Mo-Eh-Wa

Roundabout
Please Subscribe to read the full chapter

KAHAPON

"Seulgi!"

Napatigil si Seulgi sa kanyang paglalakad nang marinig niya na tinatawag ang kanyang pangalan. Lumingon siya sa kanyang kaliwa kung saan niya naririnig ang pagtawag at doon niya nakita ang kanyang mga matatalik na kaibigan, ngumiti siya at kinawayan ang mga ito. Dali dali naman pumaroon kay Seulgi ang kanyang mga kaibigan, at sa sandaling lunmapit sila, napansin ni Seulgi na kulang yata sila.

"Si Tzuyu?" tanong ni Seulgi kay Moonbyul

"May sakit daw si Sana bebe niya kaya ayun, absent daw muna siya." sagot ni Moonbyul habang nagpatuloy ang magkakaibigan sa paglalakad patungo sa classroom nila.

"Same Sana na nakwento niya na medyo... hmm malabo na?" nagtatakang tanong ni Wendy

"Ui wag kayong ganyan, best friend kaya ng bebe ni Jeong yang si Miss Sana." pang-aasar ni Lisa.

"Lisa alam mo di ko alam kung ikaw ba naging ka-emyu ni Mina o ako. Di ka maka-move on eh lagi na lang siya bukambibig mo." inirapan ni Jeongyeon si Lisa

"Oo mga pre respeto naman sa mga pinagtagpo ngunit hindi tinadhana!" panggagatong ni Byul.

"Tang ina niyo talaga mga bonak." napailing na lang si Jeongyeon Hindi mapigilan ni Seulgi na mapatawa sa exchange nilang magkakaibigan habang naglalakad.

Napapaisip din siya kung bakit ba ang tragic ng mga love story nilang magkakaibigan. Simula kay Moon Byulyi (alyas Moonbyul) na patuloy paring binabasted araw-araw ng senior na nililigawan niya (pero syempre, marupok si Byul kaya patuloy pa rin niyang nililigawan ang naturang senior). Si Yoo Jeongyeon na naging taga-comfort ni Myoui Mina nung mga panahon na in a relationship pa sa iba ang haponesa, hanggang sa nagbreak na lamang sila at naging ka-MU na si Jeong. Pero hindi nagtagal, itinigil din nila ang lahat nang umamin si Mina na na-in love siya sa kapitbahay nila na si Chaeyoung. No hard feelings naman at patuloy pa rin silang naging matalik na magkaibigan, even until now.

Si Lisa? Takot sa commitment pero nung panahon na ready na siya mag-commit doon sa babaeng nakilala niya sa club, turns out hindi ready mag-commit si said girl. Si Tzuyu naman, mukhang sa hiwalayan din mauuwi kahit na ayaw niya pa bitawan si Minatozaki Sana (ang best friend ni Mina). Pagdating naman kay Wendy, walang alam ang tropa tungkol sa buhay pag-ibig niya. Masyadong secretive ang tinaguriang nanay ng grupo pero alam nilang magkakaibigan na broken hearted ang dalaga, and out of respect hindi na lamang sila nagtangkang magtanong. Hinihintay na lamang nila ang panahon na ready na magkwento si Wendy.

Eh si Seulgi?

"Hi Ma'am Irene!" dali daling lumingon si Seulgi sa sandaling narinig niya ang pamilyar na pangalan.

My Goddess...

Kasalukuyang pinagkakagulahan at kinausap ngayon ng mga estudyante ang diyosa ng kanilang university na si Irene Bae. Ang pantsya ni Seulgi simula freshman year nila hanggang ngayong sophomore na sila. TA pa lamang noon si Irene ng unang siyang masilayan ni Seulgi. Unang segundo pa lamang ng paglapag ng tingin ni Seulgi kay Irene, tila ba umalis ang kaluluwa niya sa kanyang katawang lupa at muling nagbalik. Simula noon ay hindi na siya mawala sa isipan ni Seulgi. Si Irene ang naging muse ng dalaga kahit ano mang klaseng sining ang gawin niya - mapakanta, mapa-painting, o mapa nobela man.

At si Irene din ang dahil kung bakit kalunos-lunos ang buhay pag-ibig ng isang Kang Seulgi - kasi hindi sila pwede.

"Hi Baechu! Gwapo ba ako today?" bati ni Lisa

"Tumigil ka nga, Lisa! Ahem. Hello, Baechu!" pagsabat ni Moonbyul

"That's Ma'am Bae for you, Miss Manoban and Miss Moon. And too bad for you two, hindi ako interesado sa mga kiddie meal." inirapan ng pabiro ni Irene si Lisa at si Moonbyul

"Luh siya. Eh five years lang naman tanda mo, Ma'am?" pagsimangot ni Lisa

"Hm. Kahit na. Dorigom?" ibinaling ni Irene ang kanyang tingin kay Seulgi.

"Y-Yes po?" napatawa si Irene at ibang tropa sa uptight na pagsagot ng oso.

"Ako lang 'to, kalma. Anyway, 'wag mo hayaan na i-corrupt ka nung dalawa" 

"Hala Ma'am eh si Seul nga promotor namin!" angal ni Lisa

"Oo Ma'am 'lam niyo ba yang si Seul nung tinanong namin kung sino favorite actress eh si Riley Reid at si Alexis Texas daw." kwento ni Jeongyeon. Siniko ni Seulgi ang kaibigan bago pinanlisikan ng mata na tila ba sumesenyas na itigil na ang panglalaglag sa kanya.

"Hay nako napakapilya niyo talagang magkakaibigan. O'sya mauna na ako sa inyo, 'wag niyo kalimutan yung assignment niyo sa subject ko. Kahit pa minor yun di ako magdadalawang isip na ibagsak kayo should you all be tardy. Rigo, don't forget your library duty later ah?" at pagkatapos niya masambit yun, naglakad na papunta sa klase niya. Agad naman tiningnan ng magkakaibigan si Seulgi ng makalayo na ang professor nila.

"Seul, Dorigom and Rigo? Really?" unang atake ni Wendy sa kanya. Napapikit na lamang si Seul habang minamasahe ang kanyang noo, mukhang kailangan na niya magpaliwanag.

"Look, you all know na mukha raw akong oso and some even call me 'bear' and 'oso' right? Apparently the whole faculty ng department natin jumped into the bandwagon and started calling me that too, even Ma'am Bae. But Ma'am Bae thinks the 'bear' and 'oso' nicknames are overused."

"Kaya Dorigom at Rigo na lang ang itinatawag sa'yo?"

"Yep. Binaligtad na 'Gomdori' lang ang 'Dorigom', Korean word for teddy bear sabi nila. 'Rigo' is the shortened form" napangiti na lamang si Seulgi habang inaalala yung moment nila Irene sa library. Hindi matahimik ang professor hangga't hindi makahanap ng unique na itatawag sa long-time volunteer ng library.

"Seulgi... wag mo sana ako masamain ah?" tiningnan siya ng diretso ni Wendy na walang ekspresyon sa kanyang mukhang. Tila ba naramdaman ng iba nilang kaibigan ang seryosong aura na meron ang magiging usapan ng dalawa kaya wala silang ibang nagawa kung hindi mauna na lamang.

Heto na naman tayo...

"Kung ano man ang meron kayo ni Ma'am Bae, itigil niyo na. Wala yang magiging bunga, masasaktan ka lang. Forbidden love yan Seulgi, hindi pu-pwede."

"Wendy... buti sana kung meron eh, kaso wala. That one time na I decided to fall in love, sa taong hindi pa kaya masuklian kung ano man ang pagmamahal na kaya kong ibigay... sa tao na kailanman hindi ko pwede ipa-alam kung ano man ang nararamdaman ko. And it ing hurts kasi hindi pa man nagsisimula, tapos na agad." walang buhay na sagot ni Seulgi habang nakangiti. Walang nagawa si Wendy kung yakapin na lamang ang matalik na kaibigan. 

Kung alam mo lang Seulgi... Parehas tayo ng situasyon... Kaya I'm sorry for doing this, ayoko lang na masaktan ka.

==========

"Dorigomdori, I want to borrow this book." ipinakita ni Irene ang libro kay Seulgi

Kasalukuyang nasa library si Seulgi para mag-volunteer. Ilang buwan na rin ang nakakaaran simula nang magpasya siyang mag-volunteer twice a week sa library ng university sa kadahilanan na gusto ni Seulgi na napapalibutan siya ng libro. Kahit medyo nakakapagod lalo na kapag exam week, di alintana ni Seulgi ang dalawang oras na pagvo-volunteer.

"Sige po, Ma'am Bae. Since medyo makapal naman yang libro at hindi naman in demand, kahit po one month magtagal yan sa inyo."

"Salamat, nabasa mo na ba 'to?"

Colorless Tsukuru Tazaki and His Years of Pilgrimage... Hindi ko lang yan basta basta nabasa Irene, halos imememorya ko na yan. 

"Opo, Ma'am. Paboritong libro ko nga po yan eh." kuminang ang mga mata ni Irene sa narinig niya, pero palaisipan kay Seulgi kung bakit.

"Spoil mo ending sa'kin dali!" 

"Sure ka, Ma'a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
heesica10 #1
update plsss
heesica10 #2
Chapter 4: team jiseul!!!!
Taerenebiased
#3
Chapter 4: waiting with respect sa update. hahaha fightingg authornim !!!
vanillacookiescream
#4
ay shet domestic na kanojo???? ang tanong!! rui o hina HAHAHA. support ko to fighting!
nikuzumi #5
Chapter 3: Author-nim I tot may update huhu.
zimzalabim- #6
suskorold sa description pa lang excited na ako haha
Taerenebiased
#7
Chapter 3: HALAAAA. imagine being step sisters with your pers lab tapos step sister mo din ang NAKA ONE NIGHT STAND MO wow. such a smol smol world loool. goodluck Dorigomskie kaya mo yan. nice onee author-nim <33
Taerenebiased
#8
Chapter 2: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1447871/2'>Mo-Eh-Wa</a></span>
Galing ni author-nim. looking forward sa next chaps
PineappleSeulgi
#9
Omg!! I've always liked Domestic Girlfriend. Wahhhh!!
HyunSeulYerm #10
Chapter 3: Otornim wala bang rated M chap diyan?