa rin ba ako kahit nung nasa states ka?

 

hindi ko na kayang itanong pa yan para na akong bata sa tinanong ko, parang bata na nagtatanong kung iiwan ba ako at kung babalik ba sila. 

 

"of course not. you will always be the person i cherished first. ikaw ang nagturo sa akin about love and how to feel loved. ikaw yung nagpakita sa akin na it's normal to be scared, na it's okay to run away when everything is overwhelming. 

 

hindi ko makukwento si jisoo na walang jennie. you will always be a part of me, a part of my past.

it's just that iba na yung present and future, that is if you still want to be my friend."

 

wala na talaga. all i need now is to accept lahat ng naririnig kong ito. ito na yung closure na tinatakbuhan ko, naabutan na ako.

 

"i still love you, you know? pero i don't want to be the bad guy here. gusto ko lang malaman mo."

 

"i know, jen. i can feel it in your stares and even all the awkward moments earlier, aware ako. i loved you, you know that? hindi ako nagsisisi na minahal kita kasi i've learned, maybe there were some parts na may regrets din ako kasi we didn't worked out pero that's life i guess. sana hindi mo pagsisihan yung nangyari sa akin." 

 

"no, chu. what we had was beautiful, and i will forever treasure those moments with you. thank you. thank you for setting me free, chu. masakit pero i can manage, it will take time. 

 

sana lang makakabalik pa ako sa part na mag bestfriends tayo. pahantay ako ah."

 

"i can wait, jen. you are my best friend, always have been and always will be. just make sure you don't lose your way back to me again."

 

"one last hug?" alok ko sayo na dali dali ka namang tumalon papunta sa akin at hinigpitan ang pagkakayakap mo. 

 

"happy birthday, jennie." 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
1lovEy0u #1
Chapter 1: ang sakit
yujiverse
#2
Chapter 1: Hbd awit
icelean04
#3
Chapter 1: Grabe bday na bday ni Jennie sinasaktan mo otor HAHAHA birthday lang walang happy 😭
chomi5ever #4
Chapter 1: sakit ah. mukhang walang “happy” birthday jen.